Share

Chapter Three : Silent Goodbye

Maaga akong gumising para paglutuan si Lola ng suman. Ginising kasi niya ako kaninang madaling araw dahil gusto niya kumain ngayon ng suman dahil matagal na siyang hindi nakakain n'un. Syempre hindi ko pwedeng tanggihan iyon, nami-miss ko ring kumain ng suman. 

Nasa iisang kwarto lang kasi kami ni Lola. Bali dalawang kama ang nandon, sa akin at sa kanya. Mas madali kasing maalagaan ko si Lola kung nasa iisang kwarto lang kami at para na rin hindi siya ma-bored tsaka may kachikahan rin siya.

Nang matapos kung lutuin ang suman ay napag-desisyon akong, ako na lang ang magluto ng agahan nila Tita. Nakita kung papasok si Tita sa kusina kaya tinimplahan ko kaagad ito ng kape at nagpasalamat din naman ito.

"Ihja." Agad akong napatingin kay Tita ng tinawag niya ako. Nakatalikod kasi ako habang nagluluto.

"Bakit ho Tita?"

Kita kung nagdadalawang isip itong sabihin ba o hindi. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Balak sana namin dalhin si Mama sa Amerika para sa treatment niya... naawa din kasi ako sa asawa ko dahil laging buma-biyahe para makita lang ako. Nandon kasi lahat ang negosyo namin..." Agad naman akong natigilan sa sinabi niya. "Gusto ko sanang dalhin ka din don... Kung papayag ka..."

"T-tita medyo malayo po ang Amerika..."

Ningitian niya naman ako. "Hindi naman kita pinipilit. Ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa pagbabantay ni Mama. Alam ko namang ayaw mong pumunta sa medyong malayong lugar para tuluyang malayo sa pamilya mo."

Napayuko naman ako sa sinabi niya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko naman sinabing mawawalan ka ng trabaho pag pupunta kami don. May kakilala akong kaibigan ni Di na naghahanap ng tagabantay sa apo niya. Malaki rin ang kikitain mo don," dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at tumango. 

Parang magi-guilty ako kung hindi ako sasama sa kanila para bantayan si Lola. Ayaw ko naman kasing malayo kina Nanay... Medyo malayo ang Amerika...

Sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok don si Tito. Agad naman itong lumapit kay tita para halikan ang pisngi nito.

"Good morning po," bati ko tsaka bumati naman ito pabalik.

"Kakarating mo lang dito?" Takang tanong ni Tita sa kanya. Tumango naman si Tito at tsaka umupo.

"Dumiretso na ako dito para makita naman makita kita," anito tsaka nakita ko pang kinindatan si Tita. Kita ko namang namumula ang pisngi nito at nag-iwas tingin.

Mukhang na third wheel ako ngayon ah. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Tita, gigisingin ko lang muna si Lola," aniko at nagpaalam. Para naman ang time sila sa isa't isa ni Tito, mukhang nami-miss din nila ang isa't-isa.

Ngumiti akong pumasok sa kwarto namin ni Lola at nakikita ko itong mahimbing na natutulog. Kahit may ka-edaran na siya kita mo pa rin ang ganda ng mukha niya.

"Lola... gising na..." May paglambing na boses ko.

"Kanina ko pa natapos ang ni-request niyong suman, lola. Nakita ko pang kinain pa ni Tita ang isa don. Baka maubos 'yon." Natatawa kung sabi.

"Lola gising na kailangan niyo ring uminom ng gamot." Aniko pero hindi pa rin ito gumising kaya nagsimula na akong kinabahan.

"Lola? Gising na ho. Kailangan niyo na pong kumain..." Dahan-dahan ko itong niyugyog kaso hindi pa rin.

Kinabahan na ako kaya naramdaman ko nang may namumuong luha sa mga mata ko.

"Lola? G-gising ho..."

Mas nilakasan ko ang pagyugyog nito kaso hindi talaga gumising. Dali-dali kung hinawakan ang kamay nito, agad kung naramdaman ang lamig ng kamay niya dahilan napasigaw ako ng malakas.

Inilapit ko ang pisngi ko sa ilong niya kaso wala akong naramdamang hangin na lumabas rito. Inilapit ko rin ang tainga ko sa dibdib niya para pakinggan ang tibok ng puso nito.

Pero wala akong naririnig...

Malakas akong umiyak papatakbo papunta sa kusina. Nakita kung agad tumayo si Tita at lumapit sa 'kin.

"T-tita..."

Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pilit na pinaharap sa kanya. "B-bakit ka umiyak?" Naramdaman kung kabadong tono nito.

"Anong nangyari sayo Ihja?" Nag-alalang tanong ni Tito sa 'kin. Napayuko akong umiling.

"S-si Lola..." Mahinang sambit ko.

Naramdaman ko nalang tuluyang nabagsak ang kamay ni Tita sa balikat ko at walang pasabi-sabing tumakbo papunta sa kwarto namin ni Lola. Agad namang siyang sinundan ni Tito. 

Hindi ko mapigilang mapaluhod sa sahig dahil sa nangyari. Naramdaman ko naman na inalalayan ako ni Nay Ben, ang mayordoma rito at tuluyan akong niyakap. Lahat ng katulong, at trabahante na nagtatrabaho dito ay nagsimula ng nagsiiyakan. Mukhang alam na nila ang nangyari. 

Pinunasan ko ang luha ko tsaka kaming lahat ay pumunta sa kwarto para makita si Lola...

Mas lalong lumakas ang iyak ko nang rinig na rinig ko na ang sigaw ni Tita habang palaging isinisigaw ang mama niya...

Bakit Lola? Kakakilala lang natin eh... Umalis ka na kaagad...

"M-mama! Gumising ka! M-maawa ka naman oh... Maaa! Iniwan na nga ako ni P-papa tapos ikaw naman?! Mama! M-maawa ka s-sa 'kin..."

"Hon..." Pakalma ni Tito sa kay Tita ay niyakap ito ng mahigpit. 

Napayuko ako at nagsimula ng humikbi. Niyakap ako ni Nay Ben at umiyak sa balikat niya. Rinig ko rin ang iyak nito at mga kasamahan namin.

Himiwalay ako sa yakap at dahan-dahang lumapit kay lola at hinawakan ang buhok nito tsaka ningitian. Makasama mo na ang pinakamamahal mong tao lola... Alagaan mo ang sarili mo dyan at sa asawa mo, ipapakilala mo nalang ako sa kanya...

Kinalma ko ang sarili ko at naluluhang ningitian si Lola.

Lahat kami napatingin sa pinto ng nakita namin si Genesis, mukhang dali-dali itong tumakbo papunta rito. Agad akong pumunta sa gilid dahil agad itong lumapit kay lola at hinawakan ang balikat nito.

"Lola? Wake up!" Aniya at tinapik kaunti ang pisngi nito.

"Lola! wake up! I said wake up!" Sigaw nito dahilan napayuko ako. Lumapit naman sa kanya si Tito at hinawakan ang balikat nito.

"Son–"

"Shut up Dad!" Galit nitong binalikwas ang kamay ng ama at pilit ulit ginising si Lola.

"Wake up Lola! please... I'm begging you..." Pagmamakaawa nito.

"Lola!"

"Hindi ka pwedeng umalis lola!" Sigaw nito at niyugyog ang balikat ni Lola.

"Anak..." Naluluhang sabi ni Tita sa kanya. 

Nagsimula ng tumulo ang luha ni Genesis at pilit pa rin ginising si Lola. Lumapit si Tita at Tito sa kanya para patahanin ito.

"M-mom..." Mahinang sambit ni Genesis at humarap kay Tita. Dahan-dahan naman itong niyakap ni Tita at tuluyan itong umiyak ng malakas. Mas lalong lumakas ang iyakan ng sumulpot si Luca sa kwarto at nakita si Lola na hindi na gumising. Nagsimula na itong magwala sa loob at pilit naman itong pinakalma nila Tita. 

Walang ibang narinig ko kundi iyakan at sigaw na lang dahil sa pagkawala ni Lola sa araw ngayon.

KINUHA KO ANG pagkain na nasa lamesa para dahil sa sala. Pangatlong araw na ang nakalipas simula nung nawala na si Lola kaya ngayon dumadami rin ang bumisita para makadalaw sa kanya. Agad akong umalis sa sala pag may naririnig akong umiiyak lalo 'yong mga kaibigan ni Lola. 

Lima silang magkaibigan at siya ang unang umalis sa grupo nila.

Ayaw ko nang umiyak.

Kumuha na rin ako ng tissue para sa ibang bisita at agad nilagay 'yon sa lamesa tsaka umalis na kaagad. Pumunta ako sa hardin kung saan nakita ko si Sir Genesis don na tulala lang habang may hawak itong alak sa kabilang kamay niya.

"Sir Genesis?"

Pero hindi niya man lang ako binalingan ng tingin.

"Sir pasok na po kayo malamig na dito..." Mahinahong sabi ko pero hindi pa rin niya ako kinibo. Bumuntong-hininga ako bago tumalikod pero narinig ko nalang rito nagsalita.

"Tres."

Agad naman itong binalingan ng tingin. 

"Ho?"

"Sit here. May sasabihin ako," aniya kaya tumango ako at umupo sa upuang kaharap niya.

"Ano po?"

"Bakit ayaw mong sumama sa 'min sa Amerika?" Sabay niya akong tinignan kaya yumuko ako at dahan-dahang umiling.

"M-medyo malayo po ang Amerika... M-may pamilya pa akong p-palaging bibisitahin..." Paliwang ko.

"Sa Amerika ililibing si Lola."

Tumango naman ako. Sinabi iyon ni Tita sa 'kin kahapon. Mas mabuti nga 'yon para naman palagi nilang mabibisita si Lola roon kaysa naman palagi pa silang umuuwi lalo nang marami silang problema sa companya nila.

"C-can you just come along?" Bahagyang napatingin ako sa kanya. Pero agad naman itong nag-iwas. Sasagot na sana ako pero inunahan niya kaagad ako. 

"Nevermind," anito at tumayo na. "Bumalik na tayo sa loob," sabi nito at iniwan ako. 

Kung papayag ako na sasama wala naman akong ibang gagawin don. Bumuntong-hininga ako bago tumayo.

Sumunod naman kaagad ako sa kanya sa loob. Napatingin ako sa orasan madaling araw na pala, kaya medyo kaunti na lang ang mga bisita dito. Napatingin ako sa harap ng sala kung saan nandoon nakahiga ng matiwasay si Lola. May kaedarang lalaki ang nakatingin ron habang nakayuko, napansin kung pinunasan nito ang pisngi ito. Napatingin naman ito kaagad sa gawi ko at seryoso akong tinignan. Yumuko naman ako kaunti at pilit itong ningitian, tanging tango lang ang ibinigay nito.

Nakakatakot siya...

Nakita kung lumapit si Tita sa kanya at niyakap. Maya-mayang pag-uusap nila ay nakita ako ni Tita at sinenyasan na lumapit sa kanila. Bumati naman ako kaagad.

"Tres, si Mr. Stefano, siya 'yung sinasabi kung kaibigan ni Di. Pag-aalis na kami ikaw na ang magbabantay sa mga apo niya," ani ni Tita at tumango ako. Nakipag-kamay naman ako kay Mr. Stefano at tinanggap din naman ito. Narinig ko pang napatawa si Tita dahil nakita niya akong napalunok.

"Tres, 'wag kang matakot. Mabait na tao si Mr. Stefano medyo nakakatakot lang talaga ang mukha niya," natatawang sabi ni Tita at inirapan lang ito ni Mr. Stefano.

"Ah-h pasensya na po..."

"Nice meeting you Ihja, sigurado akong matutuwa ang mga apo ko sayo," Anito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status