“Mom, where are we going?” tanong ni Axciel ng makapasok kaagad ito sa passenger seat. Galit namang tinignan ni Tres ang anak at tumingin sa likod. Nakita naman kaagad ni Axciel si Ching na nakangisi ng mapang-asar sa kay Axciel at palihim na binelatan.“Why are you here?!” inis na tanong ni Axciel dito. Inirapan naman ito ni Ching at pinag krus ang dalawang braso. Ginagaya gaya pa nito ang tanong at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi mo sinama si Ching kahapon sa lunch?” may halong galit na tono ni Tres. Sumama naman ang mukha ni Axciel. “She’s the one who didn’t come!”Tumaas naman kaagad ang kilay ni Ching. “Malamang! Binantaan mo akong sasabunutan mo ako!” singit nito. Kinuha pa nito ang cellphone at binuksan ang recorder. “Oh ito may ebidensya ako! Ni record ko kaya ang conversation natin!” pli-nay naman ito.“Nagpapaturo lang naman ako ng math eh! Bukas na kasi ipapasa.” Rinig nila sa record nito.“No! Ano bang ginawa mo habang tinuturuan kayo ng guro niyo, ha?!”“Nakinig!
Hindi ko mapigilan napapikit sa mga mata ko ng nakita ang pinapahanap ko kahapon at ngayon lang dumating. I looked at my secretary and gave him a glare. Agad rumehistro ang kabadong mukha nito dahil sa ginawa ko.Nagpakawala ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili dahil baka may magawa akong masama dito."I told you na hahanapin mo kaagad ito. You were supposed to give this to me yesterday!"Nakita ko itong napaigtad sa sigaw ko. "S-sir, wala ka ho d-dito kahapon. S-sinabi sa 'kin ni Saine na umuwi ka ng maaga k-kahapon—""Edi hatid mo sa bahay!" Putol ko dito.Nakita ko itong napayuko sa sinabi ko. Binato ko naman sa kanya ang mga papelis at nagkalat iyon sa sahig."Gave it to Saine. Sumama ka sa kanya. Kayo ang gagawa niyan and give that to me after as soon as possible! Ayaw kung trabahuin iyan dahil sunod sunod na ang schedule ko sa meeting!""Y-yes sir.""Now, get out!" Sigaw ko. Dali dali naman itong lumabas at napabuga ako ng hangin dahil sa inis na naramdaman.Unang bes
Napasapo ako sa noo ko ng napatingin sa batang lalaki na may buhat-buhat itong bata. Inosente naman itong napatingin sa ‘kin.“Sir, si Ate Tres ho ba okay lang? Pwede niyo po ba akong dalhin sa kanya? Gusto ko lang tingnan ang kalagayan niya, kung pwede lang. Nagmamakaawa po ako.”“Sino ‘yan?” tukoy ko sa batang babaeng buhat niya.Nasaan ba ang mga magulang nila? Kaano ano sila ni sa babaeng iyon? “Kapatid ko ho. Si Sabrina at ako naman ho si Sebastian.” naramdaman ko na lang ang saya ng boses nito habang binigkas ang pangalan niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.“Let’s go. Sumama kayo sa bahay. Sa bahay na lang kayo maghihintay kay T-tres. Kung okay ang sa ‘yo.” Dali dali naman itong tumango sa sinabi ko. Agad ko namang binuksan ang sasakyan at pinapasok kaagad. Napansin kung gaano niya ka alaga sa kapatid niya. Narinig ko pa itong ma binulong sa kapatid na para bang pinatahan.Nang makarating kami sa mansyon ay aga ko silang pinababa at ipinabantay ni Sawyer. Kita ko n
Gabi na akong matapos mag impake ng mga gamit ko at sa mga bata. Nasa kwarto lahat ang mga maleta. Napatingin ako sa oras at alas kaka three lang ng umaga. Alam kung maagang aalis si Tres para umuwi sa probinsya nila. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa pag impake. Wala siyang alam na sasama kami sa kanya. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kanya dahil alam kung hindi ito papayag.Kaninang ala dos ko pa pina gising ang mga bata para hindi kami maiwan ni Tres. Dali dali akong pumunta sa kwarto ng mga bata ng nakita ko na si Tres na lumabas sa kwarto niya habang hatak hatak nito ang maleta. Nang makarating kami sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagdadalawang isip na pumasok sa sasakyan. Kita ko ang gulat na reaksyon niya habang sinundan kami ng tingin papasok sa sasakyan."Hindi ka pa sasakay?""H-ha?""Get in. Malayo pa ang ba-byahe natin." Aniko. Pinigilan kung mapangiti sa reaksyon niya. "B-bakit saan ba kayo pupunta?""Kung saan ka pupunta, d'on rin kami
Nakangiting tumingin si Axciel sa ama habang buhat buhat nila ang baboy para katayin mamaya. Sigurado akong iiyak ito mamaya."Daddy! I already have a pet!""Me too!""Me three!" Sabay-sabay nilang binuhat ang baboy at inilapit sa ama nila dahilan natigilan ang ama nila at nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa anak."What the—don't come near—what the heck Axciel! I said don't you dare come near me! Let go of that pig!" Sigaw nito sa tatlo at dali-daling tumakbo papunta sa 'kin sa likod para magtago.Agad naman din siyang tinawanan ng mga anak niya.Halos mapunit na ang damit ko dahil nakahawak ng ama nila. Hindi ko akalain na takot pala ang ama nila sa mga baboy.Tinignan ko naman ang tatlo na patawa-tawa pa ito. Nakita ko si Sebastian na kinuha ang isang biik at inilapit iyon ni Axciel kaya napatawa ito."Hoy mga dawending tikbalang 'wag niyong takutin ang ama niyo," saway ko sa tatlo agad naman itong sumimangot at binaba ang baboy na hawak nila.Pero agad namang lumapit ang tatl
Binuhat ko kaagad ang gamit ko papunta sa sala. Nakita ko kaagad sina Nanay at Tatay na kasama pa nito ang kapit bahay namin na nakatingin sa bintana namin na naluluha. Pati si Pareng Loloy at Nay Poring na malungkot na tinignan ako, agad napunta ang tingin nila sa maleta na dala-dala ko. Napaluha na lang ang lahat nang biglang umiyak si Ching tsaka agad naman 'yon sinundan ng tatlong batang lalaki na pinsan ko."Ate, b-balik ka po kaagad ha?" Panay punas naman nito sa pisngi habang humihikbi. Binitawan ko kaagad ang maletang dala ko at lumapit sa mga bata."Ching, 'wag ka ng umiyak uuwi naman ako pag-pasko eh, tsaka birthday ninyo..." at tinignan ko si Boy, Yokyok at As as. "...uuwi din ako pag-birthday ni Tatay," dugtongko.Agad naman itong tumango kaya niyakap ko ito hanggang sa nagyakapan naman kaming lahat. Napatingin kaagad ako sa pinto ng nakita ko si Dayan at Fey na hinihingal, mukhang kakagaling sa pagtakbo. Agad naman itong tumingin sa 'kin at naluluha na."Tres! Wag mo kam
"Good morning po Lola, kailangan niyo na pong kumain kaya tutulungan ko na po kayo umupo sa wheelchair niyo," masiglang sabi ko at tumango lang ito. Inalayan ko itong tumayo para maka-upo kaagad sa wheelchair tsaka dahan-dahan ko na itong tinulak papunta sa sala para makakain na. Kailangan pa kasing niyang uminom ng gamot.Naabutan namin si Tita na kumakain. Wala si Tito dahil maagang pumunta sa ibang bansa dahil may meeting daw. Kami na lang tatlo dito at ibang katulong. Tatlong araw ko ring hindi nakita si Genesis simula nung nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya para kunin ang folder nito.Bumati naman ako rito kaso hindi man lang ako pinansin. Mukhang galit ata eh. Teka, ba’t ko naman hinahanap ang lalaking iyon?"Sumabay ka nang kumain dito ihja," alok ni Tita kaya agad namang akong tumango. Ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Lola at narinig ko namang itong nagpasalamat.Sabay kaming napatingin kay Tita ng biglang tumunog ang cellphone nito."Excuse me, tumawag si Di
Maaga akong gumising para paglutuan si Lola ng suman. Ginising kasi niya ako kaninang madaling araw dahil gusto niya kumain ngayon ng suman dahil matagal na siyang hindi nakakain n'un. Syempre hindi ko pwedeng tanggihan iyon, nami-miss ko ring kumain ng suman. Nasa iisang kwarto lang kasi kami ni Lola. Bali dalawang kama ang nandon, sa akin at sa kanya. Mas madali kasing maalagaan ko si Lola kung nasa iisang kwarto lang kami at para na rin hindi siya ma-bored tsaka may kachikahan rin siya.Nang matapos kung lutuin ang suman ay napag-desisyon akong, ako na lang ang magluto ng agahan nila Tita. Nakita kung papasok si Tita sa kusina kaya tinimplahan ko kaagad ito ng kape at nagpasalamat din naman ito."Ihja." Agad akong napatingin kay Tita ng tinawag niya ako. Nakatalikod kasi ako habang nagluluto."Bakit ho Tita?"Kita kung nagdadalawang isip itong sabihin ba o hindi. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita."Balak sana namin dalhin si Mama sa Amerika para sa treatment niya... naaw