Share

Chapter One : Sudden Favor?

Binuhat ko kaagad ang gamit ko papunta sa sala. Nakita ko kaagad sina Nanay at Tatay na kasama pa nito ang kapit bahay namin na nakatingin sa bintana namin na naluluha. Pati si Pareng Loloy at Nay Poring na malungkot na tinignan ako, agad napunta ang tingin nila sa maleta na dala-dala ko. Napaluha na lang ang lahat nang biglang umiyak si Ching tsaka agad naman 'yon sinundan ng tatlong batang lalaki na pinsan ko.

"Ate, b-balik ka po kaagad ha?" Panay punas naman nito sa pisngi habang humihikbi. Binitawan ko kaagad ang maletang dala ko at lumapit sa mga bata.

"Ching, 'wag ka ng umiyak uuwi naman ako pag-pasko eh, tsaka birthday ninyo..." at tinignan ko si Boy, Yokyok at As as. "...uuwi din ako pag-birthday ni Tatay," dugtongko.

Agad naman itong tumango kaya niyakap ko ito hanggang sa nagyakapan naman kaming lahat. 

Napatingin kaagad ako sa pinto ng nakita ko si Dayan at Fey na hinihingal, mukhang kakagaling sa pagtakbo. Agad naman itong tumingin sa 'kin at naluluha na.

"Tres! Wag mo kaming iwan! Maawa ka!"

"Hindi ko kaya!"

"Tres! Please don't let us leave together with us please! Tres for sake!" napangiwi naman ako sa sinabi nito. Sumama naman kaagad ang mukha ko dahil sa pinagsasabi ng dalawa. 

"Yes! Yes! Don't ever come there–"

“Hoy tumahimik nga kayo! Kung ano-ano lang 'yong pinagsasabi niyo," putol ko pero hindi ako pinansin ng mga 'to. Sabay silang sumugod sa 'kin nang yakap at paluha-luha.

"Oa na kung oa! Wala kaming pakialam!"

"Oo nga!" Singit ni Dayan. Agad naman nitong tinignan si Nanay at nagmakaawa. "Nanay! Wag niyo pong paalisin si Tres! Ayaw ko pong si Fey ang number one beauty dito sa bayan natin!"

Natigilan naman ang isa tsaka sinamaan ng tingin. "Hoy Dayan! Hindi ko pwede palitan si Tres kahit umalis man siya!"

"Mabuti naman," Inirapan kaagad niya ito.

"Bitaw na nga kayo. Kailangan ko ng umalis," bumitaw naman kaagad ang dalawa sa sinabi ko. "Babalik naman ako rito kaya 'wag kayong umiyak. Ang pa-panget niyong tingnan eh."

Lumapit naman kaagad si Nanay at malungkot akong niyakap. "Pasensya kana anak ah? Kung may pera lang tayo 'di sana hindi kana kailangan lumayo papunta sa syudad at mag-trabaho."

"Nanay, paulit-ulit niyo naman 'yan sinabi eh. Wala namang problema sa 'kin 'yon," malambing na sabi ko.

"Nak, ang daming masasamang loob at mga manipuladong tao don kaya mag-ingat ka ha? Kung magkaroon ka man ng kaibigan, piliin mo 'yong hindi basogarela anak. Hindi–"

"Hindi naman masamang mamili ng kaibigan... Tatay paulit-ulit niyo rin 'yan sinabi sa 'kin." Pinutol ko kaagad ang sinabi niya.

Sabay kaming napatingin lahat kay Pareng Loloy ng bigla itong sumigaw. Lumabas pala siya.

"Tres! nasa labas na ang sasakyan. Kailangan na nating lumabas naghihintay na ang driver don." Anito.

Tumango naman kaagad ako at sabay kaming lumabas lahat. Si As as at Yokyok pa ang nagdala sa mga gamit ko tsaka binigay 'yon sa driver para ilagay sa sasakyan.

"Mag-ingat po kayo don ate," Wika ni Ching at niyakap ko ito. 

"Mag ingat ka don anak."

"Huwag masyadong gagala don nak ha? Dapat maalaga ka sa babantayan mo," bilin ni Nay Poring kaya agad akong tumango.

"Sge na Nay pasok na ako," nabalingan ko ng tingin ang dalawa kung kaibigan. "Goodbye mga chicksbalang, kita na lang tayo sa susunod."

"Chocolates ha, pagbalik mo." 

"Kahit Lux na sabon padala ka rito," napatawa tuloy ako sa sinabi ni Dayan.

"Anong 'kala mo sa 'kin maga-abroad?" 

"Tsk, pumasok ka na nga." 

"Sge na, paalam sa inyo! Nay! Tay! Aalis na kami. Kayo mga chikiting 'wag kayong pasaway ha?" Bilin ko rito at tuluyan ng pumasok sa sasakyan. Binaba ko ang salamin ng sasakyan at kumakaway habang papalayo na sa kanila.

Agad kung pinusan ang tumulong luha ko.

"Mahal mo talaga ang pamilya mo ihja no?" Biglang sabi nito Manong kaya tumango kaagad ako.

"Oo nga po manong, ngayon lang kasi ako nalayo sa kanila. Kailangan po kasi." 

"Bakit nga pala ihja? May problema ba sa pamilya niyo?"

"Ah, sinangla kasi namin ang lupa namin nung nagkasakit si Tatay. Hindi kasya ang perang ipon namin. Tsaka wala kaming ibang pwede pag-uutangan kaya kailangan na akong magtrabaho. Marami kasing mawawalan ng hanap buhay kung tuluyan 'yon mawala sa 'min," Paliwanag ko. 

Tumango naman ito at hindi na nagtanong pa. Apat na oras ang biyahe kaya natulog na lang ako. Hindi pwedeng nagc-cellphone ako baka ma lowbat pa tsaka tatawagan ko pa sila Nanay pag nakarating na ako ron.

Nagising na lang ako dahil naramdaman kung huminto ang sasakyan.

Traffic?

"Andami naman pong sasakyan dito Manong," biglang sabi ko dahilan napaigtad konti si Manong. 

"Nakakagulat ka ihja."

Napakamot tuloy ako sa batok ko. "Pasensya na po."

"Wala 'yon. Tsaka madami talagang sasakyan dito, malapit na rin tayo," Anito kaya tumango na rin ako.

Isang oras ay nakarating na kami sa kalakihang bahay. Dito na ba ako magt-trabaho? Mukhang marami atang nakatira rito. Nag huminto na sa sasakyan ay agad na akong bumaba. Si Manong ang kumuha sa mga gamit ko sa likod. Sabay kaming napatingin ng biglang may pumunta na babae sa gawi namin.

Ang ganda niya kahit may kaedaran na.

Ningitian niya naman kami.

"Ikaw ba si Tres?" Anito kaya ngumiting tumango ako sa tanong niya.

"Ikaw pala ang magbabantay ni Mama. Tara pasok na tayo sa loob nand'on na ang asawa ko."

"Sge po tutulungan ko muna si Manon–" pinutol naman kaagad ako ni manong.

"Nako, ako na dito ihja. Sumama ka nalang kay Ma'am," tanggi nito kaya tumango din ako at nagpasalamat. Nagpaalam muna kami bago tumalikod.

Sabay kaming pumasok sa bahay nila. Panay tingin ko sa paligid dahil ang ga-ganda ng mga design. May mga gamit na sobrang luma na, pero alam kung ang mamahal nun. Meron din kasing mga gamit na tinatago si Lola na hanggang ngayon ay tinago pa rin ni Nanay para hindi masira at minsan nakikita ko pa 'yon na nilalabas niya para linisin. Hindi niya kasi pinag-display sa bahay baka mahulog o masira, marami pa namang bata don sa 'min.

"Ang ganda ng bahay ni Ma'am..." Puri ko sa bahay nila.

Ngumiti naman ito. "Kay mama 'tong bahay, wala kaming bahay dito sa pinas."

Agad naman akong napatingin sa kanya. "Pero may bahay po kayo sa ibang bansa?" Tumango naman kaagad ito.

"Dito kami naninirahan para makasama din namin si Mama."

"Ang bait niyo pa lang anak." Napatawa naman ito kaunti. 

"Nga pala Ma'am ako nga pala si Tres Eunice Lazi," pakilala ko sa sarili ko.

"Nako matagal na kitang kilala ihja," aniya. "Wag mo na akong tawaging Ma'am, Tita Yuni na lang. Palagi ka ngang iki-nento ni Nay Poring mo. Alam mo naman isang 'yon sobrang daldal pagdating sa mga kamag-anak niya. Kaya nga natutuwa nga ako pag-makakasama ko 'yon. Nung kinontak niya ako na kailangan mo raw ng trabaho kaya hindi na ako nagdadalawang isip na tatangihan."

"Magkaibigan po kayo?" May halong gulat na tanong tsaka tumango naman ito.

"Magkababata kami ng Nay Poring mo. Naghiwalay lang kami ng nakilala ko ang asawa ko at naninirahan na sa France–oh ito na pala ang asawa ko." Sabay tingin nito sa likod ko at napatingin naman kaagad ako dito.

Napatulala ako dahil ang gwapo rin ng asawa niya.

"Hello po Sir!" Masiglang wika ko tsaka ningitian naman ako nito pabalik.

"Hon, si Tres. Siya 'ang magbabantay kay Mama," pakilala ni Tita sa 'kin.

"Nice meeting you Tres. You better go to Mama's room para naman magpakilala kayo," suhestiyon nito. 

Napangiti naman akong tumango sa sinabi niya. "Mas mabuti nga po 'yon."

Sabay kaming pumunta sa kwarto para ipakilala ako. Nang binuksan namin ang pinto ay bumungad kaagad sa 'min ang amoy na katulad na nasa ospital. Napatingin kaagad ako sa matandang babae na may kaedaran na talaga at mahina na. Agad naman itong napatingin sa aming gawi at ngumiti pa ito.

"Hello po..." Nakangiting bati ko. 

"Hello Ihja," binalingan naman nila kaagad ng tingin sila Tita. "Lumapit kayo dito baka akalain niyang may nakakahawang sakit ako rito." mahinang sabi nito pero kaagad naman kaming lumapit.

"Ako nga pala si Tres, mula ngayon ako na po ang magba-bantay sayo."

Dahan-dahan naman itong tumango sa sinabi ko, "Ang bait mong bata. Ikaw ba 'yong kamag-anak ni Poring?" anito kaya napatango ako. "Kaya pala ang bait mo."

Nahihiya naman akong napatawa. "Salamat po..."

Sabay kaming napatingin sa pinto ng narinig ang baretong boses nito habang tinawag si Tita.

"Mom, did you see my gray bag in Luca's room?" Malalim na tono nito.

Napatingin naman kaagad rito si Tita at umiling. "No son, puntahan mo na lang kaya siya sa kompanya niya?" suhestiyon nito at agad naman itong tumango. 

Nabaling ang tingin nito sa 'kin dahil napa-statwa ako sa kinatatayuan ko. Nakakunot naman ang noo nito habang ino-obserbahan ang sarili ko. Ang tangos ng ilong niya at halatang inaalagaan ang sariling kutis. Hindi ko mapigilan na tumitig sa mukha niya kahit nakakunot ang noo nito.

"Who are you?" takang tanong nito kaya nabalik ako sa wisyon.

"Ah-h hello po Sir, ako p-po si Tres..." pinigilan ko ang sarili ko na hindi mautal pero na-utal talaga ako.

Dahan-dahan naman itong tumango at bumati naman sa Lola niya saglit tsaka nagpaalam kaagad sa 'min dahil may ibang pupuntahan pa raw. 

Tsk, hindi man lang nagpakilala sa 'kin. Sungit.

Napatingin ako kay Lola ng bigla itong nagsalita. "Pasensyahan mo ng 'yong isang apo ko Ihja. Medyo masungit lang 'yon pero malambing naman isang 'yon pagdating sa pamilya niya," Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Si Genesis pala 'yon pero ang ugali pang impyerno pagdating sa hindi niya kilala," napatakip naman kaagad ako sa bibig para pigilan tumawa. Narinig ko rin na napatawa sila Tita dahil sa sinabi ni Lola.

Mukhang mahihirapan ako sa pagbabantay dito dahil sa lalaking 'yon ah.

Trabaho ang punta mo dito Tres, 'wag kang ano!

"Alam mo ihja, gusto kita para kay Genesi—"

"Mama, ayan ka na naman," singit ni Tita.

Tumaas naman ang kilay ni Lola habang nakatingin sa anak. "Yuni, baka nakalimutan mong wala na sa kalendaryo ang edad ni Genesis. Bigyan mo naman ako ng apo sa tuhod galing kay Genesis. Buti na lang meron kay Luca," anito at tumingin sa 'kin. Nag-iwas naman kaagad ako ng tingin dahil sa sinabi nito.

"Ma, si Genesis na ang mag-desisyon para sa sarili niya pagdating sa mga ganyan. Huwag na tayong mag-desisyon dyan," kalmang sabi nito.

"Sge sabi mo..." anito at tumalikod sa 'min.

Hala, mukhang nagtatampo si Lola. 

Napatingin naman sa 'kin si Tita. "Ikaw na bahala dito ah? kami na ang bahalang ilagay ang gamit mo sa kwarto mo."

Tumango naman ako. "Sge po, salamat ulit," aniko at nagpaalam naman itong lumabas na.

Kami na lang dalawa ni Lola sa kwarto, pero nagulat ako ng bigla itong bumangon para umupo at tinignan ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa inasta niya.

"Ihja?"

Napatunok muna ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. 

"P-po?" nautal kung sabi.

"Mukhang ikaw na ata ang makapagbigay ng anak sa isang apo ko..." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status