Share

Chapter Four : New Family

"Mag-ingat po kayo don Tita," wika ko sa kanya tsaka niyakap ito. Naluluha naman itong tumingin sa 'kin. Binigyan ko naman ito ng malungkot na ngiti.

"Mag-ingat ka rin dito Ihja, kung may oras kami bisitahin ka namin dito," singit ni Tito at ginulo ang buhok ko. Natatawa naman akong tumango tsaka niyakap sila isa-isa. Nagpaalam na ito at pumasok na sa eroplano. Agad akong tumingin sa likod ko nang nakita ko don si Sir Genesis na nakatayo habang hawak-hawak niya ang maleta niya.

Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil naka-shades ito eh.

"Tres..."

"S-sir." Hindi ko mapigilang mapautal.

Dahan-dahan naman itong lumapit sa 'kin at huminto sa harap ko kaya napa-atras ako kaunti.

A-ano bang ginagawa niya? 

"Goodbye." 

Napabagsak balikat tuloy ako sa sinabi niya. Nakailang hakbang lang ito palayo sa 'kin at huminto naman tsaka tinignan ulit ako. Dahan- dahan naman siyang humakbang pabalik sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko ng binitawan niya ang maleta niya at walang pasabing niyakap ako ng mahigpit. 

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Mag-ingat ka, hintayin mo 'ko." Anito. Naramdaman ko na lang ang labi nito sa noo ko tsaka binatawan na kaagad ako. Ningitian niya naman ako ng pilit habang tulala lang ako nakatingin sa kanya papalayo hanggang makapasok na sa private plane nila.

"Ma'am kailangan na po nating umalis."

Napatingin tuloy ako kay Kuya at wala sa sariling napatango. Tulala lang ako habang nasa sasakyan na.

Anong ibig niyang sabihin?

Bumuntong-hininga tuloy ako. Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano-ano. Ngayon pa naman ang first day ko sa pagbabantay ng mga apo ni Mr. Stefano. Pilit ko namang inalis ang sinabi ni Genesis sa 'kin dahil paulit-ulit iyon pumasok sa isipan ko.

Buti na lang naalala ko na magta-trabaho pa pala ako kaya hindi pwedeng tulala ako pagdating doon. Nagpakawala naman ako ng hininga. Tungkol sa babantayan ko mukhang mabait at hindi naman makulit si Mr. Stefano nung nag-usap kami kaya siguradong mababait at hindi makulit ang apo nito.

Ilang minuto rin ang biyahe at nakarating kami. Agad akong napanganga dahil sa laki ng bahay. Hindi 'to bahay eh mansion! Doble ang laki nito kaysa sa bahay nila Lola.

Gray at white ang mga pintura nito. Meron pang maraming mga bulaklak sa gilid at malaking fountain sa gitna. May mga malalaking puno din ng mga mangga ang nakita ko sa unahan. Hindi k mapigilang mapahanga habang nakatingin sa labas. Ni isang kalat wala akong nakikita, tapos may napansing akong nakatayong mga lalaking nakasuot na suit at palinga-linga.

Bakit ang dami nila?!

Baka anak ng presidente ang babantayan ko nito. 

"Ma'am andito na po tayo." Tango ang binigay ko kay manong at lumabas na.

Parang gusto kung tumalon o tatakbo dahil ang creepy ng mga lalaking nakita ko kanina. Nagsitakbuhan ito papalapit sa 'kin at pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ang gamit ko. Ang isa naman sa kanila ang may hawak na parang pamalo. 

Napatayo naman ako ng tuwid. Napapikit tuloy ako baka ipapalo 'yon sa 'kin.

Nang pag dilat ko ay parang tinapat lang 'yon sa katawan ko tsaka nilayo naman kaagad at sinenyasan nito ang kasama na okay.

Sabay kaming napatingin ng lumabas ang may katandaang babae tsaka nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa 'min. Agad naman nitong sinamaan ng tingin 'yong lalaking may hawak na pamalo.

"Sawyer! Hindi mo na kailangan gawin iyang body scanner na 'yan. Siya 'yong tig bantay sa mga bulilit," saway nito sa lalaki kaya agad akong napatingin dito. Agad naman nitong tinanggal ang mask na nasa mukha niya dahilan napatitig ako rito.

Ang gandang pagmumukha, pinagpala ng kalangitan.

"I just did my job, Nay Ema," baritong boses nito at tinignan ako kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Nakong bata ka! Sge na. Kayo na bahala sa gamit niya." Anito at tinignan ako ni Nay Ema. Binigyan niya naman ako ng pasensyang tingin. "Ihja sa loob ako magpakilala sayo, tara na. Sila na bahala magpasok sa gamit mo." Nakangiting sabi nito tsaka ngumiti naman akong tumango.

Sinundan ko naman siya hanggang tuluyan na kaming makapasok. Ang ganda! Panay tingin ko sa paligid. Parang nasa disney movie ako. 

"Dito umupo ka muna Ihja," aniya. "Berta, kumuha ka ng juice," Anito sa dumaan na babae.

"Sge po Nay," tsaka tumalikod. Binalingan niya naman kaagad ako ng tingin.

"Ihja, ako si Ema ang mayordoma rito sa bahay."

"Ako po si Tres Eunice Lazi, Nay Ema." Pakilala ko tsaka nilahad ko ang kamay. Masaya niya namang tinanggap ang kamay ko at ngumiti.

"Sinabi na sa 'kin ni Mr. Stefano ang tungkol sayo. Mabuti naman ay pumayag ka kaagad. Ang hirap kasing maghanap ng taga bantay sa mga batang 'yon."

Nakunot naman kaagad ang noo ko. "Nasaan po ang mga magulang nila?" 

Biglang na lang napabuntong hininga si Nay Ema dahil sa tanong ko.

"Yan nga eh, Ihja. Bata pa lang sila wala na silang ina, 'yong tatay naman nila ay palaging nasa trabaho at wala ng oras kasama sila. Naawa nga ako sa mga bata eh. Minsan nga sinabihan ni Mr. Stefano ang anak niya na maglaan naman ng oras sa mga apo niya pero wala talaga, minsan nga 'di 'yon umuuwi rito. Lalong tumatagal, lumalayo ang loob nila sa kanilang sariling ama, ang tigas kasi ng ulo ng ama nila," pag-alalang sabi nito.

Meron pa lang ganung magulang? Na mas unahin ang trabaho kaysa sa mga anak nila. 

Basta ang sa akin ngayon ay bantayan ang mga bata. Hindi na ako sasali sa mga problema nila, ang importante ngayon ay nandito na ako at gagawin ko ang lahat para naman maranasan ng mga bata ang salitang pagmamahal. Ako ang papalit sa mga magulang nila.

Sabay kaming napatingin ni Nay Ema ng may sigawan na narinig. Nakita namin ang isang bata na kasing edad lang ni Ching na tumatakbo papalapit sa 'min habang nanghingi ng tulong. Sumunod naman rito ang dalawa.

"Nay! Nay Ema!"

Natarantang sigaw nito, akala ko ay lalapit siya kay Nay Ema pero nang nakita niya ako ay bigla niya akong tinawag na mommy at pumunta sa likod ko para mag-tago. Napunta na lang ang tingin ko sa hagdan ng may nakita dalawang bata na sinigawan ako.

"Hey!" Turo ng isa.

"You! Who are you?!" Sumunod naman ang isa.

Nanlaki ang mata ko nang biglang tinutok ng dalawang bata ang baril-barilan na hawak nila at walang pasabing ipinutok 'yon sa 'kin! 

"Hoy! Hoy! Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ko tsaka pinoprotektahan ang batang nakatagong nasa likod ko. Hindi naman gaano kasakit pero kung sa bata 'yon ibabaril sigurado akong masakit 'yon!

"Why'd you look like our mom?! Get out!"

"Avyx! Wag kang lumapit sa kanya!"

Rinig kung sigaw ng mga to. Agad naman kung narinig na sinaway sila ni Nay Ema dahilan tumigil ito.

"Azriel! Axciel! Tama na 'yan!" Buti na lang tumigil ang mga 'to. Tinignan ko naman si Avyx, baka tinamaan ng bala—este bala ng toy gun. Mabuti na lang at okay lang ito tsaka takot itong tumingin sa dalawa.

Agad ko naman sinamaan ng tingin ang dalawa sa ginawa nila.

"You!" Biglang sabi nito. Bumagsak naman ang panga ko habang nakatingin sa kanila. Napaturo tuloy ako sa sarili ko dahil kung makatitig ang dalawa parang may kasalanan akong nagawa.

"Me?" tanong ko.

"You look like our mom," biglang sabi nito tsaka nagtataka naman akong tumingin sa kanila.

"Hindi ako ang nanay n'yo," Aniko dahilan agad naman nila akong tinutukan ng baril-barilan nila.

"If you're not our mom then get out!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Nako! Walang galang na bata! Mukhang mahihirapan akong pagtinuin ang mga batang 'to. Medyo okay-okay naman itong isa dahil mukhang linta kung makakapit sa hita ko. 

"Sge subukan niyo ako baka hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko," pananakot ko. Pero mukhang masama ata ang sinabi dahilan pinagbabaril kaagad ako.

Narinig kung panay sigaw ni Nay Ema sa kanila.

Panay mura ko rin sa isip ko dahil tumama ang bala nito sa utak ko. Jusko! Mukhang hindi na ata ako magtatagal dito kung may masapak kaagad akong isa sa kanila. Ayaw ko pong pumatol ng bata pero mukhang kailangan ko ng pumatol ng bata ngayon.

"Get out! You copycat!"

"Axciel! Axciel! Stop it! Masakit! Natamaan ako!" Rinig kung sigaw ni Avyx. Pero hindi pa rin tumigil ang kapatid nito. 

"Jusko kayong mga batang kayo! Tigilan niyo 'yan! Axciel! Azriel tama na 'yan! Berta! Tawagin mo si Sawyer! Bilisan mo! Bilis!" Sigaw ni Nay Ema habang pinipigilan ang mga 'to. Panay ilag din nito para hindi matamaan sa bala.

"Hoy! Hoy—aray! Mga put—gi niyo bata! Tigil!" Reklamo ko pero hindi pa rin ito nakinig.

Dali-dali akong lumapit sa throw pillow at binato 'yon isa-isa sa pagmumukha nila kaya ayon! 

Nabagsak!

Mukhang napalakas ata. Tumakbo ako palapit sa kanila at kinuha ang toy gun na nabitawan nila tsaka ako naman ang tumutok sa kanila. Kita kung natigilan sila sa ginawa ko tsaka tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Put your hand up, or I'll shoot you," seryoso kung sabi. Yan 'yong palagi kung sinabi ni As as pag naglaro kami ng baril-barilan. Lihim akong napangiti ng dahan-dahan itong tumayo at parang pusang itinaas ang dalawa nilang mga kamay sa ibabaw.

Binalingan ko ng tingin si Avyx. "Avyx, lumapit ka sa kapatid mo." Aniko tsaka sumunod naman kaagad ito. "Sge, umupo kayong tatlo sa sofa at mag-usap tayo." 

Agad ko naman binaba ang baril at nilagay 'yon sa harap nilang sofa. Tinaasan ko naman sila ng kilay at umupo sa harap.

"Kayong dalawang dawindeng tikbalang mag-sorry kayo sa kapatid mo," pero nag-iwas ito ng tingin kaya pa-simpleng hinawakan ko ang toy gun na nasa tabi ko.

"Sorry."

"Sorry."

"Hindi kayo sincero," aniko tsaka sabay silang tumingin sa kapatid at sincerong nanghingi ng tawad. Napabaling ang tingin ko kay Nay Ema na napangiting tumingin sa 'kin. Mukhang ngayon lang nakitang ganitong inasta ng mga batang 'to. Seninyasan ako ni Nay Ema na aalis muna at tango lang ang binigay ko rito.

Agad akong tumingin sa tatlo.

"Ako si Tres Eunice Lazi, simula ngayon ako ang magbabantay sayo? Naintindihan niyo ba?" Pakilala ko.

Nagpakilala naman sila sa 'kin. Triplets pala sila kaya medyo hawig silang tatlo.

"Anong itatawag namin sayo?" Medyo nagulat ako ng biglang bumait ang boses ni Axciel tsaka may pa ngiti-ngiti pa ito.

"Hindi ko alam. Kung anong gusto nyo 'yon na lang."

"Mommy?" Anito tumango naman ang dalawang kapatid nito. Wala naman akong magagawa kung 'yon ang gusto nilang itawag sa 'kin. Nagtataka naman ako na may binulong si Axciel kay Azriel dahilan ngumiti ito ng malaki.

Mukhang gusto talaga nila akong tawagig mommy.

"Sge kung 'yan ang gusto niyo. Basta 'wag kayong pasaway, okay ba?" Malambing na wika ko tsaka sabay silang tumango. 

Agad namang lumapit si Avyx para yakapin ako tsaka sumunod naman ang dalawa. 

Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng biglang tumawa ng malakas ang lintik na mga tikbalang tsaka tinutok sa 'kin ang toy gun na kinuha nila sa sofa!

"You're dead now." Nakangising sabi nito tsaka walang pasabi-sabing pinaputukan ako. Wala na akong magagawa kundi tumakbo at sumigaw, pero sinundan nila ako hanggang panay tawa nito! Mukhang nasisiyahan ata sila sa ginagawa nila! Gusto kung magmura ng malakas pero hindi pwede dahil minor pa ang mga tikbalang!

Akala ko nawalan na sila ng bala pero may kinuha itong bala sa bewang nila! Andaming bala! Tsaka pinuno ulit sa toy gun at sumugod ulit sa 'kin!

Wala na akong hangin sa kakatakbo! Pagod na ako! Ni-hindi pa ako nagsimulang magbantay. Jusko. Napahawak ako sa ulo ko nang may tumama ron. Gusto kung mag talon nang may nakita akong pumasok sa sala, si Sawyer! Dali-dali akong lumapit sa kanya at nag-tago sa likod niya kaya ayun! 

Siya ang nabaril!

"Hey!" Saway nito sa 'kin dahil ang higpit ng kapit ko sa damit niya.

"Pinagbabaril ako–"

Nagulat ako ng biglang yumuko si Sawyer habang hawak-hawak ang ano niya! Ano! Dahilan rin natamaan ako sa noo.

Dito na ata matatapos ang buhay ko dahil lang sa toy gun. Cause of death, natamaan ng bala ng toy gun. Nay, Tay kung maririnig niyo 'to. Salamat sa lahat. Mahal ko kayo.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status