"Relax okay? Ang pangit mong umiyak." Pabiro nito pero wala akong oras sabayan ang biro niya!"Sina Sebastian! K-kailangan ko silang hanapin!" Nag-alalang sabi ko sa kanya."Lalaki ba 'yan?" Kita ko pang dumilim ang paningin nito habang nakatingin sa 'kin. "Oo! Batang lalaki kasing edad lang ng nila Avyx. Si Sabrina, two or three years old! Please naman oh, hanapin mo ang dalawa, nangako akong babantayan ko sila..." natigilan naman ito sa sinabi ko tsaka nakunot ang noo."Siblings, right?" Tumango naman ako sa sinabi niya. Bumuntong-hininga ito at nagsalita. "Don't worry. Nasa mansion sila, kinuha ni Sawyer," aniya kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa pinto pumasok ang tatlo at agad nanlaki ang mata ng nakita ang hitsura kung umiyak. Galit naman nilang binalingan ang ama tsaka wala pa sabi-sabing tumakbo at pinagkarate ang ama nila."Ouch! Axciel!""Your making mommy cry again!" Sigaw ni Axciel sa ama."What? Hell no! Ouch!""You promised!""Liar!""I didn't do anything
"Pag di mo ibabalik 'yan tatawagin ko ang mga bata!" Pananakot ko pero ningisian niya lang ako. "Talaga?" "Oo!" "Tsk." Tumalon ako at pilit kinuha ang phone na nasa kanya. Hindi ko akalain sa pangatlong talon ko at kunin ko sa ang phone pero nadulas bigla ang kamay at napunta 'yon sa pisngi niya. Rinig na rinig ko tunog kung paano ko nasampal ang pisngi niya ng hindi sinasadya. Natigilan naman ito habang nakatagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko. "D-did you just slap me?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. "S-sir sorry... Ikaw naman kasi eh!" Paninisi ko. Mapakla naman itong tumawa at tinignan ako dahil sa sinabi ko. "Ako pa ang may kasalanan? Tandaan mo babae nasa pamamahay kita kaya wala kang karapan na sampalin ako." "Kasalanan mo talaga eh! Kung 'di mo binasag at 'di ka pakialamero, hindi kita aksidenting masampal!" Singal ko sa kanya. Sasagot na sana siya ng bigla kaming narinig na may tumikhim. Agad naman kaming napatingin rito. Nati
"Mommy?" Malamyang tawag ni Avyx sa 'kin. Nakunot naman noo ko na lumapit sa kanya tsaka hinawakan ang noo nito.Hindi naman mainit."I'm not sick, mommy.""Pero bakit ang tamlay mo?" Taka kung sabi. Hindi naman ito sumagot at yumakap lang sa 'kin.Ilang linggo ng nakalipas sinula n'ung lumabas ako sa hospital ay balik normal na ulit.Napatingin ako sa hagdan at nakita ko naman ang dalawang kapatid nito na matamlay ang pagmumukha. Kumunott naman ang noo ko nang lumapit din sila sa 'kin tsaka yumakap lang."Mag alas-siete pa nang umaga, ganyan na pagmumukha niyo?""Mommy...""Oh? Ano?" Sabay tinaasan ko ng kilay sa sinabi ni Avyx."Hindi ba tayo magp-party?" Anito kaya nagtataka ako."Party? Para saan?" Tanong ko. Nakita ko naman silang tatlo na sabay bumuntong hininga at hindi na nagsalita. Yumakap lang ito sa 'kin at ni-isa sa kanila ay 'di man lang nag-abalang magsabi kung anong nangyayari.Hindi ko mapigilang bumuntong hininga at tumayo. Umupo naman sa sofa at tatlo habang nakahara
Kaagad naman lumaki ang ngiti ko tsaka kinuha ang party hat na nasa ulo ko at lumapit kay Sir Damon."Sir Damon! Nakauwi ka na!" Nakangiting sabi ko.Bumati naman ang mga kalaro ng mga bata sa kanya. Pero agad silang napatawa nang pinasuot ko sa kanya ang party hat ko. Magsasalita na sana ito pero kaagad kung tinakpan ang bibig niya."Shhh, kumain ka muna bago magsalita," plastik kung ngiti. Alam ko namang magagalit ito ng walang paalam siya kanya. "...tara-tara hindi din ako kumakain kaya sabay na tayo!" Tinignan ko naman si Berta. "Berta! Ikaw muna papalit sa 'kin bilang mc ng mga bata!" Sigaw ko rito.Dali-dali naman siyang lumapit sa 'min at kinuha sa microphone ko. Napansin ko pa itong nag-iwas ng tingin kay Sir Damon.Kinaladkad ko naman si Sir Damon sa kusina kung nandon ang pagkain habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya."Sino ang mga bata na 'yon?" Agad na tanong nito habang nakakunot ang noo. Tinaasan ko naman kaagad ito ng kilay na para bang hindi makapaniwala.
"Oh? Sir Damon? Hindi po kayo papasok sa opisina?" Taka kung tanong ng nakita ko itong nakaupo sa sofa habang may binabasa sa laptop niya. Kakagising lang nito, eh tanghali na. Saglit niya naman akong binalingan at ibinalik kaagad ang tingin sa laptop niya."Sir?" Ulit ko kasi hindi ito sumagot!Lentek na among 'to. Sigurado naman akong hindi 'to bingi ah."No." Maikling sagot nito.Inikutan ko lang 'to ng mata at nagpatuloy lang sa paglalakad patungong kusina. Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta ng mahina. Sure naman akong matatamaan ang isa na 'andito pag kinanta ko 'to."Isang himala . . . nasa langit ba-""Naririnig kita." Rinig kung sabi nito kaya dali-dali kung inihakbang ang mga paa ko para makalayo kaagad sa kanya.Babarilin pa ako n'un.Wala lahat ang mga kasambahay rito dahil sabay-sabay nagsialisan-day off pala. Si Berta at Nay Ema ay wala rin kaya ako dapat ang magluluto ngayon. Wala namang ibang gagawa n'un kundi ako lang. Ang mga bata ay nasa swimming pool, naglalaro kas
"Sinong tinitingnan mo?" Bigla kung narinig ang boses ni Damon kaya agad akong napatingin sa kanya."Ah-h wala." Pagsisinungaling ko. Buti't tumango lang ito. Bubuhatin ko sana ang mga gamit ng mga bata pero may kumuha don."Nako ma'am kami na po bahala sa gamit niyo." Biglang sabi ni Manong. Apat na manong pala ang lumapit sa 'min ni hindi ko man lang napansin."Sge po manong salamat po." Magalang kung sabi.Hinawakan ko ang kamay ni Axciel at Azriel, habang si Damon naman ay nilagay muna si Sabrina sa baby carrier at hinawakan din niya ang kamay ni Sebastian at Avyx. Sabay-sabay kaming pumasok sa restaurant ng resort.Natigilan ako saglit ng meron palang kumakain dito at nabaling kaagad ang tingin nila sa amin.Andami nila!Pinauna ko naman si Damon at nasa likuran lang kaming tatlo.Bigla na lang binitawan ni Axciel at Azriel ang pagkakahawak ko sa kanila tsaka tumakbo papunta sa isang mesa."Tito Jayven!""Tito!" Tumakbo na rin si Avyx at lumapit na rin tito nila.Naiilang naman a
Alas singko pa ng umaga ay nagising na ako. Napatingin naman kaagad ako sa mga katabi ko nanatutulog pa. Kakagising ko lang, unang nakita ko si Damon na walang man lang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang malabatong tiyan nito.Nakapajama lang kasi ito. Kaming lahat din ay nakapajama.Family.Mahina ko namang sinampal ang pisngi ko para maiba naman ang tingin. Mukhang naabutan pa ang isang minuto ang pagtitig ko sa katawan niya.Dahan-dahan naman akong tumayo para hindi magising ang katabi ko na si Axciel at Avyx. Kinuha ko naman ang kumot na nasa gilid at kinumot sa dalawa. Inayos ko na rin ang kay Sebastian lalong-lalo na kay Damon.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng tinabunan ko ng kumot pati ang pagmumukha niya.Ayaw ko siyang tingnan. Baka hindi ko mamalayan na isang oras na pala akong nakatitig sa kanya.Dumeritso ako sa kusina at binuksan ang ilaw. Pagbukas ko sa reff ay puro alak at mineral water ang nakalagay don kaya hindi ko mapigilang mapanganga.Ano? Alak
"Kailan po kayo nakabalik Nay Ema?" Tanong ko rito. Nang nakarating kasi kami galing sa kasal ay si Berta lang ang nandito. Sinabi niya naman sa 'kin na hindi sila magkasama ni Nay Ema kasi inatake sa puso ang asawa ng anak niya. Kailangan din niya munang bantayan saglit."Kaninang madaling araw."Tumango naman ako at tinulungan na rin itong manghugas ng pinggan.Nasa labas ang mga bata, naglalaro. Sa susunod na buwan na pala ang pasukan. Kailangan ko rin silang tatanungin ko saan nila gustong pumasok. Tatanungin ko din sana si Damon sa bagay na 'yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin mula ng nakarating kami dito.Paggising ko sa umaga ay nasa trabaho na siya tapos tatanungin ko ang mga bata, alam na nilang nasa trabaho na ito dahil gigisingin raw sila ng kanilang ama at nagpapalam na pupunta na ito sa trabaho.Mas mabuti na nga 'yon.Pumasok si Berta sa kusina. Napatingin naman ito sa 'kin tsaka biglang ngumiti. Kumunot naman kaagad ang noo ko sa inasta niya."Tres."
Gabi na akong matapos mag impake ng mga gamit ko at sa mga bata. Nasa kwarto lahat ang mga maleta. Napatingin ako sa oras at alas kaka three lang ng umaga. Alam kung maagang aalis si Tres para umuwi sa probinsya nila. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa pag impake. Wala siyang alam na sasama kami sa kanya. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kanya dahil alam kung hindi ito papayag.Kaninang ala dos ko pa pina gising ang mga bata para hindi kami maiwan ni Tres. Dali dali akong pumunta sa kwarto ng mga bata ng nakita ko na si Tres na lumabas sa kwarto niya habang hatak hatak nito ang maleta. Nang makarating kami sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagdadalawang isip na pumasok sa sasakyan. Kita ko ang gulat na reaksyon niya habang sinundan kami ng tingin papasok sa sasakyan."Hindi ka pa sasakay?""H-ha?""Get in. Malayo pa ang ba-byahe natin." Aniko. Pinigilan kung mapangiti sa reaksyon niya. "B-bakit saan ba kayo pupunta?""Kung saan ka pupunta, d'on rin kami
Napasapo ako sa noo ko ng napatingin sa batang lalaki na may buhat-buhat itong bata. Inosente naman itong napatingin sa ‘kin.“Sir, si Ate Tres ho ba okay lang? Pwede niyo po ba akong dalhin sa kanya? Gusto ko lang tingnan ang kalagayan niya, kung pwede lang. Nagmamakaawa po ako.”“Sino ‘yan?” tukoy ko sa batang babaeng buhat niya.Nasaan ba ang mga magulang nila? Kaano ano sila ni sa babaeng iyon? “Kapatid ko ho. Si Sabrina at ako naman ho si Sebastian.” naramdaman ko na lang ang saya ng boses nito habang binigkas ang pangalan niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.“Let’s go. Sumama kayo sa bahay. Sa bahay na lang kayo maghihintay kay T-tres. Kung okay ang sa ‘yo.” Dali dali naman itong tumango sa sinabi ko. Agad ko namang binuksan ang sasakyan at pinapasok kaagad. Napansin kung gaano niya ka alaga sa kapatid niya. Narinig ko pa itong ma binulong sa kapatid na para bang pinatahan.Nang makarating kami sa mansyon ay aga ko silang pinababa at ipinabantay ni Sawyer. Kita ko n
Hindi ko mapigilan napapikit sa mga mata ko ng nakita ang pinapahanap ko kahapon at ngayon lang dumating. I looked at my secretary and gave him a glare. Agad rumehistro ang kabadong mukha nito dahil sa ginawa ko.Nagpakawala ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili dahil baka may magawa akong masama dito."I told you na hahanapin mo kaagad ito. You were supposed to give this to me yesterday!"Nakita ko itong napaigtad sa sigaw ko. "S-sir, wala ka ho d-dito kahapon. S-sinabi sa 'kin ni Saine na umuwi ka ng maaga k-kahapon—""Edi hatid mo sa bahay!" Putol ko dito.Nakita ko itong napayuko sa sinabi ko. Binato ko naman sa kanya ang mga papelis at nagkalat iyon sa sahig."Gave it to Saine. Sumama ka sa kanya. Kayo ang gagawa niyan and give that to me after as soon as possible! Ayaw kung trabahuin iyan dahil sunod sunod na ang schedule ko sa meeting!""Y-yes sir.""Now, get out!" Sigaw ko. Dali dali naman itong lumabas at napabuga ako ng hangin dahil sa inis na naramdaman.Unang bes
“Mom, where are we going?” tanong ni Axciel ng makapasok kaagad ito sa passenger seat. Galit namang tinignan ni Tres ang anak at tumingin sa likod. Nakita naman kaagad ni Axciel si Ching na nakangisi ng mapang-asar sa kay Axciel at palihim na binelatan.“Why are you here?!” inis na tanong ni Axciel dito. Inirapan naman ito ni Ching at pinag krus ang dalawang braso. Ginagaya gaya pa nito ang tanong at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi mo sinama si Ching kahapon sa lunch?” may halong galit na tono ni Tres. Sumama naman ang mukha ni Axciel. “She’s the one who didn’t come!”Tumaas naman kaagad ang kilay ni Ching. “Malamang! Binantaan mo akong sasabunutan mo ako!” singit nito. Kinuha pa nito ang cellphone at binuksan ang recorder. “Oh ito may ebidensya ako! Ni record ko kaya ang conversation natin!” pli-nay naman ito.“Nagpapaturo lang naman ako ng math eh! Bukas na kasi ipapasa.” Rinig nila sa record nito.“No! Ano bang ginawa mo habang tinuturuan kayo ng guro niyo, ha?!”“Nakinig!
Maaga akong nag luto para makakain kaagad ang mga bata. Papasok pa kasi sila. Lalo na si Savvy ay kailangan ko pang asikasuhin ng maayos. Ayaw niya kasing pumunta sa skwelahan kung hindi ako nagbabantay sa labas ng room niya o di kaya ang Daddy niya. Kaka-pasok niya lang sa skwelahan, grade four. Home schooled kasi siya ng dalawang taon kasi iyon ang gusto ni Damon. Pero ngayon ang pumapasok na talaga."Mom."Napatingin naman ako kay Sebastian na kakagising lang. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Wala na akong masabi sa mga anak ko dahil silang apat ay mas matangkad pa kaysa sa 'kin. "Kakain ka na?" Umupo naman ito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nito."Hintayin ko na lang sila.""Mabuti pang puntahan mo sila, para magka sabay-sabay na kayo." Aniko. Tumango naman ito at bumalik sa taas para gisingin ang mga kapatid. Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko at alam ko na kaagad kung sino 'yon. Ibinaon pa nito ang mukha
"Genesis!" Nakangiting sigaw kong nakita ko itong may kausap. Napatingin naman ito kaagad sa gawi ko at ngumiti."Tres."Lumapit naman ako sa kanya pero aakmang yayakap sana ako ay bigla na lang may pumigil sa 'kin. Eh, sino pa edi ang asawa kung praning. Walang ibang ginawa kundi panay sama ng tingin kay Genesis simula nung kasal.Pangalawang kasal namin ngayon ni Damon at sa dito sa kumpanya namin ni Damon ginanap. Taray, may share na ako sa kumpanya ng asawa ko.Ngayon naman ay mga ka-business partner ni Damon sa kumpanya na ang mga bisita namin. Hindi nakapunta si Genesis nung kasal sa probinsya dahil may inaasikaso. Buti't nakapunta siya ngayon."Congratulations." Anito."Salamat, nga pala amusta?" Nakangiting sabi ko.Hindi niya ako sinagot dahil napunta ang tingin niya kay Damon na ang sama pa rin ng tingin. Hinampas ko naman ito sa braso."Ano ba? Kulang na lang kakainin mo ng buo 'yong tao," reklamo ko sa kanya."I don't like him," daritsahang sagot nito. Napatawa naman si Ge
Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin. "Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa."Mommy, gusto ko rin make-up."Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas. Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla s
Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya."Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.Sinamaan ko naman ito ng tingin."Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?""Paano ako kak
"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan. Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay. Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa. Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na. Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin. Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dal