"Oh? Sir Damon? Hindi po kayo papasok sa opisina?" Taka kung tanong ng nakita ko itong nakaupo sa sofa habang may binabasa sa laptop niya. Kakagising lang nito, eh tanghali na. Saglit niya naman akong binalingan at ibinalik kaagad ang tingin sa laptop niya."Sir?" Ulit ko kasi hindi ito sumagot!Lentek na among 'to. Sigurado naman akong hindi 'to bingi ah."No." Maikling sagot nito.Inikutan ko lang 'to ng mata at nagpatuloy lang sa paglalakad patungong kusina. Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta ng mahina. Sure naman akong matatamaan ang isa na 'andito pag kinanta ko 'to."Isang himala . . . nasa langit ba-""Naririnig kita." Rinig kung sabi nito kaya dali-dali kung inihakbang ang mga paa ko para makalayo kaagad sa kanya.Babarilin pa ako n'un.Wala lahat ang mga kasambahay rito dahil sabay-sabay nagsialisan-day off pala. Si Berta at Nay Ema ay wala rin kaya ako dapat ang magluluto ngayon. Wala namang ibang gagawa n'un kundi ako lang. Ang mga bata ay nasa swimming pool, naglalaro kas
"Sinong tinitingnan mo?" Bigla kung narinig ang boses ni Damon kaya agad akong napatingin sa kanya."Ah-h wala." Pagsisinungaling ko. Buti't tumango lang ito. Bubuhatin ko sana ang mga gamit ng mga bata pero may kumuha don."Nako ma'am kami na po bahala sa gamit niyo." Biglang sabi ni Manong. Apat na manong pala ang lumapit sa 'min ni hindi ko man lang napansin."Sge po manong salamat po." Magalang kung sabi.Hinawakan ko ang kamay ni Axciel at Azriel, habang si Damon naman ay nilagay muna si Sabrina sa baby carrier at hinawakan din niya ang kamay ni Sebastian at Avyx. Sabay-sabay kaming pumasok sa restaurant ng resort.Natigilan ako saglit ng meron palang kumakain dito at nabaling kaagad ang tingin nila sa amin.Andami nila!Pinauna ko naman si Damon at nasa likuran lang kaming tatlo.Bigla na lang binitawan ni Axciel at Azriel ang pagkakahawak ko sa kanila tsaka tumakbo papunta sa isang mesa."Tito Jayven!""Tito!" Tumakbo na rin si Avyx at lumapit na rin tito nila.Naiilang naman a
Alas singko pa ng umaga ay nagising na ako. Napatingin naman kaagad ako sa mga katabi ko nanatutulog pa. Kakagising ko lang, unang nakita ko si Damon na walang man lang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang malabatong tiyan nito.Nakapajama lang kasi ito. Kaming lahat din ay nakapajama.Family.Mahina ko namang sinampal ang pisngi ko para maiba naman ang tingin. Mukhang naabutan pa ang isang minuto ang pagtitig ko sa katawan niya.Dahan-dahan naman akong tumayo para hindi magising ang katabi ko na si Axciel at Avyx. Kinuha ko naman ang kumot na nasa gilid at kinumot sa dalawa. Inayos ko na rin ang kay Sebastian lalong-lalo na kay Damon.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng tinabunan ko ng kumot pati ang pagmumukha niya.Ayaw ko siyang tingnan. Baka hindi ko mamalayan na isang oras na pala akong nakatitig sa kanya.Dumeritso ako sa kusina at binuksan ang ilaw. Pagbukas ko sa reff ay puro alak at mineral water ang nakalagay don kaya hindi ko mapigilang mapanganga.Ano? Alak
"Kailan po kayo nakabalik Nay Ema?" Tanong ko rito. Nang nakarating kasi kami galing sa kasal ay si Berta lang ang nandito. Sinabi niya naman sa 'kin na hindi sila magkasama ni Nay Ema kasi inatake sa puso ang asawa ng anak niya. Kailangan din niya munang bantayan saglit."Kaninang madaling araw."Tumango naman ako at tinulungan na rin itong manghugas ng pinggan.Nasa labas ang mga bata, naglalaro. Sa susunod na buwan na pala ang pasukan. Kailangan ko rin silang tatanungin ko saan nila gustong pumasok. Tatanungin ko din sana si Damon sa bagay na 'yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin mula ng nakarating kami dito.Paggising ko sa umaga ay nasa trabaho na siya tapos tatanungin ko ang mga bata, alam na nilang nasa trabaho na ito dahil gigisingin raw sila ng kanilang ama at nagpapalam na pupunta na ito sa trabaho.Mas mabuti na nga 'yon.Pumasok si Berta sa kusina. Napatingin naman ito sa 'kin tsaka biglang ngumiti. Kumunot naman kaagad ang noo ko sa inasta niya."Tres."
Magli-limang araw nang hindi ako pinapansin ni Damon simula n'ung dumating kami rito galing sa kasal ng pinsan niya.Nabaling ang tingin ko kay Sawyer na pumasok ito sa sala dala-dala ang sniper na baril kaya nanlaki kaagad ang mga mata kung nakatingin sa dala niya. Natigilan rin ito ng nang nakita ako."Sorry, I thought you went with them to the mall." Tukoy nito sa mga bata na kasama nito si Berta at Nay Ema. Nagpaalam kasi sila kanina na pupunta muna sila sa mall.Umiling naman ako at napalunok."Pinapakita mo ba 'yan sa mga bata?" Takang tanong ko. Umiling naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag."No. Kapag andito ang mga bata hindi basta-basta maglabas ng mga baril. That's Damon's number one rule here."Kumunot naman ang noo ko nang may naalala ako. "Eh bakit tinutukan niya ako ng baril sa harap ng mga bata?""Maybe he's shocked when the first time he saw you. Hindi kasi basta-bastang makapasok sa kwarto niya." Aniya. Dahan-dahan naman akong tumango. "Did he say sorry?""Oo." Kit
Napatingin naman ako kay Sawyer na nakatingin kay Damon. Kita kung kalmado ang mukha nito. "I taught her how to use gun." Sagot ni Sawyer. Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahan-dahang tumango si Damon. Akala ko naman tataas ang sungay nito. "You." Napatayo naman ako ng tuwid. "Yes Damon." Narinig kung mapatawa kaunti si Sawyer sa sagot ko. Eh alangan naman! Sinabi ni Damon na 'wag ko siyang tawaging Sir. Pero ampangit nagpagkakasabi ko. Yes Damon. "Nasa bahay na ang mga bata. Kanina ka pa hinahanap." Aniya tsaka walang pasabi-sabing tinalikuran kami. Sinenyasan ko namang si Sawyer na aalis na tsaka tumakbo para sundan si Damon na naglalakad papunta rin sa loob mansion. "Damon!" "Pst!" Tawag ko pero hindi man ako pinansin nito. Galit pa ba 'to sa 'kin? Bakit naman siya galit sa 'kin? Ni hindi ko nga alam bakit hindi niya ako pinapansin ng ilang araw. "Uy Damon!" Mas nilakihan nito ang hakbang kaya napatakbo tuloy ako para maabutan siya. "Damon, hindi mo na ako pinapansin
Dumating ang araw na kailangan ko ng maghanda sa pag-alis dahil sa pangalawang araw na ang kaarawan ni Tatay. Nakausap ko sandali si Damon pero tinanguan lang ako nito at hindi na lang nagsalita. Mukhang pumayag. Gigising pa ako ng maaga dahil alas kwatro ng umaga ako ba-biyahe, para makarating kaagad ako sa bahay. Namili pa ako ng mga pasalubong kanina para kila Ching. Na-miss ko naman ang batang iyon. Konti lang ang gamit na dinala ako, syempre babalik pa ako dito. Medyo marami lang ang dadalhin ko sa susunod na araw dahil sa mga pasalubong. Siguradong mahihirapan ako nito. "Tigil na sa paglalaro. Kanina pa kayo d'yan eh." Tukoy ko sa apat na kanina pa naglalaro ng basketball sa sala. Si Avyx at Sebastian ay walang t-shirt at nakita ko iyon na sofa. Tumingin naman ako sa wall clock at tinuro iyon at tumingin sa kanila. "Tinginan niyo oh, malapit ng mag alas siete, naglalaro pa rin kayo. Hindi ba kayo napapagod?" Dugtong ko. Napanguso naman si Axciel. "Mommy, gusto ko
Napatingin ako sa mga bata at nakita kung tulog na tulog ito. Napatingin naman ako sa katabi ko.Mas da-dalawang oras na akong hindi makagalaw ng maayos. Nakahiling kasi ang ulo ni Damon sa balikat ko, kanina lang. Ayaw ko namang siyang gisingin kasi ansarap ng kasi ng tulog niya. Si Sabrina naman ay inilipat namin sa likuran na nasa crib niya."Mommy..." rinig kung mahinang tawag ni Avyx sa likod. Umo-o lang ako lang ako dahil hindi ako makalingon sa kanya."O?""I'm hungry..."Napatingin naman ako sa oras, malapit ng mag eleven ng umaga.Malapit na rin kaming makarating.Napakamot naman ako sa ulo. Pa'no 'to? Eh wala akong dalang pagkain. Puro mga chocolates at junk foods ang nasa bagahe ko. Buntong-hininga ako at tumikhim kaunti."Damon..." gising ko rito."Damon..." ulit ko. "Wuy Damon, gising..." may kalakasan na boses ko habang niyugyog kaunti ang balikat nito. Buti na lang at unti-unting bumukas ang mga mata nito dahilan natigilan rin ako.Ang lapit ng mukha namin! Naramdaman