Napatingin ako sa mga bata at nakita kung tulog na tulog ito. Napatingin naman ako sa katabi ko.Mas da-dalawang oras na akong hindi makagalaw ng maayos. Nakahiling kasi ang ulo ni Damon sa balikat ko, kanina lang. Ayaw ko namang siyang gisingin kasi ansarap ng kasi ng tulog niya. Si Sabrina naman ay inilipat namin sa likuran na nasa crib niya."Mommy..." rinig kung mahinang tawag ni Avyx sa likod. Umo-o lang ako lang ako dahil hindi ako makalingon sa kanya."O?""I'm hungry..."Napatingin naman ako sa oras, malapit ng mag eleven ng umaga.Malapit na rin kaming makarating.Napakamot naman ako sa ulo. Pa'no 'to? Eh wala akong dalang pagkain. Puro mga chocolates at junk foods ang nasa bagahe ko. Buntong-hininga ako at tumikhim kaunti."Damon..." gising ko rito."Damon..." ulit ko. "Wuy Damon, gising..." may kalakasan na boses ko habang niyugyog kaunti ang balikat nito. Buti na lang at unti-unting bumukas ang mga mata nito dahilan natigilan rin ako.Ang lapit ng mukha namin! Naramdaman
Alas singko pa lang ng umaga ay ang ingay na sa labas kaya maaga na ring nagising ang mga bata. Si Nanay ang nag asikaso kay kina Sebastian. Nakunot naman kaagad ang noo ko ng hindi ko nakita si Damon. Tumingin naman ako kay Nanay. "Nay punta na ako sa labas. Tutulungan ko na sila sa labas." aniko. Tumango naman ito. "Sge, kanina ka pa hinanap nina Dayan."Hindi na ako nagsalita at lumabas na. Nakita ko kaagad sina Pareng Loloy at mga kapitbahay namin na nagbubuhat ng baboy para mamaya. Medyo marami-rami kasi ang pupunta mamaya kasi Birthday na ngayon ni Tatay.Nakita ko sina Fey na nagluluto malapit sa may mangga kaya nilapitan ko ito."Fey, Dayan, nakita mo si Tatay?"Tumango naman sI Dayan. "Nasa sakahan." aniya at bumalik sa paghahalo ng pagkain. Nakakunot naman ang noo ko. Ang aga-aga pupunta sa sakahan? Ano naman ang gagawin niya ron?"Anong ginawa niya don? Malamig pa ang hangin!"Sumingit naman si Fey."Kasama si Gwaps. Pinaararo ng Tatay mo." Natatawang wika nito dahilan na
Kinaumagahan ay andito kami ngayon sa niyugan. Wala naman kaming ginagawa dito kundi binabantayan lang ang mga bata. Panay tingin ko rin kina Damon at Sawyer na kulang na lang uubusin ang mga niyog dito dahil sa ang bilis nilang magbunot ng mga 'to.Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng galaw nila. Para kasing nagparamihan sila ng niyog na nabunot.Nabaling naman ang tingin ko kina Axciel, na nakita ko pa itong nakipag-agawan kay Ching sa petsel ng buko juice. Lumapit naman sa kanila si Avyx para patigilin ang dalawa.Hindi ko tuloy mapigilang mapa buntong-hininga.Bumalik naman ang tingin ko kay Damon na galit na galit ito sa pagbubunot ng niyog. Hindi naman nagpapahuli si Sawyer kaya mas binilisan ang galaw nito.Hanggang ngayon ay hindi ako pinansin ni Damon. Galit ba siya dahil kagabi? Dahil kausap ko si Sawyer? Oh, eh, ano naman? Bakit naman siya magagalit eh nag-uusap lang naman kami. Hindi ko makakalimutan ng nilampasan niya lang ako kagabi.Tumalikod na lang ako para kunin ang
Warning SPGMag gagabi na ay wala pa ring nagpapakitang Damon sa bahay. Hindi ito nagpapakita sa 'kin simula nung nangyaring usapan namin don sa bukid. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nagsimula na akong kinabahan.Wala pa naman iyon alam dito. O baka naligaw.Napatingin naman ako sa mga bata na nasa mesa, kumakain. Si Nanay ang nag-asikaso sa kanila dahil kapag pagpapakain sa mga bata talaga ang pag-uusapan ay siya talaga ang mag-asikaso."Tay."Tawag ko kay Tatay ng papasok na ito sa bahay. Nagtataka naman itong tumingin sa 'kin."Ano?" Aniya"Nakita niyo si Damon? Kanina pa 'yon hindi nawawala." Nag-alalang sabi ko.Napatingin naman siya sa mga bata na nasa mesa hanggang napunta ang tingin nito kay Sawyer na natutulog sa mahabang upuan gawa sa kahoy. Natutulog ito habang nakabuka ang mga hita nito at naka-bukas ang bibig na natutulog.Pagod na pagod sa ipinagawa ni Tatay sa kanila kanina. Kanina pa siya natutulog hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.Si Damon kaya?
Tanghali na akong nagising pero pagbangon ko pa lang ay agad na akong napangiwi dahil sa naramdaman kung mahapdi sa ibaba ko. Bumalik naman ako sa kakaupo sa kama.Malapit na kasing mag hating gabi na kami umuwi ni Damon sa bahay.Nasundan pa nga naman.Mabuti't pagbalik namin ay tulog na silang lahat. Wala ngayon dito sa kwarto ko natutulog ang bata dahil nasa kwarto sila kay Nanay. Hindi kasi ako nakauwi ng maaga kagabi kaya tumabi na lang sila kay Nanay.Napatingin ako ng pinto ng biglang bumukas iyon kaya dali-dali akong humiga at kinumutan ang sarili ko. Baka si Nanay o kaya si Tatay iyon! Tapos pababangunin ako para kumain! Tapos makita niyang may mali sa paglalakad ko, hindi naman mga bulag ang mga iyon!"Good Afternoon." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng narinig ko ang boses ni Damon. Ayaw kung humarap sa kanya dahil nahihiya ako! Lintek na buhay naman oh.Nagpanggap naman akong humihilik dahilan narinig ito napatawa ng mahina."Alam kung gising ka na. Bangon na." Narinig
Sabay kaming lumabas ni Damon at pumunta na sa helicopter. Ni isa ay walang nagsalita sa 'min. Kahit ganun ay siya pa rin ang nagbukas sa akin ng pintuan at siya na rin ang naglagay ng seatbelt sa akin.Hindi ko mapigilang nag-iwas ng tingin dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.Dumating na lang kami sa bahay na walang kibuan. Napatingin naman kaagad ako harapan ng bahay namin nang nakita ko ang triplets at si Sebastian na buhat-buhat si Sabrina na natutulog habang nakasuot ito ng malaking jacket. Seryuso pang nag-uusap ang apat na nakaupo sa mahabang upuan gawa sa kahoy.Hinihinatay ba nila kami? Kanina pa ba sila sa labas? Hindi basta-basta mag palabas ng bata si Nanay sa ganitong oras. Yumuko naman ako kaunti para pigilan lumuha. Paano na lang kung aalis ako ng walang paalam? Ganito din ba ang gagawin nila sa mansion, naghihintay sa labas hanggang sa makauwi ako?"Mommy!""Ate!""Daddy!"Pilit akong ngumiti ng nakita nila kami. Sabay naman silang lumapit sa amin at dinamba
"Nak..." agad bumitaw si Tatay sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya pa ang mga luha ko. "Mabuti pang sundan mo sila." Aniya. Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay. Ningitian lang ako nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Nanay na tumango-tango rin at nakangiti. "Sundan mo, sabihin mo sa kanya ang totoo mong naramdaman, hindi pa huli ang lahat kung hindi ka gagalaw ngayon."Napayuko ako konti at niyakap pabalik si Tatay. Lumapit na rin ako kay Nanay at yumakap. Naramdaman ko na lang na hinihimas ang likod ko."Puntahan ko si Pareng Loloy para makaalis ka kaagad." Lumabas naman si Tatay sa bahay. "Kumain ka muna para makapag bihis kaagad.""Nay, s-salamat..." umiling-iling naman ito."Salamat din sa lahat, anak." May humaplos sa puso ng narinig iyon. Umupo naman kaagad ako at kumain. Hindi ko na sinayang ang oras at pumunta sa kwarto para makapag bihis. Ang pinag-usapan namin ni Tatay kaninang madaling araw ay nakapag-desisyon na akong sasama sa kanila.At
"Good morning . . ."Agad kung binuksan ang mga mata ko ng narinig ang boses na iyon. Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ni Damon na nahiga din sa kama ko at tinignan ako.Napabangon naman kaagad ako at tinaasan kaagad ng kilay. Nakita ko naman itong napatawa sa reaksyon ko."Bakit na nandito?" aniko ko. Kagabi sinabi niya sa 'kin na sa kwarto niya ako matutulog kaso tumanggi kaagad ako. Baka anong pang sasabihin nila Nay Ema sa 'kin pag nakita nila ako."I just want to say good morning. Masama ba 'yon?" reklamo nito kaya inirapan ko lang ito. Tumayo ako at walang pasabi-sabing lumabas sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag niya ako kaso hindi ko na iyon pinansin."Bakit ba ang hilig mong mag-walk out?" aniya at sumabay sa pag lakad ko."Ewan ko. Kusang lumakad ang mga paa ko papalayo eh." Kibit-balikat kung sabi ko kanya.Binuksan ko kaagad ang pinto ng mga bata at bumungad kaagad sa 'kin ang nagsusuntukan na Axciel at Sebastian habang si Avyx at Azriel ang umawat sa kanila. Nanlaki na
Gabi na akong matapos mag impake ng mga gamit ko at sa mga bata. Nasa kwarto lahat ang mga maleta. Napatingin ako sa oras at alas kaka three lang ng umaga. Alam kung maagang aalis si Tres para umuwi sa probinsya nila. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa pag impake. Wala siyang alam na sasama kami sa kanya. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kanya dahil alam kung hindi ito papayag.Kaninang ala dos ko pa pina gising ang mga bata para hindi kami maiwan ni Tres. Dali dali akong pumunta sa kwarto ng mga bata ng nakita ko na si Tres na lumabas sa kwarto niya habang hatak hatak nito ang maleta. Nang makarating kami sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagdadalawang isip na pumasok sa sasakyan. Kita ko ang gulat na reaksyon niya habang sinundan kami ng tingin papasok sa sasakyan."Hindi ka pa sasakay?""H-ha?""Get in. Malayo pa ang ba-byahe natin." Aniko. Pinigilan kung mapangiti sa reaksyon niya. "B-bakit saan ba kayo pupunta?""Kung saan ka pupunta, d'on rin kami
Napasapo ako sa noo ko ng napatingin sa batang lalaki na may buhat-buhat itong bata. Inosente naman itong napatingin sa ‘kin.“Sir, si Ate Tres ho ba okay lang? Pwede niyo po ba akong dalhin sa kanya? Gusto ko lang tingnan ang kalagayan niya, kung pwede lang. Nagmamakaawa po ako.”“Sino ‘yan?” tukoy ko sa batang babaeng buhat niya.Nasaan ba ang mga magulang nila? Kaano ano sila ni sa babaeng iyon? “Kapatid ko ho. Si Sabrina at ako naman ho si Sebastian.” naramdaman ko na lang ang saya ng boses nito habang binigkas ang pangalan niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.“Let’s go. Sumama kayo sa bahay. Sa bahay na lang kayo maghihintay kay T-tres. Kung okay ang sa ‘yo.” Dali dali naman itong tumango sa sinabi ko. Agad ko namang binuksan ang sasakyan at pinapasok kaagad. Napansin kung gaano niya ka alaga sa kapatid niya. Narinig ko pa itong ma binulong sa kapatid na para bang pinatahan.Nang makarating kami sa mansyon ay aga ko silang pinababa at ipinabantay ni Sawyer. Kita ko n
Hindi ko mapigilan napapikit sa mga mata ko ng nakita ang pinapahanap ko kahapon at ngayon lang dumating. I looked at my secretary and gave him a glare. Agad rumehistro ang kabadong mukha nito dahil sa ginawa ko.Nagpakawala ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili dahil baka may magawa akong masama dito."I told you na hahanapin mo kaagad ito. You were supposed to give this to me yesterday!"Nakita ko itong napaigtad sa sigaw ko. "S-sir, wala ka ho d-dito kahapon. S-sinabi sa 'kin ni Saine na umuwi ka ng maaga k-kahapon—""Edi hatid mo sa bahay!" Putol ko dito.Nakita ko itong napayuko sa sinabi ko. Binato ko naman sa kanya ang mga papelis at nagkalat iyon sa sahig."Gave it to Saine. Sumama ka sa kanya. Kayo ang gagawa niyan and give that to me after as soon as possible! Ayaw kung trabahuin iyan dahil sunod sunod na ang schedule ko sa meeting!""Y-yes sir.""Now, get out!" Sigaw ko. Dali dali naman itong lumabas at napabuga ako ng hangin dahil sa inis na naramdaman.Unang bes
“Mom, where are we going?” tanong ni Axciel ng makapasok kaagad ito sa passenger seat. Galit namang tinignan ni Tres ang anak at tumingin sa likod. Nakita naman kaagad ni Axciel si Ching na nakangisi ng mapang-asar sa kay Axciel at palihim na binelatan.“Why are you here?!” inis na tanong ni Axciel dito. Inirapan naman ito ni Ching at pinag krus ang dalawang braso. Ginagaya gaya pa nito ang tanong at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi mo sinama si Ching kahapon sa lunch?” may halong galit na tono ni Tres. Sumama naman ang mukha ni Axciel. “She’s the one who didn’t come!”Tumaas naman kaagad ang kilay ni Ching. “Malamang! Binantaan mo akong sasabunutan mo ako!” singit nito. Kinuha pa nito ang cellphone at binuksan ang recorder. “Oh ito may ebidensya ako! Ni record ko kaya ang conversation natin!” pli-nay naman ito.“Nagpapaturo lang naman ako ng math eh! Bukas na kasi ipapasa.” Rinig nila sa record nito.“No! Ano bang ginawa mo habang tinuturuan kayo ng guro niyo, ha?!”“Nakinig!
Maaga akong nag luto para makakain kaagad ang mga bata. Papasok pa kasi sila. Lalo na si Savvy ay kailangan ko pang asikasuhin ng maayos. Ayaw niya kasing pumunta sa skwelahan kung hindi ako nagbabantay sa labas ng room niya o di kaya ang Daddy niya. Kaka-pasok niya lang sa skwelahan, grade four. Home schooled kasi siya ng dalawang taon kasi iyon ang gusto ni Damon. Pero ngayon ang pumapasok na talaga."Mom."Napatingin naman ako kay Sebastian na kakagising lang. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Wala na akong masabi sa mga anak ko dahil silang apat ay mas matangkad pa kaysa sa 'kin. "Kakain ka na?" Umupo naman ito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nito."Hintayin ko na lang sila.""Mabuti pang puntahan mo sila, para magka sabay-sabay na kayo." Aniko. Tumango naman ito at bumalik sa taas para gisingin ang mga kapatid. Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko at alam ko na kaagad kung sino 'yon. Ibinaon pa nito ang mukha
"Genesis!" Nakangiting sigaw kong nakita ko itong may kausap. Napatingin naman ito kaagad sa gawi ko at ngumiti."Tres."Lumapit naman ako sa kanya pero aakmang yayakap sana ako ay bigla na lang may pumigil sa 'kin. Eh, sino pa edi ang asawa kung praning. Walang ibang ginawa kundi panay sama ng tingin kay Genesis simula nung kasal.Pangalawang kasal namin ngayon ni Damon at sa dito sa kumpanya namin ni Damon ginanap. Taray, may share na ako sa kumpanya ng asawa ko.Ngayon naman ay mga ka-business partner ni Damon sa kumpanya na ang mga bisita namin. Hindi nakapunta si Genesis nung kasal sa probinsya dahil may inaasikaso. Buti't nakapunta siya ngayon."Congratulations." Anito."Salamat, nga pala amusta?" Nakangiting sabi ko.Hindi niya ako sinagot dahil napunta ang tingin niya kay Damon na ang sama pa rin ng tingin. Hinampas ko naman ito sa braso."Ano ba? Kulang na lang kakainin mo ng buo 'yong tao," reklamo ko sa kanya."I don't like him," daritsahang sagot nito. Napatawa naman si Ge
Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin. "Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa."Mommy, gusto ko rin make-up."Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas. Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla s
Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya."Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.Sinamaan ko naman ito ng tingin."Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?""Paano ako kak
"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan. Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay. Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa. Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na. Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin. Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dal