Kinaumagahan ay andito kami ngayon sa niyugan. Wala naman kaming ginagawa dito kundi binabantayan lang ang mga bata. Panay tingin ko rin kina Damon at Sawyer na kulang na lang uubusin ang mga niyog dito dahil sa ang bilis nilang magbunot ng mga 'to.Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng galaw nila. Para kasing nagparamihan sila ng niyog na nabunot.Nabaling naman ang tingin ko kina Axciel, na nakita ko pa itong nakipag-agawan kay Ching sa petsel ng buko juice. Lumapit naman sa kanila si Avyx para patigilin ang dalawa.Hindi ko tuloy mapigilang mapa buntong-hininga.Bumalik naman ang tingin ko kay Damon na galit na galit ito sa pagbubunot ng niyog. Hindi naman nagpapahuli si Sawyer kaya mas binilisan ang galaw nito.Hanggang ngayon ay hindi ako pinansin ni Damon. Galit ba siya dahil kagabi? Dahil kausap ko si Sawyer? Oh, eh, ano naman? Bakit naman siya magagalit eh nag-uusap lang naman kami. Hindi ko makakalimutan ng nilampasan niya lang ako kagabi.Tumalikod na lang ako para kunin ang
Warning SPGMag gagabi na ay wala pa ring nagpapakitang Damon sa bahay. Hindi ito nagpapakita sa 'kin simula nung nangyaring usapan namin don sa bukid. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nagsimula na akong kinabahan.Wala pa naman iyon alam dito. O baka naligaw.Napatingin naman ako sa mga bata na nasa mesa, kumakain. Si Nanay ang nag-asikaso sa kanila dahil kapag pagpapakain sa mga bata talaga ang pag-uusapan ay siya talaga ang mag-asikaso."Tay."Tawag ko kay Tatay ng papasok na ito sa bahay. Nagtataka naman itong tumingin sa 'kin."Ano?" Aniya"Nakita niyo si Damon? Kanina pa 'yon hindi nawawala." Nag-alalang sabi ko.Napatingin naman siya sa mga bata na nasa mesa hanggang napunta ang tingin nito kay Sawyer na natutulog sa mahabang upuan gawa sa kahoy. Natutulog ito habang nakabuka ang mga hita nito at naka-bukas ang bibig na natutulog.Pagod na pagod sa ipinagawa ni Tatay sa kanila kanina. Kanina pa siya natutulog hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.Si Damon kaya?
Tanghali na akong nagising pero pagbangon ko pa lang ay agad na akong napangiwi dahil sa naramdaman kung mahapdi sa ibaba ko. Bumalik naman ako sa kakaupo sa kama.Malapit na kasing mag hating gabi na kami umuwi ni Damon sa bahay.Nasundan pa nga naman.Mabuti't pagbalik namin ay tulog na silang lahat. Wala ngayon dito sa kwarto ko natutulog ang bata dahil nasa kwarto sila kay Nanay. Hindi kasi ako nakauwi ng maaga kagabi kaya tumabi na lang sila kay Nanay.Napatingin ako ng pinto ng biglang bumukas iyon kaya dali-dali akong humiga at kinumutan ang sarili ko. Baka si Nanay o kaya si Tatay iyon! Tapos pababangunin ako para kumain! Tapos makita niyang may mali sa paglalakad ko, hindi naman mga bulag ang mga iyon!"Good Afternoon." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng narinig ko ang boses ni Damon. Ayaw kung humarap sa kanya dahil nahihiya ako! Lintek na buhay naman oh.Nagpanggap naman akong humihilik dahilan narinig ito napatawa ng mahina."Alam kung gising ka na. Bangon na." Narinig
Sabay kaming lumabas ni Damon at pumunta na sa helicopter. Ni isa ay walang nagsalita sa 'min. Kahit ganun ay siya pa rin ang nagbukas sa akin ng pintuan at siya na rin ang naglagay ng seatbelt sa akin.Hindi ko mapigilang nag-iwas ng tingin dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.Dumating na lang kami sa bahay na walang kibuan. Napatingin naman kaagad ako harapan ng bahay namin nang nakita ko ang triplets at si Sebastian na buhat-buhat si Sabrina na natutulog habang nakasuot ito ng malaking jacket. Seryuso pang nag-uusap ang apat na nakaupo sa mahabang upuan gawa sa kahoy.Hinihinatay ba nila kami? Kanina pa ba sila sa labas? Hindi basta-basta mag palabas ng bata si Nanay sa ganitong oras. Yumuko naman ako kaunti para pigilan lumuha. Paano na lang kung aalis ako ng walang paalam? Ganito din ba ang gagawin nila sa mansion, naghihintay sa labas hanggang sa makauwi ako?"Mommy!""Ate!""Daddy!"Pilit akong ngumiti ng nakita nila kami. Sabay naman silang lumapit sa amin at dinamba
"Nak..." agad bumitaw si Tatay sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya pa ang mga luha ko. "Mabuti pang sundan mo sila." Aniya. Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay. Ningitian lang ako nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Nanay na tumango-tango rin at nakangiti. "Sundan mo, sabihin mo sa kanya ang totoo mong naramdaman, hindi pa huli ang lahat kung hindi ka gagalaw ngayon."Napayuko ako konti at niyakap pabalik si Tatay. Lumapit na rin ako kay Nanay at yumakap. Naramdaman ko na lang na hinihimas ang likod ko."Puntahan ko si Pareng Loloy para makaalis ka kaagad." Lumabas naman si Tatay sa bahay. "Kumain ka muna para makapag bihis kaagad.""Nay, s-salamat..." umiling-iling naman ito."Salamat din sa lahat, anak." May humaplos sa puso ng narinig iyon. Umupo naman kaagad ako at kumain. Hindi ko na sinayang ang oras at pumunta sa kwarto para makapag bihis. Ang pinag-usapan namin ni Tatay kaninang madaling araw ay nakapag-desisyon na akong sasama sa kanila.At
"Good morning . . ."Agad kung binuksan ang mga mata ko ng narinig ang boses na iyon. Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ni Damon na nahiga din sa kama ko at tinignan ako.Napabangon naman kaagad ako at tinaasan kaagad ng kilay. Nakita ko naman itong napatawa sa reaksyon ko."Bakit na nandito?" aniko ko. Kagabi sinabi niya sa 'kin na sa kwarto niya ako matutulog kaso tumanggi kaagad ako. Baka anong pang sasabihin nila Nay Ema sa 'kin pag nakita nila ako."I just want to say good morning. Masama ba 'yon?" reklamo nito kaya inirapan ko lang ito. Tumayo ako at walang pasabi-sabing lumabas sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag niya ako kaso hindi ko na iyon pinansin."Bakit ba ang hilig mong mag-walk out?" aniya at sumabay sa pag lakad ko."Ewan ko. Kusang lumakad ang mga paa ko papalayo eh." Kibit-balikat kung sabi ko kanya.Binuksan ko kaagad ang pinto ng mga bata at bumungad kaagad sa 'kin ang nagsusuntukan na Axciel at Sebastian habang si Avyx at Azriel ang umawat sa kanila. Nanlaki na
Tahimik lang akong bumaba sa sasakyan at sumunod lang Damon sa kompanya niya. May agad na bumati na empleyado sa kanya ni hindi niya man lang ito pinapansin.Natigilan na lang ako ng bigla na lang siyang huminto. Napatingin naman ako sa harap ng nakita ko si Mr. Stefano at Genesis na nag-uusap papalapit sa amin. Nang nakita nila kami ay agad naman silang napahinto.Nakita ko pang napunta ang tingin ni Genesis sa 'kin tsaka ako ningitian. Ningitian ko naman ito pabalik. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Damon at hinawakan ang kamay ko, napansin naman iyon ni Genesis at ngumiti lang.Tumingin ako kay Mr. Stefano at binati ito."Magandang araw ho Mr. Stefano," magalang na bati ko."What are you doing here?" seryosong tanong ni Damon sa kanila. Mukhang ayaw niyang makita si Genesis dahil sa tingin niya pa lang."We just discussed something here." Sagot ni Mr. Stefano kay Damon. Tinignan naman ako nito. "Pupunta ako sa bahay ng Tita Yuni mo, sasama ka?" Aniya. Nakunot naman ang noo ko sa.
Nasa kusina ako ngayon at nagluluto. Hindi pa gising ang mga bata lalo na si Damon. Napatingin ako sa oras, alas sais pa naman ng umaga. Medyo maaga pa. Ang gising ngayon ay mga taga bantay sa mansion.Nagtataka nga akong hindi ko nakita si Sawyer simula nung nakita kami sa kwarto. Eh noon pa man ay palagi siyang andito.Pagkatapos kung magluto ay pumunta muna ako sa kwarto ni Sawyer. Gusto ko lang siyang kamustahin dahil hindi kasi normal ng hindi siya nagpapakita sa 'kin. Hindi rin iyon aalis pag hindi siya nagpapaalam sa 'kin lalo na sa mga bata."Ma'am?" Napatingin ako sa likuran ng nakita ko ang kasama ni Sawyer. "Sinong hinahanap niyo ma'am?""Ah-h, si Sawyer po nasaan?" Takang tanong ko.Napakamot naman ito sa batok. "Nako ma'am, hindi ko nga alam. Kahapon rin namin hindi nakita si Sir. Nagtataka nga kami.""Sige, hahanapin ko na lang ho." Aniko tsaka nagpasalamat.Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon?Nang nakarating ako sa pinto ng kwarto niya ay agad ko itong kinatok pero wa