Sabay kaming lumabas ni Damon at pumunta na sa helicopter. Ni isa ay walang nagsalita sa 'min. Kahit ganun ay siya pa rin ang nagbukas sa akin ng pintuan at siya na rin ang naglagay ng seatbelt sa akin.Hindi ko mapigilang nag-iwas ng tingin dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.Dumating na lang kami sa bahay na walang kibuan. Napatingin naman kaagad ako harapan ng bahay namin nang nakita ko ang triplets at si Sebastian na buhat-buhat si Sabrina na natutulog habang nakasuot ito ng malaking jacket. Seryuso pang nag-uusap ang apat na nakaupo sa mahabang upuan gawa sa kahoy.Hinihinatay ba nila kami? Kanina pa ba sila sa labas? Hindi basta-basta mag palabas ng bata si Nanay sa ganitong oras. Yumuko naman ako kaunti para pigilan lumuha. Paano na lang kung aalis ako ng walang paalam? Ganito din ba ang gagawin nila sa mansion, naghihintay sa labas hanggang sa makauwi ako?"Mommy!""Ate!""Daddy!"Pilit akong ngumiti ng nakita nila kami. Sabay naman silang lumapit sa amin at dinamba
"Nak..." agad bumitaw si Tatay sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya pa ang mga luha ko. "Mabuti pang sundan mo sila." Aniya. Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay. Ningitian lang ako nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Nanay na tumango-tango rin at nakangiti. "Sundan mo, sabihin mo sa kanya ang totoo mong naramdaman, hindi pa huli ang lahat kung hindi ka gagalaw ngayon."Napayuko ako konti at niyakap pabalik si Tatay. Lumapit na rin ako kay Nanay at yumakap. Naramdaman ko na lang na hinihimas ang likod ko."Puntahan ko si Pareng Loloy para makaalis ka kaagad." Lumabas naman si Tatay sa bahay. "Kumain ka muna para makapag bihis kaagad.""Nay, s-salamat..." umiling-iling naman ito."Salamat din sa lahat, anak." May humaplos sa puso ng narinig iyon. Umupo naman kaagad ako at kumain. Hindi ko na sinayang ang oras at pumunta sa kwarto para makapag bihis. Ang pinag-usapan namin ni Tatay kaninang madaling araw ay nakapag-desisyon na akong sasama sa kanila.At
"Good morning . . ."Agad kung binuksan ang mga mata ko ng narinig ang boses na iyon. Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ni Damon na nahiga din sa kama ko at tinignan ako.Napabangon naman kaagad ako at tinaasan kaagad ng kilay. Nakita ko naman itong napatawa sa reaksyon ko."Bakit na nandito?" aniko ko. Kagabi sinabi niya sa 'kin na sa kwarto niya ako matutulog kaso tumanggi kaagad ako. Baka anong pang sasabihin nila Nay Ema sa 'kin pag nakita nila ako."I just want to say good morning. Masama ba 'yon?" reklamo nito kaya inirapan ko lang ito. Tumayo ako at walang pasabi-sabing lumabas sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag niya ako kaso hindi ko na iyon pinansin."Bakit ba ang hilig mong mag-walk out?" aniya at sumabay sa pag lakad ko."Ewan ko. Kusang lumakad ang mga paa ko papalayo eh." Kibit-balikat kung sabi ko kanya.Binuksan ko kaagad ang pinto ng mga bata at bumungad kaagad sa 'kin ang nagsusuntukan na Axciel at Sebastian habang si Avyx at Azriel ang umawat sa kanila. Nanlaki na
Tahimik lang akong bumaba sa sasakyan at sumunod lang Damon sa kompanya niya. May agad na bumati na empleyado sa kanya ni hindi niya man lang ito pinapansin.Natigilan na lang ako ng bigla na lang siyang huminto. Napatingin naman ako sa harap ng nakita ko si Mr. Stefano at Genesis na nag-uusap papalapit sa amin. Nang nakita nila kami ay agad naman silang napahinto.Nakita ko pang napunta ang tingin ni Genesis sa 'kin tsaka ako ningitian. Ningitian ko naman ito pabalik. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Damon at hinawakan ang kamay ko, napansin naman iyon ni Genesis at ngumiti lang.Tumingin ako kay Mr. Stefano at binati ito."Magandang araw ho Mr. Stefano," magalang na bati ko."What are you doing here?" seryosong tanong ni Damon sa kanila. Mukhang ayaw niyang makita si Genesis dahil sa tingin niya pa lang."We just discussed something here." Sagot ni Mr. Stefano kay Damon. Tinignan naman ako nito. "Pupunta ako sa bahay ng Tita Yuni mo, sasama ka?" Aniya. Nakunot naman ang noo ko sa.
Nasa kusina ako ngayon at nagluluto. Hindi pa gising ang mga bata lalo na si Damon. Napatingin ako sa oras, alas sais pa naman ng umaga. Medyo maaga pa. Ang gising ngayon ay mga taga bantay sa mansion.Nagtataka nga akong hindi ko nakita si Sawyer simula nung nakita kami sa kwarto. Eh noon pa man ay palagi siyang andito.Pagkatapos kung magluto ay pumunta muna ako sa kwarto ni Sawyer. Gusto ko lang siyang kamustahin dahil hindi kasi normal ng hindi siya nagpapakita sa 'kin. Hindi rin iyon aalis pag hindi siya nagpapaalam sa 'kin lalo na sa mga bata."Ma'am?" Napatingin ako sa likuran ng nakita ko ang kasama ni Sawyer. "Sinong hinahanap niyo ma'am?""Ah-h, si Sawyer po nasaan?" Takang tanong ko.Napakamot naman ito sa batok. "Nako ma'am, hindi ko nga alam. Kahapon rin namin hindi nakita si Sir. Nagtataka nga kami.""Sige, hahanapin ko na lang ho." Aniko tsaka nagpasalamat.Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon?Nang nakarating ako sa pinto ng kwarto niya ay agad ko itong kinatok pero wa
"Son!" nakangiting wika ng Ina ni Damon at lumapit pa ito tsaka humalik sa pisngi. Seryoso lang ang mukha ni Damon na nakatingin sa Ina."Anyway, andito si Eloise, dito muna siya mag-stay total may extra room naman dito, diba? Ayaw ko siyang ipapa-hotel baka may mangyaring masama sa kanya don. Wala pa naman siyang dalang bodyguards, baka ako pa ang malilintikan ng kumare ko kung may mangyaring masama sa dalagita niya." Nakangiting ani nito.Tinignan naman ni Damon si Eloise na mala anghel na nakangiti sa kanya. "How long will you stay here?""Maybe just a month? One? Or three weeks." Bumuntong hininga naman ito. "I'm really sorry, si Tita kasi pinilit ako na dito mag-stay." May pagka-hinhin na pananalita nito. Hindi ko mapigilang mainis kaloob-looban ko.Masama ang pakiramdam ko sa kanya.Tamango naman si Damon rito. Napalakpak naman ang ina niya dahil sa tuwa."Good, I need to go na. Kanina pa naghihintay ang pilot ko." Tumingin naman ito kay Damon. "Son, take care of Eloise ha?" tum
"Oh, ang demonyo na malandi andito," natatawang wika ko rito.Lumapit naman ito sa 'kin at agad akong binuhat. Napakapit tuloy ako sa balikat niya. Hindi ko mapigilang hindi napapikit kasi para akong lumulutang. Hindi ko na alam ang nangyari sa 'kin dahil tuluyan ng kinain ng dilim ang paningin ko.Napasapo ako sa ulo ko ng dahil sa sakit nito. Napatingin kaagad ako sa paligid at kwarto ito ngayon ni Damon. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Avyx na may dala-dalang tray na naglalaman ng tubig at gamot.Kumunot naman kaagad ang noo ko dahil sa hitsura niya."Anong nangyari sa 'yo?" habang nakatingin sa buhok niya na may ketchup. Hindi niya ako sinagot at inilapag lang ang dala niya sa mini table."Naglalaro lang kami." Anito at biglang napabuntong hininga. "Mommy, gusto ko sa public school mag-aral kaso ayaw ni daddy." Reklamo niya. Hindi ko muna ito sinagot at kinuha muna ang gamot at ininum iyon. Tinginan ko naman siya habang nakakunot ang noo."Bakit ayaw ng mo daddy sa public
Unti-unting naman itong ngumiti sa 'kin."Mommy..." anito. Tumingin naman ako sa ahas nito at napaatras. Narinig ko pa itong napa bungisngis dahil sa reaksyon ko."Bakit may ahas ka?! Ilayo mo 'yan! Maka kagatin ka niyan, Avyx!" Singhal ko rito pero tumawa lang ito."Mommy, this is Max, my pet. Gift sa 'kin ni lolo nung three years old pa kami. Takot kasi sina Azriel at Axciel sa ahas kaya ako na lang ang binigyan ni lolo. Now, look at him! Max's is really cute!" Itinaas pa nito ang ahas kaya napaatras ulit ako. Nakita ko pang lumabas ang dila nito. "Sabay kaming lumaki ni Max, Mommy. And Max is a corn snake, he's not poisonous.""H-hindi ka ba natatakot?" Takot na tanong ko. Umiling naman ito kaagad."No, Mommy."Nagpakawala naman ako ng hininga."Sige, pumasok ka na sa loob. Sabay na tayong maghapunan." Lalapit na sana ito sa 'kin pero agad ko itong pinatigil. "H-huwag kang lalapit sa 'kin! Doon ka nga, basta, huwag kang lalapit sa 'kin...maawa ka naman..." pahina ang boses ko.Tina