Unti-unting naman itong ngumiti sa 'kin."Mommy..." anito. Tumingin naman ako sa ahas nito at napaatras. Narinig ko pa itong napa bungisngis dahil sa reaksyon ko."Bakit may ahas ka?! Ilayo mo 'yan! Maka kagatin ka niyan, Avyx!" Singhal ko rito pero tumawa lang ito."Mommy, this is Max, my pet. Gift sa 'kin ni lolo nung three years old pa kami. Takot kasi sina Azriel at Axciel sa ahas kaya ako na lang ang binigyan ni lolo. Now, look at him! Max's is really cute!" Itinaas pa nito ang ahas kaya napaatras ulit ako. Nakita ko pang lumabas ang dila nito. "Sabay kaming lumaki ni Max, Mommy. And Max is a corn snake, he's not poisonous.""H-hindi ka ba natatakot?" Takot na tanong ko. Umiling naman ito kaagad."No, Mommy."Nagpakawala naman ako ng hininga."Sige, pumasok ka na sa loob. Sabay na tayong maghapunan." Lalapit na sana ito sa 'kin pero agad ko itong pinatigil. "H-huwag kang lalapit sa 'kin! Doon ka nga, basta, huwag kang lalapit sa 'kin...maawa ka naman..." pahina ang boses ko.Tina
Paggising ko ay agad akong pumunta sa banyo para maligo. Kailangan kong maligo dahil ayaw kung makita nila na ganito ang hitsura ko lalo na sa mga bata. Malapit na pa lang mag alas dyes kaya binilisan ko ang galaw ko papunta sa kusina medyo nagugutom na rin ako.Wala akong nakita ni-isang tao pag labas ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya mag-isa na lang akong kumain. Sunday ngayon kaya wala sina Nay Ema. Dapat nandito si Damon at wala 'yong pasok.Napabuntong-hininga na lang ako ng nakita ko ang mga pinggan na hindi pa nahuhugasan. Bago pa lang itong ginamit kaya sigurado akong ito ang pinagkainan nila kaninang umaga. Hindi na lang ako ng reklamo at hinugasan na lang ito.Napatingin na lang ako sa likod ng narinig ko ang boses ni Avyx. Nakita ko naman itong dala-dala ang aso niya."Mommy."Lumapit naman ako dito at hinalikan ang noo nito."Nasaan ang mga kapatid mo?" aniko."Nasa pool mommy, naglalaro sila kasama ang mga dogs." Aniya."Ikaw? Bakit ka nandito?" takang tanong
Magdadalawang araw ng hindi ko nakita si Damon sa bahay. Siya kasi ang pinabantay ng Nanay niya kay Eloise sa hospital. Simula nung nangyari ay napapansin kung lumalayo na si Axciel at Azriel dahil sa ginawa ko raw na pagtulak kay Eloise sa hagdan. Pilit kung ipinaliwanag sa kanila ang lahat pero ayaw nilang maniwala sa 'kin.Hindi ko mapigilang masaktan kasi parang ako na ang masama dito. Naawa na ako sa sarili ko. Gusto kung umalis pero may parte sa puso ko na pumupigil."Tres."Napatingin kaagad ako kay Sawyer ng nakita ko itong hawak-hawak si Sabrina. Hindi ko alam kung pati si Sawyer ay naniwala sa kasinungalingan ni Eloise."S-sawyer...""Mabuti pang kumain ka muna. Hindi magugustuhan ni Damon na makita kang ganyan."Pero agad akong umiling-iling sa sinabi niya."Sawyer, n-naniwala ka ba na kaya kung gawin ang bagay na 'yon?" hindi ko alam dahil nasasaktan ako ng hindi ito sumagot. Isa lang ang ibig sabihin nun. Napabuntong-hininga naman ito at mariin niya akong tinignan."Don't
Napatingin ako ng pinto ng pumasok si Genesis na may dala-dalang tray. Lumapit naman ito at umupo sa kama. Ningitian niya naman ako."You good?"Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at tumango. "Okay naman. Salamat sa pagkain.""Hm, eat now. Do you want to go outside? Para naman mainitan ka. Ilang araw ka ng hindi lumalabas sa condo.""Pag-iisipan ko." Tumango na lang man ito.Kumain na ako at nakatingin lang si Genesis sa 'kin. Simula nang andito ako sa condo niya ay ganito ang bungad sa tuwing gigising ako. Paglulutuan niya ako ng agahan at tatanungin kung kamusta na ang pakiramdam ko.May plano akong umuwi sa probinsya pero hindi ko alam kung kailan.Palagi kung iniisip si Damon pero mas nangingibabaw ang isip ko na mag-alala sa mga bata. Lalo na sina Sebastian at Sabrina.Natigilan ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Si Genesis na ang tumingin don at napabuntong-hininga. Siya na rin ang nagpatay sa phone.Simula nung umalis ako ay palagi na ring tumawag at nag-text sa 'kin s
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Damon kay Sawyer ng makarating kaagad ito sa hospital. Hindi lang si Sawyer ang pinagsusuntok niya kundi pati ang ibang tauhan niya. Bubunot na sana ito ng baril pero agad ko iyong napigilan."If something bad happens to Avyx, papatayin ko kayong lahat! Mga tanga! Ultimo isang maliit na bata hindi niyo kayang bantayan?!"Tanging sigaw ni Damon ang naririnig lang namin sa labas ng hospital."We didn't saw him-""Don't make excuses, Sawyer! Trabaho mo 'yan! Trabaho niyo 'yan! Kung alam kung mangyayari 'to edi sana hindi na kita tinulungan noon!" Kita ko kung paano nagkuyom ang kamao ni Sawyer dahil sa sinabi ni Damon. "Nagtiwala ako sayo na babantayan mong maigi si Avyx. Alam mo ang tumatakbo sa isip ni Avyx! Ikaw mismo ang pinagbilinan ko na maiiging bantayan si Avyx! Look at him now! Nag-aagaw buhay ang anak ko sa loob! Kritikal ang lagay! Wala ni isang makakaalam kung kailan gigising ang anak ko! S-sawyer! Tangina mo...tangina niyong lahat..
Naghanda na ako ng agahan sa mga bata. Ngayon sana ang unang klase nila pero sinabihan si Sawyer kanina na hindi muna papasukin ang mga bata sa skwelahan. Gumawa na rin ako ng sopas para kay Berta dahil napansin kung masama ang pakiramdam nito.Sinabihan ko namang pupunta siya sa hospital ulit pero ayaw niya."Why are you here?"Napatingin na lang ako kay Eloise ng pumasok ito sa kusina. Blanko ko lang itong tinignan at hindi pinansin. Lalampasan ko na sana ito ay bigla niya hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya."Anong kailangan mo?"Galit niya akong tinignan. "Why the fvck are you here? Sinong nagsabi sayo na babalik ka dito?!"Mapakla na lang akong tumawa at inalis ang kamay niya sa braso ko. Hindi ko na ito sinagot at tinalikuran na lang. Wala akong oras makipag-away, ke-aga-aga bunganga niya kaagad ang bubungad sa 'kin.Pagpasok ko sa kwarto ay natutulog pa ang mga bata kaya dahan-dahan ko itong ginising."Gising na..." mahinhin kung sabi dito.Unang nagising si Sebastian
"Bilisan mo!" Sigaw ni Eloise habang may dala-dala na itong baril na nakatutok sa 'kin. Binilisan ko naman ang lakad ko at pumasok kaagad sa sasakyan. Sumunod naman kaagad si Eloise pumasok at si Berta naman ay nakaupo sa passenger seat. Maraming sasakyan ang sumunod sa 'min."Fuck!" narinig kung napamura si Eloise at yumuko. May bumaril sa sasakyan namin kaya hindi ko mapigilang mapa-sigaw at yumuko.Unti-unti na lang iyon nawala ng tuluyan na kaming makalayo. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan umiyak. Baka magalit pa si Eloise at may sapi pa ito sa utak. Nabaling ako kay Berta na nahagip ko itong napangiwi."B-berta...ang sugat mo..." mahina kung bulong rito.Rinig na rinig naman iyon ni Eloise at napatawa dahil sa pag-alalang tono ko. Kahit trinaydor kami ni Berta ay hindi ko pa rin mapigilan mag-alala nito. Kahit papaano ay magkaibigan at may pinagsamahan kami. Tinignan lang niya lang naman ako at binigyan ng blankong mukha."You don't have to worry about me. You should worry a
Hindi mapakali si Damon ng sinundan ng tingin si Tres na papalabas sa bahay habang kasama nito si Eloise. Pinagmasdan nito ang paligid na naramdamang may tatlong sniper na nakatutuk sa gawi nila. Ilang segundo ang nakalipas ay sabay nila ni Sawyer pinutok ang baril sa gawi ng tatlong sniper na nakatago sa pinto, malapit sa kwarto ni Tres. Agad itong natumba at bumagsak. Dali-daling tumakbo si Damon sa labas at nagbabakasakali na maabutan ang sasakyan kina Eloise pero huli na. Napansin niya na lang na dumating na pala ang backup nitong tauhan niya at sa kanyang ama na nakikitapag laban sa rin sa mga tauhan ni Eloise. Hindi niya mapigilang mapamura ng malakas dahil nag-alala ito kay Tres na baka may mangyaring masama dito. Hindi siya basta-basta sumunod kaagad sa kanila dahil sisiguraduhin niya muna sina Azriel na nakatago sa kwarto niya. Dahil sa galit ay hindi niya ay sumali na rin si Damon sa pakikipaglaban hanggang unti-unti ng bumagsak ang lahat ng mga tauhan ni Eloise. "Stop