Share

Chapter Thirty-Six : Play Victim

Paggising ko ay agad akong pumunta sa banyo para maligo. Kailangan kong maligo dahil ayaw kung makita nila na ganito ang hitsura ko lalo na sa mga bata. Malapit na pa lang mag alas dyes kaya binilisan ko ang galaw ko papunta sa kusina medyo nagugutom na rin ako.

Wala akong nakita ni-isang tao pag labas ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya mag-isa na lang akong kumain. Sunday ngayon kaya wala sina Nay Ema. Dapat nandito si Damon at wala 'yong pasok.

Napabuntong-hininga na lang ako ng nakita ko ang mga pinggan na hindi pa nahuhugasan. Bago pa lang itong ginamit kaya sigurado akong ito ang pinagkainan nila kaninang umaga. Hindi na lang ako ng reklamo at hinugasan na lang ito.

Napatingin na lang ako sa likod ng narinig ko ang boses ni Avyx. Nakita ko naman itong dala-dala ang aso niya.

"Mommy."

Lumapit naman ako dito at hinalikan ang noo nito.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" aniko.

"Nasa pool mommy, naglalaro sila kasama ang mga dogs." Aniya.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" takang tanong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status