Napatingin ako ng pinto ng pumasok si Genesis na may dala-dalang tray. Lumapit naman ito at umupo sa kama. Ningitian niya naman ako."You good?"Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at tumango. "Okay naman. Salamat sa pagkain.""Hm, eat now. Do you want to go outside? Para naman mainitan ka. Ilang araw ka ng hindi lumalabas sa condo.""Pag-iisipan ko." Tumango na lang man ito.Kumain na ako at nakatingin lang si Genesis sa 'kin. Simula nang andito ako sa condo niya ay ganito ang bungad sa tuwing gigising ako. Paglulutuan niya ako ng agahan at tatanungin kung kamusta na ang pakiramdam ko.May plano akong umuwi sa probinsya pero hindi ko alam kung kailan.Palagi kung iniisip si Damon pero mas nangingibabaw ang isip ko na mag-alala sa mga bata. Lalo na sina Sebastian at Sabrina.Natigilan ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Si Genesis na ang tumingin don at napabuntong-hininga. Siya na rin ang nagpatay sa phone.Simula nung umalis ako ay palagi na ring tumawag at nag-text sa 'kin s
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Damon kay Sawyer ng makarating kaagad ito sa hospital. Hindi lang si Sawyer ang pinagsusuntok niya kundi pati ang ibang tauhan niya. Bubunot na sana ito ng baril pero agad ko iyong napigilan."If something bad happens to Avyx, papatayin ko kayong lahat! Mga tanga! Ultimo isang maliit na bata hindi niyo kayang bantayan?!"Tanging sigaw ni Damon ang naririnig lang namin sa labas ng hospital."We didn't saw him-""Don't make excuses, Sawyer! Trabaho mo 'yan! Trabaho niyo 'yan! Kung alam kung mangyayari 'to edi sana hindi na kita tinulungan noon!" Kita ko kung paano nagkuyom ang kamao ni Sawyer dahil sa sinabi ni Damon. "Nagtiwala ako sayo na babantayan mong maigi si Avyx. Alam mo ang tumatakbo sa isip ni Avyx! Ikaw mismo ang pinagbilinan ko na maiiging bantayan si Avyx! Look at him now! Nag-aagaw buhay ang anak ko sa loob! Kritikal ang lagay! Wala ni isang makakaalam kung kailan gigising ang anak ko! S-sawyer! Tangina mo...tangina niyong lahat..
Naghanda na ako ng agahan sa mga bata. Ngayon sana ang unang klase nila pero sinabihan si Sawyer kanina na hindi muna papasukin ang mga bata sa skwelahan. Gumawa na rin ako ng sopas para kay Berta dahil napansin kung masama ang pakiramdam nito.Sinabihan ko namang pupunta siya sa hospital ulit pero ayaw niya."Why are you here?"Napatingin na lang ako kay Eloise ng pumasok ito sa kusina. Blanko ko lang itong tinignan at hindi pinansin. Lalampasan ko na sana ito ay bigla niya hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya."Anong kailangan mo?"Galit niya akong tinignan. "Why the fvck are you here? Sinong nagsabi sayo na babalik ka dito?!"Mapakla na lang akong tumawa at inalis ang kamay niya sa braso ko. Hindi ko na ito sinagot at tinalikuran na lang. Wala akong oras makipag-away, ke-aga-aga bunganga niya kaagad ang bubungad sa 'kin.Pagpasok ko sa kwarto ay natutulog pa ang mga bata kaya dahan-dahan ko itong ginising."Gising na..." mahinhin kung sabi dito.Unang nagising si Sebastian
"Bilisan mo!" Sigaw ni Eloise habang may dala-dala na itong baril na nakatutok sa 'kin. Binilisan ko naman ang lakad ko at pumasok kaagad sa sasakyan. Sumunod naman kaagad si Eloise pumasok at si Berta naman ay nakaupo sa passenger seat. Maraming sasakyan ang sumunod sa 'min."Fuck!" narinig kung napamura si Eloise at yumuko. May bumaril sa sasakyan namin kaya hindi ko mapigilang mapa-sigaw at yumuko.Unti-unti na lang iyon nawala ng tuluyan na kaming makalayo. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan umiyak. Baka magalit pa si Eloise at may sapi pa ito sa utak. Nabaling ako kay Berta na nahagip ko itong napangiwi."B-berta...ang sugat mo..." mahina kung bulong rito.Rinig na rinig naman iyon ni Eloise at napatawa dahil sa pag-alalang tono ko. Kahit trinaydor kami ni Berta ay hindi ko pa rin mapigilan mag-alala nito. Kahit papaano ay magkaibigan at may pinagsamahan kami. Tinignan lang niya lang naman ako at binigyan ng blankong mukha."You don't have to worry about me. You should worry a
Hindi mapakali si Damon ng sinundan ng tingin si Tres na papalabas sa bahay habang kasama nito si Eloise. Pinagmasdan nito ang paligid na naramdamang may tatlong sniper na nakatutuk sa gawi nila. Ilang segundo ang nakalipas ay sabay nila ni Sawyer pinutok ang baril sa gawi ng tatlong sniper na nakatago sa pinto, malapit sa kwarto ni Tres. Agad itong natumba at bumagsak. Dali-daling tumakbo si Damon sa labas at nagbabakasakali na maabutan ang sasakyan kina Eloise pero huli na. Napansin niya na lang na dumating na pala ang backup nitong tauhan niya at sa kanyang ama na nakikitapag laban sa rin sa mga tauhan ni Eloise. Hindi niya mapigilang mapamura ng malakas dahil nag-alala ito kay Tres na baka may mangyaring masama dito. Hindi siya basta-basta sumunod kaagad sa kanila dahil sisiguraduhin niya muna sina Azriel na nakatago sa kwarto niya. Dahil sa galit ay hindi niya ay sumali na rin si Damon sa pakikipaglaban hanggang unti-unti ng bumagsak ang lahat ng mga tauhan ni Eloise. "Stop
"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan. Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay. Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa. Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na. Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin. Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dal
Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya."Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.Sinamaan ko naman ito ng tingin."Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?""Paano ako kak
Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin. "Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa."Mommy, gusto ko rin make-up."Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas. Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla s