Napatingin naman ako kay Sawyer na nakatingin kay Damon. Kita kung kalmado ang mukha nito. "I taught her how to use gun." Sagot ni Sawyer. Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahan-dahang tumango si Damon. Akala ko naman tataas ang sungay nito. "You." Napatayo naman ako ng tuwid. "Yes Damon." Narinig kung mapatawa kaunti si Sawyer sa sagot ko. Eh alangan naman! Sinabi ni Damon na 'wag ko siyang tawaging Sir. Pero ampangit nagpagkakasabi ko. Yes Damon. "Nasa bahay na ang mga bata. Kanina ka pa hinahanap." Aniya tsaka walang pasabi-sabing tinalikuran kami. Sinenyasan ko namang si Sawyer na aalis na tsaka tumakbo para sundan si Damon na naglalakad papunta rin sa loob mansion. "Damon!" "Pst!" Tawag ko pero hindi man ako pinansin nito. Galit pa ba 'to sa 'kin? Bakit naman siya galit sa 'kin? Ni hindi ko nga alam bakit hindi niya ako pinapansin ng ilang araw. "Uy Damon!" Mas nilakihan nito ang hakbang kaya napatakbo tuloy ako para maabutan siya. "Damon, hindi mo na ako pinapansin
Dumating ang araw na kailangan ko ng maghanda sa pag-alis dahil sa pangalawang araw na ang kaarawan ni Tatay. Nakausap ko sandali si Damon pero tinanguan lang ako nito at hindi na lang nagsalita. Mukhang pumayag. Gigising pa ako ng maaga dahil alas kwatro ng umaga ako ba-biyahe, para makarating kaagad ako sa bahay. Namili pa ako ng mga pasalubong kanina para kila Ching. Na-miss ko naman ang batang iyon. Konti lang ang gamit na dinala ako, syempre babalik pa ako dito. Medyo marami lang ang dadalhin ko sa susunod na araw dahil sa mga pasalubong. Siguradong mahihirapan ako nito. "Tigil na sa paglalaro. Kanina pa kayo d'yan eh." Tukoy ko sa apat na kanina pa naglalaro ng basketball sa sala. Si Avyx at Sebastian ay walang t-shirt at nakita ko iyon na sofa. Tumingin naman ako sa wall clock at tinuro iyon at tumingin sa kanila. "Tinginan niyo oh, malapit ng mag alas siete, naglalaro pa rin kayo. Hindi ba kayo napapagod?" Dugtong ko. Napanguso naman si Axciel. "Mommy, gusto ko
Napatingin ako sa mga bata at nakita kung tulog na tulog ito. Napatingin naman ako sa katabi ko.Mas da-dalawang oras na akong hindi makagalaw ng maayos. Nakahiling kasi ang ulo ni Damon sa balikat ko, kanina lang. Ayaw ko namang siyang gisingin kasi ansarap ng kasi ng tulog niya. Si Sabrina naman ay inilipat namin sa likuran na nasa crib niya."Mommy..." rinig kung mahinang tawag ni Avyx sa likod. Umo-o lang ako lang ako dahil hindi ako makalingon sa kanya."O?""I'm hungry..."Napatingin naman ako sa oras, malapit ng mag eleven ng umaga.Malapit na rin kaming makarating.Napakamot naman ako sa ulo. Pa'no 'to? Eh wala akong dalang pagkain. Puro mga chocolates at junk foods ang nasa bagahe ko. Buntong-hininga ako at tumikhim kaunti."Damon..." gising ko rito."Damon..." ulit ko. "Wuy Damon, gising..." may kalakasan na boses ko habang niyugyog kaunti ang balikat nito. Buti na lang at unti-unting bumukas ang mga mata nito dahilan natigilan rin ako.Ang lapit ng mukha namin! Naramdaman
Alas singko pa lang ng umaga ay ang ingay na sa labas kaya maaga na ring nagising ang mga bata. Si Nanay ang nag asikaso kay kina Sebastian. Nakunot naman kaagad ang noo ko ng hindi ko nakita si Damon. Tumingin naman ako kay Nanay. "Nay punta na ako sa labas. Tutulungan ko na sila sa labas." aniko. Tumango naman ito. "Sge, kanina ka pa hinanap nina Dayan."Hindi na ako nagsalita at lumabas na. Nakita ko kaagad sina Pareng Loloy at mga kapitbahay namin na nagbubuhat ng baboy para mamaya. Medyo marami-rami kasi ang pupunta mamaya kasi Birthday na ngayon ni Tatay.Nakita ko sina Fey na nagluluto malapit sa may mangga kaya nilapitan ko ito."Fey, Dayan, nakita mo si Tatay?"Tumango naman sI Dayan. "Nasa sakahan." aniya at bumalik sa paghahalo ng pagkain. Nakakunot naman ang noo ko. Ang aga-aga pupunta sa sakahan? Ano naman ang gagawin niya ron?"Anong ginawa niya don? Malamig pa ang hangin!"Sumingit naman si Fey."Kasama si Gwaps. Pinaararo ng Tatay mo." Natatawang wika nito dahilan na
Kinaumagahan ay andito kami ngayon sa niyugan. Wala naman kaming ginagawa dito kundi binabantayan lang ang mga bata. Panay tingin ko rin kina Damon at Sawyer na kulang na lang uubusin ang mga niyog dito dahil sa ang bilis nilang magbunot ng mga 'to.Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng galaw nila. Para kasing nagparamihan sila ng niyog na nabunot.Nabaling naman ang tingin ko kina Axciel, na nakita ko pa itong nakipag-agawan kay Ching sa petsel ng buko juice. Lumapit naman sa kanila si Avyx para patigilin ang dalawa.Hindi ko tuloy mapigilang mapa buntong-hininga.Bumalik naman ang tingin ko kay Damon na galit na galit ito sa pagbubunot ng niyog. Hindi naman nagpapahuli si Sawyer kaya mas binilisan ang galaw nito.Hanggang ngayon ay hindi ako pinansin ni Damon. Galit ba siya dahil kagabi? Dahil kausap ko si Sawyer? Oh, eh, ano naman? Bakit naman siya magagalit eh nag-uusap lang naman kami. Hindi ko makakalimutan ng nilampasan niya lang ako kagabi.Tumalikod na lang ako para kunin ang
Warning SPGMag gagabi na ay wala pa ring nagpapakitang Damon sa bahay. Hindi ito nagpapakita sa 'kin simula nung nangyaring usapan namin don sa bukid. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nagsimula na akong kinabahan.Wala pa naman iyon alam dito. O baka naligaw.Napatingin naman ako sa mga bata na nasa mesa, kumakain. Si Nanay ang nag-asikaso sa kanila dahil kapag pagpapakain sa mga bata talaga ang pag-uusapan ay siya talaga ang mag-asikaso."Tay."Tawag ko kay Tatay ng papasok na ito sa bahay. Nagtataka naman itong tumingin sa 'kin."Ano?" Aniya"Nakita niyo si Damon? Kanina pa 'yon hindi nawawala." Nag-alalang sabi ko.Napatingin naman siya sa mga bata na nasa mesa hanggang napunta ang tingin nito kay Sawyer na natutulog sa mahabang upuan gawa sa kahoy. Natutulog ito habang nakabuka ang mga hita nito at naka-bukas ang bibig na natutulog.Pagod na pagod sa ipinagawa ni Tatay sa kanila kanina. Kanina pa siya natutulog hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.Si Damon kaya?
Tanghali na akong nagising pero pagbangon ko pa lang ay agad na akong napangiwi dahil sa naramdaman kung mahapdi sa ibaba ko. Bumalik naman ako sa kakaupo sa kama.Malapit na kasing mag hating gabi na kami umuwi ni Damon sa bahay.Nasundan pa nga naman.Mabuti't pagbalik namin ay tulog na silang lahat. Wala ngayon dito sa kwarto ko natutulog ang bata dahil nasa kwarto sila kay Nanay. Hindi kasi ako nakauwi ng maaga kagabi kaya tumabi na lang sila kay Nanay.Napatingin ako ng pinto ng biglang bumukas iyon kaya dali-dali akong humiga at kinumutan ang sarili ko. Baka si Nanay o kaya si Tatay iyon! Tapos pababangunin ako para kumain! Tapos makita niyang may mali sa paglalakad ko, hindi naman mga bulag ang mga iyon!"Good Afternoon." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng narinig ko ang boses ni Damon. Ayaw kung humarap sa kanya dahil nahihiya ako! Lintek na buhay naman oh.Nagpanggap naman akong humihilik dahilan narinig ito napatawa ng mahina."Alam kung gising ka na. Bangon na." Narinig
Sabay kaming lumabas ni Damon at pumunta na sa helicopter. Ni isa ay walang nagsalita sa 'min. Kahit ganun ay siya pa rin ang nagbukas sa akin ng pintuan at siya na rin ang naglagay ng seatbelt sa akin.Hindi ko mapigilang nag-iwas ng tingin dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.Dumating na lang kami sa bahay na walang kibuan. Napatingin naman kaagad ako harapan ng bahay namin nang nakita ko ang triplets at si Sebastian na buhat-buhat si Sabrina na natutulog habang nakasuot ito ng malaking jacket. Seryuso pang nag-uusap ang apat na nakaupo sa mahabang upuan gawa sa kahoy.Hinihinatay ba nila kami? Kanina pa ba sila sa labas? Hindi basta-basta mag palabas ng bata si Nanay sa ganitong oras. Yumuko naman ako kaunti para pigilan lumuha. Paano na lang kung aalis ako ng walang paalam? Ganito din ba ang gagawin nila sa mansion, naghihintay sa labas hanggang sa makauwi ako?"Mommy!""Ate!""Daddy!"Pilit akong ngumiti ng nakita nila kami. Sabay naman silang lumapit sa amin at dinamba