"Tulog na, andito lang ako. Okay?" Dahan-dahan naman tumango ang tatlo at pinahiga ko sila sa kama. Nakayakap si Azriel sa bewang ko, si Avyx ay naka unan sa kanang braso ko, si Axciel naman at sa kaliwang braso. Ilang minuto ay naramdaman ko na lang na nakatulog na ang tatlo.
Agad nakunot ang noo ko nang narinig ko ang ingay sa labas. Medyo nakabukas kasi ang pinto kaya rinig na rinig ko.
Dahan-dahan kung inalis ang yakap ng tatlo tsaka bumangon. Kinumutan ko muna sila. Rinig na rinig ko pa rin ang ingay na parang may nababasag. Kinuha ko ang flashlight sa drawer at lumabas sa kwarto ko. Sinira ko muna ng maayos ang pinto, baka papasukin pa sila don kung sino.
Sumalubong naman kaagad ang dilim ng buong mansion at flashlight lang ang dala ko.
"Hello? Nay Ema?" Tawag ko pero wala ni isang sagot.
"Berta?"
May nakita akong walis sa gilid kaya kinuha ko 'yon, kung may multo, may pamukpok na ako.
"Sawyer?" Pero wala akong narinig. Nasaan na kaya ang taga-bantay? Dapat nandito na sila sa loob dahil sa ingay.
"Ahh!" Napasigaw ako ng narinig kung nabasag na vase! Galing 'yon sa third floor at nabagsak! Hindi binagsak! Agad ko 'yon nilapitan at tama nga ako! Yong vase na palaging sinabi ni Nay Ema sa 'kin na 'wag na 'wag kung gagalawin!
"Fuck!" Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang baritong boses na 'yon!
Patakbo akong pumunta sa hagdan hanggang makarating ako sa third floor! Ang kalat! Binuksan ko ang ilaw pero ayaw bumukas!
Impossible namang may magnanakaw dito dahil andaming bantay sa labas!
Agad akong lumapit sa kwarto kung saan malapit sa kwarto ng mga bata. Nakabukas pa ang ilaw don. Pero bago pa man ako makahakbang ay biglang may yumakap sa likod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng naramdaman kung suminghot sa leeg ko.
"You're back..." Pilit kung inalis ang braso niya nakapalibot sa kamay ko pero mas lalo niyang hinipitan 'yon.
"B-bitawan mo 'ko!"
"N-no... please..."
Dahan-dahan akong humakbang pero nakayakap pa rin ito sa 'kin. Mas nilakihan ko ang hakbang ko at nilakihan rin nito ang hakbang na hindi naputol ang yakap nito sa 'kin.
"Sino ka ba ha?"
Narinig ko pang napatawa ito kaunti.
Siya pala ang lintik na ama ng tatlo! Gusto ko siyang sapakin ng bigla niyang hinalikan ang pisngi ko at naramdaman kung unti-unting gumapang ang kamay nito sa dibdib ko. Pero bago nakarating ay agad kung tinapik 'yon.
Amoy alak ang putik! Kaya pala!
Napagkamalan pa akong asawa niya!
Pero kailangan kung sumabay para hindi ako matangalan ng trabaho. Total hindi niya naman maalala.
"Pumunta na tayo sa kwarto mo."
"Kwarto natin." Pagtatama nito kaya napaikot tuloy ako sa mata ko. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto niya habang nakayakap pa rin ito sa likod ko.
Natigilan ako ng nakita ko si Sawyer na nataranta at kinabahan mga mata nito habang nakatingin sa 'kin. Napalitan iyon ng pagtataka nang nakita ang posisyon ng ama nila Axciel. Dahan-dahang lumapit si Sawyer sa 'min at nilayo ako rito. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niyang sinigawan si Sawyer.
"Fuck you Sawyer! Don't touch my wife!" Sigaw nito kaya dahilan binitawan ako ni Sawyer.
"Damon! hindi siya ang asawa mo!" Sigaw din ni Sawyer kay Damon.
Nanlaki ang mata ko ng may binunot si Damon sa bewang niya na baril at agad na pinaputukan si Sawyer sa balikat. Napangiwi naman si Sawyer at hinawakan ang balikat nito para pigilan ang tumulong dugo.
Hindi ako makagalaw dahil sa nakita ko. Agad akong kinain ng takot at nanginginig na ang buong katawan ko. Ngayon lang akong nakakita ng baril sa totoong buhay.
Ngayon lang.
"One wrong move. Hindi na ako magdadalawang isip na ipaputok ito sa noo mo pag nilapitan mo ang asawa ko!"
Nag-alalang napatingin naman kaagad si Sawyer sa 'kin.
"Don't look at her!"
Sinenyasan ako ni Sawyer na magsalita.
"D-damon, ibaba mo ang b-baril mo... p-please..." Takot kung boses. Nanginginig kung hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril at dahan-dahan 'yong binaba.
"I'm sorry..."
Kita ko ang gulat na mukha ni Sawyer habang binangit ang dalawang salitang 'yon galing kay Damon.
"Ikaw na b-bahala sa k-kanya," sabi ni Sawyer. Magsalita na sana ako kaagad niya naman kaming tinalikuran. Napatingin ako sa sahig at andaming dugo ni Sawyer.
"Babe..."
Napatalon ako konti dahil sa narinig ko.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa kaba at nanginginig na rin ang katawan ko.
"Ilayo m-mo sa 'kin aang b-baril na 'yan..." Naramdaman kung natigilan siya sa sinabi ko.
"Y-you're still afraid of guns... I'm sorry... 'wag m-mo lang akong iwan ulit..." May pakaawang tono nito kaya dahan-dahan naman akong tumango. Binato niya kung saan ang baril at yumakap ulit sa 'kin.
"M-matulog na t-tayo?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mautal. Naramdaman kung napangiti ito sa sinabi ko at tumango.
Kailangan kung maging matapang ngayon dahil gusto ko pang mabuhay. Sana okay lang si Sawyer baka naubusan na 'yon ng dugo. Hindi naman siguro mamamatay 'yon. May mangyari talagang masama sa 'kin pag gagawa ako ng mali habang katabi ko pa ang ama ng mga bata.
Kaya pala takot ang mga bata sa kanya.
Mas mabuting tumakbo ang mga 'yon sa kwarto ko para hindi makita ang ginawa ng ama nila kay Sawyer. Ganito ba 'to palagi? Wala namang sinabi si Nay Ema tungkol sa ugali ng ama nang mga bata. Naawa ako sa kanila.
Sabay kaming pumasok sa kwarto niya. Ang kwarto niya lang ang may ilaw kaya humarap ako sa kanya.
Nanlaki ang mata kung napatingin sa buong mukha niya habang siya naman matamis na ngumiti at nakatingin din sa 'kin. Hindi akalain na ang ganda pala ng pagmumukha ng ama ng tatlong bulilit na 'yon. May lahi palang diwata ang pamilya nila...
"I thought you would leave me... Akala ko iniwan mo na ako..." May lambing na tono nito. Ang takot na naramdaman ko ay napalitan iyon ng kiliti–hindi! Problema! Magpanggap na lang akong asawa niya? Ibig sabihin may asawa talaga siya?
Tapos gagawin akong kabit? Lintik! Lasing kasi kaya wala akong magagawa!
Ayaw ko ring mamatay! Pagsasabihin kung hindi niya ako asawa baka barilin pa ako!
"A-ano... Umalis b-ba ako?"
Nakunot naman ang noo nito sa sinabi ko. Sh't ang cute tingnan. Pero putakte hindi pwede 'to!
Hindi ko alam anong nangyari sa kanya ng nakita kung may namumuong hula nito sa mga mata niya at tuluyan 'yong nagsibagsakan.
"M-mas pinili mo ang hayop na 'yon kaysa sa sa 'kin..." Naluluhang sabi nito. Nataranta naman ako ng napayuko ito at humagulgol. Walang na akong naisip kundi yakapin na lang siya. "W-why? Bakit mo ako iniwan? Kung ako sana ang pinili mo hindi lahat ng 'to ay mangyayari sa iyo... may pamilya na sana tayo..." Mas hinigpitan nito ang yakap at binaon ang mukha sa leeg ko.
Marami ng malulutong na mura na nasabi sa isip ko ngayon.
Lasing eh! Kailangan kung makisabay!
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Tahan na... ahh... tulog kana..." Gusto kung batukan ang sarili ko ngayon.
"Hmm, I missed you so much. Let's sleep now," aniya. Siya na ang bumitaw sa kakayakap at hinawakan ang kamay ko. Agad ko itong inalalayan dahil muntik pa itong matumba.
Napasigaw ako ng bigla niyang binagsak sa kama ang katawan niya kaya napasama tuloy ako.
Laking gulat ko nang bigla na lang siya pumaibabaw sa 'kin at walang pasabing bigla niya akong hinalikan!
Mama! Tulong! Ang first kiss ko!
Ramdam na ramdam ko ang dila niya na nasa labi ko at kinagat pa ito!
Jusko!
Nilakasan ko ang sarili ko para mawala siya sa ibabaw ko. Naputol ang halik namin at ako naman ang pumalit sa pwesto niya! Pumaibabaw ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang magkabilang kamay niya sa magkabilang gilid niya.
Pero ang lintik biglang ngumisi.
"Still wild, huh? I liked it." Nagngingitngit na ang mga ngipin ko ngayon dahil gusto ko na siyang susuntukin. Agad naman niyang tinangal ang pagkakahawak ko sa kamay niya at niyakap niya ako habang nasa ibabaw ako sa kanya.
"I'm tired and sleepy... mabuti't bumalik ka kaagad sa 'kin..."
Rinig na rinig ko tibok ng puso niya.
Sa bawat tibok ng puso niya ay mas mararamdaman ako sa sarili ko kakaiba. Napatingin ako sa relo niya. Malapit na palang mag four ng umaga.
"Matulog ka na," ani ko tsaka tumango naman ito at hinalikan niya muna ako ang noo ko tsaka hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Narinig ko pang bumulong na 'wag ko raw siyang iwan. Ang lala pala ng ginawa ng asawa nito.
Tinignan ko ang maamo niya mukha habang natutulog. Ang ganda palang lahi nito.
"Kung 'di mo pa lang binaril si Sawyer baka crush na kita ngayon..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga tuloy ako at wala sa isip na nakatulog sa ibabaw niya.
Pagkagising ko ay inasahan ko na talagang wala siya sa tabi ko.
Pagkabangon ko sa kama ay agad naman ako hindi makagalaw sa posisyon ko ng pagbungad ko ay may tumutok sa 'kin na baril. Nanlamig ang buong katawan ko nang nakita kung sino ang may hawak n'un. Si Sir Damon... Galit at galit ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin.
Unti-unti akong napatingin sa baril na hawak niya. Iyon 'yung baril na ginamit niya kay Sawyer.
"Who the fuck are you?!"
Napatalon ako sa sigaw niya. Walang lumabas sa bibig ko dahil sa takot! Baka kung anong mangyari sa 'kin. Ano ba 'tong pinasukan ko... Ayaw ko na... Gusto ko nang bumalik kina Tita Yuni...
"S-sir—"
"Shut up! Who are you bitch?!" Nanikip bigla ang dibdib ko nang sinabi niya ang salitang 'yon. Pero mas nadagdagan 'yon ng bigla niya akong sinampal ng malakas dahilan na bagsak ako sa sahig.
Hindi ko mapigilang napaluha dahil ni isang beses ay wala pang nakasampal sa 'kin kundi siya lang... Hindi nga ako na sampal nina Nanay...
Siya lang...
"T-tama na ho—Ahh!" Napasigaw ako ng bigla niyang pinaputukan ang pwesto ko. Buti't hindi ako natamaan. Agad kung tinakpan ang tainga ko at hindi mapigilan napasigaw dahil paulit-ulit niyang pinaputok ang baril niya malapit sa pwesto ko.
Matapos kung pakainin ang mga bata ay inihabilin ko muna sila kay Berta. Agad akong nagbihis para makauwi kaagad. Pakababa ko sa hagdan ay nakita ko ang tatlo na nasa baba na naglalaro ng bagong bili na truck raw nila.Binili daw 'yon ng Daddy nila.Nakaka-bwesit naman ang Tatay nila, hindi man lang kayang umuwi rito para bisitahin ang mga anak niya.Ni hindi ko rin nakita anong hitsura ng tatay nila.Sabay namang napatingin ang tatlo sa 'kin."Mommy, saan ka pupunta?" Tanong ni Avyx sa 'kin."Dito lang kayo. Mag-grocery lang ako saglit," aniko at tumango naman ito. Kinuha ko na ang listahan na nasa mesa at nagpaalam na sa tatlo. Nakita ko na si Sawyer na naghihintay na sa 'kin sa labas. Nang nakita ako ay kaagad na itong pumasok kaya pumasok na rin ako sa passenger seat."Bilis!" Iritado kung sabi kay Sawyer. Ang bagal kasing maglakad. Dalawang oras na kaming nandito sa mall dahil ang bagal niyang maglakad. Inirapan lang ako nito. Napatingin ulit ako sa kanya ng nakita ko itong nah
"Answer me!" Sabay putok malapit sa paa ko.Nanginginig na ang buong katawan ko. Ipapaputok niya sana ulit ang baril ng biglang bumukas ang pinto ang pumasok sina Axciel na dala-dala ang toy gun nila at tinutok 'yon sa ama nila."Put it down, Dad!""Daddy!" Galit na sigaw ng tatlo sa ama."What are you doing?!""Put it down or else I'll will fucking kill you!" Galit na sigaw ni Axciel sa kanyang ama. Nakita ko namang nagulat si Sir Damon sa sinabi ng anak niya. Dahan-dahan naman niyang binaba ang baril at agad naman lumapit si Avyx sa 'kin at tinulungan akong makatayo. Pinunasan pa nito ang luhang nasa pisngi ko at niyakap dahil nanghihina na ang paa ko dahil sa takot at kaba, kita kung nag-alala ang mga bata sa 'kin at galit na naramdaman nito sa kanilang sariling ama."W-why you—""Shut up Daddy! Don't ever hurt mommy dahil kami talaga ang makakalaban mo!" Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa galit na sigaw ni Avyx. Ngayon ko lang silang nakitang ganito magalit."She's not yo
Pumasok na ako sa kusina para magluto ng pananghalian ko. Papasok pa ako sa bilang waitress sa kilalang restaurant. Mabuti na lang agad nila akong tinanggap. Kailangan din kasi nila kaagad ng waitress."Jusko." Napasampal tuloy ako sa pisngi ko dahil wala pala akong nabiling pagkain kagabi dahil na rin sa pagod, nakalimutan ko.Magda-dalawang buwan ng mag-isa ako rito sa maynila. Walang kasama, walang malalapitan. Sariling sikap ang naranasan ko ngayon. Susunod na araw ay kailangan ko pang magpadala ng pera kina Nanay. Hindi pwedeng wala akong maibigay. Hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari sa 'kin dahil ayaw ko silang mag-alala. Sigurado akong pauwiin nila ako, eh pa'no naman ang lupa namin? Andaming mawawalan hanap-buhay pag-uuwi ako.Minsan hindi ako kumakain para may maipon na pera.Paglabas ko sa bahay na nirentahan ko ay agad kung nakita si Sawyer na may hawak itong paper bag. Nagtataka namana kong napatingin sa kanya. Matagal-tagal na kaming hindi nag-kita ah. Pero agad n
Bumili kaagad ako ng bulaklak pagkatapos mag-simba. Malapit na ang tanghalian kaya naisipan kung sa mall na lang kakain.Hindi ko mapigilang hindi napabuntong-hininga. Kailangan ko pang magpadala ng pera sa susunod na araw. Mamayang gabi kailangan ko pang maghanap ng trabaho dahil pinaalis ako ni Manager sa ginawa ko sa demonyong 'yon."Ate, pahingi po kahit piso lang..." Napatingin ako sa gilid ng may batang kumalabit sa 'kin. Naluluha ko itong tinignan dahil ka-edad niya lang ang tatlo at may buhat-buhat itong batang babae."Nasaan ang mama mo? Si papa mo? Nasaan?"Bigla naman itong nag-iwas ng tingin dahil sa mga tanong ko. Mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko."Pinabayaan na po kami."Tinignan ko naman ang kasama nitong bata na buhat-buhat pa niya."Kapatid mo?" Tanong ko at napangiti naman itong tumango tsaka tinignan ang kapatid niyang babae."Opo, maganda po ang kapatid ko po, no?" Ngumiti naman akong sumang-ayun sa sinabi niya. May halong banyaga ang mga bata'ng 'to dahil sa
Kaagad naman lumaki ang ngiti ko tsaka kinuha ang party hat na nasa ulo ko at lumapit kay Sir Damon."Sir Damon! Nakauwi ka na!" Nakangiting sabi ko.Bumati naman ang mga kalaro ng mga bata sa kanya. Pero agad silang napatawa nang pinasuot ko sa kanya ang party hat ko. Magsasalita na sana ito pero kaagad kung tinakpan ang bibig niya."Shhh, kumain ka muna bago magsalita," plastik kung ngiti. Alam ko namang magagalit ito ng walang paalam siya kanya. "...tara-tara hindi din ako kumakain kaya sabay na tayo!" Tinignan ko naman si Berta. "Berta! Ikaw muna papalit sa 'kin bilang mc ng mga bata!" Sigaw ko rito.Dali-dali naman siyang lumapit sa 'min at kinuha sa microphone ko. Napansin ko pa itong nag-iwas ng tingin kay Sir Damon.Kinaladkad ko naman si Sir Damon sa kusina kung nandon ang pagkain habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya."Sino ang mga bata na 'yon?" Agad na tanong nito habang nakakunot ang noo. Tinaasan ko naman kaagad ito ng kilay na para bang hindi makapaniwala.
Unti-unti kung inimulat ang dalawang mga mata ko at bumalik kaagad sa kakapikit. Unang nakita ko ay ang liwanag, baka nasa kabilang buhay na ako ngayon. Hindi pwede! Dahan-dahan kung ginalaw ang mga paa ko at sa kamay, may naramdaman nalang akong may nakasabit rito."Wake up."May narinig akong boses na ginising ako. Hindi ko pa rin inimulat ang mga mata ko. Hindi pwedeng ang demonyong boses na narinig ko ngayon."I said wake up." May halong galit na tono nito. Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko tsaka napatingin sa gilid. Agad ko namang nakita ang taong kailanman ay hindi ko gustong makita sa buong buhay ko."B-bakit ka nandito?" Hindi niya naman ako sinagot. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas 'yon at pumasok ang tatlong chikiting!"Mommy!""Gising kana mommy!"Sabay-sabay silang lumapit sa 'kin at ningitian ako ng malaki. Napangiti naman akong sinuklay ang mga buhok nila at hinalikan sa pisngi."Mommy, ang tagal mong gumising." Nakangusong sabi ni Avyx. Sumang-ayon n
"Relax okay? Ang pangit mong umiyak." Pabiro nito pero wala akong oras sabayan ang biro niya!"Sina Sebastian! K-kailangan ko silang hanapin!" Nag-alalang sabi ko sa kanya."Lalaki ba 'yan?" Kita ko pang dumilim ang paningin nito habang nakatingin sa 'kin. "Oo! Batang lalaki kasing edad lang ng nila Avyx. Si Sabrina, two or three years old! Please naman oh, hanapin mo ang dalawa, nangako akong babantayan ko sila..." natigilan naman ito sa sinabi ko tsaka nakunot ang noo."Siblings, right?" Tumango naman ako sa sinabi niya. Bumuntong-hininga ito at nagsalita. "Don't worry. Nasa mansion sila, kinuha ni Sawyer," aniya kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa pinto pumasok ang tatlo at agad nanlaki ang mata ng nakita ang hitsura kung umiyak. Galit naman nilang binalingan ang ama tsaka wala pa sabi-sabing tumakbo at pinagkarate ang ama nila."Ouch! Axciel!""Your making mommy cry again!" Sigaw ni Axciel sa ama."What? Hell no! Ouch!""You promised!""Liar!""I didn't do anything
"Pag di mo ibabalik 'yan tatawagin ko ang mga bata!" Pananakot ko pero ningisian niya lang ako. "Talaga?" "Oo!" "Tsk." Tumalon ako at pilit kinuha ang phone na nasa kanya. Hindi ko akalain sa pangatlong talon ko at kunin ko sa ang phone pero nadulas bigla ang kamay at napunta 'yon sa pisngi niya. Rinig na rinig ko tunog kung paano ko nasampal ang pisngi niya ng hindi sinasadya. Natigilan naman ito habang nakatagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko. "D-did you just slap me?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. "S-sir sorry... Ikaw naman kasi eh!" Paninisi ko. Mapakla naman itong tumawa at tinignan ako dahil sa sinabi ko. "Ako pa ang may kasalanan? Tandaan mo babae nasa pamamahay kita kaya wala kang karapan na sampalin ako." "Kasalanan mo talaga eh! Kung 'di mo binasag at 'di ka pakialamero, hindi kita aksidenting masampal!" Singal ko sa kanya. Sasagot na sana siya ng bigla kaming narinig na may tumikhim. Agad naman kaming napatingin rito. Nati
Gabi na akong matapos mag impake ng mga gamit ko at sa mga bata. Nasa kwarto lahat ang mga maleta. Napatingin ako sa oras at alas kaka three lang ng umaga. Alam kung maagang aalis si Tres para umuwi sa probinsya nila. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa pag impake. Wala siyang alam na sasama kami sa kanya. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kanya dahil alam kung hindi ito papayag.Kaninang ala dos ko pa pina gising ang mga bata para hindi kami maiwan ni Tres. Dali dali akong pumunta sa kwarto ng mga bata ng nakita ko na si Tres na lumabas sa kwarto niya habang hatak hatak nito ang maleta. Nang makarating kami sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagdadalawang isip na pumasok sa sasakyan. Kita ko ang gulat na reaksyon niya habang sinundan kami ng tingin papasok sa sasakyan."Hindi ka pa sasakay?""H-ha?""Get in. Malayo pa ang ba-byahe natin." Aniko. Pinigilan kung mapangiti sa reaksyon niya. "B-bakit saan ba kayo pupunta?""Kung saan ka pupunta, d'on rin kami
Napasapo ako sa noo ko ng napatingin sa batang lalaki na may buhat-buhat itong bata. Inosente naman itong napatingin sa ‘kin.“Sir, si Ate Tres ho ba okay lang? Pwede niyo po ba akong dalhin sa kanya? Gusto ko lang tingnan ang kalagayan niya, kung pwede lang. Nagmamakaawa po ako.”“Sino ‘yan?” tukoy ko sa batang babaeng buhat niya.Nasaan ba ang mga magulang nila? Kaano ano sila ni sa babaeng iyon? “Kapatid ko ho. Si Sabrina at ako naman ho si Sebastian.” naramdaman ko na lang ang saya ng boses nito habang binigkas ang pangalan niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.“Let’s go. Sumama kayo sa bahay. Sa bahay na lang kayo maghihintay kay T-tres. Kung okay ang sa ‘yo.” Dali dali naman itong tumango sa sinabi ko. Agad ko namang binuksan ang sasakyan at pinapasok kaagad. Napansin kung gaano niya ka alaga sa kapatid niya. Narinig ko pa itong ma binulong sa kapatid na para bang pinatahan.Nang makarating kami sa mansyon ay aga ko silang pinababa at ipinabantay ni Sawyer. Kita ko n
Hindi ko mapigilan napapikit sa mga mata ko ng nakita ang pinapahanap ko kahapon at ngayon lang dumating. I looked at my secretary and gave him a glare. Agad rumehistro ang kabadong mukha nito dahil sa ginawa ko.Nagpakawala ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili dahil baka may magawa akong masama dito."I told you na hahanapin mo kaagad ito. You were supposed to give this to me yesterday!"Nakita ko itong napaigtad sa sigaw ko. "S-sir, wala ka ho d-dito kahapon. S-sinabi sa 'kin ni Saine na umuwi ka ng maaga k-kahapon—""Edi hatid mo sa bahay!" Putol ko dito.Nakita ko itong napayuko sa sinabi ko. Binato ko naman sa kanya ang mga papelis at nagkalat iyon sa sahig."Gave it to Saine. Sumama ka sa kanya. Kayo ang gagawa niyan and give that to me after as soon as possible! Ayaw kung trabahuin iyan dahil sunod sunod na ang schedule ko sa meeting!""Y-yes sir.""Now, get out!" Sigaw ko. Dali dali naman itong lumabas at napabuga ako ng hangin dahil sa inis na naramdaman.Unang bes
“Mom, where are we going?” tanong ni Axciel ng makapasok kaagad ito sa passenger seat. Galit namang tinignan ni Tres ang anak at tumingin sa likod. Nakita naman kaagad ni Axciel si Ching na nakangisi ng mapang-asar sa kay Axciel at palihim na binelatan.“Why are you here?!” inis na tanong ni Axciel dito. Inirapan naman ito ni Ching at pinag krus ang dalawang braso. Ginagaya gaya pa nito ang tanong at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi mo sinama si Ching kahapon sa lunch?” may halong galit na tono ni Tres. Sumama naman ang mukha ni Axciel. “She’s the one who didn’t come!”Tumaas naman kaagad ang kilay ni Ching. “Malamang! Binantaan mo akong sasabunutan mo ako!” singit nito. Kinuha pa nito ang cellphone at binuksan ang recorder. “Oh ito may ebidensya ako! Ni record ko kaya ang conversation natin!” pli-nay naman ito.“Nagpapaturo lang naman ako ng math eh! Bukas na kasi ipapasa.” Rinig nila sa record nito.“No! Ano bang ginawa mo habang tinuturuan kayo ng guro niyo, ha?!”“Nakinig!
Maaga akong nag luto para makakain kaagad ang mga bata. Papasok pa kasi sila. Lalo na si Savvy ay kailangan ko pang asikasuhin ng maayos. Ayaw niya kasing pumunta sa skwelahan kung hindi ako nagbabantay sa labas ng room niya o di kaya ang Daddy niya. Kaka-pasok niya lang sa skwelahan, grade four. Home schooled kasi siya ng dalawang taon kasi iyon ang gusto ni Damon. Pero ngayon ang pumapasok na talaga."Mom."Napatingin naman ako kay Sebastian na kakagising lang. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Wala na akong masabi sa mga anak ko dahil silang apat ay mas matangkad pa kaysa sa 'kin. "Kakain ka na?" Umupo naman ito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nito."Hintayin ko na lang sila.""Mabuti pang puntahan mo sila, para magka sabay-sabay na kayo." Aniko. Tumango naman ito at bumalik sa taas para gisingin ang mga kapatid. Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko at alam ko na kaagad kung sino 'yon. Ibinaon pa nito ang mukha
"Genesis!" Nakangiting sigaw kong nakita ko itong may kausap. Napatingin naman ito kaagad sa gawi ko at ngumiti."Tres."Lumapit naman ako sa kanya pero aakmang yayakap sana ako ay bigla na lang may pumigil sa 'kin. Eh, sino pa edi ang asawa kung praning. Walang ibang ginawa kundi panay sama ng tingin kay Genesis simula nung kasal.Pangalawang kasal namin ngayon ni Damon at sa dito sa kumpanya namin ni Damon ginanap. Taray, may share na ako sa kumpanya ng asawa ko.Ngayon naman ay mga ka-business partner ni Damon sa kumpanya na ang mga bisita namin. Hindi nakapunta si Genesis nung kasal sa probinsya dahil may inaasikaso. Buti't nakapunta siya ngayon."Congratulations." Anito."Salamat, nga pala amusta?" Nakangiting sabi ko.Hindi niya ako sinagot dahil napunta ang tingin niya kay Damon na ang sama pa rin ng tingin. Hinampas ko naman ito sa braso."Ano ba? Kulang na lang kakainin mo ng buo 'yong tao," reklamo ko sa kanya."I don't like him," daritsahang sagot nito. Napatawa naman si Ge
Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin. "Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa."Mommy, gusto ko rin make-up."Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas. Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla s
Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya."Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.Sinamaan ko naman ito ng tingin."Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?""Paano ako kak
"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan. Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay. Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa. Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na. Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin. Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dal