Share

Chapter Five : The Sinigang

Maaga akong nagising para paglutuan ang mga demonyong mga bata na 'yon. Jusko. Mukhang maaga akong tatanda nito dahil sa pinaggagawa nila sa 'kin, lalong lalo na kahapon.

Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. Ang gulo nang buhok ko. Nakalimutan kung hindi pala ako nakaligo kagabi dahil na rin sa pagod. Buti na lang talaga hindi umalis si Sawyer sa tabi ko kaya ayun siya ang palaging tinamaan. 

Nilinisan ko muna ang sarili ko at naligo na rin bago lumabas. 

Matamlay kung binuksan ang pinto kasabay n'un ay napasigaw ako at napaubo. May kung puting abo ang natulog galing sa taas kaya hindi ko mapigilang mapapikit.

"Good job, Axciel," narinig kung sabi ni Azriel at sabay silang tumawa. Napatingin ako sa kanila ng nakita ko itong patakip-takip ng bibig nila habang tinatawanan ang hitsura ko.

Puno na ako ng harina!

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa dahilan tumakbo ito papunta kung saan hanggang sa mawala ito sa paningin ko. May balak sana akong sumugod sa kanila pero hindi pwede baka hindi ko mapigilang ang sarili kung mabato sila ng tsinelas.

"Mommy..."

Agad kung tiningnan si Avyx na nag-alalang nakatingin sa 'kin. Lumambot ang itsura ko nang dali-dali niyang tinangal ang tshirt na suot niya at tsaka lumapit sa 'kin para ipunas 'yon sa harinang nasa katawan ko. 

"Mommy yuko ka konti maraming flour sa hair mo," aniya kaya sinunod ko ito. Pinagpagan niya naman ang buhok ko na may harina.

Basa pa kaya ang buhok ko. Pinigilang ko naman si Avyx.

"Tama na 'yan. Maliligo na lang ako ulit," nakangiting sabi ko aa kanya tsaka tumango lang ito at binuhat ko. Agad naman akong naglalakad habang nakatingin sa kanya.

"Gutom ka na?" Tanong ko papunta sa kusina.

"Yes po. I haven't eaten yet , mommy." Cute niyang sabi. Hindi ko mapigilan hindi kurutin ang pisngi nito.

Pagpasok pa lang namin sa kusina, agad kung nakita ang dalawang demonyong dawende, mukhang naghihintay sa 'kin kung kailan ko ihahain ang pagkain nila.

Ang kapal talaga nang pagmumukha pagkatapos nilang ginawa sa 'kin. Tinaasan ko lang naman sila ng kilay kaso panay pigil din nito sa tawa niya dahil sa itsura ko. 

Biglang pumasok si Berta na may dala-dalang plato na may lamang pagkain tsaka nilagay 'yon sa harap ng dalawa, pero agad naman nakunot ang noo sa dalawa nang nakita ang pagkain. Umakto pa itong nasusuka.

"What's that Yaya Berta?" Nandiring sabi ni Axciel.

Nilayo naman ni Azriel ang plato sa harap niya.

"Masarap 'yan. Inihaw na bangus," sagot ni Berta sa kanila.

"I don't like it! Cook something else Yaya Berta!" Sumama naman kaagad ang mukha ko dahil sa pagsigaw niya kay Berta.

"Axciel! Yang bibig mo, puputulin ko 'yan dila mo. Wala kang galang sa nakakatanda ha, sumosobra kana," galit kung sabi pero binalewala niya lang ito. Napatingin sa 'kin si Berta, kita ko ang panlaki ang mata nito habang nakatingin sa kabuuan ko.

"Anong nangyari sayo, Tres?"

Hindi ako sumagot at tinignan lang ang dalawa. Tinignan niya naman ang dalawa at napabuntong hininga.

"Ako na lang bahala sa kanila Berta," aniko tsaka pumayag naman ito at umalis na.

Pinaupo ko muna si Avyx katabi ng kapatid niya tsaka tinignan ang dalawa.

"Kung ayaw niyong kainin iyan, di 'wag kayong kakain. Sino ba naman ang magugutom kundi kayo man lang." Kibit balikat kung sabi. Napanguso naman ang dalawa.

Hindi ko naman sila pinansin. Napatingin na lang ako kay Avyx ng narinig ang boses niya.

"P-pero ako mommy?" Rinig kung sabi ni Avyx. Ningitian ko lang ito ng matamis.

"Hindi ka kasali baby Avyx kasi mabait ka, hindi katulad sa dalawang 'yan," parinig ko at pumunta na sa ref para magluto ng sinigang. Rinig na rinig ko pang panay reklamo ng dalawa pero hindi na iyon pinansin. Nagsimula naman kaagad akong magluto para matapos kaagad.

Malapit ng matapos ang sinigang kaya nasinghap ko na ang masarap na amoy nito. Nilagay ko pa rito ang secret recipe ni Nanay.

"What's that?"

Napatingin naman ako kay Azriel nang bumaba ito sa upuan at lumapit sa 'kin. Sumunod naman sa kanya si Axciel habang hatak-hatak nito ang upuan tsaka pumatong ron para tingnan ang niluto ko. 

Kumapit pa ang isang kamay niya sa balikat ko dahilan napataas ako ng kilay habang nakatingin don.

"Mabango," wika ni Axciel at tinignan ako tsaka ningisian. 

Hindi ko gusto ang ngisi niya eh.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Oh? Talaga? Kay Avyx 'to hindi para sa inyo," tinuro ko naman ang inihaw na bangus. "Iyon ang sa inyo oh."

Sumama naman kaagad ang mukha nito.

"I don't like that food and I like this," turo sa kumukulong sinigang.

"Hindi kita bibigyan nito, kainin niyo ni Azriel 'yon. Niluto pa 'yon ni Berta para sa inyo."

"No!"

Napatakip tuloy ako sa tainga ko dahil sa sigaw niya.

"Huwag ka nang sumigaw," saway ko.

Padabog itong bumaba sa upuan, pati si Azriel rin ay nakasimangot tsaka sabay silang umalis sa kusina. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Bahala sila sa buhay nila, mga spoiled na bata.

"Papakainin ko lang kayo nito pag maging mabait kayo sa 'kin!" Natatawang sigaw ko pero hindi sila nagsalita hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Kumuha na ako ng bowl para ihain na kay Avyx ang sinigang. Nakita ko itong na palakpak ng nilagay ko ang pagkain sa harapan niya.

"Kumain ka na."

"Thank you mommy!" Masayang sabi nito at nagsimula ng kumain.

Habang nakangiti akong tumingin kay Avyx na kumakain ay napasigaw na lang ako ng biglang may tumama sa likod ko kaya napatingin ako. Nanlaki kaagad ang mata ko nang nakita ang dalawa na may hawak na malaking machine gun na toy gun habang nakatutok sa 'kin.

"Now, give me that sinigang."

"Me too." Dugtong ni Azriel. May pagbabantang tono ng dalawa.

Dahan-dahan kung tinaas ang kamay ko para hindi babarilin.

"Kung matatamaan ulit ako niyan, hinding-hindi ko kayo pakakainin." Pananakot ko sa kanila. Mabuti't binaba nila ang laruan at bumalik sa kinauupuan nila kanina. 

Nakita ko pa itong napalunok habang nakatingin sa kinakain ni Avyx.

Inirapan ko naman ang dalawa bago naghain ng pagkain para sa kanila.

"Ito na po mga kamahalan," aniko tsaka nilagay sa harap nila ang dalawang bowl na puno ng sinigang. Agad naman nila itong kinain parang mga patay gutom na hindi nakakain ng ilang taon.

Pero lihim akong mapangiti habang nakatingin sa kanila pero may halo ring lungkot. Alam kung bakit ganito sila dahil kawalan sa pag-aalaga ng magulang nila. Gusto lang nila ng attention kaya nila ginagawa nila ito sa 'kin.

"Tres." Napatingin ako kay Nay Ema nang pumasok ito. Napatingin naman ito sa magkapatid at nakita ko ang gulat ng mukha nito.

Patuloy naman sa pagkain ang mga bata.

"Ano po, Nay Ema?"

"Uh, sa s-sumunod ka na lang sa 'kin," aniya at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya hanggang napunta kami sa sala.

"Bakit po Nay?" Taka kung tanong. Nakita ko pa itong napasulyap ito sa kusina bago tumingin sa 'kin.

"N-nakakagulat..." 

Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Hinihintay ko naman na dugtungan 'yon.

"Ngayon lang sila kumain ng ganun karami. Minsan nga hindi 'yon kumakain dahil ayaw nila sa pagkain na inihanda sa kanila kaya isa 'yon sa problema namin. P-pero hindi ako makapaniwala sa nakita ko," aniya.

"Nako kulang lang po sa pansin ang mga bata kaya ganun sila." Pilit akong ngumiti.

Agad naman sumang-ayon si Nay Ema sa sinabi ko tsaka bumuntong-hininga.

"Tama ka Ihja, nga pala..." May kinuha ito sa bulsa niya at binigay sa 'kin ang papel, "...pwede bang ikaw muna ang mag-grocery bukas? May pupuntahan ka muna kami ni Berta at tsaka ipapasama ko naman sayo si Sawyer para naman hindi ka mahirapan. Okay lang ba?" tumango tango naman kaagad ako sa sinabi niya.

"Ah opo Nay!" Sabay tanggap ko sa papel at tinignan 'yon. Medyo marami-rami nga 'yon.

"Sge, si Sawyer na ang bahala sa bayarin, nasa kanya kasi ang credit card para pang-grocery dito.

"Okay po wala pong problem—" pero biglang sumingit si Azriel kaya napatingin kaagad ako rito.

"Mommy, I want more sinigang." Nakita kung nakasimangot na mukha ni Azriel habang dala-dala ang bowl na wala ng laman. Sumunod naman rito si Axciel at Avyx na dala-dala rin ang bowl na wala ng laman.

"Ano sinabi mo?" Tanong ko baka kasi nagd-daydream lang ako sa sinabi niyang mommy.

"I want more sinigang."

"Hindi 'yong pinakauna." Iritado naman sumingit si Axciel.

"Mommy, we want more sinigang." Diniinan pa nito ang salitang mommy kaya lihim akong napatawa.

"Sge na po mommy." Paawang sabi ni Avyx at nakanguso pa ito. Lumapit naman ito sa 'kin at nilahad ang bowl niya kaya kinuha ko ito at binuhat siya.

"Sge, kayong dalawa pumunta kayo sa kusina para mabigyan ulit kayo." 

Hindi naman ito nagsalita at sabay nagtatakbuhan papunta sa kusina habang dala-dala ang mga bowl. Nabaling ang tingin ko kay Nay Ema ang seninyasan nang umalis na.

Sabay kaming pumunta ni Avyx sa kusina habang buhat-buhat ko siya. Nakita na namin kaagad ang dalawa na nakaupo na. Pinaupo ko si Avyx katabi nila at isa-isang kinuha ang bowl tsaka nilagyan 'yon ng sinigang.

"Thank you!"

"Yey! Thank you mommy!"

"Nice! Thanks!"

Sabay nito sabi at kumain na. Kumuha na rin ako ng sarili kung plato at sumabay nang kumain sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status