Home / Mistery / Thriller / BLEEDING / SAPAT BA ANG PAGDUDUDA

Share

SAPAT BA ANG PAGDUDUDA

“Iyong Nena bang tinutukoy mo, Mendez? Napansin ko nga  malaking pagkakahawig nila sa pangangatawan ng babaeng suspect,  pero imposible!”

“Iyon din ang nasa isip ko, Sir. Gusgusin ang tindera ni Aling Teysi at mukhang mabagal mag-isip. Kaya’t imposibleng kaya niyang pumatay ng tao.”

Alam ni PO3 Mendez ang ibig sabihin ng kanyang hepe. Lalo na’t kauna-unahang pagkakataon pa lang nilang humawak ng kaso ng isang babaeng killer.

“Mas mahirap maghanap ng babaeng serial killer, Sir. Lalo ang mag-kategorya ng female serial killing. ‘Di malaman kung saan ipa-pattern at ano’ng motibo sa pagpatay.”

“Ang pinakakaraniwan namang motibo ng babae para pumatay ay kung may materyal siyang pakinabang sa kanyang biktima, o dahil sa pansariling kasiyahan…”

“Trip lang ba, Sir?"

Naroroon na sila sa opisina ni Major Gonsales. 

“Ganoon nga, pero bihira lang sa female serial killers ang pumatay para mailabas ang kanyang  emotional sadistic pleasure.”

“Sa kaso ng Cat Woman, ‘di siya pumatay para ma-release ang kanyang sadistic pleasure kundi paghihiganti, Sir? Kapani-paniwala ang statement ni Tracy,  na sadista talaga si Mr. Balderama.”

“Iyan ang kailangan nating mapatunayan. Kung ang Cat Woman nga ang killer, ang murder niya ay babagsak lang sa manslaughter. Pero may justifying circumstances man, hindi pa rin siya ganap na libre sa criminal liability!”

“Kaya kung planado ang pagpatay sa tatlong negosyante at isang amuyong, organised ang killer, Sir. Maaaring may above sa average IQs ang killer.”

Natitigilan ang major. Marunong ang pumatay sa mga biktima, hindi nag-iwan ng trace ng kanyang pagkakakilanlan, maliban sa bahid ng pula na natagpuan sa malaking salamin sa silid ng business magnate!

Samantala, inip na inip na si Tracy sa loob ng kanyang kotse. Nakatigil ito sa isang bakanteng lote sa harap ng malaking department store.  Panay ang dial sa kanyang cellphone.

Nang hindi makontak ang hinihintay, iniwan niya ang kanyang sasakyan. Naglakad ito papasok sa mall. Tiningnan muna muli ang kanyang relong pangbisig, alas 10 ng umaga.

Saka muling dinayal ang kanyang phone, at nag-ring ito.  “Hello? Kelly! Nasaan ka na? Ang tagal mo sumagot."

"Naipit ako ng traffic dito sa Edsa. Maglibot ka muna riyan para hindi ka mainip sa paghihintay sa akin!"

"Hmm... o, siya sige. Text me kapag nasa labas ka na, ha!”

"Sure, bess!"

Nawili rin si Tracy sa pag-iikot sa mall. Mahilig siya sa magagandang gamit, pero kung tutuusin puno na ang kanyang condo sa appliances at hindi na niya kailangang bumili pa.

“Need ko pang mapalago ang boutique ko, saka na iyang mga luho! Kahit pa’no napakinabangan kong pera ng sadistang Balderamang ‘yun! Hmp!”

Natutuwa siya sa mga pakulo ng mall, seasonal sales at sa fashion show ng mga bata sa center stage. Nagkakaroon siya ng ideya sa mga damit pa niyang ibebenta. Saka muling naalala nito ang kausap.

“Wala pa rin ang babaeng iyon!”

Dinayal ulit ang cellphone. Subalit, “Kriiiing! Kriiiiiiiing!”

Wala nang sumasagot. Iritable na si Tracy. Binomba na nito ng text ang kaibigan. Ngunit walang reply. At makailang beses pa niya itong tinawagan. 

Pero… “Your call cannot be completed as dialed. Please check the number and try again…” 

“Hindi na siya makontak!”  

Kinabahan ang dalaga.  Hindi karaniwang ginagawa ni Kelly na hindi agad siya kontakin kapag may aberya. “Baka kung ano nang nangyari sa kanya!”

Alalahaning hindi nagpakalma sa kanyang pag-iikot sa mall.  Pero umaasa na lang siyang walang anumang masamang nangyari sa kaibigan.

Tinapos nalang ang pamamasyal sa pamimili ng kailangan niyang groceries sa tinitirhan. Pero panay pa rin ang tingin sa paligid at sa kanyang cellphone at sa orasan.

Samantala sa mga sandaling iyon sa pulisya...

Isang mahinang katok sa pinto ng pribadong silid. Si P03 Mendez …

“Sir! Kasama kong waiter sa masquerade party! At may nakuha pa kong kopya ng CCTV sa exit ng building!”

Pinaupo ni Major Gonsales ang lalaki. At isinalang ang kopya ng CCTV sa kanyang computer. Agad na nagtanong sa inimbita, “Nakikilala mo  ang babaeng ito sa video?”

Tiningnang mabuti ng lalaki ang video footage. “Marami po kasing guests, Ser! Saka  mga nakamaskara sila. Pero iyang si Ser Balderama po ba iyan? Ang... ang natatandaan ko nagdala ako sa kanya ng pambabaeng drinks.”

“Ano'ng inumin iyon?”

“Vodka, Sir! Saka, iyan nga pong babaeng iyan ang ka-table nila!”

“Vodka? Isang inuming nagre-relieve ng stress o isang natural relaxer. May napansin ka bang kakaiba sa babae? Uminom ba ito o ano?”

“Noong una, nakatayo po kasi sila, Ser. Tapos pumasok sila sa VIP room, doon ko inilagay sa mesa ang bote ng alak at baso. Sa una, parang ayaw ng babaeng uminom...”

“Sa una…hmm…ibig mong sabihin puwedeng pinilit uminom ang babae?”

“Hindi ko alam, Ser! Kasi nang balikan ko ang room nila, may bawas na ang laman ng bote saka wala na sila roon."

Pinaandar pa ni Major Gonsales ang kopya ng video footage.  Nahagip ang isang babaeng hindi lalagpas sa limang talampakan, nakasuot ng black cat jumpsuit at itim na maskara na hanggang ilong, na para talagang sa halloween costume.

Nakatalikod ang babae at tila pinalibutan ito ng apat na kalalakihan dahil sa kaseksihan. Kung pagbabasehan ang mga kilos at galaw, tila nakikipagkilala ang mga lalaki sa babae.

"Sandali! Sa kuhang ito ng CCTV, tatlong lalaki lang ito..."

"Si Ser Balderama po yata ang nasa loob ng VIP room. Kasi doon ko na siya naabutang naghihintay sa kanila."

"Nangangahulugang ipinakilala lang si Mr. Balderama sa Cat Woman!"

Sa isa pang video footage ng CCTV, kasama na ng grupo ang hinihinalang suspect na hawak ang kanyang ulo palabas sa gusali.

“Tingnan mong mabuti. Sir. Iba na ang tingin ko rito sa babae, parang lango na ito sa alak o kung ano! Posibleng hindi sanay uminom ang babae or nilagyan nila ang baso ng droga!”

"Wala pang isang oras, lumabas na agad sila. Posibleng intensyon na nilang gawan ng kahalayan ang babae."

Marami pa silang inalam sa waiter pero wala na itong naisagot na iba pa na makakatulong sa kanila maliban sa pagkumpirmang nakasama ng grupo ang babae sa party.

Nang makaalis ang waiter, lumaki ang pagdududa ng mga awtoridad sa babaeng suspect  sa pagpatay na ito nga ay posibleng biktima ng karahasan mula sa grupo.

“Sino ang babaeng ito..."

Samantala sa mall…

“Sobra mo akong pinakaba, bessy! Nag-alala na talaga ako sa iyo!"

“Sorry talaga. 'Di ko inaasahan na ma-flat ang gulong ko sa daan. Isipin mong nasa gitna pa ako ng trapiko! Mabuti na lang at may traffic enforcers doon at tinulungan nila akong maitabi ang car ko!"

“Ewan ko ba sa iyo, dapat yatang papalitan mo na sa father mo ang car mo. Sobrang old model na iyan!"

"Ako naman ang may gustong huwag kumuha ng bago. Kapag natapos ko ng master's degree ko, madali na lang iyan! Sa ngayon pagma-masteral ang priority ko, bess."

"Tumatanda ka na rin sa pag-aaral ng psychology. Baka ituloy mo pa sa pagdo-doctorate iyan! Wala ka nang panahon sa love life mo..."

"Nagsalita ang may love life... hahaha! Saka, mahirap na ano? Baka makatago ako ng lalaking gaya sa Balderama mo!"

"Kayang-kaya mo nang i-assess iyon if ever na may sayad sa ulo! Hahaha!"

Ang pagtatawa nila ay bigla ring natahimik. Sa dinanas na trauma ni Tracy kay Mr. Balderama, tila may pagkukulang silang pareho. Sinikreto ni Tracy kay Kelly ang naging pagdurusa niya sa business magnate.

Samantalang sa pagkaabala ni Kelly sa pag-aaral, huli na nang malaman niyang nanganib ang buhay ng kanyang bestfriend sa pinili nitong maling lalaki!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status