Home / Mistery / Thriller / BLEEDING / PATIBONG NG KAMATAYAN

Share

BLEEDING
BLEEDING
Author: Mariposa

PATIBONG NG KAMATAYAN

HINDIK na hindik ang marahas at  malupit na business magnate sa lungsod nang bumagsak sa sarili niyang patibong ng kamatayan.

Sisinghap-singhap habang bumababa sa BDSM bondage bed. Halos gumagapang nang makaakyat sa hagdan para makatakas sa sikretong lagusan.

Hindi alintana ang h**o’t h***d niyang katawan. Kailangan niyang makatakas sa kanyang tiyak na… katapusan!

“T-Tulong… tulong! P-Papatayin niya ako! P-Papatayin ako ni…”

Subalit hindi na nasabi ng bilyonaryo kung sino ang kanyang salarin, isang matalas na bagay ang tumapos sa kanyang buhay!

Gumulong sa hagdanan ang kanyang katawan. Bumagsak nang dilat ang mga mata sa isang nakayapak na mga paa na bilanggo pa ng leather ankle cuffs ang isa.

Hinakbangan ng mga paang iyon ang bangkay na nakahalang sa dadaanan, umakyat dahan-dahan sa ikalawang palapag. Maingat na binuksan ang pinto ng basement patungo sa malaking silid.

At tumambad sa kanya ang mga buhong! Ang dalawang dayuhang kasosyo ng bilyonaryo sa mga negosyo at isang amuyong ang bumaboy sa kanyang dangal!

Lupaypay, lango sa mamahaling alak at droga ang tatlong lalaki. Hirap man kumilos ang maliit na katawang iyon, tiyak ang kanyang mga galaw. 

Unang hinagilap ang baril na ginamit sa kanya ng isang Mr. Suzuki.  Tinutukan siya nito sa sentido habang isinasagawa sa kanya ang karumal-dumal na panghahalay.

“Anata no oishī! Anata no oishī!”

Takot na takot siya noon. Pinangangambahang sa kanyang bawat maling pagkilos ay sasambulat ang buong laman ng kanyang utak! Hindi siya makatanggi. Hindi makapanlaban.

At ngayon ang kanyang masaklap na paghihiganti!

Pinadaan sa unan ang mga bala ng nakuhang pistol na may nakakabit na silencer sa tabi ni Mr.Suzuki. At… nangingisay na humandusay sa sahig ang Hapon!

Kumilos ang nakahiga sa sofa. Tila naalimpungatan ito sa ingay na narinig. Bumaling ito paharap sa kanya. Siya si Mr. Co, ang Intsik na  pinakamalaking kasosyo ng bilyonaryo.

Dumilat ang Tsino, sa pagkataranta ng nilalang na makilala siya mabilis rin niya itong pinaputukan!

“Pug!Pug! Pug!”

Tumama sa puso, patay agad na bumagsak sa sahig ang entrepreneur. Hindi matatawarang sakit ang kanyang dinanas sa lalaking ito na gumamit  sa kanyang likuran!

Ang pinakahuli, ang lalaking natutulog sa kama. Kung anu-ano’ng kalapastanganan ang ginawa nito sa kanya. Ito ang pilit na nagpapainom sa kanya ng droga, ang Pinoy na may dala ng bawal na gamot.

“Pagbabayaran mong ginawa mo sa akin!”

Muli ang pamamaril, sentro sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Nagawa pa nitong imulat ang mga mata ngunit ipinikit din agad nang tuluyang tumagos ang masaganang dugo mula sa kanyang pundya.

Ang buong silid na iyon ay pinuno ng nakahihindik na tagpo. Bumaha ang konkretong sahig ng pulang-pulang mga  dugo.

Samantala, natitigilan ang isang guwardiya habang umiinom ng kanyang kape…

“Pare! Narinig mo ba iyon? Parang may… parang may komosyon! Parang putok ng baril?”

Ang kausap nito ay ang isa sa mga bodyguard ng bilyonaryo.  Alumpihit ito sa kanyang puwesto at hinawakan ang kanyang sukbit na baril sa baywang.

Tinanggal ng kausap ang earphone sa kanyang mga tainga, “Ano ngang sabi mo?”

“Parang may nangyayari sa kuwarto ni Bosing! Parang may kaguluhan!”

Pinakiramdaman din ng bodyguard ang sinasabi ng kanilang security guard, subalit pinagtawanan lang nito ang kasamahan.

“Sobra kang nerbyoso, pare. Kakakape mo iyan! Tingnan mong tatlong ugok na iyon? Wala nga silang narinig.”

Nakita nga ng sekyu ang dalawang alalay ng mga bisitang negosyante, at ang kasamahan niyang si Brando, maging ang mga driver ng mga ito ay prente pang nagkukuwentuhan sa tabi ng mga sasakyan.

“Sabagay, tama ka, Max! Minsan kasi itong mga tainga ko parang may radar, e. Kahit kaluskos, kayang marinig.”

“Buti pa, Berto maglibang ka muna. Magtatagal pa sa loob ang mga bisita ni Sir. Magpapakasawa muna mga iyan sa kandungan ng bago nilang ‘laruan!’”

“Iyo bang babaeng naka-costume ng pusa? Mukha ngang naka-jackpot sila sa babaeng iyon. Mukhang bata pa tingnan sa katawan niya!”

“Nakuha nila iyon sa costume party.  Wala na akong masabi sa grupo na iyan. Talamak sa chicks!” Napapailing ang matapat na bodyguard.

Inilabas nito ang mga baraha at inayang maglaro ang kasama. Hindi na sila maistorbo. Ang dalawang alalay ng mga dayuhan nainip nagtungo sa kani-kanilang mga sasakyan at natulog.

Kilala nila kanilang mga amo, ayaw magpagambala ang mga ito sa tuwing magkakasama. Alam nila ang lakad ng kanilang mga boss pagdating sa kalokohan.

Lumipas pa ang ilang oras, abala na ang mga katulong sa pagluluto sa pagkain ng mga bisita, kasabay ng kanilang pagkukuwentuhan at panonood ng TV sa kusina.

“Maghapon na sa kuwarto sina Ser, ah! Hindi pa tayo tinatawagan sa intercom…”

“Baka nakailang rawnds sa bubae! Nakita n’yo bang inuwi nila? Grabeng wangkata, parang supdrink! Pero ‘di ko nakitang mukha,” sabi ng matandang lalaki na sinundan ng nakakalokong mga ngisi.

“Ikaw talaga, Seryo umalagwa ka na naman. Basta babae, tulo ang laway mo!” Sabay bulong nito sa hardinero, “Wala ka nang ipinag-iba kina Ser!”

“Aba! Indang, natural lang sa aming magagandang lalaki ang maghanap ng tsikas! Barako kami, e!”

“Mang Seryo, 65-anyos ka na! Mga halaman nalang rito ang pagnasaan mo, pamulaklakin mo ang mga bulaklak sa paligid. Lanta na, oh!”

“Teka, teka! Soleng, idad lang ang nagbabago.  Ang husay ng lalaki sa kama, nananatili iyan poreber!”

“Tigilan mo na iyang si Soleng, Seryo. Mabuti pa, tawagin mo na sina Berto sa outpost at papuntahin mo na rin dito ang mga alalay ng mga bisita ni Ser!”

Sumunod ang hardinero, tinawag isa-isa ang mga lalaking nagbabantay sa labas. Halos sabay-sabay ang mga itong dumagsa sa kusina sa likod-bahay.

“Wow! Bihira kaming makakain nang ganito! Ang mga bosing,  dito na ba mag-dinner?” Tanong ng isa.

Tumingin ang katulong sa hardinero. Agad pumiksi si Mang Seryo.  “Ops! Sabi nang ‘di sila puwedeng istorbohin. Saka mag-interkom yun ‘pag kakain na!”

“Tama si Mang Seryo! Saka malamang mga tulog na iyon sa kalasingan sa mga oras na ito. Maghapon ba naman, e sarap ng pulutan nila, babaeng pusa!”

“Nadale mo, Berto! Mahusay ka riyan, e!”

Abala silang lahat sa pagkain, kaya hindi nila namalayan ang pagbukas ng pinto sa malaking silid.  May tumalilis hanggang sa maglaho ito sa dilim!

“Klang!” Ingay mula sa gate.

Tumayo sa kanyang kinauupuan si Berto. Tinanong ang kanyang mga kasamahan, “May lumabas ba?”

Nagsalubong ang mga mata ng isa’t isa. Pero kumpleto sila.

“Umandar na naman ang radar mo. Ikaw nang sumilip sa gate. Ang sarap-sarap nang kain namin dito,” sabi ni Max na naglalaway pa.

Malakas ang kutob ni Berto, kaya lumabas ito. At nakita niyang bahagyang nakabukas ang maliit na pinto ng gate. Kinabahan. Agad nagsiyasat sa kapaligiran. 

Para makatiyak, inikot nito ang labas ng mansyon. Normal ang lahat. Saka pumasok sa loob. Maayos na maayos pa rin ang malawak na sala. Pero hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang bahid sa sahig.

“A-Ano ito?” Nanlaking kanyang mga mata. Bumilis ang pintig ng kanyang pulso.

Agad na hinawakan ang kanyang rebolber at maingat na tinunton ang pinagmumulan ng mga pulang bakas sa sahig. Humantong iyon sa silid ng kanilang amo.

Tumambad sa kanya ang nakapangingilabot na tanawin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status