BLEEDING
In a bustling city, many were shocked by the deaths of four entrepreneurs, including a business magnate. The victims were found in their gruesome death. One of the suspects is a female victim of their sexual abuse.
The search for the suspect became more intense when the police chief's only son suffering from hypersexuality disorder was also brutally killed by the slayer.
The officer did not stop searching for the murderer, he ordered to catch her, dead or alive! But police were puzzled, the killer leaves a bloodstain-shaped lip at every murder scene.
Investigators were very eager to investigate the case. They began to doubt the character of a timid saleswoman in the cafeteria.
Police were confused, the woman disappears every time she menstruates. Is her menstruation related to the murder of sex criminals? Who is the real killer? Catch the twist in this detective story!
Read
Chapter: ANG MULING PAGTATAGPOSamantala, patuloy na pinaglalabanan ni Col. Zamora ang kanyang mga alalahanin kahit pilit nagsusumiksik ang isa pang nakaraan... "S-Ser! M-Magpapaalam na po ako sa inyo!" Aligaga ang kanyang katulong na si Didang. Alanganing magsalita. Bitbit nito ang kanyang malaking bag na naglalaman ng lahat niyang mga damit. Panahon iyon bago magkolehiyo si Zaldy. Sinalubong ng namumutlang katulong ang pagpasok sa pinto ng kanyang mag-asawang amo. Malikot ang mga mata, mukhang may kinatatakutan. "B-Bakit? Ano'ng problema? Hindi ba't tinaasan ko nang sahod mo rito? Kumpleto ka pa sa mga benepisyo!" Nabahala ang mga mata ni Didang. Nag-aalalang bumukas ang pinto ng silid ni Zaldy. "K-kahit na po, h-hindi ko na matatagalan ang anak ninyong si Zaldy. P-Para ko na siyang anak. Pero..." Animo'y nagbabara ang lalamunan ni Col. Zamora. Nagsalubong ang mga mata nila ng kanyang asawa. Biglang tumaas ang mga kilay ni Lydia, nandidilat ang mga mata. "Huwag kang mag-iimbento nang kung anu-ano, hah! Tin
Last Updated: 2022-08-17
Chapter: PROTEKSYON NG AMA SA ANAK“Zaldy!”“D-Daddy!”“Huh? S-Ser? Zaldy?”“Lumabas ka rito sa kuwarto, labas! Ngayundin!”“S-Ser? B-Bakit po? Ano’ng ginawa ni Zaldy?”“Ila-lock mo palagi ang pinto mo, huwag mo nang patutulugin dito si Zaldy! 11-anyos na siya, hindi na siya isang sanggol!”“B-Bakit po? A-Ano pong ginawa ni Zaldy?”“W-Wala siyang ginawa! Gusto ko lang huwag kang maiistorbo sa pagtulog dahil marami ka pang trabaho sa umaga. Basta sundin mong sinabi ko, Mameng!”“Opo! Opo, Ser!”Muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Col. Zamora. Ang sumunod niyang panaginip, nagbigay ng matinding pagkabagabag sa kanya.“Ano bang problema mo, hon? Bakit hindi mo pa ibinigay ang gadget sa anak mo? Narinig kong pumasok na siya sa silid niya?”“Galing na ako sa silid ni Zaldy…”&l
Last Updated: 2021-12-10
Chapter: ANG LIHIM NI ZALDY “Tatlong daang libo, Aling Teysi? Saan kayo kukuha ng ganun?” Si Pikoy na gulat na gulat sa kanyang narinig. Nakikita ni Ka Ambo sa mukha ng mag-ina ang labis na pamomoblema lalo kay Aling Teysi. Nakaupo ang matandang babae sa harap nila na sapo ang ulo. “Ah, uhurm…‘wag mo maliitin si Teysi, Pikoy. Malamang nakaipon na ito sa dami ng negosyo. Pero malaki nga iyon, kung di naman malubha ang anak ni hepe…” “Parang sasabog ang ulo ko… Nena, igawa mo nga muna ako ng kape! Binigyan ako ng matinding kunsumisyon nitong anak ko!” “Pero ano na nga bang nangyari sa anak ni hepe?” “Ayun nasa hospital! Ewan ko kung ano na ang nangyari run! Sukat ba namang ipabugbog nitong anak ko! Sa dami ng gugulpihin, anak pa ni Col.Zamora!” Agad pumiksi si Cindy, na ang mga mata animo’y zombie dahil sa humulas na eye liner nito. Gulo ang buhok, bagsak ang balikat. Halata ring nakainom ito ng alak dahil amoy tsiko pa. “Mommy naman…sa
Last Updated: 2021-11-16
Chapter: MANYAK SA DISCO HOUSENatigil din sa kanilang pagsasayaw sina Tracy at Kelly. Sa kanilang table malapit ang kaguluhan, inalala nila ang kanilang mga gamit na naiwan sa table. Sumaklolo ang dalawang lalaking kasama ng sumigaw na babae na nagsasayaw din sana. Agad inundayan ng suntok ng mga ito ang nabiglang stranger. “Loko ka! Minanyak mong kaibigan namin, hah! Um!” “Bangasan ng kamanyakan ito! Um!” “Eeeeeeeeee!” Balandra sa table nina Tracy ang stranger, kaya napilitan silang tumakbo sa kanilang lugar. “Ang mga gamit namin!” Subalit sumugod pa ang mga barkada ng babae. Kaya’t bumagsak din sa sahig ang mga bag nina Tracy at Kelly na naglalaman ng kung anu-ano. Iba-iba ang sigaw ng mga miron sa paligid. “Eeeeeeeeeee! Awatin n’yo! Awatin n’yo!” “Upakan n’yo pa! Upakan n’yo!” “Ilabas n’yo na iyan! Ilabas n’yo!” Dumating din agad ang mga bouncer at security guards. Sinikap nilang awatin ang mga lalaki. Naihiwalay nila ang
Last Updated: 2021-11-06
Chapter: SINA TRACY AT KELLY Tila kapwa sila may bagaheng dinadala sa mga sarili na pilit lang tinatakpan ng mapanlinlang na mga ngiti. Kung saan sa likod ng mga halakhak na iyon, may kakabit na mga pagsisisi. Sumimangot si Tracy. “Whatever! Hindi ko gustong pinaghintay mo ako ng three hours at pinag-alala mo pa ako ng todo dahil hindi ka makontak!” Kiniliti ni Kelly ang tagiliran ni Tracy. “Ito naman, ngayon ko lang ginawa sa iyo ito, ah! Saka one bar nalang kasi ang phone ko kaya pinatay ko muna!” “O, sige tama na! Saan ba tayo? Gusto kong ikuwento sa iyo lahat ang nangyari kay Andy! At kung paano ako ininterrogate ng mga pulis doon!” Tumahimik si Kelly. Dumilim ang mukha. Matigas ang tinig nang sumagot. “They’re devil! Higit pa dapat sa kamatayang iyon ang sinapit nila!” Biglang pagkagalit ng kababatang ikinagulat ni Tracy. Kilala niyang masayahin ang kaibigan na dating kapitbahay niya sa Maynila kung saan sila lumaki.
Last Updated: 2021-10-31
Chapter: SAPAT BA ANG PAGDUDUDA“Iyong Nena bang tinutukoy mo, Mendez? Napansin ko nga malaking pagkakahawig nila sa pangangatawan ng babaeng suspect, pero imposible!”“Iyon din ang nasa isip ko, Sir. Gusgusin ang tindera ni Aling Teysi at mukhang mabagal mag-isip. Kaya’t imposibleng kaya niyang pumatay ng tao.”Alam ni PO3 Mendez ang ibig sabihin ng kanyang hepe. Lalo na’t kauna-unahang pagkakataon pa lang nilang humawak ng kaso ng isang babaeng killer.“Mas mahirap maghanap ng babaeng serial killer, Sir. Lalo ang mag-kategorya ng female serial killing. ‘Di malaman kung saan ipa-pattern at ano’ng motibo sa pagpatay.”“Ang pinakakaraniwan namang motibo ng babae para pumatay ay kung may materyal siyang pakinabang sa kanyang biktima, o dahil sa pansariling kasiyahan…”“Trip lang ba, Sir?"Naroroon na sila sa opisina ni Major Gonsales.“Ganoon nga, pero bi
Last Updated: 2021-10-30