Tila kapwa sila may bagaheng dinadala sa mga sarili na pilit lang tinatakpan ng mapanlinlang na mga ngiti. Kung saan sa likod ng mga halakhak na iyon, may kakabit na mga pagsisisi.
Sumimangot si Tracy.
“Whatever! Hindi ko gustong pinaghintay mo ako ng three hours at pinag-alala mo pa ako ng todo dahil hindi ka makontak!”
Kiniliti ni Kelly ang tagiliran ni Tracy.
“Ito naman, ngayon ko lang ginawa sa iyo ito, ah! Saka one bar nalang kasi ang phone ko kaya pinatay ko muna!”
“O, sige tama na! Saan ba tayo? Gusto kong ikuwento sa iyo lahat ang nangyari kay Andy! At kung paano ako ininterrogate ng mga pulis doon!”
Tumahimik si Kelly. Dumilim ang mukha. Matigas ang tinig nang sumagot. “They’re devil! Higit pa dapat sa kamatayang iyon ang sinapit nila!”
Biglang pagkagalit ng kababatang ikinagulat ni Tracy. Kilala niyang masayahin ang kaibigan na dating kapitbahay niya sa Maynila kung saan sila lumaki.
Natigil din sa kanilang pagsasayaw sina Tracy at Kelly. Sa kanilang table malapit ang kaguluhan, inalala nila ang kanilang mga gamit na naiwan sa table. Sumaklolo ang dalawang lalaking kasama ng sumigaw na babae na nagsasayaw din sana. Agad inundayan ng suntok ng mga ito ang nabiglang stranger. “Loko ka! Minanyak mong kaibigan namin, hah! Um!” “Bangasan ng kamanyakan ito! Um!” “Eeeeeeeeee!” Balandra sa table nina Tracy ang stranger, kaya napilitan silang tumakbo sa kanilang lugar. “Ang mga gamit namin!” Subalit sumugod pa ang mga barkada ng babae. Kaya’t bumagsak din sa sahig ang mga bag nina Tracy at Kelly na naglalaman ng kung anu-ano. Iba-iba ang sigaw ng mga miron sa paligid. “Eeeeeeeeeee! Awatin n’yo! Awatin n’yo!” “Upakan n’yo pa! Upakan n’yo!” “Ilabas n’yo na iyan! Ilabas n’yo!” Dumating din agad ang mga bouncer at security guards. Sinikap nilang awatin ang mga lalaki. Naihiwalay nila ang
“Tatlong daang libo, Aling Teysi? Saan kayo kukuha ng ganun?” Si Pikoy na gulat na gulat sa kanyang narinig. Nakikita ni Ka Ambo sa mukha ng mag-ina ang labis na pamomoblema lalo kay Aling Teysi. Nakaupo ang matandang babae sa harap nila na sapo ang ulo. “Ah, uhurm…‘wag mo maliitin si Teysi, Pikoy. Malamang nakaipon na ito sa dami ng negosyo. Pero malaki nga iyon, kung di naman malubha ang anak ni hepe…” “Parang sasabog ang ulo ko… Nena, igawa mo nga muna ako ng kape! Binigyan ako ng matinding kunsumisyon nitong anak ko!” “Pero ano na nga bang nangyari sa anak ni hepe?” “Ayun nasa hospital! Ewan ko kung ano na ang nangyari run! Sukat ba namang ipabugbog nitong anak ko! Sa dami ng gugulpihin, anak pa ni Col.Zamora!” Agad pumiksi si Cindy, na ang mga mata animo’y zombie dahil sa humulas na eye liner nito. Gulo ang buhok, bagsak ang balikat. Halata ring nakainom ito ng alak dahil amoy tsiko pa. “Mommy naman…sa
“Zaldy!”“D-Daddy!”“Huh? S-Ser? Zaldy?”“Lumabas ka rito sa kuwarto, labas! Ngayundin!”“S-Ser? B-Bakit po? Ano’ng ginawa ni Zaldy?”“Ila-lock mo palagi ang pinto mo, huwag mo nang patutulugin dito si Zaldy! 11-anyos na siya, hindi na siya isang sanggol!”“B-Bakit po? A-Ano pong ginawa ni Zaldy?”“W-Wala siyang ginawa! Gusto ko lang huwag kang maiistorbo sa pagtulog dahil marami ka pang trabaho sa umaga. Basta sundin mong sinabi ko, Mameng!”“Opo! Opo, Ser!”Muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Col. Zamora. Ang sumunod niyang panaginip, nagbigay ng matinding pagkabagabag sa kanya.“Ano bang problema mo, hon? Bakit hindi mo pa ibinigay ang gadget sa anak mo? Narinig kong pumasok na siya sa silid niya?”“Galing na ako sa silid ni Zaldy…”&l
Samantala, patuloy na pinaglalabanan ni Col. Zamora ang kanyang mga alalahanin kahit pilit nagsusumiksik ang isa pang nakaraan... "S-Ser! M-Magpapaalam na po ako sa inyo!" Aligaga ang kanyang katulong na si Didang. Alanganing magsalita. Bitbit nito ang kanyang malaking bag na naglalaman ng lahat niyang mga damit. Panahon iyon bago magkolehiyo si Zaldy. Sinalubong ng namumutlang katulong ang pagpasok sa pinto ng kanyang mag-asawang amo. Malikot ang mga mata, mukhang may kinatatakutan. "B-Bakit? Ano'ng problema? Hindi ba't tinaasan ko nang sahod mo rito? Kumpleto ka pa sa mga benepisyo!" Nabahala ang mga mata ni Didang. Nag-aalalang bumukas ang pinto ng silid ni Zaldy. "K-kahit na po, h-hindi ko na matatagalan ang anak ninyong si Zaldy. P-Para ko na siyang anak. Pero..." Animo'y nagbabara ang lalamunan ni Col. Zamora. Nagsalubong ang mga mata nila ng kanyang asawa. Biglang tumaas ang mga kilay ni Lydia, nandidilat ang mga mata. "Huwag kang mag-iimbento nang kung anu-ano, hah! Tin
HINDIK na hindik ang marahas at malupit na business magnate sa lungsod nang bumagsak sa sarili niyang patibong ng kamatayan. Sisinghap-singhap habang bumababa sa BDSM bondage bed. Halos gumagapang nang makaakyat sa hagdan para makatakas sa sikretong lagusan. Hindi alintana ang h**o’t h***d niyang katawan. Kailangan niyang makatakas sa kanyang tiyak na… katapusan! “T-Tulong… tulong! P-Papatayin niya ako! P-Papatayin ako ni…” Subalit hindi na nasabi ng bilyonaryo kung sino ang kanyang salarin, isang matalas na bagay ang tumapos sa kanyang buhay! Gumulong sa hagdanan ang kanyang katawan. Bumagsak nang dilat ang mga mata sa isang nakayapak na mga paa na bilanggo pa ng leather ankle cuffs ang isa. Hinakbangan ng mga paang iyon ang bangkay na nakahalang sa dadaanan, umakyat dahan-dahan sa ikalawang palapag. Maingat na binuksan ang pinto ng basement patungo sa malaking silid. At tumambad sa kanya ang mga buhong! Ang dalawang day
Umalingawngaw ang Intercom sa kusina.“Max! Mang Seryo! Pumunta kayo rito! Dali! Si Ser! Si Ser!” Alas nueve ng gabi, pinuno ng sunod-sunod na sirena ng mga ambulansya at mobile patrol ang harap ng mansyon. Nagsasalimbayan ang tunog ng mga camera sa malaking silid mula sa media. Hindik na hindik sila sa apat na bangkay na naliligo sa sariling mga dugo, mula sa lihim na basement hanggang sa mismong silid ng business magnate. At pumailanlang ang live report ng isang TV reporter… “Natagpuang may tama ng baril ang tatlong kilalang negosyante at may saksak sa likod ng katawan ang prominenteng business tycoon na si Mr. Valderama…” Habang live na nag-uulat ang iba, sinalubong ng mga kasamahan nito ang dumating na hepe ng Sagrada Police kasama ang mga tauhan nito. Pinutakte ng mga reporter si Col. Marlon Zamora para hingan ng paunang pahayag kaugnay sa brutal na pamamaslang. “Sir, ano ang masasabi ninyo sa pinakamalaking krimeng naganap ngayong taon sa bayang ito?” “Tama ka. Ito nga
Nagniningning ang mga mata ng bawat nakarinig sa malaking pabuyang nakalaan para sa ikahuhuli ng killer o killers. Lahat ay interesado. Panay naman ang lagitik ng mga camera mula sa press people na nagpipiyesta sa pag-cover sa maituturing na kontrobersyal na krimen. Isang malapit kay Capt. Gonzales ang lumapit dito. Si Jake Montalban na radio reporter. “Sir! Napakalaki ng reward na ibinibigay nila, may lead na ba kayo tungkol sa killer or killers?” Sinulyapan ng police officer ang pamilya ng mga biktima na pinagkakaguluhan ng ibang miyembo ng media, bago napapailing na sumagot kay Jake. “Malabo pa, itinuturo ng mga kasambahay, bodyguards at drivers na isang maliit na babae lang ang kasama ng victims, ‘di nila identify ang mukha nito.” “Kung nakilala nila ang suspect sa party, Sir posibleng may kasama ito na nagdala sa babae at ipinakilala sa kanila? O, planado ang pagpatay sa kanila?” “Tinitingnan din iyang anggulong may kinala
Kinabukasan, maaga pa’y nagpuputak na sa karinderya niya si Aling Teysi… “Kung kailan magpapasko, saka lumayas ang babaeng iyon! At ikaw, Cindy wala kang ginawa kundi maglakwatsa!” Ang kinakausap nito ay isang maputing babae na nakasuot ng seksing damit habang nakangusong nagkukulapol ng make up sa kanyang mukha. “Mama naman… mag-a-apply nga ako ng trabaho!” “Ngayon pa? Nagtanan si Lolita, menopause na nagawa pang lumandi! “At ang sinamahan, para na niyang anak! Ang landi-landi ng hitad!” Halos umuusok ang ilong ni Aling Teysi sa matinding galit. Nagdadabog habang naghahain ng order ng mga pagkain sa mga kostumer. “Teysi, hayaan mo na kung saan siya maligaya. Natural lang naman na ipagpalit niya ang pagiging cook sa iyo, iba naman ang pakakanin niya!” Hindi maipinta ang mukha ng 65-anyos na biyudang negosyante salubong ang ginuhitang kilay nito at lalong umalsa ang matulis niyang nguso. “Hummmp! Wala