“Hmm…kaya pamilyar sa iyo ang BDSM bed at ang mga kagamitang ito sa loob ng kanyang basement?”
Nang makita ni Tracy ang ilang mga larawan kuha sa tila dungeon, nanginig ito at kinakitaan ng trauma. “Kanya pong lahat iyan!”
Ang bondage set kit restraints kagaya ng lubid, posas, ball gag, corset, pamalo at iba’t ibang sex toys na lahat ay kasumpa-sumpa sa kanya!
“Ito po! Ito pa po ang bakas ng pananakit niya sa akin!” Ipinakita nito ang loob ng katawan na may pilat ng mga paso mula sa sigarilyo at kandila.
Hindik na hindik si P03 Mendez sa nakikita, “Mala sa hayup pala iyong negosyanteng iyon!”“Ikinatatakot kong sumapit ang gabi at gusto niya akong gamitin, alam ko kung paano muli niya akong pahihirapan. Ang lahat ay bangungot sa kin!”
Dala ng babae ang kanyang mga medico legal, katunayan ng kanyang mga pinsalang tinamo sa kamay ng naka-live in na business magnate.
“Katunayan po, tinahi ang aking s-sex organs dahil p-pinasukan niya ako ng mga bagay!” Tuluyang humulagpos ang galit ng babae.
“Bakit di mo siya inireklamo? Bakit pinabayaan mong babuyin ka niya, saktan sa ilang panahon?” May gigil sa boses ng major.
Yumuko ang babae, nagpakita ng pagiging talunan. “N-Nang malaman niyang magsusumbong ako rito, b-binayaran niya ako ng isang milyon…”
Nanlaking mga mata ni P03 Mendez, “Isang milyon kapalit ng pagpapahirap sa iyo? Dapat kinasuhan mo pa ng rape ang hayup na iyon!”
“Wala rin po akong nagawa, binantaan niya ako na papatayin ang pamilya ko kaya nagdesisyon na akong lumayo sa kanya!”
“Bukod sa iyo, wala ka bang ibang alam na gayundin ang ginagawa niya sa ibang naging nakarelasyon niya?”
“Ang asawa niya, Sir! Nakausap ko sa F* messenger nang pakialaman kong cellphone niya habang tulog siya. Sinabi niyang sadista si Andy!”
“Marahil iyon ang dahilan kaya iniwan siya ng kanyang asawa at naglagi na sa Amerika. Isang pilantropo pero ang totoong anyo ay mala hayup!”
“Kaya’t nang mapatay siya, masama man, nakaramdam ako ng tuwa.”
“Kung ganon, naniniwala ka ba na ganyan din ang ginawa niya sa babaeng ito? Siya ang huling nakasiping ni Mr. Balderama, or kinaladkad sa kama!”
Titig na titig si Tracy sa babae, bagaman nakasuot ito ng mascara sa isang masquerade party. Hindii niya maintindihan parang ibang pakiramdam niya.
Hindik na hindik ang dalaga. Nagkalat ang mga dugo at mga walang buhay na negosyante sa dalawang silid. “I-Ito pong huli niyang babae?”
“Actually, nakuha nila or nakilala sa party. Dinala sa bahay ni Mr. Balderama. Walang alam mga katulong sa nangyari. Kilala mo ba iyan?”
“H-Hindi po! Hindi ko siya kilala!”
“Anyway, malaking tulong mo sa kaso para patunayan sa korte may motive ang ginawang pagpatay sa grupo. Pero di pa rin siya ligtas sa kaso!”
Naihatid na sa kanyang kotse ang babae. Habang umaandar di ito makapaniwala sa nalaman. May dinayal ito sa kanyang cellphone.
“Hello…” manipis na boses mula sa kabilang linya.
“Kelly! Oh my God, hanggang ngayon nanginginig ako! Kagagaling ko lang sa presinto, inimbestigahan nila ako sa pagkamatay ni Andy!”
“Oh? Ano’ng nangyari? Kilala na ba ang suspects?”
“Suspect! At sa maniwala ka’t sa hindi, isang maliit na babae ang hinala nilang pumatay kay Andy at sa mga kasama niyang businessmen!”
Sandaling katahimikan, nang sumagot ang babae sa linya may himig itong matinding pagkagalit. “Dapat lang silang mamatay, mga demonyo sila!”
Samantala, kinabukasan pagsikat ng araw naroroon na ang bagong tindera ni Aling Teysi kaya ganado sa pagtulong si Pikoy sa tindahan ng matanda.
Panay ang sipol nito, at pa-cute kay Nena. Bagay na napansin agad ng parukyano rin ng karinderyang si Ka Ambo. “Mukhang amoy pag-ebig, ah!”
“At saka, iba ang hitsura ni Pikoy ngayon, mukhang nagbabad sa tubig at sabon, namumutla pa rin ang kutis, e! Kulang nalang magkurbata!”
Napahagalpak ng tawa ang tindero ng yosi sa mga kumakain sa kanyang harapan. “Hahaha! Kayo naman, ‘yaan n’yo nalang ako minsan lang ‘to!”
“Maganda palang impluwensya ng may magandang binibini rito, Teysi at iyang utusan mo’y natututong maligo nang maayos! Dati’y wisik-wisik lang!”
Napapailing nang biyudang babae. Alam niyang totoo ang sinasabi ng mga suki. Pero di siya sang-ayon na maaga pa’y ligawan ni Pikoy ang katulong.
“Hay naku! Unahin munang paghahanapbuhay nang magkaron ng laman ang sikmurang laging walang laman!”
Napapakamot ng kanyang ulo si Pikoy, alam din niyang sila ni Nena ang pinariringgan ni Aling Teysi. Samantalang namumula si Nena sa pasaring.
Hanggang sa matanaw nilang may mga awtoridad na paparating. “Magandang umaga, Major! P03!” Agad na bati ng dalawa.
“Good morning din, Ka Ambo! Kami’y makikiupo rito at mag-aalmusal din!”
Agad napansin ng major ang bagong alalay ni Aling Teysi, di niya mawari parang nakita na niya ang maliit na babaeng nasa kanyang harapan.
“Sino siya, Aling Teysi?”
“Sir? Ah, si Nena, Sir! Iyong nakatira riyan sa ilalim ng tulay? Siya yung magsasampaguita, kinuha ko nalang po at nagtanan ang katulong ko.”
“Ah, hummm…” Tumangu-tango si Major Gonsales, tinitingnan niya ang bawat galaw ni Nena. Minsan lang niya nakita ang gusgusing dalaga.
Pailalim din ang tingin ni P03 Mendez, tila inaaral ang hitsura ng dalaga. Kung sa laki at pangangatawan, at sa bilog ng mukha, tila may katulad ito.
Nahahawig ito sa babaeng iniimbestigahan nila base sa sandaling kuha sa footages ng CCTV sa masquerade party. Ganito ang features ng ‘killer!’
“Ito nang tokwa mo, Ser!” Inaaabot ni Aling Teysi ang tokwang pahabol na order ni P03 Mendez.
Ngunit sa iba nakatingin si P03 Mendez. Sinusundan ng paningin ang bawat kilos ng baguhang si Nena. Hindi nakatiis ang kanyang hepe.
“Kanina pa nasa harapan mo ang pagkain, Mendez!”
Nagulat pa si P03 Mendez nang tapikin sa balikat ng kanyang hepe. “H-Ho? Sir! Ah, yes, Sir! Yes, Sir!”
Lalong bumagal ang kilos ni Nena. Halos di ito makabasag-pinggan. Naasiwa siya sa makahulugang mga pagsulyap-sulyap ng pulis.
Hindi kaila kay Pikoy ang lahat. Panakaw din ang tingin sa awtoridad. Nakaramdam siya ng selos. Maraming kalamangan sa kanya ito.
May hitsura si P03 Mendez, nasa 5’7, matikas, medyo maputi. Alangang maging pulis. Siya, nasa 5’5, payat, marungis tingnan sa maitim na kulay.
“Blag!” Malakas ka kalabog sa sahig.
Napalingon silang lahat sa gawi ng kusina. “Ano iyon?” Si Aling Teysi.
Agad pinasok ang tabing na kurtina lamang patungo sa loob. At narinig nila ang pag-uusap ng dalawa.
“N-Nadulas lang sa kamay ko ang balde, Aling Teysi! Pasensya na po!”
“Naku! Sa susunod magdahan-dahan ka! Nakakahiya sa mga kostumer ko, di basta-bastang pulis mga iyon!”
Sa labas…“Kaanu-ano ni Aling Teysi ang nagtitinda ng sigarilyo?” Kaswal na tanong ni Major Gonsales. “Hindi siya tagarito…”
“Ay, tagabuhat ho ni Teysi iyang si Pikoy. Pinsan niyan, nangungupahan kay Teysi, nakikipisan siya. Isang taon palang iyan dito sa Maynila, Major!”
“Hmm…’di ba tirador iyan?”
Mabilis ang sagot ni Ka Ambo. “Naku, hindi ho! Matino ang batang iyan kahit mukhang hindi pagkakatiwalaan! Masipag sa legal iyan!”
Tumangu-tango ang major. Tila kumbinsido ito sa sinabi ng barbero. Malimit nitong tinatanong ang matanda. Dekada na ito sa lugar.
Natapos kumain ang mga awtoridad, nagpaalam na ito sa mga tao. Habang pabalik sa istasyon, hindi nakatiis si P03 Mendez.
“Sir! Kung sa pisikal lang babasehan, nahahawig niya ang babaeng killer!
“Iyong Nena bang tinutukoy mo, Mendez? Napansin ko nga malaking pagkakahawig nila sa pangangatawan ng babaeng suspect, pero imposible!”“Iyon din ang nasa isip ko, Sir. Gusgusin ang tindera ni Aling Teysi at mukhang mabagal mag-isip. Kaya’t imposibleng kaya niyang pumatay ng tao.”Alam ni PO3 Mendez ang ibig sabihin ng kanyang hepe. Lalo na’t kauna-unahang pagkakataon pa lang nilang humawak ng kaso ng isang babaeng killer.“Mas mahirap maghanap ng babaeng serial killer, Sir. Lalo ang mag-kategorya ng female serial killing. ‘Di malaman kung saan ipa-pattern at ano’ng motibo sa pagpatay.”“Ang pinakakaraniwan namang motibo ng babae para pumatay ay kung may materyal siyang pakinabang sa kanyang biktima, o dahil sa pansariling kasiyahan…”“Trip lang ba, Sir?"Naroroon na sila sa opisina ni Major Gonsales.“Ganoon nga, pero bi
Tila kapwa sila may bagaheng dinadala sa mga sarili na pilit lang tinatakpan ng mapanlinlang na mga ngiti. Kung saan sa likod ng mga halakhak na iyon, may kakabit na mga pagsisisi. Sumimangot si Tracy. “Whatever! Hindi ko gustong pinaghintay mo ako ng three hours at pinag-alala mo pa ako ng todo dahil hindi ka makontak!” Kiniliti ni Kelly ang tagiliran ni Tracy. “Ito naman, ngayon ko lang ginawa sa iyo ito, ah! Saka one bar nalang kasi ang phone ko kaya pinatay ko muna!” “O, sige tama na! Saan ba tayo? Gusto kong ikuwento sa iyo lahat ang nangyari kay Andy! At kung paano ako ininterrogate ng mga pulis doon!” Tumahimik si Kelly. Dumilim ang mukha. Matigas ang tinig nang sumagot. “They’re devil! Higit pa dapat sa kamatayang iyon ang sinapit nila!” Biglang pagkagalit ng kababatang ikinagulat ni Tracy. Kilala niyang masayahin ang kaibigan na dating kapitbahay niya sa Maynila kung saan sila lumaki.
Natigil din sa kanilang pagsasayaw sina Tracy at Kelly. Sa kanilang table malapit ang kaguluhan, inalala nila ang kanilang mga gamit na naiwan sa table. Sumaklolo ang dalawang lalaking kasama ng sumigaw na babae na nagsasayaw din sana. Agad inundayan ng suntok ng mga ito ang nabiglang stranger. “Loko ka! Minanyak mong kaibigan namin, hah! Um!” “Bangasan ng kamanyakan ito! Um!” “Eeeeeeeeee!” Balandra sa table nina Tracy ang stranger, kaya napilitan silang tumakbo sa kanilang lugar. “Ang mga gamit namin!” Subalit sumugod pa ang mga barkada ng babae. Kaya’t bumagsak din sa sahig ang mga bag nina Tracy at Kelly na naglalaman ng kung anu-ano. Iba-iba ang sigaw ng mga miron sa paligid. “Eeeeeeeeeee! Awatin n’yo! Awatin n’yo!” “Upakan n’yo pa! Upakan n’yo!” “Ilabas n’yo na iyan! Ilabas n’yo!” Dumating din agad ang mga bouncer at security guards. Sinikap nilang awatin ang mga lalaki. Naihiwalay nila ang
“Tatlong daang libo, Aling Teysi? Saan kayo kukuha ng ganun?” Si Pikoy na gulat na gulat sa kanyang narinig. Nakikita ni Ka Ambo sa mukha ng mag-ina ang labis na pamomoblema lalo kay Aling Teysi. Nakaupo ang matandang babae sa harap nila na sapo ang ulo. “Ah, uhurm…‘wag mo maliitin si Teysi, Pikoy. Malamang nakaipon na ito sa dami ng negosyo. Pero malaki nga iyon, kung di naman malubha ang anak ni hepe…” “Parang sasabog ang ulo ko… Nena, igawa mo nga muna ako ng kape! Binigyan ako ng matinding kunsumisyon nitong anak ko!” “Pero ano na nga bang nangyari sa anak ni hepe?” “Ayun nasa hospital! Ewan ko kung ano na ang nangyari run! Sukat ba namang ipabugbog nitong anak ko! Sa dami ng gugulpihin, anak pa ni Col.Zamora!” Agad pumiksi si Cindy, na ang mga mata animo’y zombie dahil sa humulas na eye liner nito. Gulo ang buhok, bagsak ang balikat. Halata ring nakainom ito ng alak dahil amoy tsiko pa. “Mommy naman…sa
“Zaldy!”“D-Daddy!”“Huh? S-Ser? Zaldy?”“Lumabas ka rito sa kuwarto, labas! Ngayundin!”“S-Ser? B-Bakit po? Ano’ng ginawa ni Zaldy?”“Ila-lock mo palagi ang pinto mo, huwag mo nang patutulugin dito si Zaldy! 11-anyos na siya, hindi na siya isang sanggol!”“B-Bakit po? A-Ano pong ginawa ni Zaldy?”“W-Wala siyang ginawa! Gusto ko lang huwag kang maiistorbo sa pagtulog dahil marami ka pang trabaho sa umaga. Basta sundin mong sinabi ko, Mameng!”“Opo! Opo, Ser!”Muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Col. Zamora. Ang sumunod niyang panaginip, nagbigay ng matinding pagkabagabag sa kanya.“Ano bang problema mo, hon? Bakit hindi mo pa ibinigay ang gadget sa anak mo? Narinig kong pumasok na siya sa silid niya?”“Galing na ako sa silid ni Zaldy…”&l
Samantala, patuloy na pinaglalabanan ni Col. Zamora ang kanyang mga alalahanin kahit pilit nagsusumiksik ang isa pang nakaraan... "S-Ser! M-Magpapaalam na po ako sa inyo!" Aligaga ang kanyang katulong na si Didang. Alanganing magsalita. Bitbit nito ang kanyang malaking bag na naglalaman ng lahat niyang mga damit. Panahon iyon bago magkolehiyo si Zaldy. Sinalubong ng namumutlang katulong ang pagpasok sa pinto ng kanyang mag-asawang amo. Malikot ang mga mata, mukhang may kinatatakutan. "B-Bakit? Ano'ng problema? Hindi ba't tinaasan ko nang sahod mo rito? Kumpleto ka pa sa mga benepisyo!" Nabahala ang mga mata ni Didang. Nag-aalalang bumukas ang pinto ng silid ni Zaldy. "K-kahit na po, h-hindi ko na matatagalan ang anak ninyong si Zaldy. P-Para ko na siyang anak. Pero..." Animo'y nagbabara ang lalamunan ni Col. Zamora. Nagsalubong ang mga mata nila ng kanyang asawa. Biglang tumaas ang mga kilay ni Lydia, nandidilat ang mga mata. "Huwag kang mag-iimbento nang kung anu-ano, hah! Tin
HINDIK na hindik ang marahas at malupit na business magnate sa lungsod nang bumagsak sa sarili niyang patibong ng kamatayan. Sisinghap-singhap habang bumababa sa BDSM bondage bed. Halos gumagapang nang makaakyat sa hagdan para makatakas sa sikretong lagusan. Hindi alintana ang h**o’t h***d niyang katawan. Kailangan niyang makatakas sa kanyang tiyak na… katapusan! “T-Tulong… tulong! P-Papatayin niya ako! P-Papatayin ako ni…” Subalit hindi na nasabi ng bilyonaryo kung sino ang kanyang salarin, isang matalas na bagay ang tumapos sa kanyang buhay! Gumulong sa hagdanan ang kanyang katawan. Bumagsak nang dilat ang mga mata sa isang nakayapak na mga paa na bilanggo pa ng leather ankle cuffs ang isa. Hinakbangan ng mga paang iyon ang bangkay na nakahalang sa dadaanan, umakyat dahan-dahan sa ikalawang palapag. Maingat na binuksan ang pinto ng basement patungo sa malaking silid. At tumambad sa kanya ang mga buhong! Ang dalawang day
Umalingawngaw ang Intercom sa kusina.“Max! Mang Seryo! Pumunta kayo rito! Dali! Si Ser! Si Ser!” Alas nueve ng gabi, pinuno ng sunod-sunod na sirena ng mga ambulansya at mobile patrol ang harap ng mansyon. Nagsasalimbayan ang tunog ng mga camera sa malaking silid mula sa media. Hindik na hindik sila sa apat na bangkay na naliligo sa sariling mga dugo, mula sa lihim na basement hanggang sa mismong silid ng business magnate. At pumailanlang ang live report ng isang TV reporter… “Natagpuang may tama ng baril ang tatlong kilalang negosyante at may saksak sa likod ng katawan ang prominenteng business tycoon na si Mr. Valderama…” Habang live na nag-uulat ang iba, sinalubong ng mga kasamahan nito ang dumating na hepe ng Sagrada Police kasama ang mga tauhan nito. Pinutakte ng mga reporter si Col. Marlon Zamora para hingan ng paunang pahayag kaugnay sa brutal na pamamaslang. “Sir, ano ang masasabi ninyo sa pinakamalaking krimeng naganap ngayong taon sa bayang ito?” “Tama ka. Ito nga