Home / Mistery / Thriller / BLEEDING / ANG BDSM DUNGEON

Share

ANG BDSM DUNGEON

Umalingawngaw ang Intercom sa kusina.

“Max! Mang Seryo! Pumunta kayo rito! Dali! Si Ser! Si Ser!”

Alas nueve ng gabi, pinuno ng sunod-sunod na sirena ng mga ambulansya at mobile patrol ang harap ng mansyon. Nagsasalimbayan  ang tunog ng mga camera sa malaking silid mula sa media.

Hindik na hindik sila sa apat na bangkay na naliligo sa sariling mga dugo, mula sa lihim na basement hanggang sa mismong silid ng business magnate.

At pumailanlang ang live report ng isang TV reporter…

“Natagpuang may tama ng baril ang tatlong kilalang negosyante at may saksak sa likod ng katawan ang prominenteng business tycoon na si Mr. Valderama…”

Habang live na nag-uulat ang iba, sinalubong ng mga kasamahan nito ang dumating na hepe ng Sagrada Police kasama ang mga tauhan nito.

Pinutakte ng mga reporter si Col. Marlon Zamora para hingan ng paunang pahayag kaugnay sa brutal na pamamaslang. 

“Sir, ano ang masasabi ninyo sa pinakamalaking krimeng naganap ngayong taon sa bayang ito?”

“Tama ka. Ito nga ang biggest crime na nakaengkuwentro ko sa ilang taon ko sa serbisyo rito. So we will try to solve this case as soon as possible!”

“How about sa suspect or suspects, Sir? Ang babaeng nakilala raw sa masquerade ball, is it possible she was involved in the crime?”

“Iyong sinasabi ng mga bodyguard na babaeng naka- costume ng black cat, Col. Iyon lang daw ang kasama ng mga biktima sa maghapong iyon.” 

“Well, siya ang pangunahing suspect, pero ‘di pa natin masabi sa ngayon. Kumokolekta pa kami ng evidences na makapag-lead sa krimen.”

Sinisikap iwasan ng hepe ang iba pang press people. Kararating lang niya sa crime scene at gusto niyang malaman ang sanhi ng malagim na krimen.

Pero patuloy siyang hinahabol ng mga reporter para sa interview.

“Sir, may natagpuang baril sa silid ni Mr. Valderama, posible kayang iyon ang ginamit ng suspect sa pagpatay sa mga businessmen?”

“Col., kung talagang nahihilig ang business tycoon sa dominance at sadism, normal sa kanyang gumamit ng baril sa partner to add a level of erotic energy to their sex play!”

“BDSM… Bondage/Discipline, Dominance/Submission, and Sadism/Masochism, lahat bumabagsak sa abuse, Sir. Hindi ba dapat i-criminalised na ang activities nito, Sir?”

Hindi pa man niya tiyak, kailangang sumagot ang hepe sa matatalinong tanong ng mga reporter.

"Well, BDSM play should always be consensual. Pero nagiging criminalised kung may nauugnay ng pagpapahirap kahit minor injuries sa participants.”

“Pero habang pinapayagan ito, nanatiling naitatago ang criminal liability, Sir! Ginagawang kalasag ng mga criminal ang context ng BDSM!”

Nalilito na ang hepe. 

Tinawag nito ang tauhan, si Capt. Henry Gonsales, ang bagong talagang chief ng Investigation Division. Hindi pa kumpleto ang report na kanyang natatanggap mula rito.

“How about drugs, Sir? Nakakuha ng Ecstacy ang inyong mga tauhan sa bahay ng business tycoon. Is the dangerous party drug associated with this heinous crime?”

Nakorner na ang hepe. Pinalalalim na nang husto ng media ang kontrobersiya sa kaso. At kung magkamali siya ng masasabi, magiging usapin ito.

“We have nothing to answer for you, let us do our job first! Excuse us!” Saka tumalikod ang hepe kasama si Capt. Gonzales. 

Hinarang na ng mga awtoridad ang mga reporter na susunod pa sana sa police officers. Kaya’t nakuntento na ang ilan sa nakuhang impormasyon.

Kinabukasan, naging laman ng mga pahayagan ang kontrobersyal na krimen ng business tycoon na nagtamo ng kapangyarihan at nakapagtatag ng business empire sa bansa.

Ulat na sinubaybayan ng mga mamamayan sa bayan ng Sagrada…

“Patuloy na pinaghahanap ang babaeng hinihinalang may kinalaman sa pagkamatay ng business magnate at tatlo pang kilalang kasosyo nito sa Villa Valderama kamakailan.”

“Subalit palaisipan pa rin sa kapulisan ang identity ng babae na binansagang ‘Cat Lady’ dahil sa costume nitong metallic black jumpsuit at cat half mask.

“Ayon sa pulisya, walang nawawalang pera o alahas mula sa mga biktima, at inaalam din kung may koneksyon ang natuklasang BDSM dungeon, maging ang droga sa malagim na krimen.” 

Seryoso ang mga taong nakatutok  sa telebisyon habang kumakain sa  isang karinderyang iyon malapit sa istasyon ng pulisya. 

“May kasama iyang babae! Siguradong miyembro ng Akyat-Bahay iyan!” Agad hinuha ng matandang lalaki habang hinihigop ang mainit niyang kape.

“Tama, Ka Ambo! Tiyak, nakaabang ang grupo ng babae sa labas ng mansyon. Matagal nang tinitiktikan ang bilyonaryo. Ipinain ang babae para sila pagnakawan!”

“Pero sabi sa balita, parang wala namang nakawang nangyari?”

“Ano’ng malay ng mga pulis, Pinde kung magkano ang nawala sa pera ng mga biktima. Kuwentado ba nila, paano malalaman e mga patay na nga iyon!”

“Hmm…sabagay, may punto ka riyan, Ka Ambo. Pero paano kung sila-sila pala ang nagpatayan kasi naagrabyado sila sa babae?”

“Hus! Ibig mong sabihin, nabitin ang isa sa kanila kasi naka-droga?”

Nagtalu-talo pa ang mga ito, kaya nakialam na ang may-ari ng tindahan sa kanila, si Aling Teysi.

“Naku, tama na iyan. Hayaan ninyong mga pulis ang mag-imbestiga riyan!”

Sasagot pa sana si Ka Ambo ngunit natigilan ito nang makita ang isang papalapit na naka-unipormeng lalaki. Agad itong tumayo at sumaludo.

“Ser! Medyor! Gud morning!”

Ngumiti ang lalaking larawan na ng mga karanasan. Kulay abo ang buhok at may makapal na salamin sa kanyang mga mata.

Tinapik niya sa balikat ang lalaking may idad sa kanya ng sampung taon. “Kapitan pa lang, Ka Ambo. Hindi pa tayo napo-promote. Kumusta? Malakas ba’ng barber shop natin?”

Nginitian din ng kapitan ang dalawa pang naroroon, na biglang namula at nahiya. Alam nilang si Capt. Gonzales ang hepe ng Investigation Division.

“Sakto lang, wala kasing pasok ang mga estudyante kaya nabawasan din ang nagpapagupit. Kain pala tayo, Kapitan! Masarap ang almusal ni Aling Teysi!”

“Ah, kaya nga ako lumabas. Bigyan mo rin nga ako ng puto’t dinuguan, Aling Teysi. Pakibalot mo na lang at doon ko na kakainin sa office.”

Nagulat si Mang Ambo. Bihira sa isang opisyal ang lumabas at bumili mismo sa tindahan. “Wala talaga kayong kupas, Ser. Kumbaga, very humble pa rin!”

“Ah, uhm… wala namang problema, Ka Ambo. Maliit na bagay lang naman ito.  Kailangan, lumalabas din tayo sa lungga at makipagkuwentuhan sa inyo.”

Dahil barbero, likas kay Mang Ambo ang maging matanong, at updated sa mga nangyayari lalo na sa madugong krimeng naganap sa bayang iyon. 

“Ser, kumusta na nga palang kaso ng mga pinatay na negosyante sa Villa Valderama? May suspek na ba? Iyon po bang babae talaga ang killer?”

Kapalagayang-loob na ng opisyal ang barbero, noong bago pa lang ito sa istasyon madalas sa kanyang barber shop nagpapagupit ang kapitan.

Sumeryoso ang awtoridad. Hindi ordinary ang mga biktima, at kontrobersyal ang pagkakatuklas sa mga ebidensyang nakalap sa crime scene.

“Patuloy ang imbestigasyon namin, Ka Ambo. Malalim ang ugat nito,  kaya kailangan matukoy kung sino talagang killer at ano’ng motibo sa pagpatay.”

“Pwede rin kalaban sa negosyo, Capt.?”

Sunod-sunod ang pagtango ng imbestigador, “Ah, uh…puwede, pwede…”

Hindi na sinundan ni Ka Ambo ang kanyang tanong nang iabot ni Aling Teysi ang binibili nito, alam niyang malaki ang obligasyon ng opisyal sa istasyon. Pagkabayad ng pulis agad nagpaalam sa kanila at nawala na ito sa kanilang mga paningin. 

“Karma na sa kanilang mayayaman ang nangyaring iyan. Mahilig sa babae, ayan napala nila! Nakadale sila ng kamatayan!”

“Tama, Ka Ambo! Buti ako, kahit walang yaman, patulin ng tsiks! Sa pogi ko ba namang ‘to! Hehehe!”

“Sus! Sino’ng matinong babae naman papatol sa iyo, Pinde e ni ‘di mo nga mapalitan ang polo mo. Isang buwan mo nang suot iyan!”

Namula ang cigarette vendor, “Aling Teysi naman, basag-trip ka naman! Mapapalitan ko rin ito ng bago ‘pag kumita ako!”

Isang lalaki na tahimik lang habang kumakain ang sumingit sa usapan, “Bibilis ang pagyaman mo kapag sinamahan mo ng illegal ‘yang tinda mo!” 

Nagulat sila sa narinig, lalo na si Aling Teysi. “Seryoso ka, Benjo? Nasa harap lang ang pulisya, o!”

Biglang bawi sa kanyang sinabi ang lalaki. “Joke lang, Aling Teysi! Heto nang bayad ko!”

Pagkasabi nito ay nagmamadaling umalis si Benjo. Nagkakatinginang naiwan ang tatlo.

“Ano bang bisnes ngayon ni Benjo, Aling Teysi?” Ikinaiingiit nga ni Pinde ang magandang cellphone at relo ni Benjo. Alam niyang mahirap din ito.

“Ewan ko nga riyan! Napapansin ko nga kapag kumakain dito, laging may kausap sa celpon at nagmamadali!”

Tahimik si Ka Ambo. May nababalitaan na siya sa kanilang kapitbahay na si Benjo, pero hindi siya sigurado kaya ayaw niyang magsalita.

Samantala, patuloy ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng apat na business magnate. Hindi matanggap ng bawat pamilya nito ang nangyari.

“Ako asawa Mr. Co, hindi ako titigil hangga’t hindi sila bayad sa ginawa nila asawa ko!" 

Ang asawang Pinay ng Hapones, nagbigay ng reward sa makakapaturo sa pagkakailanlan ng babaeng suspect.

“Limang milyon sa sinomang makakadakip sa killers! Civilian man o authorities!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status