Alana's Point of View
"Be careful, Alana!"
I rolled my eyes as soon as I heard it again. Ilang beses ko an yata narinig 'yun magmula ng umalis hanggang sa makarating ako mula sa pinaroroonan ko ngayon. Kulang na lang yata ay i-record niya ang boses niya 'tas ibigay sa akin para paulit-ulit ko yung pakinggan.
I took a deep breathe. "For the nth time, Syn, I said I'm okay. Don't be so overprotective, alam ko ang ginagawa ko." Naiiritang tugon ko.
Kung nasa Canada pa ako ngayon ay siguradong wala pang ilang minuto ay nasa labas na siya ng pinto at agad akong susugurin ng sabunot. Ayaw na ayaw pa naman niyang ganoon ang mga sagot ko sa kanya. Animoy parang nanay siya na kapag sumagot ka ng pabalang ay may tama ka pagkatapos.
"What's the problem with that? I'm just concern about you! Hindi mo minsan alam ang tadhana, taksil din yan ng hindi mo namamalayan. Kaya naman mas mabuting maging maingat ka kung ayaw mong mamugto na naman yang mga mata mo. Mabuti sana kung hindi ka cry-cry girl." Bakas sa boses niya ang pagka-irita.
I became silent because of what he said. He's right, mapaglaro nga ang tadhana kahit ano pang gawin kong pag-iingat na hindi kami magkita. Darating at darating talaga ang panahon na mangyayari 'yun at isa ang bagay na 'yun sa mga kinakatakutan ko. Pero kung mangyayari man 'yun ay malugod ko silang haharapin.
I sighed in defeat. "Okay, Mr. Syn Lee, I got your point now. Mag-iingat na ako sa lahat ng oras at magiging alisto."
"That's good to hear. Gotta go for now because I will have a meeting within five minutes. Tumawag lang ako para kamustahin ka. See you soon, girl!" He said before ending the call.
I smiled widely because of the familiar scenery. It's been a while since the last time I stepped in this country. So much memory, masaya o malungkot man ay alam kong parte na 'yun ng buhay ko.
"Alana!"
Alangin akong napangiti ng wala sa oras ng may kung sino mang ponchio pilato ang tumawag sa pangalan ko. Halos lahat ng tao ngayon ay natuon tuloy ang tingin sa bandang gawi ko. Agad hinanap ng mga mata ko ang taong 'yun at halos mangiyak na lang ako sa inis ng makilala kung sino 'yun.
Malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin ng mapagtantong nakatingin na ako sa kanya ngayon. Huminga muna ako saglit ng malalim bago naglakad papunta sa kanya. Kahit nahihiya ay naging mabilis pa din ang paglakad ko. Kahit papaano ay nangingibabaw din naman ang kasiyahan sa akin.
"I miss you, couz!" I stated as soon as I hugged her tightly. "I miss you too, couz!" She responded.
Ilang minuto din ang naging pagyayakapan namin hanggang sa siya na ang unang bumitaw. Masayang ngiti pa din ang nasa labi niya. "Fuck! I can't believe that you're already here na! Ah!" She suddenly shouted. "Gosh! Mas lalo kang gumanda ngayon!" She added.
Mahina nalang ako napatawa. "Ano 'yun? Pangit ako noon?" I joked, syempre alam ko naman na maganda na ako. Gusto ko lang talaga na inisin siya.
"Parang tanga naman 'to oh! May sinabi ba ako? Ang sabi ko mas lalo kang gumanda! Mukhang hiyang mo ang buhay Canada. Ma-try nga 'pag na bored na ako." Pabirong wika niya.
I just shook my head in disbelief. "Trust me, hindi ganoon kadali ang naging buhay ko doon." I said and then smiled bitterly.
Her forehead creased. "Huy! Bigla naman akong na guilty sa mga nasabi ko. I'm sorry kung na offend kita dahil doon." Aniya sabay kamot sa ulo niya.
Hindi ko alam kung matatawa o maawa ba ako sa naging itsura niya. Kaya naman ngumiti na lang ako at tinapik siya sa balikat. "I'm okay, couz." I sincerely said.
"Nakahinga din ng maluwag." Aniya sabay hinga ng malalim. Napatawa na lang ako ng wala sa oras. "Tara na nga at baka kung ano pang karugtong ang magawa natin dito. Masyado na ding mainit." Reklamo niya.
Kinuha ni Harmaine ang ibang mga dala kong maleta at agad na dinala 'yun sasakyan niya. Mag-isa lang pala niya na sumundo sa'kin. Mas mabuti na din siguro 'yun para kakaunti lang ang nakakaalam na nandito ako ngayon sa Pilipinas.
"Hindi ba alam ng parents mo na nandito ka ngayon? Hanggang ngayon ba ay hindi pa din kayo nag-uusap?" She suddenly asked while driving.
"Honestly, I really don't know for now." I answered.
Noong panahong umalis ako ay wala silang naging reaksyon. Ang mas pinili nilang puntahan ay si Kyla. Itinuturing na rin nilang anak ang babaeng iyon. Pero hindi ko alam na mas magiging matimbang pala ang iba kaysa sa sariling nilang anak. Ni isang beses ay hindi nila nagawang kamustahin ako. Naghintay ako pero wala talaga.
"May gusto akong sabihin sayo tungkol sa mga nangyari dito noong panahon--." Before she could speak, tumingin ako kay Harmaine at umiling. "Wala na akong pakialam kung ano man ang mga nangyari noon. Labas na ako sa kung anong mga meron sila. Kaya kung gusto mong maging maayos tayo ay huwag mo ng ituloy. Nandito ako para sa trabaho ko at hindi para sa mga taong wala ng halaga sa buhay ko."
Naging tahimik lang ang buong byahe namin at hindi na din pa nagtangkang magsalita ni Harmaine tungkol doon. Nakarating kami sa Golden Chain na kung saan naka-locate ang condo unit ni Syn. Sinabi niya na 'yun na lang muna ang gamitin ko dahil mas makakasigurado pa siya.
Bumaba ako mula sa sasakyan at unang sumalubong sa'kin si Tatay Qui na siyang security guard dito sa building. "Magandang gabi po, Ma'am Alana! Mukhang gabi na po tayong dumating. Ako na po ang magdadala sa unit ninyo." Wika niya sabay kuha ng mga bagahe ko.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Salamat po, 'tay."
Tumango lang si Tatay Qui bago tuluyang dinala sa unit ang mga gamit ko. Lumingon ako kay Harmaine na kasalukuyang nasa loob ng sasakyan ngayon. "I'll go now, see you tomorrow, couz. Papahinga muna ako at may jetlag pa ako. Thank you sa pagsundo." Pagpapasalamat ko.
"No problem, see you tomorrow also. Goodnight, couz!" She said and give me a flying kiss before leaving. "Have a nice rest !"
Kinabukasan paggising ko ay unang pumasok sa isip ko ang pumunta ng grocery. Paano ba naman ay wala kahit isang itlog man lang na laman ang ref ng lalaking 'yun. Well, hindi ko din naman siya masisisi dahil wala naman gaanong tumutuloy dito kaya ganoon.
Mga pagkain at iba pang mga kagamitan lang naman ang kinakailangan ko. Sapat na siguro sa ilang days kong pagtira dito. Kaya naman wala na akong sinayang na oras at agad na nag-ayos ng sarili.
Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt, maong short, at isang white snickers. Pagkatapos ay nagtaxi lang ako papuntang mall dahil wala pa naman akong sariling sasakyan. Sabi sa'kin ni Syn ay bukas pa dadating ang sasakyang pinadala ni tita para magamit ko.
Agad akong tumuloy sa supermarket at kinuha ang mga dapat bilhin. Ilang minuto lang ang tinagal ko pagkatapos ay tumuloy na ako sa counter. "Good morning, Ma'am!" The saleslady greeted.
Ngumiti lang ako at hinintay na matapos ang pag-pack niya sa mga pinamili ko. Malugod niyang inabot 'yun kaya naman umalis na din ako agad.
Habang naglalakad ay biglang kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kaninang paggising ko. Pumunta na lang ako ng McDo at umorder. "Pancake and Burger, take out. Thank you!" Diretsong wika ko.
Tumango lang ito at nagsimula ng ayusin ang order ko. Habang ako naman ay naghintay lang. Ilang minuto lang ay inabot na niya sa akin. Kaya naman lumabas na ako. Habang naglalakad ay may napansin akong bata na umiiyak. Hindi ko na sana papansinin ng mapagtanto ko na wala siyang kasama dahil kanina pa palinga-linga habang umiiyak.
"Dada! Yaya! Dada!" He shouted while crying.
Bigla naman akong naawa. Mahina na lang ako napabuntong-hininga at dali-dali akong lumapit sa batang lalaki. "Hi!" Agaw pansin ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at biglang tumigil sa pag-iyak. "Nawawala kaba, baby boy?" I asked softly.
He looked at me with tears in his eyes. He immediately nodded. "Yes, I don't know where is my yaya and daddy. I'm lost, Miss!"
Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sino bang kasama mo?"
"Yaya."
Tumango ako. "Okay, let's go sa information desk. Para mas madali kang mahanap ng yaya at daddy mo. Is that okay with you, baby boy?" I asked again.
"Okay po, Miss!"
Hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta na kami sa information desk. "Kuya, pa-announce naman po na may nawawalang bata. "Tumingin ako doon. "What's your name, baby?"
"Alvazeth, my name is Alvazeth!" He answered.
Ipinaliwanag ko ang nangyari kaya naman agad na tumango ang nasa desk at nag-announce. Minuto siguro ang lumipas ay may isang babae ang humahangos na tumatakbo papunta sa gawi namin.
"Jusko po, Alva! Sa wakas ay nakita na din kita. Kanina pa kami naghahanap sa'yo, mabuti na lang ay okay ka!" Hinihingan na wika ng babae.
Kahit nagtataka ay hindi ko pinigilan ang babae sa paglapit sa bata. "Yaya!" Biglang sigaw ni Alva kaya naman doon lang ako nakahinga ng maluwag na kakilala pa niya 'yun.
Mahina na lang ako tumikhim para mapansin niya ako. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. "Ma'am, thank you po ah! Thank you po talaga dahil kung hindi ay baka nawala na po ang alaga ko. Baka huling gala ko na ito kung hindi ko mahahanap ang alaga ko." Kinakahabang sabi niya.
"Wala pong problema, tutal naman ay nandito kana. Kailangan ko na din pong umalis." Tumingin ako kay Alva. Habang tumitingin ako sa kanya ay para akong nakatingin sa hindi ko na dapat maalala pa. Baka siguro nagkataon lang. "Aalis na ako." Pagpapaalam ko.
Ngumiti siya at kumaway. "Thank you po, Miss!"
Umalis na ako at agad na umuwi. Habang nag-aayos ay hindi mawala sa isipan ko ang batang lalaking iyon. Para bang kuhang-kuha niya ang mukha niya. Pero baka nagkakamali lang ako.
Ano ba, Alana Amoire! Stop thinking!
Hindi na ako nag-isip pa at nagluto na lang ng kakain ko. After 'non ay nagbihis at nahiga na lang ako sa kama. Bukas na bukas ay kailangan kong ayusin agad ang dapat ayusin. Gusto ko na agad bumalik sa Canada dahil wala naman ng dahilan para maging excited akong mag-stay dito.
All I know kung bakit ako nandito ay trabaho lang at wala ng iba pa. Tanging trabaho lang ang ipinunta ko dito.
•All Rights Reserved 2022-2023
©Hanamitchiunnie•All Rights Reserved 2022©HanamitchiunnieAlana's Point of ViewI heavily took a deep breath while roaming my two eyes all over the place. It seems like tita really invested in her company here in the Philippines. Bawat sulok ng building na 'to ay sumisigaw ng karangyaan. Hindi ko din naman masisisi si tita dahil bukod sa dito siya lumaki sa bansang ito ay dito din niya nakilala ang taong minahal niya hanggang ngayon. Sigurado akong kung buhay pa si Tito ay sobrang ang pagka-proud niya sa asawa niya dahil sa dami ng achievements na nakuha na ni tita.I guess I need to familiarize myself with this place because this will be my temporary home while working here in the Philippines. Malaki na lang din ang pasasalamat ko at pinahiram muna sa akin ni tita kahit saglit lang ang opisina ni Syn dito. Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko ng tahimik na lugar kung saan ako makakapagtrabaho ng maayos.Habang patuloy lang ako sa pagtingin sa paligid ay hindi na ako nagulat pa ng mayroong pumasok. Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Charl
Alana's Point of View"How's your life in Canada, cous? Huling balita ko sayo ay noong huling pitong taon pa. Are you really okay now? Na nandito ka ulit sa Philippines?" Biglang tanong ni Harmaine habang inaayos nya ang buhok ko. Mula sa peripheral vision ko ay kita ang pag-aalinlangan sa mukha niya kung tama ba na nagtanong siya. "Well, kung ayaw mong sagutin ay ayos lang sa akin. Choice mo naman at naiintindihan ko." Dagdag niyang wika sabay ngiti ng tipid.Huminga ako ng malalim bago ngumiti pabalik sa kanya. I guess, wala namang masama kung mag-kukwento ako ng kahit kaunting mga detalye lang sa nangyari sa akin. Mapagkakatiwalaan naman siya at alam kong deserve din niyang malaman ang mga iyon. Isa si Harmaine sa mga taong lubos kong pinahahalagahan. Bukod sa pagiging magkadugo namin ay para ko na din siyang kapatid na itinuturing.Kasalukuyan kaming nasa condo unit niya ngayon at siya din ang nag-aayos sa akin para sa event na pupuntahan ko mamaya. Ang event na pupuntahan ko ay an
Alana Amoire's Point of ViewNanatili lang akong nakatayo at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Habang tinitignan siyang papalapit sa gawi ko. Ni kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Habang siya ay hindi ako kaagad napansin. Ang atensyon niya ay sa mga kaibigan nito. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad. Tumabi sa bandang kanan ni Charles habang ako naman ay nasa kaliwa."Ladies and gentlemens, Let's start the introduction portion!" anunsyo ni Charles.Hindi ako makakilos ng mabuti habang nasa malapit siya. Hinarap ako ni Charles at ngumiti ng matamis. "Let's start!" Dinala niya ako sa tabi ni Azvameth. Lahat ng tingin ay pupunta ulit sa akin. Ang hindi ko kinaya ay ng mapadako ang tingin niya sa akin. Ang tanging hinihiling ko nalang ngayon ay ang makaalis at matapos na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din pala kayang makita siya. Kahit ang makatabi siya ay hindi ko magawa."Mi Amoire," he whispered.Minabuti kong hindi siya tingnan at yumuko na lang. Humi
Alana Amoire's Point of View"You need to go back here! As soon as possible!""Ganyan talaga ang gagawin ko. Akala ko ay magiging maayos ang pagbalik ko dito pero hindi pala.""Kaya nga kailangan mo ng umalis dyan.""Inaayos ko nalang ang mga gamit ko. I'll see you soon, Syn." Wika ko, pagkatapos ay ibinaba ko na ang telepono ko. Binalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit at inilagay iyon sa maleta ko. Ngayong din ay kailangan kong makaalis. Nalaman ni Syn kung ano ang mga nangyari kaya ganoon nalang ang pag-aalala niya sa akin.Ang gusto niya ay sundan pa ako dito pero mabuti na lang ay napilit ko siyang ako nalang ang babalik sa Canada. Agad naman siyang nag-pabook ng flight ko dahil sa mga oras na ito ay alam kong hindi talaga ako titigilan ni Azva. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang gamit kong numero. Malawak ang impluwensya niya at iyon ang hindi ko kayang labanan.Mukhang nakuha na niya ang position na inaasam niya noon pa man. Alam ko na malawak ang impluwensya ng pa
Alana Amoire's Point of View"You'll be my son's mother."Para akong nabingi ng marinig ko ang huling sinabi niya. Bawat letra ng mga salitang iyon ay parang punyal na pumasok sa dibdib ko. "Nagbibiro ka lang diba?" Hindi makapaniwalang wika ko."No."Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa mga oras na ito. Kung hindi ay baka sumabog ako sa sobrang galit ko. Salita pa lang iyon pero masakit na mismo nanggaling sa kanya iyon."Kung nagbibiro ka lang ay itigil mo na. Hindi nakakatuwa ang mga sinasabi mo!" I said, sa pagtingin ko sa kanya ay galit at poot ang nararamdaman ko."I'm not." He shortly replied.i sarcastically chuckled, "Kung gayon ay itigil mo na itong mga ginagawa mo. Hindi na ako natutuwa at mas lalo hindi ako nakikipaglaro sayo!""Well.. I'm not playing either.""Talagang nababaliw ka na! Pero ito lang ang masasabi ko sayo. Kahit kailan hinding-hindi na ako magpapakatanga pa ulit sayo. Higit sa lahat hinding-hindi ako papayag na maging ina ng anak mo! Alam kung bakit?
Alana Amoire's Point of View"Miss..."Gamit ang isang kamay ni Thorn ay binuksan niya ang pinto habang sa kabila ay may dala-dala siyang tray ng pagkain. Tipid akong ngumiti sa kanya pagkatapos niyang maibaba iyon sa side table."Thank you..""Ginagawa ko lang po ang utos ni Supremo. Kumain kana po at baka sumakit pa ang tiyan mo.""Salamat.""Wala po anuman. Pagkatapos po ninyo ay hinabilin ni Supremo na pwede kang makalabas at maglibot-libot sa may dalampasigan."Tumango ako at inayos ang pagkakaupo ko. Inabot ko ang tray at inilagay sa mga harapan ko. Simula kagabi ay hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni Azvameth ay agad akong nakatulog."Kumain kana ba?" "Kanina pa po... Pinapasabi din po pala ni Supremo na mawawala siya ng ilang araw dahil may aasikasuhin siya.""Mawala na lang siya sana ng tuluyan." I whispered.Laking pasasalamat ko na hindi niya narinig ang sinabi ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang pagkain ko. Ang kaso lang ay naiilang ako
"Goodnight po.."Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago siya tuluyang makatulog. Hinaplos ko ang buhok niya pagkatapos ay hinalikan siya sa ulo. Sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog. Buong araw ay ayaw niyang umalis sa tabi ko. Natatakot siya na umalis ako kapag nawala lang akong saglit sa paningin niya.Nakakaawa lang na maagang nawalay siya sa ina niya. Kahit pa sobrang galit ko ay hindi ko magagawang hihilingin na mawala si Kyla. Sa murang edad ng batang ito ay walang pagmamahal ng ina ang kinalakihan niya.Mahina ang mga hakbang na lumabas mula sa kwarto ni Alva. Balak ko na sanang bumalik sa kwarto ko ng makarinig ako ng maingay mula sa baba. Sinilip ko kung ano iyon at nakita si Azvameth na inaalalayan ni Thorn paakyat."Ano ba! Bitawan niyo nga ako!"Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sila. Hindi na lang niya naisip ang anak habang siya ay nagpapasaya. Ito ba ang sinasabi niyang naging desisyon niya? Ang iwan ang anak at magpakasaya na parang binata."Supremo...
Alana Amoire's Point of View"Let's get to the point, Azva. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Kasi sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo."Nandito kami ngayon sa opisina niya. Iniwan muna namin saglit si Alva kay Thorn. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Azva dahil sa totoo lang ay hindi ko na kayang tumagal pa."What do you mean?""Bakit lahat ng ito ay ginagawa mo? Ano ba talagang gusto mong mangyari? Kasi sa totoo lang ay natatakot na ako sa mga ginagawa mo. You kidnapped me, locked me in this island, and lastly; you threatened me to be your son's mother! Give me a valid reason why you always try to pester me?""I'm desperate... " he uttered, "I'm desperate to have you back.""Kahit pa makuha mo ako ay wala na talaga. Gaya ng sinabi ko sayo noon ay wala na talaga! Kahit pa gawin mo lahat ng bagay na ito ay wala na talaga.""Are you already in love with another guy?"Hindi ako nakapagsalita sa naging tanong niya."Let's not talk about it. Ang p