Third Person's Point of ViewMalamig na simoy ng hangin ang siyang bumatid kay Alana pagbaba niya ng sasakyan. Ilang oras din ang biyahe niya patungong Canada. Alam niyang labis ang pag-aalala ng mga taong iniwan niya dito kaya ganoon na lang niyang gustong makabalik kaagad. Tinanaw niya ang bahay ni Syn bago pinindot ang doorbell nito. Ilang minuto lang ay lumabas ang kaibigan."Who's the hell are you?""It's me Alana.."Napaigtad siya ng biglang sumigaw ito. Hilam siyang napangiti dahil sa reaksyon nito. "Babaeng malandi! Saan ka nagpunta? Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang alalang-alala ako sayo!" Sunod-sunod nitong wika."Papasukin mo muna kaya ako? Sobrang lamig na kaya."Binuksan nito ang gate at sabay silang pumasok sa loob. Iniwan muna siya ni Syn at nagpunta sa kusina. Pagbalik nito ay may dala ng kape at tinapay. Umupo sa tapat niya ito at mariin siyang tinignan."Care to explain, what happened to you? Mommy and I are worried about you!"Alana si
Alana Amoire's Point of View "You shall do your work now girl. It's been a week since the last time you worked in your office. Kung ako sayo ay gagawin ko na ang mga nakatambak na mga papeles ko. Remember, you have a meeting with Ms. Consuelo tomorrow." Ani ni Syn.I sighed, "Yeah right... Thanks for the effort." Syn shrugged his shoulders. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa niya. Habang ako naman ay nagdadabog na bumalik sa opisina ko. Maghapon na labanan na naman ang gagawin ko sa buong araw ko. "Sheena, can you get me a black coffee?" Tawag ko sa sekretarya ko.I closed my eyes because of stress. Maaga pa lang ay ganito na kaagad ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, para bang may hindi magandang mangyayari sa akin sa araw ito. "Here's your coffee!" Pumasok si Sheena dala-dala ang kape. Ibinababa niya to sa tabi ko, "Mukha kang stress girl? Anyare sayo at para kang hinulugan ng langit at lupa?" aniya."I don't know... Ang alam ko lang ay ganito na ako pagpasok ko.
Alana Amoire's Point of View "I will fetch you later, baby. May meeting lang si mommy this morning kaya hindi ka pwedeng sumama." Tahimik na nakatingin sa akin ang anak ko habang humihikbi pa din. Mula kaninang pagkagising ko ay wala siyang mukhang bibig kung hindi ang gusto niyang sumama. Kahit gusto ko ay hindi pwede dahil mahalaga ang pag-uusapan namin ni Ms. Consuelo. Ang ikinatatakot ay baka hindi ko siya mabantayan ng mabuti. "I just wanna come with you. I promise, I will behave!" she said, nakanguso ang labi niya habang pulang-pula naman ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. "Sama na kasi ako, Mommy. Sige na!" I sighed, "Ganito na lang... How about after the meeting, I will fetch you and then we will go to the mall?" Her eyes widened, "Really? We will go to the mall?""Yes, basta hindi ka magiging makulit. Hindi ka iiyak after umalis ni Mommy." I answered and then nodded. Mixi happily claps her hands. Tumayo siya at tumakbo sa akin para yakapin ako. "Okay! I'll promise!"
Alana Amoire's Point of View "Susunod ako sayo pagkatapos ng isang araw. Kailangan kong makipagkita kasi kay Renz bago ako pumunta." Syn said while checking his phone. "Alam mo namang dakilang seloso ang lalaking iyon diba?"I chuckled, "Yeah right!"Pagkatapos kong makipagkita kay Shera ay dumiretso kaagad ako para sunduin sila. Kaya ngayon ay ang bagsak namin ay sa Korean restaurant. Tinignan ko ang anak ko na tahimik na kumakain sa tabi ko. "You need some help?" I asked."No, I can manage na po ito." she replied.I just smiled at her. Hinayaan ko na lang at binalik ang atensyon kay Syn. Ang atensyon pa din nito ay sa kanyang cellphone kay sinipa ko ang paa niya. Masama tumingin siya sa akin habang ako ay nakataas lang ang kilay."Problema mo!" asar niyang wika."Cellphone ka ng cellphone d'yan kulang na lang ay halikan mo yan!" Nagdadabog na ibinaba niya ito sa gilid. "O 'yan! Ano ba kasing gusto mong sabihin at nang-abala ka pa?" aniya.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaks
Alana Amoire's Point of View "I'll see you later, Goodbye!" Paalam ni Shera pagkatapos ay kaagad akong binabaan. Napailing na lang ako sa babaeng iyon. Simula ng dumating kami dito sa resort ay hindi na niya ako tinantanan tungkol kay Syn. Ilang beses niyang tinanong kung kailan ang dating niya. Nilingon ko si Mixi na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sa sobrang pagod niya sa byahe ay kaagad siyang nakatuloy pagkarating namin dito sa kwarto tinutuluyan namin. Mabuti na din iyon para may oras pa akong makapunta sa Assembly ng event. "What shall I wear?" I uttered. Tinignan ko ang mga dala kong damit at halos manlumo ako ng hindi ko nadala ang mga ibang dress ko. Hinayaan ko nalang iyon at kinuha ang isang white tube summer dress. Hinayaan kong nakalugay ang buhok. Ngayon ko lang din napansin na hanggang baywang ko na pala ang haba non. Inayos ko saglit ang anak ko bago siya iniwan doon. Saglit lang ako pagkatapos ay babalik din ako kaagad. Ang sabi ni Shera ay sa may b
Third Person's Point of View "She looks like Mr. Azvameth Williams." Tila nabingi si Alana ng marinig ang pangalan ng binata. Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Animo'y nilagayan ng semento ang kalahati ng katawan niya dahil sa sobrang kaba. "You think so... "Kinakabahang wika niya pagkatapos ay iniwas ang tingin kay Shera. "Baka namamalik-mata ka lang. Paano namang magiging kamukha ng anak ko yung sinasabi mo? Matagal ng patay ang tatay ni Mixi." She added. Oh god! Help me lord, please! Pinapanalangin niya na sana ay huwag ng magtanong pa ang dalaga. Mas lalo pa siyang kinakabahan ay baka marinig ng anak niya ang mga pinag-uusapan nila. Kilala niya ang anak niya, hindi iyon titigil hanggang hindi masasagot ang mga tanong. "Huh? I just said that, she kinda look a like of Mr. Williams. I never said that he was the father." Naguguluhang wika nito. Napatampal na lang si Alana sa kanyang ulo. Nabigla siya kaya hindi niya kaagad naunawaan ang gusto nitong iparating. "I'
Third Person's Point of View Kumakabog ng malakas ang puso ni Alana habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa mga oras na ito ay walang pumapasok sa isip niya kung paano itatago ang anak. Ngayon na nasa iisang lugar lang sila at ang ama ng anak niya ay hindi malabong magkatagpo ang mga landas nila. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya. Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa rin sila Syn. Nais man niyang sundan kung na saan ang mga ito ay hindi na niya ginawa pa. Kung gagawin niya iyon at hindi sinasadyang nagkita sila ay mas lalong magkakagulo. "What shall I do?" She whispered. Kung pwede lang ng hilingin na lamunin siya ng lupa ay ginawa na niya. Labis ang kabang nararamdaman niya sa ngayon. Nagulat si Alana ng biglang may kumatok sa pinto. Huminga siya ng malalim bago ito pinuntahan. Sinilip niya ang maliit na butas at tinignan kung sino iyon. Si Syn habang buhat ang anak niya sa mga bisig nito. Dali-dali niyang pinagbuksan ang mga ito. "Get out of my way girl. Masyadong mabig
Third Person's Point of View Tahimik na pinagmamasdan ni Alana ang anak habang kasama nito ang kaibigan. Masayang tumatakbo ito habang patuloy sa paghabol si Syn. Ngayon na lang niya muling nasilayan ang ganoong ngiti ng anak niya. Inaamin niyang hindi niya gaanong nasubaybayan ang paglaki nito dahil sa trabaho niya. Ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay wala silang magiging buhay ng kanyang anak. Kinaya niya na siya lang ang naging magulang sa anak at kakayanin din niya sa hanggang sa dumating pa ang maraming taon. Tumingin siyang muli sa dalawa bago muling ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng pahinga pa dahil mamayang gabi ay magsisimula na muli ang trabaho niya. May gaganaping party mamaya kaya kailangan niyang dumalo. Bilang isang dakilang amain ng anak niya ay nagpresinta si Syn na siya nalang ang pupunta. Bukod sa ayaw nitong makita si Shera ay tila walang gana talaga itong pupunta mamaya. Mabuti na din iyon para hindi siya mag-alala sa anak. Mas magiging panatag ang loo