Third Person's Point of View Kumakabog ng malakas ang puso ni Alana habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa mga oras na ito ay walang pumapasok sa isip niya kung paano itatago ang anak. Ngayon na nasa iisang lugar lang sila at ang ama ng anak niya ay hindi malabong magkatagpo ang mga landas nila. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya. Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa rin sila Syn. Nais man niyang sundan kung na saan ang mga ito ay hindi na niya ginawa pa. Kung gagawin niya iyon at hindi sinasadyang nagkita sila ay mas lalong magkakagulo. "What shall I do?" She whispered. Kung pwede lang ng hilingin na lamunin siya ng lupa ay ginawa na niya. Labis ang kabang nararamdaman niya sa ngayon. Nagulat si Alana ng biglang may kumatok sa pinto. Huminga siya ng malalim bago ito pinuntahan. Sinilip niya ang maliit na butas at tinignan kung sino iyon. Si Syn habang buhat ang anak niya sa mga bisig nito. Dali-dali niyang pinagbuksan ang mga ito. "Get out of my way girl. Masyadong mabig
Third Person's Point of View Tahimik na pinagmamasdan ni Alana ang anak habang kasama nito ang kaibigan. Masayang tumatakbo ito habang patuloy sa paghabol si Syn. Ngayon na lang niya muling nasilayan ang ganoong ngiti ng anak niya. Inaamin niyang hindi niya gaanong nasubaybayan ang paglaki nito dahil sa trabaho niya. Ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay wala silang magiging buhay ng kanyang anak. Kinaya niya na siya lang ang naging magulang sa anak at kakayanin din niya sa hanggang sa dumating pa ang maraming taon. Tumingin siyang muli sa dalawa bago muling ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng pahinga pa dahil mamayang gabi ay magsisimula na muli ang trabaho niya. May gaganaping party mamaya kaya kailangan niyang dumalo. Bilang isang dakilang amain ng anak niya ay nagpresinta si Syn na siya nalang ang pupunta. Bukod sa ayaw nitong makita si Shera ay tila walang gana talaga itong pupunta mamaya. Mabuti na din iyon para hindi siya mag-alala sa anak. Mas magiging panatag ang loo
Alana Amoire's Point of View Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Mixi habang papunta ako sa gawi niya. Habang ang kasama niya ay masama pa din ang tingin sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at tumungo sa gawi ng anak ko. "Bakit ka umalis? Alam mo bang nag-aalala ako sayo!?" Ani ko. "I'm sorry po, Mommy. Nagising na lang ako wala kayo. Kaya hinanap ko po kayo. Pero wala po kayo kaya nagpunta ako dito sa rooftop. Nakilala ko nga po dito si Uncle Azva. Alam po ba ninyo, marami kaming napagkwentuhan!" Magiliw nitong wika."Let's go, baby." Hinawakan ko sa kamay ang anak ko at hinila siya papaalis. Pero bakit pa man kami makalabas sa pinto ay may kamay na pumigil sa amin. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kumalma. "I need an explanation." Seryosong wika niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya. Pinanatili ko ang sarili ko na walang kahit ni anong bakas ng kaba. "What do you mean? What explanation?" His eyes shout angerness. Bawat t
Alana Amoire's Point of View"Ang kapal ng mukha niya! Sa oras na makita ko talaga ang lintek na lalaking iyon ay sasampalin ko siya!" Nanggigil na wika ni Syn.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Azva kanina ay kaagad kaming bumalik ni Mixi. Saktong dumating din si Syn at nagkwento ako sa kung ano ang nangyari kanina. Kaya naman sobra ang galit ni Syn ngayon kay Azva."Hayaan na natin siya. Ang mahalaga ay hindi siya maghihinala tungkol kay Mixi." Ani ko."Sa susunod talaga na ako ang makakita sa kanya ay sisiguraduhin kong masasampal ko siya!"Natatawang tumingin ako sa kanya. "Talaga ba? Baka naman matigil ka kapag nakita mo siya. Dakilang malandi ka pa naman."Akma niya akong hahabalusin ng yumakap sa kanya si Mixi kaya napatigil ang kamay niya sa ere. Nakahiga kaming tatlo ngayon sa kama at nasa gitna namin si Mixi."Pasalamat ka at nandito ang anak mo kung hindi ay isasama kitang sasampalin kasama ng ex mong makulit!"KINABUKASAN ay nakita ko nalang na mag-isa nalang ako sa room. N
Alana Amoire's Point of View "I think I just fell in love with your words, Alana." Nakangiting wika ni Shera. "The pleasure is mine. Kung hindi dahil din sayo ay hindi ako makakapagsulat. Thank you for taking care of my daughter." Ani ko. Halos dalawang linggo ang lumipas mula ng manggaling kami sa Hawaii. Akala ko ay guguluhin pa ako ni Azva pero nagulat na lang ako ng wala na sila noong mismong araw na din na iyon. Kahit ang mga kaibigan niya ay bigla ding nawala. Kaya naman laking pasasalamat ko ng mga oras na iyon. Kaya ngayon ay naging maayos ang kinalabasan ng sinulat ko tungkol sa event. Habang naglilibot ng mga panahon na iyon ay sila Syn at Shera ang nagbantay sa anak ko. Sa tuwing pagbalik ko noon sa kwarto ay nadadatnan ko silang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa pero ayaw nilang sabihin kung ano ba ang nangyayari. "How I wish I have a daughter like Mixi." Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin kung saan. Kaya naman kumunot ang noo
Alana Amoire's Point of View Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Mariin ang mga tingin niya sa akin habang tahimik lang. Habang ako ay hindi makahakbang mula sa kinatatayuan ko. "How come?" I silently asked. "Long time no see my doll." Daddy King said, isang tipid na ngiti ang iginawad niya. "Is this true? Ikaw ba talaga yan, Daddy?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Daddy King nodded, "I am." My tears fell while looking at him. I silently thankfully right now. Nakita ko na ang isa sa mga taong naging malapit sa akin simula ng bata pa ako. "Iniwan mo ako, Daddy. Iniwan mo ako sa puder nila. Diba sabi mo noon isasama mo ako? Pero bakit bigla ka nalang nawala?" Umiiyak kong ani. Bunsong kapatid siya ng tunay kong ama. Siya yung totoong nag-alaga sa akin noong panahong kailangan ko ng kalinga ng magulang. Siya ang nagtatanggol sa akin kapag sinasaktan ako noon ng tunay kong ama. "Bakit ngayon lang kita ulit nakita. Bakit ngayon lang ikaw
Alana Amoire's Point of View It's been three days since the last time I talked with Daddy King. Noong araw na iyon kung saan inaya niya akong bumalik sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong sagot sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagdadalawang-isip ako sa mga sinabi niya. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ako ng makita kung sino iyon. "They already knew, Alana. Alam na nila kung na saan ka. Kaya hanggang sa abot ng makakaya mo ay lumayo ka na ngayon na. Ngayon mismo ipinadala ni Tito ang mga tauhan nya para puntahan ka!" Nabitawan ko ang cellphone na hawak ng marinig ko ang sinabi ni Harm. Halos matulos ako sa kinauupuan ko sa sobrang pagkabigla. "Damn it! Get out now, Alana. Hide as fast as you can. "Nang sabihin niya iyon ay kaagad na pumasok sa isip ko ang anak ko. Hindi pwede! Hindi pwede malaman nila ang tungkol sa anak ko. Mamatay muna ako bago iyon mangyari. Hindi ako nagkaasya pa ng oras. Dali-dali kong tinakbo ang papa
Third Person's Point of View "What do you think you're doing, Azvameth!" Mariing tanong ni King na ama-amahan ni Alana. "Bakit mo sapilitang dinala ang anak ko sa islang ito! Ang usapan natin ay hindi natin siya pipilitin." "I never force her. She came here peacefully here." Malamig na sagot nito. King gritted his teeth. "You took her here without her consciousness." Kahit pa alam niyang kakampi ang binata ay hindi maiwasan ng ginong na magalit sa dito. Hindi niya gusto ang ginawa nito. "It's already done." Pagak na natawa ang ginoo. "Kung hindi lang dahil sa kaligtasan ni Alana ay hindi ako papayag na lumapit ka sa kanya." Seryosong aniya. Azvameth looked at him. "With or without you. I can get her again in my arms." "Don't full of yourself, young man. Alam nating pareho kung gaano kagalit sayo si Alana. Kahit pa malaman niya ang totoo ay hindi magbabago ang ginawa mong sakit sa puso niya." "Don't try to provoke me, Old man. I'll just considerate you because you took care of