Alana Amoire's Point of View"Ang kapal ng mukha niya! Sa oras na makita ko talaga ang lintek na lalaking iyon ay sasampalin ko siya!" Nanggigil na wika ni Syn.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Azva kanina ay kaagad kaming bumalik ni Mixi. Saktong dumating din si Syn at nagkwento ako sa kung ano ang nangyari kanina. Kaya naman sobra ang galit ni Syn ngayon kay Azva."Hayaan na natin siya. Ang mahalaga ay hindi siya maghihinala tungkol kay Mixi." Ani ko."Sa susunod talaga na ako ang makakita sa kanya ay sisiguraduhin kong masasampal ko siya!"Natatawang tumingin ako sa kanya. "Talaga ba? Baka naman matigil ka kapag nakita mo siya. Dakilang malandi ka pa naman."Akma niya akong hahabalusin ng yumakap sa kanya si Mixi kaya napatigil ang kamay niya sa ere. Nakahiga kaming tatlo ngayon sa kama at nasa gitna namin si Mixi."Pasalamat ka at nandito ang anak mo kung hindi ay isasama kitang sasampalin kasama ng ex mong makulit!"KINABUKASAN ay nakita ko nalang na mag-isa nalang ako sa room. N
Alana Amoire's Point of View "I think I just fell in love with your words, Alana." Nakangiting wika ni Shera. "The pleasure is mine. Kung hindi dahil din sayo ay hindi ako makakapagsulat. Thank you for taking care of my daughter." Ani ko. Halos dalawang linggo ang lumipas mula ng manggaling kami sa Hawaii. Akala ko ay guguluhin pa ako ni Azva pero nagulat na lang ako ng wala na sila noong mismong araw na din na iyon. Kahit ang mga kaibigan niya ay bigla ding nawala. Kaya naman laking pasasalamat ko ng mga oras na iyon. Kaya ngayon ay naging maayos ang kinalabasan ng sinulat ko tungkol sa event. Habang naglilibot ng mga panahon na iyon ay sila Syn at Shera ang nagbantay sa anak ko. Sa tuwing pagbalik ko noon sa kwarto ay nadadatnan ko silang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa pero ayaw nilang sabihin kung ano ba ang nangyayari. "How I wish I have a daughter like Mixi." Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin kung saan. Kaya naman kumunot ang noo
Alana Amoire's Point of View Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Mariin ang mga tingin niya sa akin habang tahimik lang. Habang ako ay hindi makahakbang mula sa kinatatayuan ko. "How come?" I silently asked. "Long time no see my doll." Daddy King said, isang tipid na ngiti ang iginawad niya. "Is this true? Ikaw ba talaga yan, Daddy?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Daddy King nodded, "I am." My tears fell while looking at him. I silently thankfully right now. Nakita ko na ang isa sa mga taong naging malapit sa akin simula ng bata pa ako. "Iniwan mo ako, Daddy. Iniwan mo ako sa puder nila. Diba sabi mo noon isasama mo ako? Pero bakit bigla ka nalang nawala?" Umiiyak kong ani. Bunsong kapatid siya ng tunay kong ama. Siya yung totoong nag-alaga sa akin noong panahong kailangan ko ng kalinga ng magulang. Siya ang nagtatanggol sa akin kapag sinasaktan ako noon ng tunay kong ama. "Bakit ngayon lang kita ulit nakita. Bakit ngayon lang ikaw
Alana Amoire's Point of View It's been three days since the last time I talked with Daddy King. Noong araw na iyon kung saan inaya niya akong bumalik sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong sagot sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nagdadalawang-isip ako sa mga sinabi niya. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ako ng makita kung sino iyon. "They already knew, Alana. Alam na nila kung na saan ka. Kaya hanggang sa abot ng makakaya mo ay lumayo ka na ngayon na. Ngayon mismo ipinadala ni Tito ang mga tauhan nya para puntahan ka!" Nabitawan ko ang cellphone na hawak ng marinig ko ang sinabi ni Harm. Halos matulos ako sa kinauupuan ko sa sobrang pagkabigla. "Damn it! Get out now, Alana. Hide as fast as you can. "Nang sabihin niya iyon ay kaagad na pumasok sa isip ko ang anak ko. Hindi pwede! Hindi pwede malaman nila ang tungkol sa anak ko. Mamatay muna ako bago iyon mangyari. Hindi ako nagkaasya pa ng oras. Dali-dali kong tinakbo ang papa
Third Person's Point of View "What do you think you're doing, Azvameth!" Mariing tanong ni King na ama-amahan ni Alana. "Bakit mo sapilitang dinala ang anak ko sa islang ito! Ang usapan natin ay hindi natin siya pipilitin." "I never force her. She came here peacefully here." Malamig na sagot nito. King gritted his teeth. "You took her here without her consciousness." Kahit pa alam niyang kakampi ang binata ay hindi maiwasan ng ginong na magalit sa dito. Hindi niya gusto ang ginawa nito. "It's already done." Pagak na natawa ang ginoo. "Kung hindi lang dahil sa kaligtasan ni Alana ay hindi ako papayag na lumapit ka sa kanya." Seryosong aniya. Azvameth looked at him. "With or without you. I can get her again in my arms." "Don't full of yourself, young man. Alam nating pareho kung gaano kagalit sayo si Alana. Kahit pa malaman niya ang totoo ay hindi magbabago ang ginawa mong sakit sa puso niya." "Don't try to provoke me, Old man. I'll just considerate you because you took care of
Third Person's Point of View "You're lying, Azva. You're a lier!" Mariing wika ni Alana. "Sarili mong anak, itatanggi mo!" Hindi lubos maisip ni Alana na kayang sabihin ni Azva ang ganoong mga salita. "Believe it or not. I'm telling the truth, I'm stating the fact." Malungkot nitong sagot. "Hindi ko sasabihin sayo ito para lang balikan mo ako. Kung hindi para sabihin sayo na hindi kita niloko. Mali ang lahat ng nalaman natin. Kahit ako ay nalinlang din." Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Walang nangyari sa aming dalawa ni Kyla. I'm not the one who got her pregnant." Sambit nito. "Kung sinasabi mo lang ito para paikutin ako ay huwag mo ng ituloy. Alam nating dalawa na ikaw ang ama ni Alva. Diba ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon? Ikaw mismo ang nagsabi na anak mo ang dinadala ni Kyla. Kaya paanong hindi ikaw ama at mas lalong walang nangyari sainyo!" Kusang bumabalik sa mga alaala ni Alana ang bawat detalyeng nangyari noon. Kung paano nito mas pinili ang respons
Alana Amoire's Point of View Habang nakaupo sa buhanginan ay nakatulala ako habang nakatingin sa malawak na karagatan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din lubos maisip ang katotohanang nalaman ko. Halos kainin ko ng sobrang hiya at sakit ngayon. Napahikbi nalang ako. "I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry." Paulit-ulit kong paghingi ng tawad. Kung sana pwede kong ibalik ang nakaraan ay gagawin ko. Sana, sana kung hindi nangyari iyon ay baka maayos ang lahat. Sana, panay sana nalang. "Are you alright?" Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kung sino man iyon. Nakatulala ako habang nakatingin kay David. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa akin. "Bakit umiiyak ka at nag-iisa lang dito?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya kaya naman napatawa nalang siya. "I guess you already knew the truth, right?" I just nodded. "I know what you feel right now." Lumungkot ang boses niya. "Malaki din ang pagsisisi ko. Alam mo ba iyon? I wasn't there when she needed me. Inst
Alana Amoire's Point of View"Anong pinagsasabi mo! I'm not your fucking wife!" Sigaw ko habang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "Pwede ba, huwag mo akong paglaruan!"Pulang-pula ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang galit."I'm telling the truth." He said, he stared at me directly in my eyes. "We're married.""Wala akong natatandaang pinirmahan ko. Kaya pwede ba huwag kang magsinungaling!" I shouted.Kung sa akala niya ay maloloko niya ako pwes hindi ako papayag."The day before you left the island. I requested a signature from you. Don't you remember?"I almost lost my balance. Bigla kong naalala ang tungkol sa pangyayaring iyon. Sinabi niyang para sa mga dokumento ni Alva iyon. Ang katangahan ko ay hindi ko binasa dahil may tiwala ako na kay Alva talaga ang mga iyon."Asshole!" I furiously shouted.Azva smirked, "I guess you already remembered. That's give a rights to be jealous. Seeing you with another man is like an hell. Kaya sa oras na makita ko pang may kasama kang ibang
Special Chapter #1Millianna Xixiazeth WilliamsMafia Boss #1: The Real Mafia Heiress---------------"Ang tanging kailangan nalang natin ngayon ay ang magpunta sa Xavier University para i-confirm na ang school nila ang magiging host by this year. Kaya anong oras tayo pwedeng magpunta ngayon araw, Pres?" Namira asked while looking at me curiously. Saglit akong huminga ng malalim bago siya sagutin. "By one in the afternoon. I need to go muna sa library to settle my siblings problem. Kita nalang tayo sa parking at 'yun sasakyan ko nalang ang gagamitin natin." I boredly replied.She just nodded her head then continue to do her works. Kasalukuyan kaming nasa office ng student council ngayon dahil sa mga papeles na kailangan naming tapusin. Bilang isang student president ay kailangan kong masiguro na magiging maayos ang lahat para sa upcoming festival week. Malaki nalang ang pasasalamat ko na hindi ang eskwelahan namin ang host ngayong taon kundi ang Xavier University. Pero bilang kami a
"I surrender!" David said exhaustedly while sitting in a single couch. Mabigat din ang paghinga niya dahil siguro sa sobrang pagod. "I won't live if I stay here longer! Manang-mana sila sa tatay nila!" I laughed. "Come on, David. Just play a little bit with them. Ngayon ka nalang nila ulit nakasama 'tas ganyan ka pa." Pagkukunsensya ko sa kanya. Umangat ang ulo niya at tinignan ako na para bang isang kaaway. "That three mini version of him will be the death of me!" Pagrereklamo niya. "They just miss you." Nakangising sagot ko. He just looked at me annoyingly. "Just give me a piece of time. I wanna peace at this moment, please!" He pleaded. I just shrugged my shoulder. "If you say so, but I think your wish will not be commanded." Nakangiwing ani ko habang nakatingin ngayon sa tatlong maliliit na nakangisi nakatayo sa likuran kung saan nakaupo si David. "Alis muna ako, ikaw muna ang bahala sakanila. See you later, guys!" Mahina akong napahagikgik. Bago ako nakalabas ay narinig ko
Alana Amoire's Point of View Nang pagkatapos niyang sabihin ang salitang iyon ay hindi agad ako nakakibo. Parang pinupunit ang puso ko. Diba iyon naman ang gusto mo Alana? Ang palayain ka niya at layuan ka? Pero bakit parang hindi ako masaya? Napayuko nalang ako at iniwas ang tingin sakanya. Ayaw kong makita niya akong mahina sa pangalawang pagkakataon. Ang tanging nagawa ko nalang ay ang tumango "Thank you for letting me go." Naging basag ang boses ko habang nagsasalita. Tumingin ako kay sakanya at ngumiti ng pilit. "Salamat at humihingi din ako ng tawad sa nagawa ng mga magulang ko." Ang sakit lang na marinig ang mga salitang iyon sa pangalawang pagkakataon. Akala ko magiging masaya ako sa oras na palayain at tigilan niya ako. Pero bakit kung kailan sumuko na siya ay doon ko pa narealized na hindi ko pa din pala kaya na iwan siya. Bakit kahit nasaktan na ako ay paulit-ulit pa din ako bumabalik sa kanya?I wiped my tears. "Azva, can I ask for the last time?" I asked while looki
Alana Amoire's Point of View "Mommy!" Mixi shouted when she saw me. Dali-dali siyang kumalas sa pagkakayakap sa daddy niya at tumakbo sa gawi ko. "Mommy, I miss you!" Binuhat ko ang anak ko sabay yakap ng mahigpit. Mariing akong napapikit dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya. Halos mamatay ako sa sobrang pag-aalala sa anak ko."I miss you too, my baby girl." I responded. Ilang minuto kaming nagkayakapan bago kusang kumalas ang anak ko sa bisig ko. Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa daddy niya. Kaya naman binuhat din siya ni Azva. Halos manubig ang mata ko sa nakikita kong tagpo nilang mag-ama. Si Mixi na masayang nakayakap sa bisit ng kanyang ama. Habang si Azva na ay may ngiti din sa kanyang mga labi. "Alana," Natuon ang atensyon ko kay David ng lumapit siya sa'kin. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya. "Kamusta ka na?" He asked. I took a deep breath. "Honestly, I'm not okay, David. Sa mga pangyayari, I think I need some space to think." I answered. Nang matapos dakpin
Third Person's Point of View "Ang kinikilala mong ama ngayon ay hindi mo tunay na ama." Seryosong wika ng ina ni Alana. "Habang ang totoo mo namang mga magulang ay matagal ng wala sa mundong ito." Halos lahat ay napasinghap sa mga sinabi ng ginang. Kahit si Alana ay gulat na gulat din sa mga nalaman. Habang si Azvameth naman ay tila natuod sa kanyang kinatatayuan. "Mommy, what are you talking about?" Pabulong na tanong ni Alana. Her mother smiled at her weakly. "I'm trying to correct my mistakes, sweety." Sagot nito. Muling lumingon ang ginang kay Azva. Hilam itong ngumiti at unti-unting pumatak ang mga luha. "Ayos lang kung kamuhian mo ako sa malalaman mo. Kahit papaano ay mababawasan ang bigat sa dibdib ko." "E-explain!" Mariing wika ni Azva. Malalim na huminga ang ginang bago muling nagsalita. "Matagal ng may gusto ang asawa ko sa nanay mo, Azva " panimula nito. "Pero kahit anong gawin ni Ali ay hindi siya magawang mahalin ni Ynna, bagkus ay mahal nito ang iyong ama na si Axe
Third Person's Point of View Hindi napigilan ni Azva ang mapangisi habang pinapanood ang ginagawa nila Ashton sa matandang ngayon ay namimilipit sa sakit. Ang makita ito sa ganoong sitwasyon ay tila isang masayang pangyayari sa mga oras na ito. Sa dami ng kasalanang ginawa nito ay madali lang na paghihiganti ang kamatayan. Kung kaya unti-untiin nila ang pagpaparusa dito hanggang sa ito na mismo ang humingi ng kamatayan niya. "Fuck! It's good to see this old man in this kind of situation." Narinig niyang wika ni Ashton pagkatapos ay muli itong sumuntok sa tiyan ng matanda. Sumuka ng dugo ito ngunit imbis na maawa ay tila wala lang sa kanya ito. "Tangnamo, Ashton, maghinay-hinay ka naman! Baka biglang mawalan ng hininga 'yan at hindi ako makabawi!" Sigaw ni Markheus.Ashton groaned. "Tangna mo din! Kulang pa nga yung ginawa ko sa kanya sa lahat ng ginawa niya sa'kin!""Tarantado! Ang sabi ko ay magdahan-dahan ka lang at baka hindi na ako makakabawi din!" Balik ni Markheus. Lumapit it
Ashton Sky's Point of View Kingina! Ngayon palang nararamdaman ko na yung galit ni Supremo sa matandang 'yun. Sa sobra ba namang bilis magpatakbo ng sasakyan, akala niya ay siya lang yung susugod. "Pakiramdaman ko wala tayong magiging silbi sa pagsugod na 'to." Banat ni Astrein. "Sinabi mo pa... Kita mo nga eh, nauna na sa atin." Napailing nalang ako sa mga sinabi nila. Kahit sino man na lalake kapag yung babaeng mahal niya ay nasa panganib ay walang kinikilala kahit demonyo. Ay mali, demonyo na pala yung makakaharap ni Supremo. Ang ipinagtataka ko ay kung demonyo yung matandang 'yun? Edi? May lahing demonyo din si Alana? Ano 'yun half angel? Half demon kaya? "Tangina mo, Ashton! Tignan mo yang dinadaanan mo! Wala na sa harapan natin si Supremo!" Sigaw ni Markheus.Tangina ng mga 'to! Ako na nga yung mabait na nagmamaneho, sila pa yung mga walang kwentang naisakay. Bwiset! Sana pala naiwan nalang ako at yumakap buong magdamag sa bebe ko. "Kamusta nga pala si David, Ash?" Tanon
Third Person's Point of View Napatiim-bagang na lang si Azva ng malaman niya ang ginawa ng matandang iyon kay Alana. Kung maaari lang na sumugod siya doon ay ginawa niya kahit mag-isa pa siya. Pero dahil na din sa sinabi ni David ay pinanghahawakan niya na hindi muling masasaktan si Alana. "Just calm yourself, man. Ako na ang bahala kay Alana dito, ang gawin ninyo ay maghanda." David said."Damn that old man. Sa oras na makita ko siya ay kahit mata niya ay mawawala sa mundong ito."Azva said, frustratedly. Azva heard a laugh from the other line. "What the fuck! Why are you laughing?" Nakakunot-noong tanong niya. "You're so hot, man." Nararamdaman ni Azva ang ngumingisi si David. "Chillax..." "The fuck! Are you gay, Davidson?"David just laughed harder. "I like you, papa azva." Pang-aasar nito.Kaagad na pinatay ni Azva ang linya at nakakunot na ibinagsak ang cellphone na hawak niya. In order to complete the plan. Kinailangan ni David na muling magkunwaring magbalik-loob kay Mr. H
Third Person's Point of View"Pinatunayan mo lang na hanggang ngayon ay wala ka pa ding kwentang ama, Ali!" Galit na wika ng ginang sa asawa nito. "Sarili mong anak nagawa mong gawin sa kanya iyon! Hindi paba sapat yung nakaraang ginawa mo? Winasak at ginawang mong miserable ang buhay niya noon!"Kahit anong gawing kapa ng ginang sa sarili niya ngayon ay hindi nito maipagkakaila ang labis na galit nito sa asawa. Nang makita niya ang anak ay labis ang pagkagulat ang naramdaman niya. Hindi niya lubos maisip na sa loob ng ilang taong hindi niya ito nakita ay bumalik sa kanila.Naisin man niyang lapitan ito ay hindi niya alam kung paano. May kung ano ang pumipigil sa kanya na lumapit sa kanyang anak. Labis ang takot niya dahil alam niya sa sarili ang mga nagawa niyang kasalanan sa anak."Siya ang gumawa ng desisyon! Mas ninais pa niyang kumampi at tulungan ang lalaking iyon kaysa sa ating kadugo niya." sagot nito.Pagak na natawa ang ginang. "Naririnig mo ba yang sarili mo? Hindi mo masis