Alana Amoire's Point of View "I'll see you later, Goodbye!" Paalam ni Shera pagkatapos ay kaagad akong binabaan. Napailing na lang ako sa babaeng iyon. Simula ng dumating kami dito sa resort ay hindi na niya ako tinantanan tungkol kay Syn. Ilang beses niyang tinanong kung kailan ang dating niya. Nilingon ko si Mixi na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sa sobrang pagod niya sa byahe ay kaagad siyang nakatuloy pagkarating namin dito sa kwarto tinutuluyan namin. Mabuti na din iyon para may oras pa akong makapunta sa Assembly ng event. "What shall I wear?" I uttered. Tinignan ko ang mga dala kong damit at halos manlumo ako ng hindi ko nadala ang mga ibang dress ko. Hinayaan ko nalang iyon at kinuha ang isang white tube summer dress. Hinayaan kong nakalugay ang buhok. Ngayon ko lang din napansin na hanggang baywang ko na pala ang haba non. Inayos ko saglit ang anak ko bago siya iniwan doon. Saglit lang ako pagkatapos ay babalik din ako kaagad. Ang sabi ni Shera ay sa may b
Third Person's Point of View "She looks like Mr. Azvameth Williams." Tila nabingi si Alana ng marinig ang pangalan ng binata. Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Animo'y nilagayan ng semento ang kalahati ng katawan niya dahil sa sobrang kaba. "You think so... "Kinakabahang wika niya pagkatapos ay iniwas ang tingin kay Shera. "Baka namamalik-mata ka lang. Paano namang magiging kamukha ng anak ko yung sinasabi mo? Matagal ng patay ang tatay ni Mixi." She added. Oh god! Help me lord, please! Pinapanalangin niya na sana ay huwag ng magtanong pa ang dalaga. Mas lalo pa siyang kinakabahan ay baka marinig ng anak niya ang mga pinag-uusapan nila. Kilala niya ang anak niya, hindi iyon titigil hanggang hindi masasagot ang mga tanong. "Huh? I just said that, she kinda look a like of Mr. Williams. I never said that he was the father." Naguguluhang wika nito. Napatampal na lang si Alana sa kanyang ulo. Nabigla siya kaya hindi niya kaagad naunawaan ang gusto nitong iparating. "I'
Third Person's Point of View Kumakabog ng malakas ang puso ni Alana habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa mga oras na ito ay walang pumapasok sa isip niya kung paano itatago ang anak. Ngayon na nasa iisang lugar lang sila at ang ama ng anak niya ay hindi malabong magkatagpo ang mga landas nila. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya. Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa rin sila Syn. Nais man niyang sundan kung na saan ang mga ito ay hindi na niya ginawa pa. Kung gagawin niya iyon at hindi sinasadyang nagkita sila ay mas lalong magkakagulo. "What shall I do?" She whispered. Kung pwede lang ng hilingin na lamunin siya ng lupa ay ginawa na niya. Labis ang kabang nararamdaman niya sa ngayon. Nagulat si Alana ng biglang may kumatok sa pinto. Huminga siya ng malalim bago ito pinuntahan. Sinilip niya ang maliit na butas at tinignan kung sino iyon. Si Syn habang buhat ang anak niya sa mga bisig nito. Dali-dali niyang pinagbuksan ang mga ito. "Get out of my way girl. Masyadong mabig
Third Person's Point of View Tahimik na pinagmamasdan ni Alana ang anak habang kasama nito ang kaibigan. Masayang tumatakbo ito habang patuloy sa paghabol si Syn. Ngayon na lang niya muling nasilayan ang ganoong ngiti ng anak niya. Inaamin niyang hindi niya gaanong nasubaybayan ang paglaki nito dahil sa trabaho niya. Ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay wala silang magiging buhay ng kanyang anak. Kinaya niya na siya lang ang naging magulang sa anak at kakayanin din niya sa hanggang sa dumating pa ang maraming taon. Tumingin siyang muli sa dalawa bago muling ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng pahinga pa dahil mamayang gabi ay magsisimula na muli ang trabaho niya. May gaganaping party mamaya kaya kailangan niyang dumalo. Bilang isang dakilang amain ng anak niya ay nagpresinta si Syn na siya nalang ang pupunta. Bukod sa ayaw nitong makita si Shera ay tila walang gana talaga itong pupunta mamaya. Mabuti na din iyon para hindi siya mag-alala sa anak. Mas magiging panatag ang loo
Alana Amoire's Point of View Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Mixi habang papunta ako sa gawi niya. Habang ang kasama niya ay masama pa din ang tingin sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at tumungo sa gawi ng anak ko. "Bakit ka umalis? Alam mo bang nag-aalala ako sayo!?" Ani ko. "I'm sorry po, Mommy. Nagising na lang ako wala kayo. Kaya hinanap ko po kayo. Pero wala po kayo kaya nagpunta ako dito sa rooftop. Nakilala ko nga po dito si Uncle Azva. Alam po ba ninyo, marami kaming napagkwentuhan!" Magiliw nitong wika."Let's go, baby." Hinawakan ko sa kamay ang anak ko at hinila siya papaalis. Pero bakit pa man kami makalabas sa pinto ay may kamay na pumigil sa amin. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kumalma. "I need an explanation." Seryosong wika niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya. Pinanatili ko ang sarili ko na walang kahit ni anong bakas ng kaba. "What do you mean? What explanation?" His eyes shout angerness. Bawat t
Alana Amoire's Point of View"Ang kapal ng mukha niya! Sa oras na makita ko talaga ang lintek na lalaking iyon ay sasampalin ko siya!" Nanggigil na wika ni Syn.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Azva kanina ay kaagad kaming bumalik ni Mixi. Saktong dumating din si Syn at nagkwento ako sa kung ano ang nangyari kanina. Kaya naman sobra ang galit ni Syn ngayon kay Azva."Hayaan na natin siya. Ang mahalaga ay hindi siya maghihinala tungkol kay Mixi." Ani ko."Sa susunod talaga na ako ang makakita sa kanya ay sisiguraduhin kong masasampal ko siya!"Natatawang tumingin ako sa kanya. "Talaga ba? Baka naman matigil ka kapag nakita mo siya. Dakilang malandi ka pa naman."Akma niya akong hahabalusin ng yumakap sa kanya si Mixi kaya napatigil ang kamay niya sa ere. Nakahiga kaming tatlo ngayon sa kama at nasa gitna namin si Mixi."Pasalamat ka at nandito ang anak mo kung hindi ay isasama kitang sasampalin kasama ng ex mong makulit!"KINABUKASAN ay nakita ko nalang na mag-isa nalang ako sa room. N
Alana Amoire's Point of View "I think I just fell in love with your words, Alana." Nakangiting wika ni Shera. "The pleasure is mine. Kung hindi dahil din sayo ay hindi ako makakapagsulat. Thank you for taking care of my daughter." Ani ko. Halos dalawang linggo ang lumipas mula ng manggaling kami sa Hawaii. Akala ko ay guguluhin pa ako ni Azva pero nagulat na lang ako ng wala na sila noong mismong araw na din na iyon. Kahit ang mga kaibigan niya ay bigla ding nawala. Kaya naman laking pasasalamat ko ng mga oras na iyon. Kaya ngayon ay naging maayos ang kinalabasan ng sinulat ko tungkol sa event. Habang naglilibot ng mga panahon na iyon ay sila Syn at Shera ang nagbantay sa anak ko. Sa tuwing pagbalik ko noon sa kwarto ay nadadatnan ko silang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa pero ayaw nilang sabihin kung ano ba ang nangyayari. "How I wish I have a daughter like Mixi." Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin kung saan. Kaya naman kumunot ang noo
Alana Amoire's Point of View Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Mariin ang mga tingin niya sa akin habang tahimik lang. Habang ako ay hindi makahakbang mula sa kinatatayuan ko. "How come?" I silently asked. "Long time no see my doll." Daddy King said, isang tipid na ngiti ang iginawad niya. "Is this true? Ikaw ba talaga yan, Daddy?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Daddy King nodded, "I am." My tears fell while looking at him. I silently thankfully right now. Nakita ko na ang isa sa mga taong naging malapit sa akin simula ng bata pa ako. "Iniwan mo ako, Daddy. Iniwan mo ako sa puder nila. Diba sabi mo noon isasama mo ako? Pero bakit bigla ka nalang nawala?" Umiiyak kong ani. Bunsong kapatid siya ng tunay kong ama. Siya yung totoong nag-alaga sa akin noong panahong kailangan ko ng kalinga ng magulang. Siya ang nagtatanggol sa akin kapag sinasaktan ako noon ng tunay kong ama. "Bakit ngayon lang kita ulit nakita. Bakit ngayon lang ikaw