Share

Chapter 85

Author: Bb. Graciella Carla
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Tahimik ang paligid ngunit may kunting bulungan pa rin ang nagaganap. Nasa harap si Igneel kasama ang pamilyang tumulong sa kanya. Sina Mang Ulpo, si Mang Lauro ang matandang tumulong sa kanya at ang mga anak ni Lauro at ang apo niyang sina Kurdya at Karlo. Ngayon nila ipapakilala si Igneel sa mga tao sa Isla dahil nasa batas ng Isla ay bawal magtago ng kahit ano o sino sa bawat isa. Kaya hindi nila pwedeng itago si Igneel dahil makikita at malalaman din naman ng mga tao ang tungkol sa kanya.

"Mga kababayan!" panimulang sigaw ni Mang Lauro.

Si Mang Lauro ang tinuguriang pinuno sa Isla kaya lahat ng tao ay nagbibigay respeto sa kanya, mataas ang tingin dahil na rin sa mga naitulong ni Mang Lauro sa lahat sa kanila.

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat at kung sino ang bagong mukha na kasama namin ngayon," dagdag niya at huminto sa pagsasalita kaya nakapag-react ang mga tao.

"Oo Amang Lauro, sino nga ba iyang kasama ninyo? Halatang hindi siya taga rito at mukh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
tama yan igneel wag kang maakit sa iba kc may naghihintay sa iyong pagbabalik
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 86

    "Is there any news about my grandson?" seryosong tanong ni Senior Elias sa mga tauhan niya at sa invistigator team. Nasa mansyon ang lahat ng parte ng pamilya ng Rubinacci Family kasama si Aricella at ang pamilya ni Aricella, naroon din ang mga bumubuo na team na nagtutulungan maghanap kay Igneel. "Senior, sa kasulukayan ay ang nahanap pa lang namin ay iba niya pang gamit. Our rescue team is on their way of each Island na pwedeng hanapan sa apo ninyo," paliwanag ng leader ng Invistigator team.Tumayo si Senior Elias at humarap sa kanila. "Sige, makakaalis na kayo at ituloy ang paghahanap hangga't hindi siya nakikita walang titigil. Naiintindihan ba ninyong lahat ang inuutos ko?" striktong tanong ni Senior Elias sa mga tao. "Si Senior!" sabay na sabi ng mga tao sa kanya at sabay ding umalis sa mansyon para simulan ang araw ng paghahanap kay Igneel. Ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring maayos na progress kung nasaan nga ba si Igneel kaya naman grabe na ang pag-alala ni Aricel

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 87

    Isang buwan na ang lumipas simula noong nawala si Igneel sa pamilya niya at isang buwan na rin siyang nanirahan sa Isla, isang buwan niya ng kasama ang mga tao sa Isla at tinuring itong pamilya."Hoy, kanina ka pa nakatingin kay Kokoy. Ano na bang status ninyo?" Dahil sa tanong ng kaibigan agad na umiwas ng tingin si Lienne kay Igneel. Si Lienne ang isa pang anak ni Mang Lauro, siya ang bunsong anak at nag-aaral siya sa Manila. Noong umuwi siya sa Isla, nagulat siya dahil may taong hindi pamilyar para sa kanya at nasa bahay pa nila. FLASHBAKS:"Dito ka muna kumain, bigay ito ni Terry. Lutong isda dahil nakabenta ng marami ang kanyang asawa..." sabi ni Mang Lauro kay Igneel habang bitbit ang ulam na sinasabi niya. Gabi na at sabay na kumakain ang pamilya at si Igneel. "Nasaan na ba si Ante?" tanong ni Kurdya dahil kanina pa nila inaantay ang bunsong anak ni Mang Lauro. Ang sabi ay ngayon uuwi pero gabi na at wala pa rin siya. "Baka pauwi na rin iyon, sunduin na lang ba natin?" tano

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 88

    Natahimik si Lienne dahil sa sinabi ni Igneel, nakaramdam siya ng lungkot para kay Igneel dahil sa sitwasyon nito. Ganoon kahirap para kay Igneel ang nangyari sa kanya, gusto niyang maalala ang lahat at alam niyang kailangan dahil pakiramdam niya nasasayang ang oras o panahon niya kapag hindi umuusad na dapat may maalala siya. Isa pa sa naging mahirap ay wala siyang mga bagay na makakatulong sa kanya kung paano makaalala. “Sorry kung nararanasan mo iyan ngayon…” malungkot na sabi ni Lienne at umiwas ng tingin kay Igneel, bumalik ang tingin niya sa dagat. Natawa naman ng mahina si Igneel. “Wala ka namang kasalanan, bakit nanghihingi ka ng sorry?” Nakangiting sabi ni Igneel kay Lienne. “Masaya ako rito sa Isla, sa isang buwan na pananatili ko marami na agad akong natutunan at ito ang hindi ko makakalimutan kahit anong mangyari,” mahabang sabi ni Igneel. Napangiti si Lienne dahil sa sinabi ni Igneel, gusto niyang tumulong kay Igneel ngunit mas nangingibabaw para kay Lienne na isang ma

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 89

    "Lienne! Buti nakarating ka na, ikaw na lang ang inaantay namin dahil aayain ka sana namin lumabas!" Masayang sabi ng kaibigan ni Lienne. Papunta ang dalawang kasama niya sa dorm na tila nagmamadali at biglang napahinto nang makita ang mga kasama ni Lienne. "Woah, sino sila?" bulong ng isa pang kaibigan ni Lienne na maikli ang buhok, chinita at payat. "Hindi yata ako pwede, tutulungan ko pa silang makahanap ng apartment. Kayo na lang muna, Mae at Jean.." sabi naman ni Lienne pero hindi siya pinakinggan ng dalawang kaibigan.Lumapit si Mae sa mga kasama ni Liene, ang mahabang buhok at blone na kaibigan ni Lienne. "Sino muna ang mga pogi na kasama mo? Hindi mo ba sila ipapakilala sa amin?" tanong ni Mae habang nakatingin pa rin kina Karlo at Igneel. Seryoso namang nakatingin si Igneel sa kanila habang si Karlo ay hindi alam ang gagawin o sasabihin dahil ito ang una niyang beses na makakita ng tao na taga Manila. "Siya si Karlo, pamangkin ko at siya si Kokoy...kaibigan ko. Kasama ko

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 90

    "Hmm, sige 3,000 pesos na lang para sa kanilang dalawa. Isang kwarto na lang ang available pero may sala naman, siguro ay kasya na silang dalawa rito?" sabi ng may ari ng apartment na tita ni Mae. Pumasok sina Igneel, Karlo, Lienne, Mae at Jean sa loob ng apartment para tignan kung okay na ito para kina Karlo at Igneel. "Ano sa tingin ninyo? Ayos na ba ito para sainyo?" tanong ni Jean sa dalawang lalaki. "Sa akin ayos na ito," simpleng sagot naman ni Igneel dahilan para kiligin sina Jean at Mae, ganoon din ang Tita ni Mae. "Pati ang boses ay gwapo, ang sarap sa tainga..." Nakangising sabi niya habang pinapantasya si Igneel.Nailang naman si Igneel kaya umiwas siya ng tingin at tinignan na lang ang kwarto. "Sa akin din, ayos na ito." sagot naman ni Karlo."Ayan! Kukunin niyo na ba? Deposit at advance payment, 6,000 pesos lahat..." Kinuha ni Lienne ang kanyang pitaka at kumuha ng pera, nagtaka naman si Igneel nang gawin iyon ni Lienne. "Teka, magbabayad na ba agad? Hindi ba pwede na

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 91

    Hanggang sa matapos ang gabi nina Lienne, Mae at Jean ay hindi pa rin naalis sa kanilang isipan ang nangyari kanina, ang pagkakita nila sa babaeng inidolo nila, si Aricella. Kahit natapos na ang hapunan ni Lienne na kasama sina Igneel at Karlo ay si Aricella pa lang ang kanyang naiisip. "Kanina mo pa kami hindi kinakausap, may problema ka ba, Ante?" tanong ni Karlo kaya agad na bumaling sa kanya si Lienne. Nakita niya rin na nakatingin sa kanya si Igneel kaya nakaramdam siya ng hiya. Hindi niya namalayan na hindi niya na halos makita ang kanyang mga kasama na sina Igneel at Karlo. "Pasensya na, may iniisip lang ako pero wala namang problema. Tapos na ba kayo kumain?" tanong niya.Sabay na tumango sina Igneel at Karlo. "Tapos na kami kumain. Maraming salamat sa pagkain, ang sarap ng binili mong pagkain para sa amin." Mahinahong sabi ni Igneel."Tama si Kokoy, Ante. Ito yata ang unang beses na nakakain kami ng lechon manok!" Masaya namang sabi ni Karlo. Ngumiti si Lienne dahil sa sin

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 92

    Sinimulan ni Igneel ang araw niya sa paghahanap ng trabaho at dahil wala siyang mga papeles ay ang una niyang pinuntahan ay ang palengke bilang kargador."Sigurado ka bang bilang kargador ang papasukan mong trabaho, ijo? Hindi naman bagay sa hitsura mo," sabi ng Ale na nilapitan niya sa palengke malapit lang sa lugar kung saan sila nakatira ni Karlo. "Opo, iyon lang po sa ngayon ang kaya kong gawin dahil wala naman akong mga papeles para sa iba ako mag-apply, Ma'am." sagot ni Igneel. Tinignan siya ng Ale mula paa hanggang ulo. "Osige, pwede ka na ba magsimula ngayong araw? Sakto rin naman ay kulang kami ng kargador ngayon."Napangiti si Igneel at saka tumango. "Oo naman po, maraming salamat, Ma'am." Masayang sabi ni Igneel. Dinala na siya ng Ale sa mga kasamahan niya sa palengke bilang kargador at sila na mismo ang nagturo kay Igneel kung ano ang gagawin. Natapos ang araw ni Igneel na may isang libo siyang sahod kasama na roon ang mga tips mula sa mga tindero at tindera pero ang s

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 93

    Sinimulan na nina Jemma at Aricella ang paghahanap kay Igneel, hindi na napansin ng magulang nila na nakaalis na sila ng bahay dahil hindi pa rin nila kinakausap si Aricella dahil sa ginawa nitong pagsara pansamantala ng company niya. "Ate, saan naman tayo unang maghahanap dito?" tanong ni Jemma nang makababa sila sa kotse. Huminto sila sa parking lot na malapit sa Super Mall or SM, malapit din doon kung saan nila nakita si Igneel."Hindi ko alam, Jemma pero bahala na. Ang mahalag magkaroon tayo ng progress sa paghahanap sa kanya," sagot ni Aricella.Tumango na lang si Jemma. Kasama nila ang driver nila, tumulong din sa paghahanap habang bitbit nila ang litrato ni Igneel. Binibigay nila ito sa mga tao na nilalapitan nila. Mayroong nakalagay na Missing at kung sino ang makakakita kay Igneel at makakapagturo sa kanila kung nasaan si Igneel ay magkakaroon ng paubaya na dalawang milyon. "Dalang milyon? Ang laki naman at hindi naman pamilyar ang taong hinahanap nila.""Kaya nga pero mala

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   151

    "I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   150

    Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   149

    Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   148

    “Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   147

    “Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   146

    Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   145

    Seryoso pa rin ang tingin ni Senior Elias kay Igneel at ganoon din si Igneel sa kanyang Lolo, at ramdam niya rin na tila alam niya na kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Ngunit hindi niya lang maitindihan kung bakit isasama pa ni Senior Elias ang dalawa niyang pinsan na sina Paulo at Sandro kahit na alam ni Igneel na may mga ginagawa rin ito ang mga ito sa kompanya pero alam niya rin na hindi ganoon kalala katulad ng kung anong ginawa ni Laurence. “Anong pag-uusapan natin tungko sa kanila?” seryosong tanong ni Igneel at saka siya lumapit sa lamesa niya, umupo na rin si Senior Elias sa couch. Inaya niya si Igneel na umupo kung saan siya naka-pwesto na agad din namang sinunod ni Igneel. Nas couch na sila pareho, tinignan ni Senior Elias si Butler Lindon at sinenyasan na lumabas muna sa opisina ni Igneel. Yumuko si Butler Lindon kina Senior Elias at Igneel bilang paggalang at pagpapaalam at saka siya tuluyang nakalabas ng opisina ni Igneel. Nang silang dalawa na lang ang natira,

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 144

    Naghahabol hininga sina Igneel at Aricella na nakahiga na pareho sa kama. Nakapatong ang ulo ni Aricella sa braso ni Igneel habang nakayakap naman si Igneel sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. “I’m sorry…” bulong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella kung bakit humihingi ng sorry si Igneel. “Sorry para saan?” tanong ni Aricella. “I’m sorry for doing this, alam kong hindi mo ito gusto—“Hindi natapos ang sinasabi ni Igneel nang bigla siyang hinalikan ni Aricella. Napaawang naman ang bibig ni Igneel sa ginawa niya. “Gusto ko, Igneel.” Ngumiti ng matamis si Aricella sa kanya. Mas lalo naman siyang niyakap ni Igneel nang mahigpit hanggang sa nakatulog na silang dalawa. ***Nagising ng maaga ang pamilya ni Aricella kinabukasan, pero sina Igneel at Aricella ay tulog pa rin. “Umuwi ba si Aricella kagabi?” tanong ni Arman kay Jemma nang lumabas rin ito mula sa kwarto ni Jennica. Kasama niya si Jennica na tahimik lang at hindi pinansin ang pamilya niya na mukhang m

  • Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang   Chapter 143

    Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife

DMCA.com Protection Status