"Hmm, sige 3,000 pesos na lang para sa kanilang dalawa. Isang kwarto na lang ang available pero may sala naman, siguro ay kasya na silang dalawa rito?" sabi ng may ari ng apartment na tita ni Mae. Pumasok sina Igneel, Karlo, Lienne, Mae at Jean sa loob ng apartment para tignan kung okay na ito para kina Karlo at Igneel. "Ano sa tingin ninyo? Ayos na ba ito para sainyo?" tanong ni Jean sa dalawang lalaki. "Sa akin ayos na ito," simpleng sagot naman ni Igneel dahilan para kiligin sina Jean at Mae, ganoon din ang Tita ni Mae. "Pati ang boses ay gwapo, ang sarap sa tainga..." Nakangising sabi niya habang pinapantasya si Igneel.Nailang naman si Igneel kaya umiwas siya ng tingin at tinignan na lang ang kwarto. "Sa akin din, ayos na ito." sagot naman ni Karlo."Ayan! Kukunin niyo na ba? Deposit at advance payment, 6,000 pesos lahat..." Kinuha ni Lienne ang kanyang pitaka at kumuha ng pera, nagtaka naman si Igneel nang gawin iyon ni Lienne. "Teka, magbabayad na ba agad? Hindi ba pwede na
Hanggang sa matapos ang gabi nina Lienne, Mae at Jean ay hindi pa rin naalis sa kanilang isipan ang nangyari kanina, ang pagkakita nila sa babaeng inidolo nila, si Aricella. Kahit natapos na ang hapunan ni Lienne na kasama sina Igneel at Karlo ay si Aricella pa lang ang kanyang naiisip. "Kanina mo pa kami hindi kinakausap, may problema ka ba, Ante?" tanong ni Karlo kaya agad na bumaling sa kanya si Lienne. Nakita niya rin na nakatingin sa kanya si Igneel kaya nakaramdam siya ng hiya. Hindi niya namalayan na hindi niya na halos makita ang kanyang mga kasama na sina Igneel at Karlo. "Pasensya na, may iniisip lang ako pero wala namang problema. Tapos na ba kayo kumain?" tanong niya.Sabay na tumango sina Igneel at Karlo. "Tapos na kami kumain. Maraming salamat sa pagkain, ang sarap ng binili mong pagkain para sa amin." Mahinahong sabi ni Igneel."Tama si Kokoy, Ante. Ito yata ang unang beses na nakakain kami ng lechon manok!" Masaya namang sabi ni Karlo. Ngumiti si Lienne dahil sa sin
Sinimulan ni Igneel ang araw niya sa paghahanap ng trabaho at dahil wala siyang mga papeles ay ang una niyang pinuntahan ay ang palengke bilang kargador."Sigurado ka bang bilang kargador ang papasukan mong trabaho, ijo? Hindi naman bagay sa hitsura mo," sabi ng Ale na nilapitan niya sa palengke malapit lang sa lugar kung saan sila nakatira ni Karlo. "Opo, iyon lang po sa ngayon ang kaya kong gawin dahil wala naman akong mga papeles para sa iba ako mag-apply, Ma'am." sagot ni Igneel. Tinignan siya ng Ale mula paa hanggang ulo. "Osige, pwede ka na ba magsimula ngayong araw? Sakto rin naman ay kulang kami ng kargador ngayon."Napangiti si Igneel at saka tumango. "Oo naman po, maraming salamat, Ma'am." Masayang sabi ni Igneel. Dinala na siya ng Ale sa mga kasamahan niya sa palengke bilang kargador at sila na mismo ang nagturo kay Igneel kung ano ang gagawin. Natapos ang araw ni Igneel na may isang libo siyang sahod kasama na roon ang mga tips mula sa mga tindero at tindera pero ang s
Sinimulan na nina Jemma at Aricella ang paghahanap kay Igneel, hindi na napansin ng magulang nila na nakaalis na sila ng bahay dahil hindi pa rin nila kinakausap si Aricella dahil sa ginawa nitong pagsara pansamantala ng company niya. "Ate, saan naman tayo unang maghahanap dito?" tanong ni Jemma nang makababa sila sa kotse. Huminto sila sa parking lot na malapit sa Super Mall or SM, malapit din doon kung saan nila nakita si Igneel."Hindi ko alam, Jemma pero bahala na. Ang mahalag magkaroon tayo ng progress sa paghahanap sa kanya," sagot ni Aricella.Tumango na lang si Jemma. Kasama nila ang driver nila, tumulong din sa paghahanap habang bitbit nila ang litrato ni Igneel. Binibigay nila ito sa mga tao na nilalapitan nila. Mayroong nakalagay na Missing at kung sino ang makakakita kay Igneel at makakapagturo sa kanila kung nasaan si Igneel ay magkakaroon ng paubaya na dalawang milyon. "Dalang milyon? Ang laki naman at hindi naman pamilyar ang taong hinahanap nila.""Kaya nga pero mala
"Ah...Kokoy, nakita ko sila kanina. Lumapit siya sa akin." Turo ni Karlo kay Aricella at pinakita kay Igneel ang flyer na naroon ang mukha niya. "Ikaw ang hinahanap nila, siguro ay isa sila sa parte ng ala-alang nawala sa'yo," dagdag ni Karlo.Tahimik lang si Igneel hanggang sa si Jemma ang nagsalita dahil kanina niya pa inaantay na magsalita si Aricella pero nakatingin lang ito kay Igneel. "Sorry pero tama ba ang nalaman namin? Hindi mo kami kilala? Hindi mo siya kilala?" tanong ni Jemma at tinuro niya si Aricella. Dahan-dahan namang tumango si Igneel. "Pasensya na, hindi ko kayo kilala at kung isa man kayo sa makakatulong sa akin na maibalik ang ala-ala ko, pwede ko bang malaman kung sino kayo?" tanong ni Igneel na nakatingin pa rin kay Aricella. Hindi makapagsalita si Aricella, hindi niya alam kung ano ang sasabihin pero tuloy pa rin ang luha niya. "Ah...I am your---"Hindi natuloy ang sasabihin ni Aricella nang may biglang nagsalita. "Kumusta kayo rito, Kokoy at Karlo?" Sabay s
Tahimik pa rin sila, wala naglakas loob na magsalita. Pinagmasdan lang nila si Igneel na naglalakad sa buong bahay na tila ba inaalala ang paligid pero kahit anong pilit niya ay wala siyang maalala."Kaninong bahay po ito?" magalang na tanong ni Igneel dahilan para magulat sila. "He said po..." bulong ni Ericka sa katabi niyang si Samantha. Ngayon lang nila narinig na magalang magsalita si Igneel dahil kahit kay Senior Elias ay hindi siya magalang makipag-usap, ngayon lang. Kaya nagtataka na sila kung ano nga ang nangyari kay Igneel."This is our mansion, sila ang mga pinsan mo." Turo ni Senior Elias sa kanyang mga apo. "They are your aunties and titos." Tumingin naman siya sa mga Tita at Tito ni Igneel. "They are your parents," dagdag ni Senior Elias sabay baling sa magulang ni Igneel. "I am your Lolo and this is also your Lolo." Nilingon siya kay Senior Johson and there." Tinuro niya si Aricella at ang pamilya ni Aricella. "Your wife and her family," dagdag ni Senior Elias. Tinig
"Karlo, sigurado ka ba na babalik ka sa Isla?" Nag-aalalang tanong ni Lienne sa kanyang pamangkin na si Karlo dahil pina-enchash niya na ang cheke na binigay ni Aricella at ngayon ay gusto niyang bumalik sa Isla at kunin ang pamilya niya."Oo Ante, mukhang masaya rito sa Manila kaysa roon sa Isla---""Karlo, hindi papayag si Tatay n'yan at lalo na ang Tatay mo. Buhay na nila ang Isla," paliwanag ni Lienne.Ayos sa kanya kung makakasama niya ang pamilya nila ni Karlo sa Manila pero panigurado ay magagalit si Mang Lauro lalo na kung malaman nila na nag-desisyon silang tumanggap ng pera dahil lang nahanap na si Igneel. "Susubukan ko, Ante. Malaking pera na ito para sa atin. Naisip ko nga, naririnig ko sa ibang tao rito ay naghahanap sila ng Isla na Resort. Paano kung gawin nating resort ang Isla, Ante? Panigurado lalago ang pera na ito..." Masayang sabi ni Karlo.Napasapo si Lienne sa kanyang noo dahil hindi niya maintindihan si Karlo. Aaminin niyang maganda ang mga ideya ni Karlo pero
Hindi makapagsalita si Aricella dahil sa mga nalalaman niya, bumaling siya kay Igneel. "Hindi niyo po ba tanungin muna si Igneel kung papayag siya?" seryoso niyang tanong sa pamilya ni Igneel habang nakatingin kay Igneel. Seryoso rin ang tingin ni Igneel sa kanya, ganoon din ay hindi alam ni Igneel ang sasabihin niya dahil sa pagkakataon na ito, tila ba pakiramdam niya wala siyang karapatan na humindi sa mga taong sa tingin niya ay mas mataas sa kanya. "Hindi na namin kailangan ang sagot niya, Aricella dahil para rin naman sa kanya ang gagawin namin," sabi ni Enrique, ang ama ni Igneel. "Pero kailangan niyo rin po siyang tanungin---" "Bakit ba ayaw mo? Babalik din naman si Igneel pagkatapos ng lahat." Pagtataray ni Samantha, inirapan niya si Aricella. Ngunit hindi pa rin sang-ayon si Aricella, gsuto niyang magsalita si Igneel at sabihin na hindi siya papayag sa gusto ng pamilya niya pero mukhang pumapayag si Igneel dahil hindi manlang ito nagtanong o ng kahit anong pwedeng sabihi
"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah
“Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.
Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n
Seryoso pa rin ang tingin ni Senior Elias kay Igneel at ganoon din si Igneel sa kanyang Lolo, at ramdam niya rin na tila alam niya na kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Ngunit hindi niya lang maitindihan kung bakit isasama pa ni Senior Elias ang dalawa niyang pinsan na sina Paulo at Sandro kahit na alam ni Igneel na may mga ginagawa rin ito ang mga ito sa kompanya pero alam niya rin na hindi ganoon kalala katulad ng kung anong ginawa ni Laurence. “Anong pag-uusapan natin tungko sa kanila?” seryosong tanong ni Igneel at saka siya lumapit sa lamesa niya, umupo na rin si Senior Elias sa couch. Inaya niya si Igneel na umupo kung saan siya naka-pwesto na agad din namang sinunod ni Igneel. Nas couch na sila pareho, tinignan ni Senior Elias si Butler Lindon at sinenyasan na lumabas muna sa opisina ni Igneel. Yumuko si Butler Lindon kina Senior Elias at Igneel bilang paggalang at pagpapaalam at saka siya tuluyang nakalabas ng opisina ni Igneel. Nang silang dalawa na lang ang natira,
Naghahabol hininga sina Igneel at Aricella na nakahiga na pareho sa kama. Nakapatong ang ulo ni Aricella sa braso ni Igneel habang nakayakap naman si Igneel sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. “I’m sorry…” bulong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella kung bakit humihingi ng sorry si Igneel. “Sorry para saan?” tanong ni Aricella. “I’m sorry for doing this, alam kong hindi mo ito gusto—“Hindi natapos ang sinasabi ni Igneel nang bigla siyang hinalikan ni Aricella. Napaawang naman ang bibig ni Igneel sa ginawa niya. “Gusto ko, Igneel.” Ngumiti ng matamis si Aricella sa kanya. Mas lalo naman siyang niyakap ni Igneel nang mahigpit hanggang sa nakatulog na silang dalawa. ***Nagising ng maaga ang pamilya ni Aricella kinabukasan, pero sina Igneel at Aricella ay tulog pa rin. “Umuwi ba si Aricella kagabi?” tanong ni Arman kay Jemma nang lumabas rin ito mula sa kwarto ni Jennica. Kasama niya si Jennica na tahimik lang at hindi pinansin ang pamilya niya na mukhang m
Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife