Share

Chapter 90

"Hmm, sige 3,000 pesos na lang para sa kanilang dalawa. Isang kwarto na lang ang available pero may sala naman, siguro ay kasya na silang dalawa rito?" sabi ng may ari ng apartment na tita ni Mae.

Pumasok sina Igneel, Karlo, Lienne, Mae at Jean sa loob ng apartment para tignan kung okay na ito para kina Karlo at Igneel. "Ano sa tingin ninyo? Ayos na ba ito para sainyo?" tanong ni Jean sa dalawang lalaki.

"Sa akin ayos na ito," simpleng sagot naman ni Igneel dahilan para kiligin sina Jean at Mae, ganoon din ang Tita ni Mae.

"Pati ang boses ay gwapo, ang sarap sa tainga..." Nakangising sabi niya habang pinapantasya si Igneel.

Nailang naman si Igneel kaya umiwas siya ng tingin at tinignan na lang ang kwarto. "Sa akin din, ayos na ito." sagot naman ni Karlo.

"Ayan! Kukunin niyo na ba? Deposit at advance payment, 6,000 pesos lahat..."

Kinuha ni Lienne ang kanyang pitaka at kumuha ng pera, nagtaka naman si Igneel nang gawin iyon ni Lienne. "Teka, magbabayad na ba agad? Hindi ba pwede na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status