Share

Chapter 97

Hindi makapagsalita si Aricella dahil sa mga nalalaman niya, bumaling siya kay Igneel. "Hindi niyo po ba tanungin muna si Igneel kung papayag siya?" seryoso niyang tanong sa pamilya ni Igneel habang nakatingin kay Igneel.

Seryoso rin ang tingin ni Igneel sa kanya, ganoon din ay hindi alam ni Igneel ang sasabihin niya dahil sa pagkakataon na ito, tila ba pakiramdam niya wala siyang karapatan na humindi sa mga taong sa tingin niya ay mas mataas sa kanya.

"Hindi na namin kailangan ang sagot niya, Aricella dahil para rin naman sa kanya ang gagawin namin," sabi ni Enrique, ang ama ni Igneel.

"Pero kailangan niyo rin po siyang tanungin---"

"Bakit ba ayaw mo? Babalik din naman si Igneel pagkatapos ng lahat." Pagtataray ni Samantha, inirapan niya si Aricella.

Ngunit hindi pa rin sang-ayon si Aricella, gsuto niyang magsalita si Igneel at sabihin na hindi siya papayag sa gusto ng pamilya niya pero mukhang pumapayag si Igneel dahil hindi manlang ito nagtanong o ng kahit anong pwedeng sabihi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status