Nakatingin pa rin si Aricella sa lalaking kaharap niya, tila hindi makagalaw sa kanyang kinatayuan na para bang may pumipigil sa kanya. "Dinalhan na kita ng breakfast," sabi ni Igneel at pumasok sa loob ng kwarto. Nakatayo pa rin si Aricella sa pintuan at dahan-dahan siyang lumingon kay Igneel. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin o gagawin dahil sa gulat. Nagtataka rin siya kung paano siya nakapunta sa kwarto ni Igneel 'Teka, kwarto niya ito?' tanong niya sa kanyang isipan at tinignan ang buong paligid. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang bibig nang mapagtanto na kwarto nga ni Igneel ito. Ito ang kwarto ni Igneel sa mismong bahay niya. "Are you just going to stand there?" seryosong tanong ni Igneel kay Aricella. Tumayo ng tuwid si Igneel, tinignan niya ng diretso si Aricella at inaantay niya na magsalita ito pero hindi pa rin dahil nakatingin lang si Aricella sa kanya na nakaawang ang bibig kaya siya na mismo ang lumapit kay Aricella at hinila papunta
Habang nasa byahe, tahimik lang si Aricella. Ayaw niya ng magsalita o wala na siyang masabi dahil sa nalalaman. Ang buong akala niya ay gusto na makipaghiwalay ni Igneel sa kanya habang nasa Amerika si Igneel. FLASHBACK*** "Aricella, there's a letter for you!" sigaw ng ina ni Aricella. Bumaba naman si Aricella mula sa kwarto at dahil Linggo ngayon hindi siya pumasok sa opisina o pumunta ng kahit saan dahil gusto niya lang makapag pahinga mula sa mahaba at nakakapagod na linggo. "Thanks, Mom." sabi niya at kinuha ang letter mula sa ina niya. "Galing kaya iyan kay Igneel? Pero bakit letter kung pwede naman Skype?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina. Sakto naman ay bumaba rin ang kapatid ni Aricella na sina Jemma at Jennica at lumabas mula sa kusina ang ama nila. "Basahin mo na," sabi ni Arman kay Aricella. Tumango si Aricella at umupo sa couch sa sala. Kinakabahan niya habang dahan-dahang binubuksan ang letter na para sa kanya. Gusto niyang maiyak dahil kung si Igneel nga ang nag
"Ayos ka lang?" tanong ni Igneel nang hindi niya na matiis ang pagiging tahimik ni Aricella. Saglit na bumaling si Aricella sa kanya, ngumiti siya ng tipid kay Igneel at tumango. "Ayos lang ako. Salamat sa paghatid," mahinang sabi ni Aricella. Bumaba siya ng kotse ni Igneel at sumunod naman si Igneel. "Are you sure? Look, I'm sorry for what my family did. I will talk to them. Can I have the paper?" tanong ni Igneel.Hindi agad nakasagot si Aricella, hindi niya alam kung ano ang sasabihin na tila ba ayaw niya na rin malaman pa ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng pamilya ni Igneel dahil alam niya na ang sagot. "I will send it to you tomorrow, gusto ko na sanang pumasok sa bahay. Gusto mo ba?" Nahihiyang tanong ni Aricella dahil sa totoo lang ayaw niyang pumasok si Igneel sa bahay nila dahil alam niya na magagalit ang kanyang ama. Lumingon si Igneel sa bahay nina Aricella, marami na ring nagbago sa paligid. Hindi tula noong huli niyang punta rito noong hindi pa nawala ang ala-ala n
Simula nang malaman ni Igneel ang ginawa ng pamilya niya sa kanyang asawa na si Aricella, hindi na siya ulit nagpapakita lalo na sa magulang niya na sina Diana at Enrique at kay Senior Elias. At ang ginagawa niya ngayon ay pilit kausapin si Aricella. “You mean asawa ni Ma’am Aricella ang heir ng Rubinacci?” Gulat na tanong ng empleyadong babae sa Astra Finance. Bago pa lang ang iba kaya hindi pa nila masyadong alam ang buhay ni Aricella.“Yes, ang swerte niya ‘di ba? Gwapo at mayaman ang asawa niya pero hindi ko lang alam kung paano nangyari iyon…” tanong naman ng isa. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Wala naman, nagtataka lang ako dahil kung mag-asawa sila pero matagal nawala si Sir Igneel at wala akong naririnig na nagkaroon sila ng communications—““Kung bumalik na lang kayo sa trabaho kaysa mag-chismisan?” Ma’am Carlyn…” sabay na sabi ng dalawang babae, nagulat nang makita si Carlyn na biglang sumulpot. “Pasensya na po…” sabay din nilang sabi at umalis na, bumalik sa mga ginagaw
"Pero...nagkita na kayo?" Mahinang tanong ni Carlyn. Saglit na tumingin si Aricella sa kanya at tipid na tumango. "So, anong nangyari nga? How about the annulment, is he going to do it?" tanong niya ulit. Alam niyang naging mahirap kay Aricella ang tungkol doon kaya gusto niyang malaman kung totoo nga ba iyon at gustong ituloy ni Igneel. Kung itutuloy man ni Igneel, mas lalong alam ni Carlyn na magiging mahirap para kay Aricella ang lahat kahit na hindi pa nito pinipirmahan ang annulment."Hindi ko alam pero kung itutuloy niya man, I will sign the annulment paper with him. In front of him..." seryosong sabi ni Aricella dahilan para umawang ang bibig ni Carlyn."Why? I mean, you are my friend for the long time now and ang dami ko ng alam tungkol sa'yo, kahit ang mga nararamdaman mo kung hindi man ako nagkakamali. You're not gonna do this, and kung gagawin mo man alam ko rin na hindi mo talaga gusto," mahabang paliwanag ni Carlyn.Sa pagkakataon na iyon, tinigil na ni Aricella ang gina
Gaya ng sinabi ni Samantha na huwag muna umalis si Igneel sa bahay nito, hindi nga siya umalis dahil inantya niya pa si Samantha kahit na pupuntahan niya ngayon si Aricella. Hindi rin naman umabot ng dalawang oras ay nakarating si Samantha sa bahay ni Igneel na kasama na si Kristine."Samantha? Pasok ka. Bakit ba gusto mong pumunta rito at ayaw mo na lang sabihin sa akin sa tawag?" tanong ni Igneel, hindi niya pa rin nakikita si Kristine dahil nagtatago ito sa gilid kaya si Samantha lang ang napansin niya."Uh...kasi may gusto lang akong sabihin sana sa'yo..." Nahihiyang sabi ni Samantha, bumaling siya sa kanyang gilid para senyasan si Kristine na lumabas na."What is it, Samantha? Sabihin mo na dahil may pupuntahan pa ako---""Surprise!" Napatigil si Igneel at gulat na tumingin sa babaeng sumulpot mula sa gilid likod ni Samantha. Napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa babae. "K-kristine?" Hindi makapaniwalang tanong."Yes, it's me!" Masayang sabi ni Kristine at lumapit kay
"Uuwi ka na?" tanong ni Carlyn kay Aricella nang nakita itong nag-aayos na ng gamit. "Yes, malapit na rin mag alas nuebe. Gusto mo bang sumabay?" tanong ni Aricella sa kaibigan. "Hindi na, kailangan ko pang matapos lahat ng re-reviewhin documents Nagsi-uwian na rin lahat kaya wala na akong mautusan na gumawa," sagot naman ni Carlyn. Umiling si Aricella. "Ipabukas mo na iyan, mas kailangan mo rin magpahinga. Kunin mo na ang bag mo at sumabay kana sa akin..." Naunang lumabas si Aricella sa office at sumunod naman si Carlyn. Ginawa niya na lang ang sinabi ni Aricella na huwag muna ituloy ang trabaho at ipapabukas na lang. Alam ni Aricella kung gaano kasipag at ka-tiyaga ni Carlyn sa trabaho nito kaya minsan ay nagkakasakit na ang kaibigan dahil ayaw pa rin tumigi. Sabay silang sumakay ng elevetor hanggang sa nakalabas na sila ng building at limang guards na lang din ang naiwan. "Gusto mo ba munang mag-dinner bago tayo umuwi?" tanong ni Aricella kay Carlyn. Pero bago pa makasagot
"Maraming salamat, Manong..." Magalang na sabi ni Igneel sa dating kaibigan sa kung saan sila nakatira noon. Si Mang Lupin."Nako, ano ka bang bata ka. Walang anuman, at sana ay sa susunod kumain ulit kayo rito." Masaya namang sabi ni Mang Lupin. "Maraming salamat po..." Nakangiting sabi ni Aricella. Tuluyan na silang nagpaalam at umalis. Pumunta sila sa kotse nila para sana uuwi na nang biglang tumigil si Igneel at humarap kay Aricella. "Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Aricella kay Igneel.Imbis na sagutin siya ni Igneel, tinignan lang siya nito kaya mas lalong kumunot ang noo ni Aricella at tinaasan niya ng kilay si Igneel. "May gusto ka bang puntahan bago tayo bumalik sa bahay?" tanong ni Igneel. Tinagilid naman ni Aricella ang kanyang ulo, tumingin siya sa kanyang relo. Alas otso pa lang ng gabi, maaga pa pero hindi niya naman alam kung saan din pupunta. "Wala naman akong pupuntahan. Wala ka bang gagawin? Bakit ka nag-aaya?" Sunod-sunod na sabi ni Aricella."Bak