Simula nang malaman ni Igneel ang ginawa ng pamilya niya sa kanyang asawa na si Aricella, hindi na siya ulit nagpapakita lalo na sa magulang niya na sina Diana at Enrique at kay Senior Elias. At ang ginagawa niya ngayon ay pilit kausapin si Aricella. “You mean asawa ni Ma’am Aricella ang heir ng Rubinacci?” Gulat na tanong ng empleyadong babae sa Astra Finance. Bago pa lang ang iba kaya hindi pa nila masyadong alam ang buhay ni Aricella.“Yes, ang swerte niya ‘di ba? Gwapo at mayaman ang asawa niya pero hindi ko lang alam kung paano nangyari iyon…” tanong naman ng isa. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Wala naman, nagtataka lang ako dahil kung mag-asawa sila pero matagal nawala si Sir Igneel at wala akong naririnig na nagkaroon sila ng communications—““Kung bumalik na lang kayo sa trabaho kaysa mag-chismisan?” Ma’am Carlyn…” sabay na sabi ng dalawang babae, nagulat nang makita si Carlyn na biglang sumulpot. “Pasensya na po…” sabay din nilang sabi at umalis na, bumalik sa mga ginagaw
"Pero...nagkita na kayo?" Mahinang tanong ni Carlyn. Saglit na tumingin si Aricella sa kanya at tipid na tumango. "So, anong nangyari nga? How about the annulment, is he going to do it?" tanong niya ulit. Alam niyang naging mahirap kay Aricella ang tungkol doon kaya gusto niyang malaman kung totoo nga ba iyon at gustong ituloy ni Igneel. Kung itutuloy man ni Igneel, mas lalong alam ni Carlyn na magiging mahirap para kay Aricella ang lahat kahit na hindi pa nito pinipirmahan ang annulment."Hindi ko alam pero kung itutuloy niya man, I will sign the annulment paper with him. In front of him..." seryosong sabi ni Aricella dahilan para umawang ang bibig ni Carlyn."Why? I mean, you are my friend for the long time now and ang dami ko ng alam tungkol sa'yo, kahit ang mga nararamdaman mo kung hindi man ako nagkakamali. You're not gonna do this, and kung gagawin mo man alam ko rin na hindi mo talaga gusto," mahabang paliwanag ni Carlyn.Sa pagkakataon na iyon, tinigil na ni Aricella ang gina
Gaya ng sinabi ni Samantha na huwag muna umalis si Igneel sa bahay nito, hindi nga siya umalis dahil inantya niya pa si Samantha kahit na pupuntahan niya ngayon si Aricella. Hindi rin naman umabot ng dalawang oras ay nakarating si Samantha sa bahay ni Igneel na kasama na si Kristine."Samantha? Pasok ka. Bakit ba gusto mong pumunta rito at ayaw mo na lang sabihin sa akin sa tawag?" tanong ni Igneel, hindi niya pa rin nakikita si Kristine dahil nagtatago ito sa gilid kaya si Samantha lang ang napansin niya."Uh...kasi may gusto lang akong sabihin sana sa'yo..." Nahihiyang sabi ni Samantha, bumaling siya sa kanyang gilid para senyasan si Kristine na lumabas na."What is it, Samantha? Sabihin mo na dahil may pupuntahan pa ako---""Surprise!" Napatigil si Igneel at gulat na tumingin sa babaeng sumulpot mula sa gilid likod ni Samantha. Napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa babae. "K-kristine?" Hindi makapaniwalang tanong."Yes, it's me!" Masayang sabi ni Kristine at lumapit kay
"Uuwi ka na?" tanong ni Carlyn kay Aricella nang nakita itong nag-aayos na ng gamit. "Yes, malapit na rin mag alas nuebe. Gusto mo bang sumabay?" tanong ni Aricella sa kaibigan. "Hindi na, kailangan ko pang matapos lahat ng re-reviewhin documents Nagsi-uwian na rin lahat kaya wala na akong mautusan na gumawa," sagot naman ni Carlyn. Umiling si Aricella. "Ipabukas mo na iyan, mas kailangan mo rin magpahinga. Kunin mo na ang bag mo at sumabay kana sa akin..." Naunang lumabas si Aricella sa office at sumunod naman si Carlyn. Ginawa niya na lang ang sinabi ni Aricella na huwag muna ituloy ang trabaho at ipapabukas na lang. Alam ni Aricella kung gaano kasipag at ka-tiyaga ni Carlyn sa trabaho nito kaya minsan ay nagkakasakit na ang kaibigan dahil ayaw pa rin tumigi. Sabay silang sumakay ng elevetor hanggang sa nakalabas na sila ng building at limang guards na lang din ang naiwan. "Gusto mo ba munang mag-dinner bago tayo umuwi?" tanong ni Aricella kay Carlyn. Pero bago pa makasagot
"Maraming salamat, Manong..." Magalang na sabi ni Igneel sa dating kaibigan sa kung saan sila nakatira noon. Si Mang Lupin."Nako, ano ka bang bata ka. Walang anuman, at sana ay sa susunod kumain ulit kayo rito." Masaya namang sabi ni Mang Lupin. "Maraming salamat po..." Nakangiting sabi ni Aricella. Tuluyan na silang nagpaalam at umalis. Pumunta sila sa kotse nila para sana uuwi na nang biglang tumigil si Igneel at humarap kay Aricella. "Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Aricella kay Igneel.Imbis na sagutin siya ni Igneel, tinignan lang siya nito kaya mas lalong kumunot ang noo ni Aricella at tinaasan niya ng kilay si Igneel. "May gusto ka bang puntahan bago tayo bumalik sa bahay?" tanong ni Igneel. Tinagilid naman ni Aricella ang kanyang ulo, tumingin siya sa kanyang relo. Alas otso pa lang ng gabi, maaga pa pero hindi niya naman alam kung saan din pupunta. "Wala naman akong pupuntahan. Wala ka bang gagawin? Bakit ka nag-aaya?" Sunod-sunod na sabi ni Aricella."Bak
Kinabukasan, maagang nagising si Aricella. Balak niyang ipagluto si Igneel at dahil ito sa opisina. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit bigla niya iyong naisip. Marahil ay sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Carlyn. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Jennica nang makita niya si Aricella na nagluluto sa kusina. Kakagising niya lang din, at dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. "I'm cooking," sagot ni Aricella na nakangiti.Kumunot naman ang noo ni Jennica, ngayon niya lang ulit nakita si Aricella na nagluluto sa kusina. Ang huling kita niya ay iyong paalis si Igneel papunta sa ibang bansa para magpagamot. Pagkatapos no'n, hindi na siya ulit nagluto at hindi na nakangiti. "You're cooking for?" tanong ni Jennica."For us, of course. Ang aga mo naman yatang nagising, may lakad ka ba?" iniba niya na lang ang usapan. Para sa kanila rin naman ang niluto niya pero para kay Jennica, hindi siya naniwala na para lang sa kanila kung bakit nagluluto si Aricella ngayon."Someone
Dumating si Aricella sa company ni Igneel, at dahil kilala na siya hinayaan na lang siya ng mga guards na papasukin. Binabati pa siya ng mga ito at tila natutuwa na makita siya muli. "Welcome back, Ma'am." bati nilang lahat sa kanya. Nakaramdam naman ng hiya si Aricella, dahil matagal-tagal na rin na hindi siya nakakabalik sa company. "Good morning," bati rin niya. Dumiretso na siya sa floor kung nasaan ang office ni Igneel. Hindi pa naman siya sigurado kung nakarating na ba si Igneel pero kung sakaling wala pa, naisip niyang antayin na lang muna dahil gusto niyang i-abot ng personal ang dala niyang pagkain na para kay Igneel. Nang makarating siya sa floor ng office ni Igneel, tinitignan siya ng mga staff na naroon, ang iba ay nakangiti sa kanya, ang iba naman ay seryoso ang tingin sa kanya. Doon siya kinabahan sa mga tumitingin sa kanya ng seryoso. "Good morning, Ma'am Aricella..." bati ng iilan. Bumati rin siya at saka dire-diretso ang lakad papunta sa desk ng secretary ni
Pagkatapos mag-usap nina Igneel at Aricella sa office, nagpaalam na rin si Aricella na umalis dahil tinawagan na siya ni Jennica. Hinahatid siya ngayon ni Igneel sa baba ng building. "Are you sure you don't want me to come?" seryosong tanong ni Igneel sa kanya.Ngumiti naman si Aricella at saka tumango. "I'm fine, may pupuntahan lang kami ni Ate Jennica pero saglit lang naman siguro kami, nagpapasama lang siya sa akin na may bibilhin," pagdadahilan ni Aricella. Tumango na lang si Igneel dahil naisip niya na baka bonding na rin iyon ni Aricella sa kanyang kapatid kaya hindi niya na pinilit pa na sumama. "If you need anything, kung magpapasunod kayo, please call me..." Nakangiting sabi ni Igneel. Tumango si Aricella, "I will. Aalis na ako, kainin mo iyong binigay ko sa'yo, ah.""Of course, na-miss ko ang luto mo kaya hindi pwede na hindi ko iyon makakain. I won't share to anyone," natatawang sabi ni Igneel. Natawa na rin si Aricella. Pumasok na siya sa kotse niya at bago niya paanda