Gaya ng sinabi ni Samantha na huwag muna umalis si Igneel sa bahay nito, hindi nga siya umalis dahil inantya niya pa si Samantha kahit na pupuntahan niya ngayon si Aricella. Hindi rin naman umabot ng dalawang oras ay nakarating si Samantha sa bahay ni Igneel na kasama na si Kristine."Samantha? Pasok ka. Bakit ba gusto mong pumunta rito at ayaw mo na lang sabihin sa akin sa tawag?" tanong ni Igneel, hindi niya pa rin nakikita si Kristine dahil nagtatago ito sa gilid kaya si Samantha lang ang napansin niya."Uh...kasi may gusto lang akong sabihin sana sa'yo..." Nahihiyang sabi ni Samantha, bumaling siya sa kanyang gilid para senyasan si Kristine na lumabas na."What is it, Samantha? Sabihin mo na dahil may pupuntahan pa ako---""Surprise!" Napatigil si Igneel at gulat na tumingin sa babaeng sumulpot mula sa gilid likod ni Samantha. Napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa babae. "K-kristine?" Hindi makapaniwalang tanong."Yes, it's me!" Masayang sabi ni Kristine at lumapit kay
"Uuwi ka na?" tanong ni Carlyn kay Aricella nang nakita itong nag-aayos na ng gamit. "Yes, malapit na rin mag alas nuebe. Gusto mo bang sumabay?" tanong ni Aricella sa kaibigan. "Hindi na, kailangan ko pang matapos lahat ng re-reviewhin documents Nagsi-uwian na rin lahat kaya wala na akong mautusan na gumawa," sagot naman ni Carlyn. Umiling si Aricella. "Ipabukas mo na iyan, mas kailangan mo rin magpahinga. Kunin mo na ang bag mo at sumabay kana sa akin..." Naunang lumabas si Aricella sa office at sumunod naman si Carlyn. Ginawa niya na lang ang sinabi ni Aricella na huwag muna ituloy ang trabaho at ipapabukas na lang. Alam ni Aricella kung gaano kasipag at ka-tiyaga ni Carlyn sa trabaho nito kaya minsan ay nagkakasakit na ang kaibigan dahil ayaw pa rin tumigi. Sabay silang sumakay ng elevetor hanggang sa nakalabas na sila ng building at limang guards na lang din ang naiwan. "Gusto mo ba munang mag-dinner bago tayo umuwi?" tanong ni Aricella kay Carlyn. Pero bago pa makasagot
"Maraming salamat, Manong..." Magalang na sabi ni Igneel sa dating kaibigan sa kung saan sila nakatira noon. Si Mang Lupin."Nako, ano ka bang bata ka. Walang anuman, at sana ay sa susunod kumain ulit kayo rito." Masaya namang sabi ni Mang Lupin. "Maraming salamat po..." Nakangiting sabi ni Aricella. Tuluyan na silang nagpaalam at umalis. Pumunta sila sa kotse nila para sana uuwi na nang biglang tumigil si Igneel at humarap kay Aricella. "Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Aricella kay Igneel.Imbis na sagutin siya ni Igneel, tinignan lang siya nito kaya mas lalong kumunot ang noo ni Aricella at tinaasan niya ng kilay si Igneel. "May gusto ka bang puntahan bago tayo bumalik sa bahay?" tanong ni Igneel. Tinagilid naman ni Aricella ang kanyang ulo, tumingin siya sa kanyang relo. Alas otso pa lang ng gabi, maaga pa pero hindi niya naman alam kung saan din pupunta. "Wala naman akong pupuntahan. Wala ka bang gagawin? Bakit ka nag-aaya?" Sunod-sunod na sabi ni Aricella."Bak
Kinabukasan, maagang nagising si Aricella. Balak niyang ipagluto si Igneel at dahil ito sa opisina. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit bigla niya iyong naisip. Marahil ay sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Carlyn. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Jennica nang makita niya si Aricella na nagluluto sa kusina. Kakagising niya lang din, at dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. "I'm cooking," sagot ni Aricella na nakangiti.Kumunot naman ang noo ni Jennica, ngayon niya lang ulit nakita si Aricella na nagluluto sa kusina. Ang huling kita niya ay iyong paalis si Igneel papunta sa ibang bansa para magpagamot. Pagkatapos no'n, hindi na siya ulit nagluto at hindi na nakangiti. "You're cooking for?" tanong ni Jennica."For us, of course. Ang aga mo naman yatang nagising, may lakad ka ba?" iniba niya na lang ang usapan. Para sa kanila rin naman ang niluto niya pero para kay Jennica, hindi siya naniwala na para lang sa kanila kung bakit nagluluto si Aricella ngayon."Someone
Dumating si Aricella sa company ni Igneel, at dahil kilala na siya hinayaan na lang siya ng mga guards na papasukin. Binabati pa siya ng mga ito at tila natutuwa na makita siya muli. "Welcome back, Ma'am." bati nilang lahat sa kanya. Nakaramdam naman ng hiya si Aricella, dahil matagal-tagal na rin na hindi siya nakakabalik sa company. "Good morning," bati rin niya. Dumiretso na siya sa floor kung nasaan ang office ni Igneel. Hindi pa naman siya sigurado kung nakarating na ba si Igneel pero kung sakaling wala pa, naisip niyang antayin na lang muna dahil gusto niyang i-abot ng personal ang dala niyang pagkain na para kay Igneel. Nang makarating siya sa floor ng office ni Igneel, tinitignan siya ng mga staff na naroon, ang iba ay nakangiti sa kanya, ang iba naman ay seryoso ang tingin sa kanya. Doon siya kinabahan sa mga tumitingin sa kanya ng seryoso. "Good morning, Ma'am Aricella..." bati ng iilan. Bumati rin siya at saka dire-diretso ang lakad papunta sa desk ng secretary ni
Pagkatapos mag-usap nina Igneel at Aricella sa office, nagpaalam na rin si Aricella na umalis dahil tinawagan na siya ni Jennica. Hinahatid siya ngayon ni Igneel sa baba ng building. "Are you sure you don't want me to come?" seryosong tanong ni Igneel sa kanya.Ngumiti naman si Aricella at saka tumango. "I'm fine, may pupuntahan lang kami ni Ate Jennica pero saglit lang naman siguro kami, nagpapasama lang siya sa akin na may bibilhin," pagdadahilan ni Aricella. Tumango na lang si Igneel dahil naisip niya na baka bonding na rin iyon ni Aricella sa kanyang kapatid kaya hindi niya na pinilit pa na sumama. "If you need anything, kung magpapasunod kayo, please call me..." Nakangiting sabi ni Igneel. Tumango si Aricella, "I will. Aalis na ako, kainin mo iyong binigay ko sa'yo, ah.""Of course, na-miss ko ang luto mo kaya hindi pwede na hindi ko iyon makakain. I won't share to anyone," natatawang sabi ni Igneel. Natawa na rin si Aricella. Pumasok na siya sa kotse niya at bago niya paanda
"Boss, sinusundan ko na siya ngayon. Umuwi siya sa kanila at sumakay na ngayon ang kanyang kapatid sa kotse niya," pagbabalita ni Jonas kay Igneel sa telepono. Nasa malayo siya sa bahay nina Aricella pero kitang-kita niya pa rin mula sa malayo ang kilos ni Aricella at ng kapatid nitong si Jennica. Si Aricella na mismo ang nagsundo kay Jennica sa bahay nila, ayaw niyang sunduin siya ni Jennica sa opisina niya dahil wala naman siya roon, ayaw niya rin sabihin kay Jennica na nasa company siya ni Igneel. "Okay, follow them and report to me. Paalis na rin ako para sumunod," sabi ni Igneel at binaba na ang tawag. Sa loob ng kotse ni Aricella, kakasakay lang ni Jennica pero tila naiinis na siya. "What's the problem?' tanong ni Aricella."Hindi sumasagot ang taong tumawag sa akin kagabi, gusto kong malaman kung nandoon na ba siya sa lugar na pagkikitaan namin," inis na sabi ni Jennica. Kumunot ang noo ni Aricella, tila hindi niya gusto ang nangyayari lalo na ang magiging resulta kung hin
Hindi pa rin nakapasok sina Aricella at Jennica sa loob ng maliit na bahay dahil tulad ng sinabi ng taong kausap ni Jennica, hindi sila makakapasok hangga't hindi umaalis ang sumusunod sa kanila. "We need to find that person kung sino man ang sumusunod sa atin," galit na sabi ni Jennica at naglakad. Sumunod si Aricella, kinakabahan na siya dahil pakiramdam niya parang may mali sa nangyayari ngayon. Hindi na dapat sila umalis ng bahay at maniwala sa taong kausap ni Jennica. "We should go home, Ate. Iba ang pakiramdam ko sa taong kausap mo at iba rin ang pakiramdam ko sa taong sumusunod sa atin, baka malagay tayo sa panganib sa parehong paraan," nag-aalalang sabi ni Aricella. Bumaling si Jennica sa kanya. "Hindi nga tayo aalis dito, Aricella. Hindi tayo aalis hangga't wala akong nakukuhang sagot mula sa taong kausap ko." Nagpatuloy sa paglalakad si Jennica para hanapin ang taong sumusunod sa kanila pero ilang minuto silang naghahanap, wala silang mahanap dahil lahat ng kotse na nar
"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah
“Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.
Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n
Seryoso pa rin ang tingin ni Senior Elias kay Igneel at ganoon din si Igneel sa kanyang Lolo, at ramdam niya rin na tila alam niya na kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Ngunit hindi niya lang maitindihan kung bakit isasama pa ni Senior Elias ang dalawa niyang pinsan na sina Paulo at Sandro kahit na alam ni Igneel na may mga ginagawa rin ito ang mga ito sa kompanya pero alam niya rin na hindi ganoon kalala katulad ng kung anong ginawa ni Laurence. “Anong pag-uusapan natin tungko sa kanila?” seryosong tanong ni Igneel at saka siya lumapit sa lamesa niya, umupo na rin si Senior Elias sa couch. Inaya niya si Igneel na umupo kung saan siya naka-pwesto na agad din namang sinunod ni Igneel. Nas couch na sila pareho, tinignan ni Senior Elias si Butler Lindon at sinenyasan na lumabas muna sa opisina ni Igneel. Yumuko si Butler Lindon kina Senior Elias at Igneel bilang paggalang at pagpapaalam at saka siya tuluyang nakalabas ng opisina ni Igneel. Nang silang dalawa na lang ang natira,
Naghahabol hininga sina Igneel at Aricella na nakahiga na pareho sa kama. Nakapatong ang ulo ni Aricella sa braso ni Igneel habang nakayakap naman si Igneel sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. “I’m sorry…” bulong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella kung bakit humihingi ng sorry si Igneel. “Sorry para saan?” tanong ni Aricella. “I’m sorry for doing this, alam kong hindi mo ito gusto—“Hindi natapos ang sinasabi ni Igneel nang bigla siyang hinalikan ni Aricella. Napaawang naman ang bibig ni Igneel sa ginawa niya. “Gusto ko, Igneel.” Ngumiti ng matamis si Aricella sa kanya. Mas lalo naman siyang niyakap ni Igneel nang mahigpit hanggang sa nakatulog na silang dalawa. ***Nagising ng maaga ang pamilya ni Aricella kinabukasan, pero sina Igneel at Aricella ay tulog pa rin. “Umuwi ba si Aricella kagabi?” tanong ni Arman kay Jemma nang lumabas rin ito mula sa kwarto ni Jennica. Kasama niya si Jennica na tahimik lang at hindi pinansin ang pamilya niya na mukhang m
Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife