Natahimik si Jennica, ganoon din si Aricella. Umiling si Jennica na tila hindi naniniwala sa sinasabi ni Igneel. "Hindi ako naniniwala sa'yo. Umalis na lang kayo---""Hindi kita pwedeng iwan dito," sabi ni Aricella, putol niya sa kay Jennica."Paalisin mo siya kung ako ang pinili mo," hamon ni Jennica. Huminga ng malalim si Aricella at bumaling kay Igneel. "Please, umalis ka muna. Walang mangyayaring hindi maganda sa amin. Pangako." pagmamakaawa ni Aricella.Pero hindi iyon umuobra kay Igneel, umiling siya sa kanilang dalawa. "Hindi ako aalis, hindi ko kayo pwedeng iwanan dito dahil delikado," pag-iintindi ni Igneel sa kanila.Mas lalong nainis si Jennica dahil sa katigasan ng ulo ni Igneel. Umalis siya at bumalik sa maliit na bahay. Agad naman siyang sinundan ni Aricella at ganoon din si Igneel, sinundan niya ang dalawa. "Lumabas ka dyan!" sigaw ni Jennica habang paulit-ulit niyang kinakatok ng malakas ang pintuan ng maliit na bahay. "Duwag, lumabas ka! Ilabas mo si Kenjin kung tot
Nasa loob sina Aricella at Jennica, hindi pa rin tumitigil kakaiyak si Jennica habang yakap-yakap siya ni Aricella. Nagatawag na rin ng back-up si Igneel, imbistigasyon at mga police sa area na iyon. Nasa labas siya kasama si Jonas."Ayon sa report, ang mga biktima ay nabalita na mga missing person sila ilang buwan ang lumipas. Hindi na rin nakakapagtaka na nanoon ang mga litrato niyo dahil ang biktima niya ang kilalang mga tao, mga mayayaman at anak ng mamayaman," paliwanag ng imbistigasyon."Kilala niyo ba kung sino ang gumawa nito?" tanong ni Igneel. Maraming nagsabi na kilala nila, may nakakita ngunit iba-iba ang binaggit nilang pangalan at mukha. May nakita rin kaming isang kwarto pa na hindi niyo nakita kanina, at ang laman ng kwartong iyon, mga maskara. Iisa lang ang taong gumagawa nito, at nagpapalit-palit anyo lang siya," mahabang sagot ng imbistigasyon.Nagkatinginan sina Igneel at Jonas. Hindi alam ni Igneel kung sino ang gumawa nito dahil wala siyang maisip kung sino. Lal
Nasa hospital na sila ngayon, sa labas ng morgue kung saan nandoon na ang katawan ni Kenjin. Umiiyak pa rin si Jennica, walang tigil na iyak. Kanina pa siya inaalo nina Janette, Aricella at ni Jemma pero kahit anong alo nila ay hindi pa rin talaga naginhawaan si Jennica. Sino ba namang magiging okay kung ang asawa niya ay matagal nang nawala at nang makita ito ay patay na. Doble-doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Jennica, kaya nahihirapan din ang pamilya niya na makita siyang ganito. "May balita na ba sa kasong ito?" tanong ni Arman kay Igneel na katabi niya lang. Nakatayo sila sa likod ng mga babae at kahit nakatayo lang sila, kinikimkim lang nila ang hirap at sakit na nararamdaman nila, lalo na si Arman na makitang isa na naman sa mga anak niya ang nasasaktan ngayon. "Nag-dagdag na ako ng iba pang tauhan para hanapin ang taong gumawa nito, at patuloy pa rin ang imbistigasyon sa lugar na iyon," paliwanag ni Igneel. Tumango si Arman. "Maraming salamat, Igneel. Hindi mo pin
Tatlong araw na ang lumipas simula noong inilibing si Kenjin, at tatlong araw na rin ang lumipas patuloy pa rin ang paghahanap sa taong hinahanap nila, ngunit sa loob ng tatlong araw na iyon wala pa rin silang nalalaman na bagong impormasyon o lead kung saan. Tila ba pinaghandaan talaga ng taong iyon ang lahat. "Panigurado ako ay kilala lang natin iyon, but I don't know how to figure out who." Seryosong sabi ni Jonas. Kasama si Igneel at ang mga kasamahan sa mafia organization, nag-uusapa sila kung paano mahanap at malaman ang tungkol sa taong iyon dahil masyado silang nababagalan sa mga opisyal na nagta-trabaho sa kaso na ito. Gusto na malaman ni Igneel ang lahat para maging ligtas na rin ang buhay nila, lalo na ang buhay ni Aricella. "We need to plan everything, kung maaari ay magbigay pa tayo ng secret people na magmamasid sa buong bansa, gagawin ko." Seryosong sabi ni Igneel sa kanila. Sumang-ayon naman sila, hindi rin naman sila magtataka kung gagawin nga iyon ni Igneel.Patu
"Kumusta ang imbistigasyon?" seryosong tanong ni Igneel sa private invistigator na kanyang inutusan para mag-imbistiga at hanapin ang taong iyon. "Nakausap ko ang pamilya ng ibang biktima, ang sabi nila ay may mga naging kaibigan ang anak nila na bago lang nilang nakikita at nakilala pero pagkatapos no'n na magpakilala, nawala na agad ang anak nila. Ini-isa-isa ko ang mga taong sinasabi nila, and here's what I found." May inabot siyang folder kay Igneel. Seryoso pa rin ang mukha ni Igneel nang kunin niya ang folder, pinaupo niya ang private invistigator sa upuan na kaharap niya dahil nasa opisina niya sila ngayon. Nang buklatin ni Igneel ang folder, napaayos siya nang upo dahil sa kanyang nakita."Are you sure about this?" he asked. "Yes, hindi ako pwedeng magkamali. Ang taong iyan ang nagpapanggap ng iba't ibang katauhan para bumiktima," sagot naman ng private invistigator. Tumango si Igneel sa kanya, "I'll keep this. Thank you. I want you to continue the job hangga't hindi natin
Nakarating sina Arman at Janette na kasama na ang doctor, umiiyak si Janette nang makauwi siya sa kanilang bahay. Dumiretso sila sa kwarto ni Jennica, nadatnan nila sina Aricella at Jemma na naka-upo. Si Aricella sa kama ni Jennica habang si Jemma naman ay naka-upo sa maliit na upuan na nasa kwarto ni Jennica. Agad silang napatayo nang pumasok ang magulang nila kasama ang doctor."How is she?" humihikbing tanong ni Jannete. Nilapitan niya si Jennica na mahimbing pa rin ang tulog."Ngayon lang siya nakatulog, parang napagod yata siya sa ginagawa niya," malungkot na sabi ni Aricella."Nasaktan ba kayo? Kumusta naman kayo?" nag-aalalang tanong ni Janette sa kanilang dalawa dahil alam niya kung gaano kalala magwala si Jennica noong umalis sila ni Arman. Ngumiti ng tipid si Aricella at umiling. "She's not harmful, Mom. Don't worry, ayos lang kami...""I know sweetheart. I know. At ayaw kong isipin na ganoon ang ate ninyo. Here, kasama namin si Doctor Jim. Titignan niya ang ate ninyo," pak
Kinabukasan, napag-desisyunan na ni Aricella na pumasok siya sa trabaho, agad naman siyang sinalubong ni Carlyn. "Bakit wala ka kahapon? Tinawagan din kita pero hindi ka sumasagot. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Carlyn.Dumiretso sila sa loob ng offic eni Aricella, agad namang sinarado ni Carlyn ang pintuan at umupo siya sa harap ni Aricella nang makaupo rin si Aricella sa swivel chair niya. "May nangyari lang sa bahay na kailangan kong asikasuhin," simpleng sagot ni Aricella. Habang binubuksan ni Aricella ang laptop at computer niya sa lamesa, nakakunot naman ang noo ni Carlyn sa pagtataka. "What do you mean? Anong nangyari? Nasaktan ka ba? Bumalik ba iyong taong gumawa no'n sainyo?" sunod-sunod na tanong ni Carlyn. Napahinto si Aricella at tumingin sa kanya ng walang emosyon, pero sa loob niya ay naisip niya na naman ang taong iyon. Muntik niya nang makalimutan na alam na ng buong mundo ang nangyari, alam na rin ng mga empleyado niya kaya siguro ay nang makita niya ang
"What are you saying about, Klarece?" Nakakunot noong tanong ni Aricella. Lumapit naman dahan-dahan si Klarence kay Aricella kaya umaatras din palayo si Aricella sa kanya hanggang sa wala na siyang ma-atrasan, napasandal siya sa pader pero hindi pa rin umaalis si Klarence. "He forced me to sign the contract at binantaan ang buhay ko. He tortured me like a wild animal in the forest, Aricella. Your husband is a devil one." Gigil na sabi ni Klarence. Iniiwas ni Aricella ang sarili niya palayo kay Klarence. "Don't touch me, nasasaktan ako!" sigaw ni Aricella.Alam ni Klarence na kung sumigaw si Aricella ay walang makakarinig sa kanila, wala ring makakita dahil na ka blind windows ang bintana ni Aricella sa opisina. Ngumisi si Klarence na tila ba natutuwa siya sa nangyayari ngayon. "Ano bang problema mo!" sigaw ulit ni Aricella pero mas lalong diniin ni Klarence ang hawak niya sa mga braso ni Aricella. "Ikaw at ang asawa mo ang problema ko, Aricella. Kayong dalawa. You ruined my life