Tatlong araw na ang lumipas simula noong inilibing si Kenjin, at tatlong araw na rin ang lumipas patuloy pa rin ang paghahanap sa taong hinahanap nila, ngunit sa loob ng tatlong araw na iyon wala pa rin silang nalalaman na bagong impormasyon o lead kung saan. Tila ba pinaghandaan talaga ng taong iyon ang lahat. "Panigurado ako ay kilala lang natin iyon, but I don't know how to figure out who." Seryosong sabi ni Jonas. Kasama si Igneel at ang mga kasamahan sa mafia organization, nag-uusapa sila kung paano mahanap at malaman ang tungkol sa taong iyon dahil masyado silang nababagalan sa mga opisyal na nagta-trabaho sa kaso na ito. Gusto na malaman ni Igneel ang lahat para maging ligtas na rin ang buhay nila, lalo na ang buhay ni Aricella. "We need to plan everything, kung maaari ay magbigay pa tayo ng secret people na magmamasid sa buong bansa, gagawin ko." Seryosong sabi ni Igneel sa kanila. Sumang-ayon naman sila, hindi rin naman sila magtataka kung gagawin nga iyon ni Igneel.Patu
"Kumusta ang imbistigasyon?" seryosong tanong ni Igneel sa private invistigator na kanyang inutusan para mag-imbistiga at hanapin ang taong iyon. "Nakausap ko ang pamilya ng ibang biktima, ang sabi nila ay may mga naging kaibigan ang anak nila na bago lang nilang nakikita at nakilala pero pagkatapos no'n na magpakilala, nawala na agad ang anak nila. Ini-isa-isa ko ang mga taong sinasabi nila, and here's what I found." May inabot siyang folder kay Igneel. Seryoso pa rin ang mukha ni Igneel nang kunin niya ang folder, pinaupo niya ang private invistigator sa upuan na kaharap niya dahil nasa opisina niya sila ngayon. Nang buklatin ni Igneel ang folder, napaayos siya nang upo dahil sa kanyang nakita."Are you sure about this?" he asked. "Yes, hindi ako pwedeng magkamali. Ang taong iyan ang nagpapanggap ng iba't ibang katauhan para bumiktima," sagot naman ng private invistigator. Tumango si Igneel sa kanya, "I'll keep this. Thank you. I want you to continue the job hangga't hindi natin
Nakarating sina Arman at Janette na kasama na ang doctor, umiiyak si Janette nang makauwi siya sa kanilang bahay. Dumiretso sila sa kwarto ni Jennica, nadatnan nila sina Aricella at Jemma na naka-upo. Si Aricella sa kama ni Jennica habang si Jemma naman ay naka-upo sa maliit na upuan na nasa kwarto ni Jennica. Agad silang napatayo nang pumasok ang magulang nila kasama ang doctor."How is she?" humihikbing tanong ni Jannete. Nilapitan niya si Jennica na mahimbing pa rin ang tulog."Ngayon lang siya nakatulog, parang napagod yata siya sa ginagawa niya," malungkot na sabi ni Aricella."Nasaktan ba kayo? Kumusta naman kayo?" nag-aalalang tanong ni Janette sa kanilang dalawa dahil alam niya kung gaano kalala magwala si Jennica noong umalis sila ni Arman. Ngumiti ng tipid si Aricella at umiling. "She's not harmful, Mom. Don't worry, ayos lang kami...""I know sweetheart. I know. At ayaw kong isipin na ganoon ang ate ninyo. Here, kasama namin si Doctor Jim. Titignan niya ang ate ninyo," pak
Kinabukasan, napag-desisyunan na ni Aricella na pumasok siya sa trabaho, agad naman siyang sinalubong ni Carlyn. "Bakit wala ka kahapon? Tinawagan din kita pero hindi ka sumasagot. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Carlyn.Dumiretso sila sa loob ng offic eni Aricella, agad namang sinarado ni Carlyn ang pintuan at umupo siya sa harap ni Aricella nang makaupo rin si Aricella sa swivel chair niya. "May nangyari lang sa bahay na kailangan kong asikasuhin," simpleng sagot ni Aricella. Habang binubuksan ni Aricella ang laptop at computer niya sa lamesa, nakakunot naman ang noo ni Carlyn sa pagtataka. "What do you mean? Anong nangyari? Nasaktan ka ba? Bumalik ba iyong taong gumawa no'n sainyo?" sunod-sunod na tanong ni Carlyn. Napahinto si Aricella at tumingin sa kanya ng walang emosyon, pero sa loob niya ay naisip niya na naman ang taong iyon. Muntik niya nang makalimutan na alam na ng buong mundo ang nangyari, alam na rin ng mga empleyado niya kaya siguro ay nang makita niya ang
"What are you saying about, Klarece?" Nakakunot noong tanong ni Aricella. Lumapit naman dahan-dahan si Klarence kay Aricella kaya umaatras din palayo si Aricella sa kanya hanggang sa wala na siyang ma-atrasan, napasandal siya sa pader pero hindi pa rin umaalis si Klarence. "He forced me to sign the contract at binantaan ang buhay ko. He tortured me like a wild animal in the forest, Aricella. Your husband is a devil one." Gigil na sabi ni Klarence. Iniiwas ni Aricella ang sarili niya palayo kay Klarence. "Don't touch me, nasasaktan ako!" sigaw ni Aricella.Alam ni Klarence na kung sumigaw si Aricella ay walang makakarinig sa kanila, wala ring makakita dahil na ka blind windows ang bintana ni Aricella sa opisina. Ngumisi si Klarence na tila ba natutuwa siya sa nangyayari ngayon. "Ano bang problema mo!" sigaw ulit ni Aricella pero mas lalong diniin ni Klarence ang hawak niya sa mga braso ni Aricella. "Ikaw at ang asawa mo ang problema ko, Aricella. Kayong dalawa. You ruined my life
"Anong nangyayari sa'yo? Noong isang araw ka pa ganyan. Ayos ka lang ba? May problema ba sa pamilya mo sa Isla?" biglang tanong ni Marie nang pumunta siya sa office ni Lienne at madatnan na nakatutula.Umupo naman agad si Lienne nang marinig ang boses ng kaibigan, umiwas siya ng tingin at kunyari ay may gagawin sa mga papeles na nasa lamesa niya. "Ayos lang ako. May kailangan ka ba?" pag-iiba niya ng usapan. Kumunot ang noo ni Marie dahil hindi niya maitindihan ang kanyang kaibigan na si Lienne. Noong isang araw pa itong ganito, hindi naman sinasabi ni Lienne kung ano ang problema niya kaya. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" ulit na tanong ni Marie, grabe na rin ang pag-aalala niyakay Lienne. Ngumiti si Lienne sa kanya, na tila ba pinapakitang ayos lang siya nahahalata naman ni Marie na hindi talaga. "Oonga, Marie. Ayos lang ako. So, ano nga?" tanong niya.Huminga na lang nang malalim si Marie at tumango, hinayaan niya na lang ang kaibigan niya at ayaw niya naman pilitin na magkwento
Gaya ng sinabi ni Igneel na mag-resign si Anita sa kompanya ni Klarence, ginawa nga ni Anita. Nalaman iyon ni Klarence mula sa Humar Resources department, noong una ay wala naman siyang pakialam kung aalis ang mga empleyado sa company niya dahil panatag ang loob niya na may mag-apply ulit pero nang marinig niya ang rason ay nagalit siya. "Kinuha niya ang empleyado ko? Paanong nangyari iyon?" galit na tanong ni Klarence."Hindi ko po alam, Sir. Iyon lang ang rason ng cleaning head noong umakyat siya kahapon para sabihin na mag-re-resign siya. May mas malaking offer raw po ang nag-alok sa kanya," paliwanag ng HR. Kinuyom ni Klarence ang kamao niya dahil sa galit. Pinaalis niya na ang HR sa office niya at doon niya binuhos ang galit niya kay Igneel. Tinapon niya ang mga gamit sa lamesa kahit iniinda niya pa rin ang sakit ng kanyang katawan dahil sa pagbugbog ni Igneel. "Potangina mo, Igneel!" galit na sigaw ni Klarence. "Kahit mga walang kwentang bagay ginagalit mo ako. Punyeta ka!" s
Nahatid na ni Igneel si Aricella sa office nito at ang sabi niya ay susunduin niya ulit si Aricella mamaya. Noong una ay ayaw ni Aricella dahil iniisip niya na may gagawin din si Igneel pero nagpumilit si Igneel na sunduin pa rin siya. At ngayon ay nagmamaneho na siya paalis ngunit hindi siya sa company niya didiretso. Pupunta siya sa mansyon ng pamilya. Alam niyang walang tao ngayon doon maliban sa lolo at lola niya dahil ang alam niya busy lahat ng mga pinsan at iba pang kabilang sa pamilya ngayon araw. Gusto niya lang makausap ang lolo niya. "Igneel, anong ginawa mo rito?" seryosong tanong ng butler ng Lolo niya na si Lindon. "Nandyan ba si Sinor?" tanong din ni Igneel, "gusto ko lang siyang makausap," dagdag niya pa. Seryosong nakatingin sa kanya si Lindon at saka tumango. "Nasa opisina siya pero may kausap pa siyang mahalagang tao," sabi ni Lindon.Tumango na lang si Igneel at saka sinabing sasabihin siya kung pwede niya nang makausap si Senior Elias. Dumiretso siya sa bar cou