Gaya ng sinabi ni Igneel na mag-resign si Anita sa kompanya ni Klarence, ginawa nga ni Anita. Nalaman iyon ni Klarence mula sa Humar Resources department, noong una ay wala naman siyang pakialam kung aalis ang mga empleyado sa company niya dahil panatag ang loob niya na may mag-apply ulit pero nang marinig niya ang rason ay nagalit siya. "Kinuha niya ang empleyado ko? Paanong nangyari iyon?" galit na tanong ni Klarence."Hindi ko po alam, Sir. Iyon lang ang rason ng cleaning head noong umakyat siya kahapon para sabihin na mag-re-resign siya. May mas malaking offer raw po ang nag-alok sa kanya," paliwanag ng HR. Kinuyom ni Klarence ang kamao niya dahil sa galit. Pinaalis niya na ang HR sa office niya at doon niya binuhos ang galit niya kay Igneel. Tinapon niya ang mga gamit sa lamesa kahit iniinda niya pa rin ang sakit ng kanyang katawan dahil sa pagbugbog ni Igneel. "Potangina mo, Igneel!" galit na sigaw ni Klarence. "Kahit mga walang kwentang bagay ginagalit mo ako. Punyeta ka!" s
Nahatid na ni Igneel si Aricella sa office nito at ang sabi niya ay susunduin niya ulit si Aricella mamaya. Noong una ay ayaw ni Aricella dahil iniisip niya na may gagawin din si Igneel pero nagpumilit si Igneel na sunduin pa rin siya. At ngayon ay nagmamaneho na siya paalis ngunit hindi siya sa company niya didiretso. Pupunta siya sa mansyon ng pamilya. Alam niyang walang tao ngayon doon maliban sa lolo at lola niya dahil ang alam niya busy lahat ng mga pinsan at iba pang kabilang sa pamilya ngayon araw. Gusto niya lang makausap ang lolo niya. "Igneel, anong ginawa mo rito?" seryosong tanong ng butler ng Lolo niya na si Lindon. "Nandyan ba si Sinor?" tanong din ni Igneel, "gusto ko lang siyang makausap," dagdag niya pa. Seryosong nakatingin sa kanya si Lindon at saka tumango. "Nasa opisina siya pero may kausap pa siyang mahalagang tao," sabi ni Lindon.Tumango na lang si Igneel at saka sinabing sasabihin siya kung pwede niya nang makausap si Senior Elias. Dumiretso siya sa bar cou
Sa loob ng office ni Senior Elias, kakapasok lang dina di Igneel. Hinatid lang siya ni Butler Lindon at umalis na rin pagkatapos, iniwan sina Senior Elias at Igneel na makapag-usap. "Anong nagpabago sa isip mo para pumunta rito?" iyan agad ang tanong ni Senior Elias kay Igneel. Naglakad si Igneel papalapit sa lamesa at umupo sa upuan na nasa harap. "I need to talk to you. Something important," sagot ni Igneel.Seryoso lang naka-upo si Senior Elias sa kanyang swivel chair habang nakasalikop ang dalawang kamay, wala siyang emosyong tumingin kay Igneel. Hindi niya inasahan na magpapakita agad si Igneel, ang inakala niya ay magpapakita ito sa oras na maayos na ang relasyon nila ni Aricella."About what?" tanong ni Senior Elias. Saglit na natahimik si Igneel, ilang minuto rin bago magsalita. "I need your help," he said. Napangiti naman ng konti si Senior Elias nang marinig iyon. Mas lalong hindi niya inasahan ang pagkakataon na ito na hihingi ng tulong sa kanya si Igneel. "A help? Real
At dahil alam na ni Igneel at ni Senior Elias kung sino ang nasa likod ng taong nagpapalit ng mukha para bumiktima, alam na rin ni Igneel kung ano ang gagawin. Samantalang si Senior Elias ay nakatingin ngayon sa tatlo niya pang apo sa loob ng office niya.Seryoso niyang tinignan isa-isa hanggang sa huminto ang tingin niya kay Laurence na nakayuko, tila ba hindi makabasag pinggan ang mukha at ugali ni Laurence. Sa kanilang apat na magpipinsang lalaki, sina Igneel, Paulo, Sandro at Lawrence, si Lawrence ang masakitin noon at dahil siya rin ang bunso sa kanilang apat siya rin ang masunurin at mabait sa lahat ng sinasabi sa kanya. Kaya hindi inasahan ni Igneel, lalo na si Senior Elias na makakagawa ng masama si Laurence. At sa oras na malaman ng mga tao ang katotohanan na siya ang pumapatay, ay tiyak masisira ang pangalan ng pamilya nila.Ang pangalan ng Rubinacci na ilang taon ng iniingitan, marami na ring napagdaanan na pagsubok o hirap ang pamilya ng Rubinacci para malayo sa maruming i
Kinabukasan, pumasok na nga sa opisina sina Paulo, Sandro at Laurence. Hindi na nagulat si Igneel nang makita silang tatlo dahil tila alam niya na kung bakit sila nandito. Nasa loob lang siya ng office, habang ang tatlo ay nasa labas, kinakausap ang mga empleyado. May ibang department naman silang tatlo pero dito nila gusto magkaroon ng office dahil malaki, kung saan din ang office ni Igneel bilang CEO. "Where's our office?" tanong ni Paulo sa staff ng HR. Agad naman nilang binigay ang extra offices ng company na sa kanila din naman noon. "Hindi niyo manlang ba nilinis ito? Hindi niyo ba alam na darating kami?" istriktong tanong ni Sandro nang makitang hindi maayos ang opisina niya. "Pasensya na po, papalinisan ko na po agad ngayon. Wala pong sinabi sa amin na memo na babalik po kayo kaya hindi po namin alam--""Is that even a reason?" putol ni Paulo sa staff ng HR. "Hindi ba kahit walang tao rito ay palagi pa ring inaayos? Hindi manlang binago ang arrangement," galit na sabi ni Pa
Natapos ipaalam sa empleyado ang tungkol sa pagbabalik nina Laurence, Sandro at Paulo. Nagsibalikan na rin ang mga empleyado sa kanya-kanya nilang trabaho. At akmang aalis na rin sana si Igneel nang bigla siyang pinigilan ni Paulo. Kaya napatigil siya sa paglalakad at bumaling sa tatlo niyang pinsan. Malapit na rin sana si Igneel para makapasok siya sa opisina niya, ilang hakbang na lang. Seryoso siyang tumingin kina Laurence, Sandro at Paulo. "May kailangan pa ba kayo?" tanong ni Igneel, wala siyang emosyon na nakatingin sa tatlo niyang pinsan. "Hindi mo ba kami pasasalamatan manlang na nakabalik na kami rito?" Nakangising tanong ni Paulo. Nagtaka naman si Igneel sa sinabi niya, hindi niya malaman kung bakit kailangan pa niyang pasalamatan sina Paulo, Laurence at Sandro kung bakit sila nandito. "Hindi ba obligasyon niyo rin na maging parte ng company dahil apo rin kayo? Kailangan ko bang i-validate ang pagbalik niyo kahit iyon naman talaga ang dapat niyo pang ginawa noon pa man?
Sa company ni Aricella, nasa loob lang siya ng opisina niya habang pumipirma ng mga papeles na kailangan niyang i-approved. Napag-desisyonan niya rin na sa loob lang ng office niya mag-antay nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Igneel na susunduin siya nito. Hindi maalis sa kanyang labi ang napakagandang ngiti habang ginagawa niya ang trabaho niya. Dahil na rin iyon sa natanggap niyang mensahe mula kay Igneel na naglalaman na bukod sa susunduin siya nito ay may pahabol pa itong message na 'Mahal na mahal kita.'"Ang saya mo naman ngayong araw?" Agad na umangat ang ulo ni Aricella at tumingin sa taong kakapasok lang sa opisina niya. "C-carlyn...uuwi ka na?" nauutal niyang tanong.Nakatingin naman si Carlyn sa kanya na tila ba nang-aasar ito. "Sa sobrang saya mo at halos mapunit na yata iyang pisngi mo kakangiti, hindi mo namalayan na nakapasok na ako sa opisina mo. Kumatok pa ako ng ilang beses." Natatawang sabi ni Carlyn. Inayos muna ni Aricella ang mga gamit na nasa lamesa n
"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At