Sa opisina naman ni Aricella, hindi siya makapali simula noong naghiwalay na sila ng daan ni Igneel. Dahil iniisip niya ang nalaman niya noong hindi siya nasundo ni Igneel. "Bakit ganyan na naman ang mukha mo? Paiba-iba ka ng mood araw-araw," biglang sabi ni Carlyn nang pumasok siya sa office ni Aricella dala ang kape na tinimpla ng secretary ni Aricella. Tumingin si Aricella sa kanya ng diretso, "pumasok ba si Lienne?" tanong niya dahilan para kumunot ang noo ni Carlyn, nagtataka sa biglaang pagtanong ni Aricella."Narinig ko lang sa dalawa niyang kaibigan na sina Marie ay hindi siya pumasok. May emergency daw nangyari. Why?" tanong ni Carlyn. Nakalapit na siya sa lamesa ni Aricella at nilapag ang kape. "Thank you," Aricella said. "Wala naman, naitanong ko lang..." dagdag niya pa. "Hmmm, may ipapagawa ka ba sana sa kanya?" tanong ni Carlyn. Nilapag niya ang hawak niyang folder at kinuha iyon ni Aricella para pirmahan. "Wala. Naitanong ko lang," simpleng sabi ni Aricella at saka
Gaya ng naisip na plano ni Sandro, pumayag si Paulo. Balak din nilang sabihan sana si Laurence pero bigla na lang itong lumalayo sa kanila kaya naman hinayaan na lang nilang dalawa dahil ang mahalaga magawa nila ang plano nila. Dalawang linggo na ang lumipas nang malaman nila ang tungkol sa relasyon ni Igneel at Kristine. Nalaman din nila na umamin si Kristine kay Igneel pero tinaggihan ni Igneel dahil may asawa na siya. Kaya ngayong araw, kaharap ni Kristine ang dalawa na sina Paulo at Sandro. "Bakit kayo nandito?" tanong ni Kristine. Nasa airport siya ngayon dahil pabalik na siya ng Amerika. Grabe ang sakit na naramdaman niya nang ma-reject siya ni Igneel. Nagkatinginan sina Sandro at Paulo at hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi na nila kay Kristine kung bakita sila nagpapakita kay Kristine ngayon. "Gusto ka naming tulungan para makuha si Igneel..." diretsong sabi ni Paulo. Noong una ay hindi maitindihan ni Kristine ang sinasabi nila pero nang mapaliwanagan siya nilang
Hindi agad sumaot si Aricella sa sinabi ni Igneel, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng hiya; iniisip niya na siguro magulo rin ang kanyang utak at hindi napanindigan ang sinabing pipirmahan ang papel para mawalan ng bisa ang kasal nilang dalawa. "I already signed," pagsisinungaling niya. "Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin---" "Of course!" agad na sabi ni Igneel. "Hindi ako papayag na maghiwalay tayo dahil lang gusto ng iba. You are my wife since then and you will be my wife kahit sa kabilang buhay pa iyan..." Seryosong sabi ni Igneel. Tila uminit naman ang pisngi ni Aricella dahil sa sinabi ni Igneel. Umiwas siya ng tingin at kunyari ay may inaayos sa lamesa. "Hindi ka pa ba papasok sa opisina?" tanong ni Aricella nang mapagtanto rin na hindi pa umaalis si Igneel. "Pwede bang hindi na at dito na lang ako sa'yo?" tanong ni Igneel dahilan para magulat ulit si Aricella. Seryoso siyang tumingin kay Igneel. "Pumasok ka na sa trabaho. Tawagan mo na lang ako ku
Tila tumigil ang mundo ni Aricella dahil sa sinabi ni Lienne, napaawang ang labi niya, hindi alam kung ano ang sasabihin. Nakatingin si Lienne sa kanya ng seryoso na tila ba parang hindi kakaiba ang sinabi nito sa kanya. "Matagal ko na siyang gusto, noong nasa Isla pa kami..." ulit ni Lienne dahilan para manlumo si Aricella. Hindi naman siya magtataka kung may magkakagusto nga kay Igneel dahil alam niya sa kanyang sarili na kagusto-gusto si Igneel, kahit noon pa man na walang-wala si Igneel. Ayaw lang patulan ng mga babae dahil mahirap. Pero ngayon, natatakot si Aricella na marami ngang nagkakagusto kay Igneel, lalo na ngayon na malamang mayaman siya at malinis na kung titigna, pero hindi siya makapagsalita na si Lienne ang may gusto sa kanya. Minsan ay naisip ni Aricella na masaya kasama o kausap si Lienne dahil mabait ito kaya hindi niya pinag-iisipan ng masama. "I'm sorry..." mahinang sabi ni Lienne. Yumuko siya. Kanina niya pa inaantay kung ano ang sasabihin ni Aricella pero ka
"Bakit hindi na sumasama sa atin si Laurence? May iba ba siyang pinagka abalahan?" seryosong tanong ni Paulo kay Sandro. Gabi na at nagplano silang dalawa na pumunta sa club ngayon. Wala ang fiancee ni Paulo, umuwi muna ito sa kanila kaya malaya siyang gawin ang gusto niya. "Hindi ko rin alam, ang sabi niya ay busy siya," sagot ni Sandro at saka uminom ng alak. May isang babae siyang katabi pero hindi niya pinansin, habang si Paulo naman ay dalawang babae ang nakatabi sa kanya. "Busy? Sa anong bagay? Baka ayaw niya na sumama dahil tintraydor na tayo ng kapatid mo, Sandro. Is he have a plan na hindi natin alam kaya siya nagkakaganyan?" tanong ni Paulo at saka umayos ng tayo. "Girls, mag-uusap muna kami ng pinsan ko. Pwede na muna kayong umalis," sabi niya sa tatlong babae at hinalikan ang dalawang babaeng katabi niya kanina. Napailing na lang si Sandro dahil sa ginawa ng kanyang pinsan. "What? Don't look at me like that, alam naman ng fiancee ko na ginagawa ko ito palagi. Alam niya
Isang Linggo ang lumipas, patuloy pa rin ang mga tauhan ni Senior Elias na sundan ang apat niyang apo. Ngayon ay sobrang galing na ng naka-assign na sundan si Laurence dahil hindi siya nahuhuli at on-time din magbigay ng update kay Senior Elias kaya nalalaman niya lahat ng ginagawa ni Laurence. At sa isang Linggo rin na iyon, mas lalong nainis si Paulo dahil hindi na nga sumasama si Laurence sa kanila, kahit kausapin nila ay hindi nila makausap. "Ano ba talagang problema ng kapatid mo, Sandro?" galit na tanong ni Paulo. Ikinuyom din ni Sandro ang kanyang mga kamay dahil kahit siya ay nagagalit na sa biglaang pagbabago ni Laurence, hindi rin siya kinakausap ni Laurence. "Huwag mo akong tanungin dahil pareho tayong walang alam!" sigaw ni Sandro. Nainis din siya dahil siya ang palaging tinatanong ni Paulo. Noong nakaraang linggo ay balak niya na sanang kausapin si Laurence pero tinanggihan siya nito hanggang sa hindi niya na talaga makausap ang kanyang kapatid. Maraming ginagawa si
Tatlong araw lang si Jennisa sa hospital, bumaba narin naman ang lagnat niya. Ang advice ng doctor ay dalhin sa psycholical expert si Jennica dahil hindi hindi sa katawan ang problema niya, nadamay lang ito. Ang mas dapat pagtutuonan ay ang mental health ni Jennica. Ginawa naman ni Aricella at ng pamilya niya ang sinabi ng doctor. Si Igneel na rin ang nag-contact ng magaling na Psychologist na kilala niya kaya hindi na rin nahirapan ang pamilya ni Aricella na maghanap pa ng iba. Laking pasasalamatan nila sa ginawang tulong ni Igneel, ramdam talaga nila na tila bumabawi si Igneel sa kanila kahit wala naman siyang dapat gawin talaga. Sa linggong iyon, tila mas lalong lumala si Kristine. Araw-araw siyang pumpunta sa opisina ni Igneel. At ngayong araw ay bumalik ulit siya sa opisina Igneel, halos kasabayan niya si Aricella na dumating dahil nag-plano rin si Aricella na dalhan ng lunch si Igneel. Nauna lang si Kristine kaya nang madatnan ni Aricella si Kristine sa loob ng opisina ni Igne
"Kristine, may kasabay akong kumain ng lunch at iyon si Aricella. Ang asawa ko," direktang sabi ni Igneel kay Kristine. Mas lalo namang nainis si Kristine dahil sa sinabi ni Igneel. Tinignan niya ng masama si Aricella at saka bumaling ulit kay Igneel. "Pero ako ang unang nag-aya sa'yo, ako ang unang dumating dito para ayain ka. Kung gusto ka niyang kasabay kumain ng lunch pwede naman sa susunod na araw , iyon nga lang kung mauunahan niya ako sa pagdating dito," mahabang sabi ni Kristine.Napaawang naman ang bibig ni Aricella sa narinig niya mula kay Kristine, kumunot din ang noo ni Igneel. Hindi sila pareho makapaniwala na nasasabi iyon ni Kristine na para bang pakiramdam niya tama ang nirason niya. "What are you saying? Aricella is my wife, sa kanya ako sasabay," giit na sabi ni Igneel. Mas lalong nagalit si Kristine. "Ako ang nauna, Igneel!" pagpupumilit niya. Pumikit nang mariin si Igneel at nakita iyon ni Aricella kaya naman lumapit na siya sa kanilang dalawa at hinaplos ang l
"I-igneel...." mahinang hikbi ni Lienne sa kabilang linya.Agad namang bumangon si Igneel mula sa pagkahiga niya, at tila nagising ang kanyang diwa nang marinig ang hikbi ni Lienne. "Anong problema? Si Karlo, nasaan na?" nag-aalalang tanong ni Igneel."Si Karlo...hindi na siya gumigising, Igneel. Hindi ko kaya...tinawagan ko na rin sila Itay para pumunta rito pero bukas pa. Hindi ko kaya, Igneel...puntahan mo ako please." Tuluyan nang umiyak si Lienne. Agad namang tumayo si Igneel mula sa kanyang kama at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako," sabi niya at binabaan ng tawag si Lienne. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang tulongan si Karlo at si Lienne. Iyon ang dahilan kung bakit siya nahuli sa pagsundo kay Aricella. Tumawag si Lienn sa kanya at humingo ng tulong para kay Karlo. Dahil nang umuwi si Lienne sa apartment nila, hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ay nakita niya na ang kanyang kapatid na si Karlo na dugoan sa labas at walang malay. May tama ito sa tyan niya. At
Nang buksan ni Aricella ang pintuan, bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Uncle, ang kapatid ng kanyang ina kasama ang mga kasamahan niya na gustong bumisita kay Arman, ang ama ni Aricella. Nakita ng uncle at ng mga kasama nito na wala si Igneel kaya nagsimula nila itong insultuhin, pinagtawanan na para bang wala lang sa kanila kung gaano nila insultuhin si Igneel. Nakikitawa rin ang ina ni Aricella dahil iniisip niya na tama lang kay Igneel na makatanggap ng insulto, meron man siya o wala. Pero natigil lang din sila nang pumasok bigla si Igneel sa loob ng kwarto. Nabigla ang uncle ni Aricella kaya naman para hindi siya mapahiya, lumakas ang boses niya at tinanong si Igneel. “Sino ka para magbukas agad ng pintuan na hindi kumakatok, hindi ka mayaman tulad namin kaya matuto kang rumespeto! Galing ka nanga sa kalye, ang ugali mo ay asal kalye din!” galit na turan ng Uncle ni Aricella. Sumabay din sa pang-iinsulto ang ibang kasama ng uncle ni Aricella na mga kamag-anak lang din nila.
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawakan
“Totoo ba ang nalaman ko? Magkasama na ulit kayo ng asawa mo?” Iyan ang bungad na tanong ni Senior Elias kay Igneel nang makarating siya sa palasyo. “Yes, Senior.” Seryoso niyang sagot at umupo na sa pwesto niya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng pinsan niya na pinatawag din ng kanilang Lolo. Hindi nila alam kung ano ang rason kung bakit sila pinapatawag,“Mabuti naman na nandito na kayong lahat,” panimula ng kanilang Lolo nang maka-upo siya sa kanyang pwesto. Tinignan niya isa-isa ang mga apo niya na kasali sa ginawa niyang paligsahan na kung sino ang unang makakabigay sa kanya ng bagong tagapag mana. “Kumusta ang pinapagawa ko sainyo?” tanong niya. Tahimik lang si Igneel at ibang mga pinsan niya na walang pakialam sa ginawang laro ng senior. Kaya nagtataka sila kung bakit pa ba sila pinatawag sa mansyon kung alam naman na ni Senior Elias na hindi sila interesado sa gusto nitong mangyari. “May ipapakilala na ako sainyo, Senior.” Lahat ay bumaling sa nagsalita na si Laurence, natah
“Aalis ka?” tanong ni Jemma nang makapasok siya sa kwarto ni Aricella. Nadatnan niya si Aricella na nag-aayos ng mga damit sa loob ng tatlong maleta. Bumaling si Aricella sa kanyang kapatid. “Yes, lilipat na ako sa condo ni Igneel. We decided na magsama kaming dalawa para kahit papaano ay umayos ang relasyon namin,” paliwanag ni Aricella. Napangiti naman si Jemma at lumapit siya sa kanyang ate para tumulong. Napatigil si Aricella at tumingin kay Jemma, nagtataka. “Hey, ayos ka lang?” she asked. “Did mom and dad know?” Jemma asked. Tumango si Aricella. “We talked about it and pumayag sila,” she replied. “Maiiwan ako kasama sila rito but this is fun. I hope Ate Jennica will be better kahit wala ka na—”“Hey, bibisita pa rin ako rito, it’s not that nasa ibang bansa ako. We just live in the same city, my little sister. Don’t worry. Gusto ko lang talaga bumukod kasama si Igneel and I think it’s a good thing for us to know each other. We never did that years ago…”Ngumiti lalo si Jemma.
Nang gabing natapos ang trabaho nina Igneel at Aricella, sinundo na ni Igneel si Aricella. Hindi na nila kasabay si Lienne dahil maagang sinundo ni Igneel si Aricella at nagplano sila na mag-dinner. “Gusto mong makipag dinner sa akin dahil may sasabihin ka sa akin, tama?” tanong ni Aricella kay Igneel nang makasakay na sila sa kotse. Ini-start muna ni Igneel ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. “Yes,” sagot niya kay Aricella. “Saan mo gustong kumain ngayong gabi?” tanong niya naman. Nag-isip si Aricella, hindi siya sigurado kung saan niya gusto pero gusto niyang kumain ng may sabaw. “Anong oras na ba? Kaya ba natin pumunta ng malayo? May naisip sana ako,” sabi niya. Tinignan ni Igneel ang relo niya. “Alas-siyete pa lang naman. Saan mo ba gusto? Anywhere, pupuntahan natin iyan kahit malayo.” Nakangiting sabi ni Igneel. Napangiti rin si Aricella at hinarap si Igneel. “Let’s go to Tagaytay, gusto ko ng mainit na bulalo ngayon…” Masayang sabi ni Aricella. Napakunot naman ang n
Seryoso pa rin ang tingin ni Senior Elias kay Igneel at ganoon din si Igneel sa kanyang Lolo, at ramdam niya rin na tila alam niya na kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Ngunit hindi niya lang maitindihan kung bakit isasama pa ni Senior Elias ang dalawa niyang pinsan na sina Paulo at Sandro kahit na alam ni Igneel na may mga ginagawa rin ito ang mga ito sa kompanya pero alam niya rin na hindi ganoon kalala katulad ng kung anong ginawa ni Laurence. “Anong pag-uusapan natin tungko sa kanila?” seryosong tanong ni Igneel at saka siya lumapit sa lamesa niya, umupo na rin si Senior Elias sa couch. Inaya niya si Igneel na umupo kung saan siya naka-pwesto na agad din namang sinunod ni Igneel. Nas couch na sila pareho, tinignan ni Senior Elias si Butler Lindon at sinenyasan na lumabas muna sa opisina ni Igneel. Yumuko si Butler Lindon kina Senior Elias at Igneel bilang paggalang at pagpapaalam at saka siya tuluyang nakalabas ng opisina ni Igneel. Nang silang dalawa na lang ang natira,
Naghahabol hininga sina Igneel at Aricella na nakahiga na pareho sa kama. Nakapatong ang ulo ni Aricella sa braso ni Igneel habang nakayakap naman si Igneel sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. “I’m sorry…” bulong ni Igneel. Nagtaka naman si Aricella kung bakit humihingi ng sorry si Igneel. “Sorry para saan?” tanong ni Aricella. “I’m sorry for doing this, alam kong hindi mo ito gusto—“Hindi natapos ang sinasabi ni Igneel nang bigla siyang hinalikan ni Aricella. Napaawang naman ang bibig ni Igneel sa ginawa niya. “Gusto ko, Igneel.” Ngumiti ng matamis si Aricella sa kanya. Mas lalo naman siyang niyakap ni Igneel nang mahigpit hanggang sa nakatulog na silang dalawa. ***Nagising ng maaga ang pamilya ni Aricella kinabukasan, pero sina Igneel at Aricella ay tulog pa rin. “Umuwi ba si Aricella kagabi?” tanong ni Arman kay Jemma nang lumabas rin ito mula sa kwarto ni Jennica. Kasama niya si Jennica na tahimik lang at hindi pinansin ang pamilya niya na mukhang m
Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife