Share

Chapter 137

"Bakit hindi na sumasama sa atin si Laurence? May iba ba siyang pinagka abalahan?" seryosong tanong ni Paulo kay Sandro. Gabi na at nagplano silang dalawa na pumunta sa club ngayon.

Wala ang fiancee ni Paulo, umuwi muna ito sa kanila kaya malaya siyang gawin ang gusto niya.

"Hindi ko rin alam, ang sabi niya ay busy siya," sagot ni Sandro at saka uminom ng alak. May isang babae siyang katabi pero hindi niya pinansin, habang si Paulo naman ay dalawang babae ang nakatabi sa kanya.

"Busy? Sa anong bagay? Baka ayaw niya na sumama dahil tintraydor na tayo ng kapatid mo, Sandro. Is he have a plan na hindi natin alam kaya siya nagkakaganyan?" tanong ni Paulo at saka umayos ng tayo. "Girls, mag-uusap muna kami ng pinsan ko. Pwede na muna kayong umalis," sabi niya sa tatlong babae at hinalikan ang dalawang babaeng katabi niya kanina.

Napailing na lang si Sandro dahil sa ginawa ng kanyang pinsan. "What? Don't look at me like that, alam naman ng fiancee ko na ginagawa ko ito palagi. Alam niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status