Tila tumigil ang mundo ni Aricella dahil sa sinabi ni Lienne, napaawang ang labi niya, hindi alam kung ano ang sasabihin. Nakatingin si Lienne sa kanya ng seryoso na tila ba parang hindi kakaiba ang sinabi nito sa kanya. "Matagal ko na siyang gusto, noong nasa Isla pa kami..." ulit ni Lienne dahilan para manlumo si Aricella. Hindi naman siya magtataka kung may magkakagusto nga kay Igneel dahil alam niya sa kanyang sarili na kagusto-gusto si Igneel, kahit noon pa man na walang-wala si Igneel. Ayaw lang patulan ng mga babae dahil mahirap. Pero ngayon, natatakot si Aricella na marami ngang nagkakagusto kay Igneel, lalo na ngayon na malamang mayaman siya at malinis na kung titigna, pero hindi siya makapagsalita na si Lienne ang may gusto sa kanya. Minsan ay naisip ni Aricella na masaya kasama o kausap si Lienne dahil mabait ito kaya hindi niya pinag-iisipan ng masama. "I'm sorry..." mahinang sabi ni Lienne. Yumuko siya. Kanina niya pa inaantay kung ano ang sasabihin ni Aricella pero ka
"Bakit hindi na sumasama sa atin si Laurence? May iba ba siyang pinagka abalahan?" seryosong tanong ni Paulo kay Sandro. Gabi na at nagplano silang dalawa na pumunta sa club ngayon. Wala ang fiancee ni Paulo, umuwi muna ito sa kanila kaya malaya siyang gawin ang gusto niya. "Hindi ko rin alam, ang sabi niya ay busy siya," sagot ni Sandro at saka uminom ng alak. May isang babae siyang katabi pero hindi niya pinansin, habang si Paulo naman ay dalawang babae ang nakatabi sa kanya. "Busy? Sa anong bagay? Baka ayaw niya na sumama dahil tintraydor na tayo ng kapatid mo, Sandro. Is he have a plan na hindi natin alam kaya siya nagkakaganyan?" tanong ni Paulo at saka umayos ng tayo. "Girls, mag-uusap muna kami ng pinsan ko. Pwede na muna kayong umalis," sabi niya sa tatlong babae at hinalikan ang dalawang babaeng katabi niya kanina. Napailing na lang si Sandro dahil sa ginawa ng kanyang pinsan. "What? Don't look at me like that, alam naman ng fiancee ko na ginagawa ko ito palagi. Alam niya
Isang Linggo ang lumipas, patuloy pa rin ang mga tauhan ni Senior Elias na sundan ang apat niyang apo. Ngayon ay sobrang galing na ng naka-assign na sundan si Laurence dahil hindi siya nahuhuli at on-time din magbigay ng update kay Senior Elias kaya nalalaman niya lahat ng ginagawa ni Laurence. At sa isang Linggo rin na iyon, mas lalong nainis si Paulo dahil hindi na nga sumasama si Laurence sa kanila, kahit kausapin nila ay hindi nila makausap. "Ano ba talagang problema ng kapatid mo, Sandro?" galit na tanong ni Paulo. Ikinuyom din ni Sandro ang kanyang mga kamay dahil kahit siya ay nagagalit na sa biglaang pagbabago ni Laurence, hindi rin siya kinakausap ni Laurence. "Huwag mo akong tanungin dahil pareho tayong walang alam!" sigaw ni Sandro. Nainis din siya dahil siya ang palaging tinatanong ni Paulo. Noong nakaraang linggo ay balak niya na sanang kausapin si Laurence pero tinanggihan siya nito hanggang sa hindi niya na talaga makausap ang kanyang kapatid. Maraming ginagawa si
Tatlong araw lang si Jennisa sa hospital, bumaba narin naman ang lagnat niya. Ang advice ng doctor ay dalhin sa psycholical expert si Jennica dahil hindi hindi sa katawan ang problema niya, nadamay lang ito. Ang mas dapat pagtutuonan ay ang mental health ni Jennica. Ginawa naman ni Aricella at ng pamilya niya ang sinabi ng doctor. Si Igneel na rin ang nag-contact ng magaling na Psychologist na kilala niya kaya hindi na rin nahirapan ang pamilya ni Aricella na maghanap pa ng iba. Laking pasasalamatan nila sa ginawang tulong ni Igneel, ramdam talaga nila na tila bumabawi si Igneel sa kanila kahit wala naman siyang dapat gawin talaga. Sa linggong iyon, tila mas lalong lumala si Kristine. Araw-araw siyang pumpunta sa opisina ni Igneel. At ngayong araw ay bumalik ulit siya sa opisina Igneel, halos kasabayan niya si Aricella na dumating dahil nag-plano rin si Aricella na dalhan ng lunch si Igneel. Nauna lang si Kristine kaya nang madatnan ni Aricella si Kristine sa loob ng opisina ni Igne
"Kristine, may kasabay akong kumain ng lunch at iyon si Aricella. Ang asawa ko," direktang sabi ni Igneel kay Kristine. Mas lalo namang nainis si Kristine dahil sa sinabi ni Igneel. Tinignan niya ng masama si Aricella at saka bumaling ulit kay Igneel. "Pero ako ang unang nag-aya sa'yo, ako ang unang dumating dito para ayain ka. Kung gusto ka niyang kasabay kumain ng lunch pwede naman sa susunod na araw , iyon nga lang kung mauunahan niya ako sa pagdating dito," mahabang sabi ni Kristine.Napaawang naman ang bibig ni Aricella sa narinig niya mula kay Kristine, kumunot din ang noo ni Igneel. Hindi sila pareho makapaniwala na nasasabi iyon ni Kristine na para bang pakiramdam niya tama ang nirason niya. "What are you saying? Aricella is my wife, sa kanya ako sasabay," giit na sabi ni Igneel. Mas lalong nagalit si Kristine. "Ako ang nauna, Igneel!" pagpupumilit niya. Pumikit nang mariin si Igneel at nakita iyon ni Aricella kaya naman lumapit na siya sa kanilang dalawa at hinaplos ang l
Habang hinahabol ni Igneel si Aricella kanina ay hindi niya maiwasan na mag-alala. Hindi siya sanay na makitang nagagalit si Aricella. Pero naabutan niya rin naman si Aricella sa paglalakad at ngayon ay magkasama na silang dalawa. Tahimik silang nasa loob ng kotse ni Igneel, habang nasa back seat naman ang dalang pagkain ni Aricella. "Hey," tawag ni Igneel. Hindi pa rin nagsasalita si Aricella dahil hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ang sarili niya. Alam niyang hindi siya nakapag timpi sa ginawa niya kanina kay Kristine, pero kung tutuosin ay para sa kanya kalmado pa iyon dahil sinasabi niya lang naman ang gusto niyang sabihin kay Kristine, hindi niya ito sinakyan pisikal. Naiinis lang siya dahil ang kapal ng mukha ni Kristine para sabihin iyon sa mismong harap niya, na para bang hindi gugustuhin ni Kristine magbigay ng respeto kay Aricella. Lalo na kung hindi naman sila magkakilala talaga personally. "I'm sorry for what happened earlier," mahinang sabi ni Igneel. Hinawaka
Nang matapos silang mag lunch, hinatid na ni Igneel si Aricella sa kumpanya nito bago siya bumalik sa opisina niya. Kanina, habang kumakain sila ay hindi mapakali si Aricella dahil sa sinabi ni Igneel na papakasalan siya nito dahil lag sa masarap na luto. Ayaw niyang maniwal pero kilala niya si Igneel, gagawin niya ang mga sinasabi niya; lalo na mayaman naman talaga siya. Afford na ni Igneel ang magpakasal ulit kahit ilang beses pa iyan. Pero hindi rin maitanggi ni Aricella sa kanyang sarili na tila ba gusto niya rin iyong mangyari. Mahal na mahal niya si Igneel, at handa siyang makasama si Igneel habang buhay. Kaya ang mga panahon na wala si Igneel at kahit nalulungkot siya, gumagawa na rin siya ng mga bagay para maging mabuting asawa. “Kumusta? Nagustuhan ba ni Igneel ang niluto mo para sa kanya?” tanong ni Carlyn nang pumasok siya sa opisina ni Aricella. Ngumiti naman si Aricella sa kanya at saka tumango, “masarap daw sabi niya,” she said. “Hmm, kaya pala mukhang nasa mood ka n
Tahimik silang tatlo sa loob ng kotse ni Igneel, kahit si Igneel ay hindi alam kung magsasalita ba siya o ano. Alam niyang nagseselos si Aricella kay Lienne pero hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Aricella na isabay si Lienne, kasi kung hindi naman siya papayag ay tatawagan na lang ni Igneel ang isang driver niya para kay Lienne. "Uh, ayos ka lang ba dyan sa likod?" tanong ni Igneel kay Lienne, pinilit niya ang sarili niyang magsalita. "Ayos lang ako, salamat." Ngumiti naman ng tipid si Lienne nang sumagot siya. Bahagya rin siyang nakatingin kay Aricella na sa harap pa rin nakatingin na tila ba hindi niya kilala sina Lienne at Igneel dahil hindi siya nagsasalita. Pero nang biglang hawakan ni Igneel ang kamay niya ay bumaling siya kay Igneel, saglit din siyang tumingin sa kamay ni Igneel na humawak sa kamay niya at saka nagtatakang tumingin ulit kay Igneel. Tumingin sa kanya si Igneel saglit para ngumiti at binalik na rin ang attention sa pagmamaneho. "How about you, my wife