Share

Chapter 130

Natapos ipaalam sa empleyado ang tungkol sa pagbabalik nina Laurence, Sandro at Paulo. Nagsibalikan na rin ang mga empleyado sa kanya-kanya nilang trabaho. At akmang aalis na rin sana si Igneel nang bigla siyang pinigilan ni Paulo. Kaya napatigil siya sa paglalakad at bumaling sa tatlo niyang pinsan. Malapit na rin sana si Igneel para makapasok siya sa opisina niya, ilang hakbang na lang.

Seryoso siyang tumingin kina Laurence, Sandro at Paulo. "May kailangan pa ba kayo?" tanong ni Igneel, wala siyang emosyon na nakatingin sa tatlo niyang pinsan.

"Hindi mo ba kami pasasalamatan manlang na nakabalik na kami rito?" Nakangising tanong ni Paulo.

Nagtaka naman si Igneel sa sinabi niya, hindi niya malaman kung bakit kailangan pa niyang pasalamatan sina Paulo, Laurence at Sandro kung bakit sila nandito.

"Hindi ba obligasyon niyo rin na maging parte ng company dahil apo rin kayo? Kailangan ko bang i-validate ang pagbalik niyo kahit iyon naman talaga ang dapat niyo pang ginawa noon pa man?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status