Share

Chapter 92

Sinimulan ni Igneel ang araw niya sa paghahanap ng trabaho at dahil wala siyang mga papeles ay ang una niyang pinuntahan ay ang palengke bilang kargador.

"Sigurado ka bang bilang kargador ang papasukan mong trabaho, ijo? Hindi naman bagay sa hitsura mo," sabi ng Ale na nilapitan niya sa palengke malapit lang sa lugar kung saan sila nakatira ni Karlo.

"Opo, iyon lang po sa ngayon ang kaya kong gawin dahil wala naman akong mga papeles para sa iba ako mag-apply, Ma'am." sagot ni Igneel.

Tinignan siya ng Ale mula paa hanggang ulo. "Osige, pwede ka na ba magsimula ngayong araw? Sakto rin naman ay kulang kami ng kargador ngayon."

Napangiti si Igneel at saka tumango. "Oo naman po, maraming salamat, Ma'am." Masayang sabi ni Igneel.

Dinala na siya ng Ale sa mga kasamahan niya sa palengke bilang kargador at sila na mismo ang nagturo kay Igneel kung ano ang gagawin.

Natapos ang araw ni Igneel na may isang libo siyang sahod kasama na roon ang mga tips mula sa mga tindero at tindera pero ang s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status