Ano ang mangyayari kung ang inosente, matalino at palabang si Arianne ay mapakasal sa isang pasaway, basagulero, playboy at kilalang hoodlum na si Victor? Makaya kaya ni Arianne na pakisamahan si Victor na lagi siyang tinatakot at tinutukso? Paano kung malaman niya na ang lalaking inaakala ng lahat na walang direksyon sa buhay ay isa na palang super yaman at may-ari ng pinakakilalang software and on/offline gaming company sa mundo? Alamin sa Ang Husband kong Hoodlum.
View MoreArianne“What?” takang tanong ni Victor ng matigilan ako. Paano ba naman, naka suit siya! Anong nakain ng unggoy na ito at biglang nagbihis ng ganito samantalang bibili lang naman kami ng damit na susuutin ko para sa company party nila.“Come on, babe, what’s wrong?”“Nag-CR lang ako, bakit ganyan na ang ayos mo?” tanong ko din. Pagkatapos kong maligo ay sumunod siya. Habang nagbibihis ako ay nasa shower na siya. Saglit lang naman akong kumilos dahil nga sa hindi naman ako mahilig maglalagay ng kung ano-ano sa mukha. Basta nag-hair blower lang ako dahil nga alam kong magmo-motor kami.Pagkatapos niyang maligo ay pumasok na siya sa walk-in closet kaya ako ang naghintay sa kanya. Nakaramdam ako ng panunubig kaya naman pumasok ako saglit sa CR at ngayon nga, pagdating ko sa living room ay siya din namang labas niya ng aming kwarto na bihis na bihis.“Hindi ba bagay?” alanganin niyang tanong.“Bagay na bagay!” mabilis kong sagot sabay tingin ko sa aking sarili. “At hindi ako bagay sa sayo
ArianneMataman akong nakatingin kay Victor. Nasa bahay na ako at agad niyang pinasukat sa akin ang gown. Ayaw ko sana pero mapilit siya kaya heto ako sa harapan niya at titig na titig din sa akin habang nakakunot ang noo.“Uy, hindi ka na nagsalita.”Biglang umangat ang tingin niya sa mukha ko at base sa pagkakagalaw ng kanyang adams apple ay sigurado akong lumunok siya.“Ang sarap mong tignan.” Salubong ang aking mga kilay ngunit natawa lang siya. “But I am not going to let you wear that.”Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ay maganda talaga ang damit, sadya lang hindi ako sanay magsuot ng mga sexy at revealing kaya ayaw ko.“Ano na susuutin ko?”“Pwede ka bang huwag pumasok bukas para maghanap na lang muna tayo?”Napaisip akong bigla, paano kaya gagawin ng mga bruha kung wala ako?“Come on, babe. Deserve mo naman ang mag-leace dahil tatlong product niyo puro ikaw ang may gawa.”“Wala naman akong sinabi na hindi ko deserve at hindi rin naman ako pinipigilan
Arianne“Bakit kayo pa? Tayo na lang..” sabi ni Victor.“Sige na, kami na lang nila Candy ang kukuha. Paalis na rin kami. Sabihan mo na lang si Anzenith na kukunin ngayon.”Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang hindi talaga papayag ah.“Kapag hindi ako pumayag, kung ano-ano ang iisipin mo. Kapag pumayag naman ako, baka kung kung saan naman kayo magpunta ng mga kaibigan mo.”“At saan naman kami sa tingin mo pupunta?” tanong ko.“Hindi ko alam, sinasabi ko lang. Busy kayo sa trabaho tapos bigla niyong naisipang lumabas.”“Sigurado ka na baka kung saan lang kami pumunta ang iniisip mo at wala ng iba?”“Ano pa ba naman babe ang iisipin ko?”“Wala lang, naniniguro lang,” tugon ko. “Oh, kami na lang ang kukuha ha. Basta i-inform mo na lang ang kissing buddy mo na kukunin ngayon.”“Babe naman eh!” parang inis niyang reklamo.“Joke lang, babe.”“Ayaw ko ng inaasar mo ako ng ganon. Nakaraan na ‘yon at ayaw kong pag-awayan pa natin ang isang bagay na wala namang halaga.”“Okay babe.” B
Arianne“Ano babe, pupuntahan pa ba natin?” tanong ni Victor over the phone. Apat na araw ang nakalipas ng sukatan ako ni Anzenith at tinawagan daw siya ng babae para sabihing okay na ang damit. Nasa office ako ngayon at busy sa trabaho. Hindi ko alam kung makakaalis ba ako.“Sabihin ko muna kila Candy.”“Kung hindi ka available today ay bukas na lang, bago ka pumasok kung gusto mo.”“Tawagan na lang kita mamaya, babe.”“O sige, I love you.”“I love you too,” tugon ko bago namin in-end ang call.“Ano yon?” usisa ni Candy matapos kong ilapag ang aking cellphone sa ibabaw ng working table namin. Napansin ko rin na napatingin na sa akin si Michelle kaya kinwento ko sa kanila ang nangyari noong nagpunta kami ni Victor sa shop ni Anzenith. “Aba eh dapat huwag mong hayaang pumunta doon ang asawa mo kung ganon!” mabilis na sabi ni Candy.“Grabe naman ang reaksyon!” natatawa kong sabi.“Hay naku, Arianne. Hindi pwede ang ganyan. Ang gwapo kaya ni Victor ano, at alam mo yan. Noong college day
Victor“Siya ang aking anak na si Victor na nais kong ipalit kay Donnie na mapakasal sa iyong anak kapalit ng pagtulong ko sa inyong kumpanya, Mr. Aragon.” Nagulat ako sa sinabi ni Dad ngunit hindi ko ipinahalata iyon.Tama ba ang narinig ko? Nag-offer siyang tumulong sa kumpanya ng mga Aragon. Ayaw ko! Mahirap kasama ang Mike Aragon na ito. Sigurado akong papanayin niya ang paghingi ng pera kay Dad.Did my father go to this extent para lang mangyari ang kagustuhan ko pero nanatiling bigo?“Mr. Monteclaro, ang gusto sana namin ay ang inyong anak na si Donnie ang mapakasal sa aking anak.”“Anak ko rin naman si Victor,” sagot ni Dad. Walang kangiti-ngiti ang kanyang mukha at sigurado akong umiinit na ang kanyang ulo.“Ngunit alam naman ng lahat na anak mo siya sa labas. Hindi ba pwedeng si Donnie na lang? I want the best for my daughter.”Ang kapal talaga ng mukha ng Mike Aragon na ito. Humanda ka lang talaga sa akin at makakabawi rin ako sayo sa pang-aalipusta niyo kay Arianne. Sa isip
Victor“Ano bang kalokohan mo, Victor?” tanong ni Dad. As usual ay nasa study room niya kami. Simula kasi ng maaksidente ito ay doon na siya gumagawa ng kanyang trabaho. Hindi na siya bumibisita sa kanyang opisina at sa tuwina ay ang kanyang assistant ang siyang laging nagpupunta dito para magreport.“Gusto ko nga kasi siyang maging asawa!” tugon ko. Ayaw ko talagang humingi sa kanya ng tulong hangga’t maaari. Pero this time is different. Nakagraduate na si Arianne at natatakot akong baka kapag hindi ako umakto agad ay makuha pa siya ng iba.“At paano kang nakakasiguro na siya nga ipapakasal sayo ng Mike Aragon na ‘yon?” tanong niya ulit.“Eh di kung hindi eh di hindi ko sisiputin!”“Victor! Naloloko ka na ba?” galit niyang tanong.“Tutulungan mo ba ako o hindi?” tanong ko rin. Bumuntong hininga siya at hinilot pa ang kanyang sintido bago tumango. Hindi ko naiwasan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko dahil alam ko naman na hindi niya ako matitiis.“Sige, sige na. Umalis ka na sa harap
*** Flashback College Days ***Victor“Langya naman, ‘tol. Hanap ako ng hanap sa’yo kagabi eh iniwan mo na pala ako. Sino na namang chicks ang nadale mo?” tanong ni Erik. Nasa ilalim kami ng puno ng mangga, malapit lang sa sidewalk ng malaking kalsadang daanan ng mga papasok sa university.Last year namin sa college, pero kagaya ng mga ibang taon ay pakiramdam pa rin ng schoool personnel ay ako ang pinuno ng mga pasaway.“Umuwi lang ako at natulog, wala akong nadale.”“Ulol mo! Hindi ako naniniwala sayo ‘tol. Ikaw pa?”“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta umuwi lang ako para matulog.”Iyon naman ang totoo. Kagabi kasi ay nasa birthday party kami sa townhouse ng feeling queen bee ng university. Ayaw ko namang pumunta dahil wala ako sa mood pero pinilit ako ng kolokoy na ito. Kaya ng makakuha ako ng pagkakataon para makaiskapo ay iniwan ko na siya pati na ang iba pa naming kaibigan na enjoy na enjoy sa pambababae.“Sigurado akong may nadale ka kagabi..” patuloy siya sa pagdaldal at
AriannePagkatapos ng lunch ay may pinuntahan kaming jewelry store. Nagulat ako sa mga binili namin dahil hindi naman ako sanay ng ganon. Ni minsan ay hindi pa nasayaran ng mamahaling alahas ang balat ko. “Kakailanganin mo yan sa tuwing sasama ka sa akin sa mga gatherings ng company.”Nagtaka ako dahil ang alam ko ay empleyado lang siya. Although siya nga ang nagde-develop ng mga apps at kung ano-ano pa ay empleyado pa rin. So bakit may pa-gatherings pa siyang nalalaman? Kailangan ba um-attend din siya doon?Wala na rin akong nagawa at siniguro naman niya na pera niya ang ginamit at lalong hindi installment ang mga alahas. Sa totoo lang kasi ay ayaw ko ng utang lalo na kung sa mga ganitong klaseng bagay lang. Kaya ko namang mabuhay ng wala ang mga alahas na yon.At ngayon nga, gabi na at nasa living room kami. Inaantok na ako kaya naman nagpaalam na akong matutulog. “Babe, sige na…” Tumayo na ako mula sa couch at sinabihan ko na mag-isa siyang matulog dito sa sala. Ngunit pinigilan n
Arianne“Huwag yung masyadong revealing ha, ayaw kong may ibang makakakita ng alindog ng babe ko kung hindi ako.”Natawa ang designer na si Anzenith sa sinabi ni Victor, ako naman ay nag eye roll sa kanya. Napaka OA talaga kahit kailan.“Sayang naman ang curves ng asawa mo kung hindi niya ifo-flaunt!”“She can flaunt it pero sa harap ko lang.”“Kasama ka naman niya.”“Pwede ba, nandito lang ako kaya huwag niyo akong pag-usapan na parang wala?” singit ko sa kanilang pag-uusap.“Pasensya ka na. Hindi ko naman kasi akalain na magkakaroon ng magtityaga dito sa lalaking ito.” Natatawang sabi ni Anzenith.Magkaibigan daw ang dalawa simula high school pa. Magkaiba ang hilig kaya ng mag-college ay naghiwalay ng schoool na pinasukan. Pero hindi natigil ang kanilang komunikasyon at may mga pagkakataon na lumalabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan nila.Maganda si Anzenith. Mukhang mayaman at sopistikada. Sa paraan nila ng pagbibiruan ay nakakaramdam ako ng selos, pero syempre tinatanggal ko
ArianneNanggigigil na ako sa inis dahil 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin ang lintik na Victor Monteclaro na 'yon. Nagbubulungan na ang mga bisita at kitang-kita ko ang pagkakangisi ni Mikaela, ang half sister ko na siyang dapat nasa kalagayan ko ngayon. Talagang nililingon pa niya ako. Nakaupo siya sa hilera ng upuan ng aking ama at ng kanyang kabit na ina ng hitad. Hindi ko na lang siya pinaglaanan ng aking panahon at nag-concentrate na lang ako sa pag-ipon ng pasensya para sa aking groom na may palagay akong nanadya dahil ayaw din niyang magpakasal. Pakiramdam ko ay inuugat na ako sa pagtayo sa likod lang ng arkong dadaanan ko kapag nagsimula ng tumugtog ang wedding march.Ang aga-aga at araw ng kasal ko. Siguro, dahil malas ako sa pagkakaroon ng amang meron ako ngayon ay mukhang minalas din ako sa mapapangasawa. Konting konti na lang at talagang aalis na ako't bahala na sila sa buhay nila.Nang sa tingin ko ay sobra na ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong iwan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments