Share

Amira
Amira
Author: Lhiamaya

Chapter 1

Yñigo

"Fuck baby! Right there! Fuck! Ughh!" Malakas na ungol ni Debra habang hawak ko sya ng mahigpit sa kanyang balakang at binabayo ko sya mula sa likuran nya. Namumula na rin ang pisngi ng puwitan nya na may bakas ng palad ko. Gigil ko ulit itong pinalo na ikana hiyaw nya, hindi sa sakit kundi sa sarap.

Debra is my constant fuck buddy for almost a year and we are compatible in bed. Lahat ng hilig at gusto ng katawan namin ay naibibigay namin. She's wild in bed and that's what I like about her. Sya ang tinatawagan ko everytime I feel horny and wanna get laid.

Hinugot ko ang pagkalalaki ko at itinihaya sya. Isinampay ko ang dalawa nyang binti sa balikat ko at itinulak ko pa ang tuhod nya hanggang halos pumantay na sa mukha nya. Nakaangat ang kalahati nyang katawan at likod na lang at ulo nya ang nakahiga. Lust written on her face while she's smiling seductively to me. Tinutok ko sa basang basang bukana nya ang pagkalalaki ko at umulos ng sagad na ikinaungol nya. Ito naman ang gustong gusto nya eh, yung binibigla sya. Ngising demonyo ang binigay ko sa kanya at hinawakan ang likod ng hita nya saka sya binarurot ng bayo.

"That's it baby! Don't fucking stop! Fuck me harder! Ughh shit!"

"Like this huh? You want this?! You want me to fuck you hard and rough?!" I slammed my c*ck senselessly burying it deep inside of her wet cunt.

"Yes! Yes! Yes! Oh my fucckingg-- Yesss! Ahh!"

"Ughh so fucking good!"

After a few short minutes I came hard inside her p*ssy..

"Hanggang kelan ka naman sa San Agustin?" Tanong nya habang humihithit ng sigarilyo. Hubo't hubad pa rin syang prenteng nakasandal sa kama at hindi nag abalang takpan ang sarili.

"I don't know.." Pagkibit balikat ko habang sinusuot ang hinubad na pantalon.

Tumayo naman sya at lumapit sa akin sabay yakap sa aking likuran. "Hon, dito ka na lang sa Manila please.."

"I want to, but grandpa needs me there." Sabay buntong hininga ko at ang polo naman ang aking sinuot.

Nagmamaktol naman syang umupo sa upuan at padaskol na dinutdot ang upos ng sigarilyo sa ashtray. Napapa iling na lang ako sa inaakto nya. Ito ang isa sa pinaka ayaw ko sa kanya ang paninigarilyo. Ayaw ko naman syang sitahin dahil wala naman kaming relasyon at ayokong mag assume sya.

"San Agustin is too far naman kasi from here in Manila babe. Paano kapag nahorny ako, pupuntahan pa kita don?" Angal pa nya.

"No, just call any guy you want to fuck." Walang ganang sagot ko.

"What? Are you fucking serious?"

Tinaasan ko lang sya ng kilay. As if naman hindi nya alam na alam kong bukod sa akin ay may iba pa syang lalaki. Hindi naman big deal sa akin yun at wala akong pakialam.

"Yeah." Tipid kong sagot at pinulot ang coat na nasa lapag.

Lumapit sya akin at lumambitin sa batok ko. Nakakatigas ng pagkalalaki ang malambot nyang katawan, kung hindi lang ako nagmamadali ay baka magdamag kaming nagkakangkangan sa kama nya.

"Babe naman.."

"Debra, stop acting like this or else.." Pagbabanta ko sa kanya. Agad naman syang bumitaw at sumimangot. 

"I'm leaving, magkita na lang tayo pagbalik ko. Bye." Paalam ko sabay halik sa kanyang pisngi at dire diretso nang lumabas sa pinto ng condo unit nya..

Tiningnan ko ang oras sa suot na silver wrist watch, alas onse kinse pa lang ng gabi. Dinampot ko ang cellphone kong nag iingay na nakalapag sa passenger seat. 

"Hello."

["Sir nandito na po ang helicopter na maghahatid sa inyo sa San Agustin."]

"Alright. I'll be there in ten minutes." Sabay patay ko ng cellphone at binalik sa passenger seat..

Pasado alas dose ng hating gabi ay nakalapag na ang sinasakyan kong helicopter sa malawak na berdeng bakuran ng Hacienda Alejos. Puno ng kadiliman ang paligid at ang mga ilaw lang sa mansion ang tanging nagbibigay ng liwanag.

Humahangos naman na sumalubong sa akin ang mayordoma at ilang kasambahay. Mukhang naalimpungatan sila sa ingay ng chopper.

"Magandang gabi señorito at maligayang pagbabalik sa hacienda." Masayang bati ni Manang Esme ganun din ng ilang kasambahay. Mukhang lahat sila ay masaya na muli akong makita. Halos sampung taon na rin kasi akong hindi umuuwi dito. Simula kasi ng mamatay ang papa at mama sa isang plane crash sampung taon na rin ang nakakaraan ay ako na ang namahala ng kumpanyang ilang dekada ng tinatag ng pamilya.

"Kamusta na ho kayo Manang Esme?" Tanong ko sa mayordomang mahigit dalawang dekada nang tapat na naninilbihan sa aming pamilya. Asawa rin nya ang katiwala namin sa mga taniman sa hacienda.

"Mabuti naman señorito, pero ito tumatanda na." Binuntutan pa nya ito ng mahinhing tawa. Bakas pa rin ang gandang taglay ng mayordoma sa lumipas na panahon.

"Maganda pa rin naman ho kayo Manang Esme."

"Naku nambola pa kayo señorito. Eh kayo ho ba ay may asawa na? Ilang taon na rin kaming walang balita sa'yo maliban na lang sa abala kayo sa inyong kumpanya."

"Wala pa ho, at wala pang balak." Natatawang sabi ko.

"Aba'y bakit naman? Sa ganda nyong lalaki na yan dapat may anak na kayo para may magpatuloy ng maganda nyong lahi."

"Hayaan nyo ho kapag may natipuhan akong babae aanakan ko agad." Biro ko sa mayordoma.

Laglag ang pangang nakatingin sya sa akin na tila may lumabas na salitang galing ibang planeta muli sa aking bibig. "Grabe naman kayo señorito. Aanakan agad aba'y pakasalan nyo muna."

"Nagbibiro lang ho ako Aling Esme." Natatawang sabi ko sa reaksyon nya. "Si lolo ho ba tulog na?" Pag iiba ko ng usapan.

"Naku, ayaw pang matulog ng Señor at hinihintay kayo. Ay teka, kumain na ba kayo?"

"Tapos na ho Aling Esme. Akyatin ko lang si lolo maiwan ko ho muna kayo." Paalam ko at tinahak na ang grand staircase.

"Kung may kailangan kayo pakikatok na lang ang maids quarter." Pahabol ng mayordoma.

"Sige ho."

Binuksan ko ang master bedroom at nakita ang abuelong gising na gising pa na may hawak na photo album, sa tabi nito ay ang makapal na bibliya.

"Lo." Tawag ko sa kanya at marahang sinarado ang pinto.

Nag angat naman sya ng tingin mula sa tinitingnan na photo album. Malamang ang mga picture na naman ng yumao kong lola at papa ang tinitingnan nya. Inayos nya ang suot na salamin para makita akong mabuti. Ngumiti sya sa akin.

"Yñigo apo." Masiglang bati nya.

Ngumiti naman ako at umupo sa upuang nasa gilid ng kama nya. Arsenio Alejos ang ama ng Hacienda Alejos. Bakas na ang katandaan sa mukha nya. Ginupo na rin ng mga karamdaman ang dating makisig na pangangatawan.

"Bakit gising pa kayo lo? Namimiss nyo na naman ba si lola at si Papa?"

Isang taon lang pagkatapos mamatay ng mga magulang ko ay sumunod din ang lola ko. Hindi nito nakayanan ang pagkawala ng panganay at nag iisang anak na lalaki. Naging isang malaking dagok ito sa pamilya. Mag isa na lang nyang tinataguyod ang hacienda na dati ay mag katuwang sila ni lola. Ang dalawang anak naman nya na babae na mga tita ko ay hindi gusto ang buhay probinsya at hindi interesadong patakbuhin ang hacienda. Ang Papa ko lang ang nagkainteres kaya lang sa kasamaang palad ay maaga itong nasawi. Kaya ngayon ay inaatang nya sa balikat ko ang responsibilidad na hindi ko naman kayang tanggihan lalo na at may malaking problema sa hacienda at hindi na nya kayang tutukan ito dahil na rin sa dalas na pagsumpong ng sakit nya.

"Alam mo naman na ito lang ang pampaantok ko." At muli nyang binalik ang mga mata sa mga larawan.

Nakangiti na lang akong pinagmamasdan sya. Bakas pa rin sa mga mata nya ang pangungulila at pagmamahal sa asawa at anak.

"Wala ka pa bang ipapakilala sa akin apo?" Tanong nya at muling nag angat ng tingin sa akin na may munting ngiti sa labi.

Kumamot ako sa batok. "Wala pa ho lo."

"Aba'y anong balak mo? Magpakatandang binata? Mag tre-trenta y quatro anyos ka na, hindi ka na bumabata apo. Bago man lang ako mawala sa mundong ito ay gusto kong masilayan ang magiging apo ko sa tuhod sa'yo."

"Hayaan nyo ho lo, baka hindi matapos ang taon na to mabigyan ko na kayo ng apo sa tuhod." Tanging nasabi ko na lang.

Ngumisi naman sya at umiling iling. "Manang mana ka talaga sa ama mo."

Napahimas na lang ako sa panga at natawa na rin.

"Sige na apo, magpahinga ka na. Galing ka pang Maynila at alam kong pagod ka. Bukas na lang natin pag usapan ang tungkol sa hacienda."

Tumango ako sabay tayo at lapit sa kanya. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo. "Good night lo.."

***

"Magandang umaga señorito. Mag almusal muna kayo. Nasa labas na rin ang mga magsasaka at ang señor." Bati ni Manang Esme na aligaga sa kusina kasama ang mga kasambahay. Mukhang gumagawa sila ng meryenda para sa mga magsasaka.

"Mamaya na lang ho Manang Esme haharapin ko muna sila." Sabi ko at kinuha na lang ang mainit na kapeng bagong timpla. Alam kong kanina pa nasa labas ang mga magsasaka dahil maagang nagpatawag ng meeting si lolo.

"Kayo ho ang bahala."

Tumango na lang ako at lumabas ng komedor. Agad namang tumayo sa pagkakaupo ang katiwala namin at nagliwanag ang mukha ng makita ako. Nginitian ko sya.

"Magandang umaga señorito! Aba'y lalo kayong gumandang lalaki." Masiglang bati ng matandang katiwala na si Mang Carlitos na asawa ni Manang Esme.

"Magandang umaga rin ho Mang Carlitos." Balik bati ko at tinapik sya sa balikat.

"Masaya ho kami na narito na kayo, mapapanatag na kami."

Tumango tango ako at sumimsim ng kape. "Nakapag almusal na ho ba kayo?"

"Kanina pa bago ako pumarito. Nasa labas na ang lahat pati si Señor."

Sabay na kaming lumabas sa malawak na porch ng mansion kung saan nagtipon tipon ang lahat ng magsasaka ng hacienda. Agad silang nagsipag tayuan sa kanilang mga upuan at binati ako.

"Magandang umaga ho señorito!" Sabay sabay na masayang bati nilang lahat.

"Magandang umaga din ho sa inyo." Nakangiting bati ko sa kanila. "Magsi upo na ho kayo."

Lumapit namin sa akin si lolo na inalalayan ng kanyang sekretarya. "Apo, sinabihan ko na sila tungkol sa pamamahala mo sa hacienda at lahat naman sila ay pabor."

Tumango naman ako at hinawakan ang kanyang braso para alalayang humakbang sa balitang. "Mabuti naman ho kung ganon."

"Ako'y papasok na sa loob, ikaw na at si Carlitos ang bahala dito." Paalam nya sabay tapik sa balikat ko. Tinanguan ko na lang sya at hinarap ang mga magsasaka.

Sa aming pagpupulong ay nalaman ko ang madalas na problemang kinakaharap ng mga magsasaka kagaya ng madalas na nasusunugan ang ibang parte ng taniman. Akala nila nung una ay aksidente lang pero napapadalas na ito at parang sinasadya na. Napapadalas na rin ang nakawan ng mga tubo at saging. Ang hinala ng lahat ay may nakapasok na tao galing kabilang hacienda at balak manabotahe.

Ang Hacienda Nobrales ang katabing hacienda ng Hacienda Alejos at mortal na kompetitor ng hacienda. Parehas kasing pagtatanim ng tubo ang pinagkakakitaan ng parehong hacienda. Mas malaki nga lang ang sakop ng Hacienda Alejos sa San Agustin, halos sampung barangay ang sakop nito. Hindi lang sa pagtatanim ng tubo ito kumikita kundi pati na rin sa pagtatanim ng saging na ini-export pa sa ibang bansa.

"Señorito mauuna na kami." Paalam ni Mang Carlitos.

"Sige ho, mag ingat kayo."

Hinatid ko na lang sila ng tingin. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob.

"Sir, tumawag ho ang sekretarya ng Mayor. Gusto daw ho kayong makausap ng personal ng Mayor." Imporma ng sekretarya ni lolo.

Tumango ako sa kanya. "Sige Alfred, i-set mo ko ng meeting sa kanya."

Dumiretso ako sa library kung nasaan ang office ni lolo. Mukhang magtatagal pa ako sa hacienda..

*****

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
naku Yñigo, ang landi mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status