YÑIGO"YES EDWARD, ikaw na ang bahala dyan. I'll call you later when I get home." Sabi ko sa pinsan ko sa kabilang linya at tinapos na ang tawag. Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard. Galing ako sa kabilang bayan at pauwi na sa mansion. Palubog na ang araw. Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay may natanaw ako sa harapan ng sasakyan na dalawang taong pamilyar sa akin sa gilid ng kalsada. Para silang nag uusap ng seryoso. Nang makalapit pa ako ng husto ay nakilala ko sila. Si Mang Carlitos at Amira pala. Napangiti ako at inihinto ang sasakyan sa tapat nila. Agad naman akong napansin ni Mang Carlitos dahil ngumiti ito. "Mang Carlitos, Amira. Pauwi na kayo? Sumabay na kayo sa akin." Alok ko sa kanila. Matipid naman na ngumiti si Mang Carlitos habang si Amira ay tumalikod at nag pupunas ng mukha. Umiiyak ba sya? Anong nangyari? Nag away ba silang mag ama? Bigla akong nakaramdam ng pag alala kay Amira. "Hindi na señorito, nakakahiya naman. Sasakay naman kami ni Amira. Nag a
ALEJOS MANSION.."KUHH! NAKAKAGIGIL talaga yang bwisita ni señorito. Apaka feeling! Bisita lang feeling amo na. At gusto pa señorita din ang itawag sa kanya. Asa sya!" Gigil na sabi ng kasambahay na si Mona ng makapasok sa kusina bitbit ang tray na may lamang pagkain na hindi kinain ng bisita. "Psst! Bibig mo Mona. Marinig ka ni señorito na nagsasalita ng ganyan sa bisita nya pagalitan ka nun." Saway ni Manang Flor sa nakabunsangot na kasambahay. Galing kasi ito sa kwarto ng bisita ng señorito para kunin ang pinagkainan pero hindi naman kinain ang pagkain. "Naku Manang Flor, kahit si señorito mukhang banas din sa kaartehan ng bwisita nya. Nagtitimpi lang." Nakangusong dagdag pa ni Mona habang sinasamsam ang mga pagkain sa tray. Ipapakain na lang nya ang mga ito sa alagang aso sa labas. "Kahit na, bisita pa rin yun." Ani Manang Lita na gumagawa ng vegetable salad para kay señorito. Hindi na sumagot si Mona at lalo lang nanghaba ang nguso. Inis pa rin sya sa bisita ng amo dahil sa k
AMIRA"SUZETTE.." HALOS pabulong kong sambit sa pangalan nya. Lumapat ang mata ko sa kamay nyang nakahawak sa braso ni Alvin. Napalunok ako. Napansin namin ni Alvin ang tingin ko kaya binaklas nya agad ang kamay ni Suzette at dumistansya. Napasimangot naman si Suzette."Babe.." Tawag nya sa akin at lumapit. "Imbitado rin pala kayo?" Dugtong pa ni Suzette sa nang uuyam na tinig at nakataas ang kanyang kilay. "Of course! Taga Hacienda Alejos kaya kami. At isa kami sa importantanteng bisita." Taas noong sabat ni Tonio sa tabi ko. Ngumisi naman si Suzette. "Grabe no, ang bait talaga ng mga Alejos, pati mga.. insekto imbitado. Ay! Ano ba yan! Dapat nag i-spray sila ng insecticide." Aniya na kunwari pang may binubugaw sa ere. "Oo naman, mababait talaga ang mga Alejos. Pati nga ilusyunadang hindi naman kagandahan na palaka imbitado din eh." Sabat muli ni Tonio at humalukipkip pa sabay taas ng kilay sa kaharap. "Aba't! Anong sabi mo? Sinong palaka -- ""Suzette! Enough!" Sikmat ni Alvin
AMIRA "SINASABI KO na nga ba eh." Sabay kaming natigilan ni Alvin sa pagtawa ng sumulpot sa aming harapan si Suzette na nakasimangot at masama ang tingin sa akin. "Suzette, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alvin na humigpit ang hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Mukha syang tense at napapalunok pa. "Hinahanap ka. Ang tagal mo kasing bumalik sa mesa. Ang sabi mo magsicr ka lang. Yun pala nakipaglandian ka lang kay Amira." Mataray na sabi ni Suzette. "So what kung makipaglandian ako kay Amira. She's my girlfriend and soon to be my wife." Sagot ni Alvin at hinapit pa ako sa bewang. Naginit naman ang pisngi ko. Parang may nagpipyesta sa loob ko dahil sa sinabi nya. Pero si Suzette ay tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha. Mas tumalim pa ang tingin nya sa akin. Kinagat ko naman ang labi para pigilan ang ngiti. Baka lalo lang kasi syang maasar. May pagka war freak pa naman sya. "Hinahanap ka na kasi ni tita Melissa at tito Henry. Kaya bumalik ka na roon kung ay
AMIRA"O AMIRA anak, bakit ganyan na ang itsura mo?" Bungad ni itay ng mapansing iba na ng suot kong damit pagbukas nya ng pinto. Mukhang tulog na si inay dahil hindi ko makita.Akmang magsasalita si Tonio ng hawakan ko sya sa braso."Ah, natapunan po kasi ako ng ulam itay. Namantsahan po yung damit ko kaya pinahiram na lang ako nila manang Flor ng damit." Sabi ko at tipid na ngumiti. Ayokong malaman ni itay ang nangyari. Pero alam ko namang malalaman at malalaman din nya. Pero wag muna ngayon dahil siguradong marami syang tanong at magagalit. Pagod na ako at gusto ko ng makapagpahinga. "Ganun ba. Eh bakit kasi hindi ka nag iingat anak. Nasaktan ka ba?" Nagaalalang tanong ni itay. Umiling naman ako. "Hindi po tay. Heto nga po pala pinauwian kayo ni señorito Yñigo ng pagkain." Sabay abot ko ng eco bag. Dahil natapon ang unang pinauwi nila manang Flor ay pinalitan naman nila ito ng bago. "Kuh, si señorito talaga kahit kailan hindi nakakalimot sa amin ni inay mo." Nakangiting kinuha
AMIRA"AMIRA! ANONG nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak anak?" Nagaalalang lumapit sa akin si inay ng makita ang luhaan kong mukha pagpasok ko ng bahay. Pinunasan nya ng kanyang kamay ang pisngi ko. Hindi naman ako makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Nang pumasok si itay ay ito naman ang binalingan ni inay. "Carlitos, bakit umiiyak ang anak mo?" Narinig ko namang humugot ng malalim na hininga si itay. "Yang anak mo, nakikipag relasyon sa anak ng Hermano na yun!" Mataas na boses na sabi ni itay. Tila hindi makapaniwalang muli akong tiningnan ni inay. "Anak, totoo ba yun?" Hindi ako umimik bagkus ay humikbi na lang. "Sabihin mo ang totoo sa inay mo Amira." Matigas na turan ni itay na nakapamewang pa. Hindi pa rin nabubura ang dilim sa kanyang mukha. Dahan dahan naman akong tumango at kumagat labi sabay yuko. Narinig ko namang bumuntong hininga si inay. "Bakit hindi mo sinabi sa amin anak?" "D-Dahil tutol po kayo sa aming dalawa ni Alvin -- " "Alam mo naman palan
YÑIGONAG ANGAT ako ng tingin sa tatlong pulis at napakunot noo. "Sigurado ba kayo?" Tanong ko sa kanila. "Yes sir, malakas po ang nakalap naming ebidensya sa taong yan at ilang araw ko na rin pong pinasusundan at nakumpirma po ang hinala namin na sya ang espiya dito sa hacienda nyo. Dalawang beses na rin po syang nakitang nakikipag kita sa dalawang lalaki sa hangganan ng hacienda. Yung dalawang lalaki po na yun ay tauhan ni Don Abel Nobrales." Imporma ni SPO1 Jamil ang pinakamatanda sa tatlong pulis na syang naatasan ni ninong Rodolfo sa pagiimbestiga ukol sa pamamaril dito sa hacienda kamakailan. Napatiim bagang ako at mariing naikuyom ang kamao. "Sya lang ba mag isa? Wala na syang ibang kasabwat dito sa hacienda?" Paninigurado ko. "May iba pa kaming pinasusundan sir gaya ng katiwala nyong si Mang Carlitos." Sagot ni SPO1 Jamil. Napakunot ang noo ko. "Pinaghihinalaan nyo rin sya?" Kung may isang tao man akong huling paghihinalaan sa mga magsasaka ng hacienda yun ay si Mang Car
AMIRA"UMIYAK KA ba?" Napalunok ako at napakurap kasabay ng muling pagpatak ng aking luha. Agad ko naman itong pinunasan at akmang ilalayo ang mukha sa kanya ngunit sinapo nya ito ng dalawang malaki nyang kamay. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong nya habang pinapalis ng kanyang daliri ang mga luha kong sunod sunod na muling pumatak. Ang puso ko masakit na masakit. Gusto kong isagot sa kanya. Nakakapagod nang umiyak. Masakit na ang mata ko. Pero sa tuwing naalala ko ang kataksilan ni Alvin kanina ay parang sinasaksak ng punyal ang puso ko. Kasabay ng muling pagbalong ng aking luha ay kumawala ang mga munting hikbi. "Amira, bakit ka ba umiiyak? Sabihin mo sa akin?" Mahinahon nang tanong ni señorito Yñigo pero bakas pa rin ang pag alala sa kanyang mukha. Umiling iling lang ako. Kinabig naman nya ako niyakap. Sumubsob na lang ako sa kanyang dibdib at doon umiyak. Akala ko naiyak ko na lahat ng sakit at sama ng loob ko kanina kasabay ng ulan.