Amira
"AMIRA ANAK, bakit hindi ka pa nag aasikaso. Mamaya darating na ang señorito para sunduin ka." Sabi ni itay na pailalim akong tiningnan sa likod ng salamin nya habang may hawak na dyaryo.Linggo ngayon kaya wala sya sa bukid. Kagagaling lang din namin ng simbahan sa kabilang baranggay. Si inay naman ay dumiretso ng palengke."Opo tay, mag aasikaso na." Sabi ko na lang sabay patay sa cellphone na hawak ko at tumayo na para tumungo sa aking kwarto.At talagang nagpaalam nga si señorito kay itay. Pagdating pa lang ni itay kahapon sa bahay ay sinabihan na nya ako. Hindi naman ako maka hindi dahil siguradong marami syang tanong sa akin hanggang sa mapapayag ako.Lulugo lugong kumuha ako ng damit na maisusuot. Isang dress na bulaklakin na kulay sky blue na hanggang tuhod ang kinuha ko sa hangeran ng aking closet na kahoy. Paparisan ko na lang ito ng isang summer sandals na niregalo ni inay noong huling birthday ko. Hinugot ko ang tuwalyang nakasampay sa hanger na nakasabit sa likod ng pinto. Lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa banyo.Habang nasa banyo ako at nagsasabon ay may naulinigan akong nag uusap sa sala. Napatigil ako sa pagkuskos at nakinig."Amira! Bilisan mo na dyan, nandito na si señorito!" Sabi ni itay sa likod ng pinto ng banyo."Ayos lang ho Mang Carlitos, hindi naman ako nagmamadali." Dinig ko ang malaking boses na sabi ni señorito Yñigo.Napayakap naman ako sa sarili ko at naginit ang pisngi. Tila ba humagod sa balat ko ang malaki nyang boses.Nandito na agad sya? Ang aga naman!Minadali ko na ang pagsabon sa katawan at sinabay ko na ang pag shampoo. Sa banyo na rin ako ang nagbihis at nakakahiya naman kung lalabas akong nakatapis.Lumabas na ako ng banyo na nakabalumbon ang tuwalya sa buhok ko. Madadaanan ko ang sala bago makapunta ng kwarto ko. Naabutan ko si señorito na nakaupo sa kawayan naming sofa at nakatungkod ang dalawang siko nya sa tuhod. Nag angat sya ng tingin at umawang ang kanyang bibig ng makita ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod ng kanyang mga mata sa aking kabuuan. Lumunok pa sya ng magtagal ang kanyang mga mata sa aking mga binti. Nagtayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan."M-Magandang umaga po señorito, ahm magbibihis lang po ako." Sabi ko at dali daling tumungo sa kwarto ko. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Bakit ba ganun sya makatingin sakin?Humugot ako ng malalim na hininga at nagmadali na. Naglagay lang ako ng lotion at nagsuklay. Hindi na ako nag abalang mag blower ng buhok dahil baka matagalan pa at kulitin na naman ako ni itay. Nag pahid lang din ako ng kaunting liptint. Dala ang aking sling bag ay nilagay ko ang cellphone ko at wallet sa loob. Sinuot ko na ang summer sandals at lumabas.Kausap ni itay si señorito. Mukhang nag uusap sila tungkol sa mga pananim. Tumikhim ako. Lumingon naman silang dalawa sa akin. Agad na tumayo si señorito."Ako na lang mag sasabi sa inay mo na umalis ka na kasama si señorito. O, ikaw na ang bahala kay señorito ha." Bilin pa ni itay sa akin. Tumango na lang ako."Ako na hong bahala kay Amira Mang Carlitos." Sabi naman ni señorito Yñigo."O sige, mag ingat kayo sa byahe."Hinatid pa kami ni itay sa labas. Pinagbuksan ako ni señorito Yñigo ng pinto at inalalayang makaupo. Kinabit ko naman agad ang seatbelt at baka makalimutan ko pa. Nataranta naman ako ng lumundo ang sasakyan senyales na sumakay na sya kaya hindi ko maikabit kabit ang seatbelt. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto."Ayos ka na?" Untag nya sa akin.Nag angat ako ng tingin sa kanya. Sakto namang naikabit ko na ang seatbelt. Hay salamat!. Umayos na ako ng upo."Opo." Tipid kong sagot."Okay, let's go." Sabi nya at binuhay na ang makina. Bumusina pa sya ng isang beses para ipaalam kay itay na aalis na kami. Kumaway naman si itay sa amin.Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan. Naamoy ko na naman ang pabango nya. Ang gwapo nya rin sa suot nyang gray na v-neck shirt na humahakab sa malapad nyang dibdib at mga braso. Ang faded jeans naman na kanyang pangbaba ay humahapit din sa kanyang mahahaba at mamasel na hita na pinaresan ng brown combat shoes. Pati paa nya malaki.Nag init naman ang pisngi ko sa ginawa kong panunuri sa kanya. Gwapo rin naman si Alvin ah, malaki din ang pangangatawan at matangkad. Hindi nga lang kagaya ng kay señorito na ang katawan ay parang bato bato. Ang alam ko nasa mahigit trenta na ang edad nya. Sa edad nya na ito dapat may asawa na sya, pero wala naman kaming nabalitaan. Baka girlfriend siguro meron. Imposible namang wala, sa itsura ba naman nya ay siguradong hinahabol habol sya ng mga babae sa Maynila.Ay! Bakit ko ba sya iniisip? Dapat si Alvin ang isipin ko. Ipinilig ko ang ulo."Ayos ka lang?" Tanong nya at lumingon sa akin. Ayun na naman ang mga mata nyang parang kayang basahin ang isipan ko.Tumango ako. "Opo."Ngumiti naman sya. "Ang tipid mo namang sumagot."Eh ano bang dapat kong isagot na mahaba? Ngalingaling sabihin ko. Napakagat labi na lang ako."Naalala ko dati nung maliit ka pa, ang daldal mo. Lagi mo nga akong kinukulit noon eh." Pasulyap sulyap pa sya sa akin habang nagsasalita. "Tapos tuwang tuwa ka kapag umuuwi ako galing Maynila.""Dati pa po yun, nung maliit pa ako." Di ko mapigilang sabihin. Kapag naalala ko kasi ang kakulitan ko nung maliit ako at katakawan sa chocolate, nahihiya at natatawa na lang ako. Yun yung mga panahon na wala pa akong muwang sa mundo."Eh ngayon ba? Iba ka na?" Tanong pa nya."Malaki na po ako ngayon, hindi na ako kagaya nung maliit pa." Sabi ko.Tumango tango naman sya at tinapik tapik pa ang mga daliri sa manibela."Yeah.. ibang iba ka na nga ngayon." Sambit nya na nasa kalsada ang mga mata.Muling namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nang makalabas na kami ng hacienda ay nagtanong na sya kung saan kami unang pupunta. Inisa isa ko muna sa kanya ang pwedeng pasyalan sa bayan. Wala naman gaanong mapapasyalan sa bayan. Ang pinaka main attraction kasi ng bayan ng San Agustin ay ang mismong hacienda Alejos na malaking taniman ng tubo at saging. Ito ang pinaka pinupuntahan ng mga turista sa San Agustin. Kaya sinabi ko na lang sa kanya na sa kabilang bayan na lang kami pumunta. Sumang ayon naman sya.Una naming pinuntahan ang maliit na manmade terraces na sikat na sikat sa bayan na to. Marami rami ring mga tao ang nagpapakuha ng litrato ang naabutan namin. Syempre hindi rin ako nagpahuli. Tutal naman acting tourist guide nya ako sa araw na to kaya sasamantalahin ko na. Kagaya ko ay kumukuha din sya ng litrato gamit ang mamahalin nyang cellphone.Hay.. Sana kasama ko si Alvin. Yung unang date kasi namin bilang magnobyo at nobya ay sa kabilang bayan naman. Natatakot kasi akong may makakita sa amin kung sa bayan namin kami magdate. Marami pa namang mga mosang doon na kakilala ni itay.Nag selfie ako para mailagay sa story. Siguradong makikita to ni Alvin at pupusuan nya. Nakailang selfie din ako dahil hindi ako kuntento sa unang selfie na kuha. Habang busy ako sa kakalikot ng cellphone ay may narinig naman akong mahinang click ng camera. Nag angat ako ng tingin. Nakatutok sa akin ang cellphone ni señorito Yñigo sabay click. Naginit naman ang pisngi ko at nagbaba ng tingin. Medyo gumilid pa ako dahil baka nakaharang ako sa kinukunan nya."Beautiful.." Aniya sabay ngiti sa akin at tinutok na sa ibang direksyon ang cellphone.Nagkibit balikat na lang ako at naging busy na lang din sa sariling picture taking.Pumunta pa kami sa ilang mga tourist spot sa bayan na ito. At bawat pinupuntahan namin ay kanya kanya kaming kuha ng litrato. May mangilan ngilan ding turista ang nagpapicture sa kanya at karamihan mga babae at game naman sya. Takaw pansin naman kasi ito at naiiba sa mga turistang nakakasalamuha namin. Iba talaga kapag biniyayaan ka ng lahat."Miss, pwedeng magpa picture?" Tanong ng isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa akin. Malawak ang ngiti nya sa labi habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko."Ah sure!" Sagot ko.Picture lang naman. Walang problema.Dumikit sa akin ng kaunti ang lalaki at tinutok ang front camera ng cellphone. Hindi pa naman naki-click ng lalaki ay may humatak na sa kamay ko."Let's go Amira! Marami pa tayong pupuntahan." Sabi ni señorito Yñigo na syang humatak sa kamay ko. Hila hila nya ako patungo sa sasakyan."Señorito teka lang!" Nilingon ko ang pobreng lalaking kakamot kamot na lang sa ulo habang nakatingin sa akin.Napasimangot na lang ako habang nakatingin sa likod ni señorito Yñigo. Pero agad na naginit ang pisngi ko ng mapagtantong hawak nya ang kamay ko. Malaki ang kamay nya at maugat. Mainit din at medyo magaspang. Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak nya pero hinigpitan pa nya ang hawak. Napakagat labi na lang ako..NANG SUMAPIT na ang tanghalian ay kumain muna kami sa kilalang kainan dito na puro seafoods ang nasa menu. Puro seafoods ang laman ng lamesa namin. Sobrang sarap lang dahil fresh ng niluto ang mga ito. Nakakagana pa kumain dahil nakakamay lang kami na may gloves na plastic. Medyo hirap nga lang ako sa pagbabalat ng malalaking hipon. At mukhang napansin naman ni señorito Yñigo dahil kinuha nya ang pobreng hipon sa plato ko at ekspertong binalatan saka binalik muli sa plato ko. Naginit na naman ang pisngi ko."Salamat po." Usal ko at nilantakan na ang hipon.Ngumiti naman sya at pinagpatuloy na ang naudlot na pagkain. Nakakahiya nga lang dahil sya na ang nagbabalat ng hipon para sa akin at nagbubukas ng shell ng alimango. Kahit anong awat ko ay ayaw naman nyang magpapigil. Naaalala ko bigla noong maliit pa ako. Ganito sya kabait noon sa akin eh. Wag lang syang gagalitin dahil para syang leon."Gusto mo pa? Mag o-order pa ko." Alok pa nya sa akin ng maubos na namin ang mga seafoods na in-order namin.Nahihiyang ngumiti naman ako at umiling. "Busog na po ako señorito. Baka hindi na ako makalakad sa kabusugan." Sabi ko at kinuha ang basong may malamig na tubig at uminom.Tumawa lang sya at tinawag na ang waiter para hingin ang bill. Medyo malaki laki din ang binayaran nya. Lalo tuloy akong nahiya.Ang last spot namin ay ang eco park. Dito muna kami tumambay bago umuwi. Mag a-alas singko na rin kasi ng hapon. Marami rin ang naglalakad sa eco park kasama ang buong pamilya at barkada. Perfect place kasi ito para sa mga pamilya na gustong magbonding. Noong maliit pa ako dito kami madalas nagpupunta noon nila itay at inay. Nagpupunta pa rin naman kami dito pero madalang na lang dahil sa pagiging abala.Kami naman ni señorito Yñigo ay nagkukwentuhan lang habang naglalakad lakad. Madami syang tanong na sinasagot ko naman. Minsan personal na ang tanong nya. Matipid naman ang nga sagot ko."Wait, wala pa pala tayong picture na dalawa." Sabi ni señorito Yñigo at hinugot ang cellphone sa bulsa. Naalarma naman ako ng tumabi sya sa akin at tinutok ang front camera sa harapan namin. Napaigtad pa ako ng dumantay ang malaki nyang kamay sa braso ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Pigil pigil ko naman ang hininga ko."Smile at the camera Amira." Aniya sa paos na boses. Ngumiti naman ako sa camera.Ilang shots pa ang ginawa nya bago makuntento. Pinakita pa nya sa akin ang mga kuha namin. Infairness ang gwapo talaga nya kahit sa pictures. Parang nakakahiyang dumukit. Na curious tuloy ako kung ano ang gagawin nya sa mga pictures namin..Habang nasa gitna kami ng byahe pauwi nag open ako ng social media. Nag upload ako ng ilang mga pictures. Tsinek ko na rin ang inbox ko. May ilang nag chat gaya ni Tonio pero hindi ko muna ito binuksan at chat ni Alvin ang binuksan ko.Alvin: Ang ganda mo sa story mo babe.Napangiti naman ako sa chinat nya. Kagat labing nireplyan ko sya.Ako: Maliit na bagay po.Pagka send ko ay sakto namang nag active sya at sineen ang chat ko. Tinitingnan ko ang tatlong tuldok na tumatalon habang hinihintay ang reply nya.Alvin: Miss na kita babe :(Kinilig naman ako sa reply nya.Ako: Suus! Parang dalawang araw lang tayong hindi nagkita miss mo na agad ako.Send.Alvin: Yun na nga eh. Dalawang araw pa lang kitang hindi nakikita sobrang miss na kita :(Ako: Lunes na bukas kaya magkikita na ulit tayo. Sobrang miss na rin kita.Nangingiting reply ko."Mukhang masaya ka sa ka chat mo ah. Sino yan?"Lumingon ako kay señorito Yñigo na nakatingin sa akin at sa hawak kong cellphone. Bigla naman akong kinabahan. Kanina pa kaya nya ako tinitingnan? Baka binabasa nya ang convo namin ni Alvin."Ah, si ano.. kaibigan ko." Sabi ko sabay kagat labi.Hindi ko pwedeng sabihin na boyfriend ko. Baka sabihin nya kay itay patay ako."Talaga? Mukhang tuwang tuwa ka sa kanya ah? Lalaki?" Nakangiting sunod sunod na tanong nya. Pero may kakaibang kislap naman ang mata nya.Tumaas naman ang kilay ko. May pagka tsismoso din pala itong si señorito."Ah, b-bakla po. Mahilig po kasi syang mag chat ng nakakatawa at mag send ng memes." Tanging nasabi ko. May kaibigan naman talaga akong bakla at Tonio ang pangalan."Anong pangalan?" Usisa pa nya.Lihim naman akong napaingos. Pati ba naman yun gustong alamin."Antonio po ang pangalan." Sagot ko na lang.Tumawa naman sya na ikinalingon ko."Ano pong nakakatawa?" Maang kong tanong.Ngumisi naman sya. "Wala. Sige na ituloy mo na lang yan." Aniya at tinutok na ang mata sa daan. Ngunit hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pag igting ng panga nya.Hindi ko na lang yun binigyan ng pansin at binalik na lang ang atensyon sa cellphone.May reply si Alvin.Alvin: Babe, sino yung lalaki sa likod mo?Tanong nya sa chat at may sinend na picture na galing sa pinost ko kanina. Yung selfie ko na nakuhanan pala si señorito Yñigo na nakatingin sa akin. Hindi ko napansin nakasama yun sa in upload ko kanina.Kinabahan ako at napakagat labi. May pagkaseloso din kasi si Alvin.warning 🔞 AlvinPrente akong nakaupo sa couch at nakabuka ang dalawa kong hita habang nasa gitna ang ulo ni Suzette at pinagpapala ng kanyang bibig at kamay ang pagkalalaki ko. Magaling talaga sya sa ganitong bagay. Expert na expert.Napaungol ako ng isagad pa nya sa lalamunan nya ang pagkalalaki ko. Ang init! Ang sarap!Hinawakan ko ang ulo nya at diniin pa lalo sabay ulos. Tumingin pa sya sa akin. Punong puno ng libog ang mga mata nyang naluluha na. Nginisihan ko lang sya. Ito naman ang gusto nya eh kaya lagi nya akong hinahabol habol kahit may girlfriend na ako. Ng makita kong nabubulunan na sya ay binitawan ko na ang ulo nya. Niluwa nya ang pagkalalaki kong matigas na matigas pa rin at nababalutan ng laway nya. Habol nya ang hininga at tumutulo ang laway sa gilid ng bibig nya."Ano kaya pa?" Nakangising tanong ko.Malandi syang ngumiti sa akin. "Of course! Di ako weak gaya ng syota mong jologs" Nakangisi ding sabi nya at kumagat labi. Hinawakan nya ang pagkalalaki ko at tinaas baba.Tumalim ang tingin ko sa kanya at sinabunutan sya. "Wag mo syang idadamay dito. Magfocus ka na lang dyan slut!" Asik ko sa kanya sabay bitaw sa buhok nya.Ayokong sinasabihan nya ng kung ano ano si Amira. Pasalamat nga sya at pinagbibigyan ko sya sa gusto nya dahil takot din akong sabihin nya kay amira ang mga palihim na ginagawa namin. Dahil oras na malaman ni Amira ay tapos na kami. Ayokong mangyari yun. Mahal na mahal ko si Amira. Sya lang ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay wala ng iba. Anuman ang ginagawa namin ni Suzette ay panandaliang kaligayahan lang. Pero oras na ikasal kami ni Amira ay ididispatsa ko na sya.Ngumisi si Suzette at tumayo. Hinawakan nya ang dulo ng damit at nang aakit na hinubad. Sunod nang hinubad ang bra nya. Tumambad sa akin ang malusog nyang maputing dibdib. Sunod naman nyang hinubad ang maiksing maong na shorts nya kasabay ang pulang thong na panty nya at hinagis sa kung saan. Mapang akit syang tumingin sa akin at kumagat labi. Hinaplos nya ang sariling katawan. Dumako ang dalawa nyang kamay sa dalawa nyang malulusog na dibdib at piniga piga pa ito. Nilaro laro pa ng daliri nya ang kanyang u***g sabay halinghing na tila sarap na sarap.Napalunok naman ako at napadila. Sino bang lalaki ang hindi matutukso sa ganitong kasarap na tukso. Lalo na at si Suzette ito na sikat na sikat sa university at habulin ng mga lalaki. Pero ako lang ang tanging hinahabol nya at handang gawin ang lahat para sa akin.I'm sorry Amira babe kung nagkasala man ako sa'yo ng di mo alam. Pero pangako oras na ikasal na tayo. Aalisin ko na sa buhay ko sa buhay nating dalawa si Suzette.Tumayo ako at hinubad ang sando ko. Sumampa naman si Suzette sa kama ko at bumukaka. Tumambad sa akin ang matambok nyang pagkababae na basang basa na na bahagyang nakaawang pa ang hiwa. Halatang sabik na sabik na. Sinapo pa nya ito ng kamay at hinimas himas. Pinaglandas pa nya ang daliri sa hiwa at nilaro laro ang kuntil. Malandi din syang nakatingin sa akin."Totoo naman di ba? Jologs ang shota mo. Jologs si Amira. Hanggang halik lang ang kaya nyang ibigay sayo. Hindi nya to kayang gawin dahil nga manang sya at jologs. Kaya nga kahit lagi mo kong tinataboy hindi mo naman ako kayang tiisin dahil ako lang ang nakakagawa sayo nito."Napatiim bagang ako sa sinabi nya. Alam na alam nya talaga kung paano ako gagalitin. At gustong gusto nyang galitin ako sa ganitong sitwasyon.Lumapit ako sa kanya sabay hawak sa dalawang hita nya at hinila sa dulo ng kama na ikinatili nya. Padarag kong muling binuka ang mga hita nya at tinaas. Muling tumambad sa akin ang matambok nyang kalbo at mamula mulang pagkababae na basang basa at tumitibok pa. Sa galit at gigil ko ay pinalo ko ito ng kamay. Malakas naman syang napatili. Mabuti na lang at sound proof ang kwarto ko. Pinasound proof ko ito kay mommy. Inulit ko pa ng dalawang beses ang pagpalo sa pagkababae nyang lalong namasa."Para sa sabihin ko sa'yo kahit jologs si Amira mahal na mahal ko yun dahil hindi sya malanding kagaya mo." Asik ko sa kanya sabay palo sa pagkababae nyang lalong namula."Pero ang malanding to ang kasama mo ngayon -- ahh!" Tili nya ng muli kong paluin ang pagkababae nya."Shut up! Ikaw lang ang kasama ko ngayon dahil no choice ako. Ito naman ang gusto mo di ba?" Galit na sabi ko at umayos na ng pwesto sa pagitan ng hita nya.Hinawakan ko ang pagkalalaki ko at tinutok sa basang lagusan nya at walang sere seremonyang umulos. Mainit sa loob nya at madulas pero hindi na ganun kasikipan. Ilang beses na naming ginagawa ito kahit hindi pa kami noon ni Amira. Pero bukod sa akin ay ginagawa din nila ito ng mga lalaking nauugnay sa kanya. Nag lie low lang kami nang ligawan ko si Amira. Pero naulit ng maging kami ni Amira dahil tinatakot nya akong sasabihin kay Amira ang mga ginagawa namin kapag hindi ko sya pinagbigyan."Ohh fuck hon! Ganyan nga! Shit ka! Ang sarap mong bumayo! Ahh!" Ungol nya sa sarap at napapatirik pa ang mata.Napangisi naman ako at mas tinodo pa ang pagbayo sa pagkababae nya. "Ganito ang gusto mo di ba? Bayong sagad at walang humpay?"Malanding tumawa sya. "Yesss hon! Alam na alam mo pa rin ang gusto ko. Hmmm.. sige pahh!! More hon! Sagad mo pa please!"Napangisi akong lalo sa sinabi nya at mas lalong n*******n. Itinaas ko pa lalo ang dalawang hita nya hanggang sa napahiga sya sa kama. Tinapak ko ang dalawang paa sa kama at doon ko syang binira ng malalaks na bayo na ikinatili nya sa sarap. Sarap na sarap din ako sa pagbayo sa kanya..Kanina pa nakaalis si Suzette. Kung hindi lang dumating si daddy mula sa importanteng lakad ay makakarami pa sana kami sa kwarto. Kaya lang ay kapag nandito si daddy ay ayaw nyang nasa kwarto ko si Suzette. Hindi daw magandang tingnan lalo na at may girlfriend na ako. Kaya no choice kahit parehas kaming bitin ay pinauwi ko na lang sya kundi parehas pa kaming masesermonan ni daddy. Kaya nga gusto ko ng makagraduate at magtrabaho. Gusto kong bumili ng sarili kong bahay para sa amin ni Amira.And speaking of Amira, may bago syang story. Mga latest selfie nya. May bago din syang upload na puro mga selfie din. Ang ganda ganda talaga nya. Ang amo ng mukha. Mukha syang anghel. Kaya nga unang kita ko pa lang sa kanya noon na inlove na ako eh. Kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon na ligawan sya dahil baka maunahan pa ako ng iba.Isa isa kong pinusuan ang mga pictures nya. Pero napakunot ang noo ko sa isang picture. May kasama syang lalaki na nakatingin sa kanya at nakangiti. Napatiim bagang ako. Hindi ko gusto ang pagkakatingin ng lalaki sa kanya. Bakit may iba akong pakiramdam sa lalaking yun?*****Yñigo HINDI KO ALAM kung para saan at para kanino ang ngitngit na nararamdaman ko. Nagsimula ito kanina ng mabasa ko ang pakikipag palitan ng chat ni Amira sa kaibigan nyang bakla daw. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis at poot. Kagaya rin nung may lalaking gustong magpa picture sa kanya kanina, naiinis ako na may ibang lalaking lumalapit sa kanya. Bumuntong hininga ako. Hindi maganda to. Simula ng una ko syang makita sa bukid ay madalas na syang sumagi sa isip ko. Akala ko namiss ko lang sya bilang ang batang kinagiliwan ko nun. Pero nitong mga nakaraang araw nagdududa na ako sa sarili ko. Hindi normal na halos araw araw ay laman ng isip ko ang isang partikular na tao.. lalo na babae. At anak pa ni Mang Carlitos. Binagsak ko ang likod sa sofa at sinandal ang ulo at pumikit. Parang pinag lalaruan naman ako ng aking isip at mukha pa rin nya ang nakikita ko. Bumalik sa aking alaala ang itsura nya kanina na bagong ligo at may nakapulupot pang tuwalya sa ulo.
YÑIGO"YES EDWARD, ikaw na ang bahala dyan. I'll call you later when I get home." Sabi ko sa pinsan ko sa kabilang linya at tinapos na ang tawag. Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard. Galing ako sa kabilang bayan at pauwi na sa mansion. Palubog na ang araw. Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay may natanaw ako sa harapan ng sasakyan na dalawang taong pamilyar sa akin sa gilid ng kalsada. Para silang nag uusap ng seryoso. Nang makalapit pa ako ng husto ay nakilala ko sila. Si Mang Carlitos at Amira pala. Napangiti ako at inihinto ang sasakyan sa tapat nila. Agad naman akong napansin ni Mang Carlitos dahil ngumiti ito. "Mang Carlitos, Amira. Pauwi na kayo? Sumabay na kayo sa akin." Alok ko sa kanila. Matipid naman na ngumiti si Mang Carlitos habang si Amira ay tumalikod at nag pupunas ng mukha. Umiiyak ba sya? Anong nangyari? Nag away ba silang mag ama? Bigla akong nakaramdam ng pag alala kay Amira. "Hindi na señorito, nakakahiya naman. Sasakay naman kami ni Amira. Nag a
ALEJOS MANSION.."KUHH! NAKAKAGIGIL talaga yang bwisita ni señorito. Apaka feeling! Bisita lang feeling amo na. At gusto pa señorita din ang itawag sa kanya. Asa sya!" Gigil na sabi ng kasambahay na si Mona ng makapasok sa kusina bitbit ang tray na may lamang pagkain na hindi kinain ng bisita. "Psst! Bibig mo Mona. Marinig ka ni señorito na nagsasalita ng ganyan sa bisita nya pagalitan ka nun." Saway ni Manang Flor sa nakabunsangot na kasambahay. Galing kasi ito sa kwarto ng bisita ng señorito para kunin ang pinagkainan pero hindi naman kinain ang pagkain. "Naku Manang Flor, kahit si señorito mukhang banas din sa kaartehan ng bwisita nya. Nagtitimpi lang." Nakangusong dagdag pa ni Mona habang sinasamsam ang mga pagkain sa tray. Ipapakain na lang nya ang mga ito sa alagang aso sa labas. "Kahit na, bisita pa rin yun." Ani Manang Lita na gumagawa ng vegetable salad para kay señorito. Hindi na sumagot si Mona at lalo lang nanghaba ang nguso. Inis pa rin sya sa bisita ng amo dahil sa k
AMIRA"SUZETTE.." HALOS pabulong kong sambit sa pangalan nya. Lumapat ang mata ko sa kamay nyang nakahawak sa braso ni Alvin. Napalunok ako. Napansin namin ni Alvin ang tingin ko kaya binaklas nya agad ang kamay ni Suzette at dumistansya. Napasimangot naman si Suzette."Babe.." Tawag nya sa akin at lumapit. "Imbitado rin pala kayo?" Dugtong pa ni Suzette sa nang uuyam na tinig at nakataas ang kanyang kilay. "Of course! Taga Hacienda Alejos kaya kami. At isa kami sa importantanteng bisita." Taas noong sabat ni Tonio sa tabi ko. Ngumisi naman si Suzette. "Grabe no, ang bait talaga ng mga Alejos, pati mga.. insekto imbitado. Ay! Ano ba yan! Dapat nag i-spray sila ng insecticide." Aniya na kunwari pang may binubugaw sa ere. "Oo naman, mababait talaga ang mga Alejos. Pati nga ilusyunadang hindi naman kagandahan na palaka imbitado din eh." Sabat muli ni Tonio at humalukipkip pa sabay taas ng kilay sa kaharap. "Aba't! Anong sabi mo? Sinong palaka -- ""Suzette! Enough!" Sikmat ni Alvin
AMIRA "SINASABI KO na nga ba eh." Sabay kaming natigilan ni Alvin sa pagtawa ng sumulpot sa aming harapan si Suzette na nakasimangot at masama ang tingin sa akin. "Suzette, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alvin na humigpit ang hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Mukha syang tense at napapalunok pa. "Hinahanap ka. Ang tagal mo kasing bumalik sa mesa. Ang sabi mo magsicr ka lang. Yun pala nakipaglandian ka lang kay Amira." Mataray na sabi ni Suzette. "So what kung makipaglandian ako kay Amira. She's my girlfriend and soon to be my wife." Sagot ni Alvin at hinapit pa ako sa bewang. Naginit naman ang pisngi ko. Parang may nagpipyesta sa loob ko dahil sa sinabi nya. Pero si Suzette ay tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha. Mas tumalim pa ang tingin nya sa akin. Kinagat ko naman ang labi para pigilan ang ngiti. Baka lalo lang kasi syang maasar. May pagka war freak pa naman sya. "Hinahanap ka na kasi ni tita Melissa at tito Henry. Kaya bumalik ka na roon kung ay
AMIRA"O AMIRA anak, bakit ganyan na ang itsura mo?" Bungad ni itay ng mapansing iba na ng suot kong damit pagbukas nya ng pinto. Mukhang tulog na si inay dahil hindi ko makita.Akmang magsasalita si Tonio ng hawakan ko sya sa braso."Ah, natapunan po kasi ako ng ulam itay. Namantsahan po yung damit ko kaya pinahiram na lang ako nila manang Flor ng damit." Sabi ko at tipid na ngumiti. Ayokong malaman ni itay ang nangyari. Pero alam ko namang malalaman at malalaman din nya. Pero wag muna ngayon dahil siguradong marami syang tanong at magagalit. Pagod na ako at gusto ko ng makapagpahinga. "Ganun ba. Eh bakit kasi hindi ka nag iingat anak. Nasaktan ka ba?" Nagaalalang tanong ni itay. Umiling naman ako. "Hindi po tay. Heto nga po pala pinauwian kayo ni señorito Yñigo ng pagkain." Sabay abot ko ng eco bag. Dahil natapon ang unang pinauwi nila manang Flor ay pinalitan naman nila ito ng bago. "Kuh, si señorito talaga kahit kailan hindi nakakalimot sa amin ni inay mo." Nakangiting kinuha
AMIRA"AMIRA! ANONG nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak anak?" Nagaalalang lumapit sa akin si inay ng makita ang luhaan kong mukha pagpasok ko ng bahay. Pinunasan nya ng kanyang kamay ang pisngi ko. Hindi naman ako makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Nang pumasok si itay ay ito naman ang binalingan ni inay. "Carlitos, bakit umiiyak ang anak mo?" Narinig ko namang humugot ng malalim na hininga si itay. "Yang anak mo, nakikipag relasyon sa anak ng Hermano na yun!" Mataas na boses na sabi ni itay. Tila hindi makapaniwalang muli akong tiningnan ni inay. "Anak, totoo ba yun?" Hindi ako umimik bagkus ay humikbi na lang. "Sabihin mo ang totoo sa inay mo Amira." Matigas na turan ni itay na nakapamewang pa. Hindi pa rin nabubura ang dilim sa kanyang mukha. Dahan dahan naman akong tumango at kumagat labi sabay yuko. Narinig ko namang bumuntong hininga si inay. "Bakit hindi mo sinabi sa amin anak?" "D-Dahil tutol po kayo sa aming dalawa ni Alvin -- " "Alam mo naman palan
YÑIGONAG ANGAT ako ng tingin sa tatlong pulis at napakunot noo. "Sigurado ba kayo?" Tanong ko sa kanila. "Yes sir, malakas po ang nakalap naming ebidensya sa taong yan at ilang araw ko na rin pong pinasusundan at nakumpirma po ang hinala namin na sya ang espiya dito sa hacienda nyo. Dalawang beses na rin po syang nakitang nakikipag kita sa dalawang lalaki sa hangganan ng hacienda. Yung dalawang lalaki po na yun ay tauhan ni Don Abel Nobrales." Imporma ni SPO1 Jamil ang pinakamatanda sa tatlong pulis na syang naatasan ni ninong Rodolfo sa pagiimbestiga ukol sa pamamaril dito sa hacienda kamakailan. Napatiim bagang ako at mariing naikuyom ang kamao. "Sya lang ba mag isa? Wala na syang ibang kasabwat dito sa hacienda?" Paninigurado ko. "May iba pa kaming pinasusundan sir gaya ng katiwala nyong si Mang Carlitos." Sagot ni SPO1 Jamil. Napakunot ang noo ko. "Pinaghihinalaan nyo rin sya?" Kung may isang tao man akong huling paghihinalaan sa mga magsasaka ng hacienda yun ay si Mang Car