AMIRA NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ginaw. Nilingon ko ang tabi ko pero wala si Yñigo. Kaya pala ang lamig. Sanay na kasi ako na sya ang yakap ko kapag giniginaw ako. Bumangon ako habang kipkip ang kumot. Nasaan kaya sya? Tiningnan ko ang nakasaradong pinto ng banyo. Mukhang wala naman sya doon. Malamang ay bumaba. Napangiti na lang ako. Napansin ko namang suot ko na ang t-shirt nya. Malamang ay sinuot nya sa akin ito. Hindi ko man lang naramdaman. Akmang babangon ako sa kama ng bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si inay at itay. Nilock pa nila ang pinto."Nay, tay, bakit po kayo nandito? Si Yñigo po nakita nyo sa ibaba?" Tanong ko kay inay. Nagtataka ako kung bakit sila pumasok dito sa kwarto namin ni Yñigo. At saka madaling araw na. Narinig ko pang humugot ng mabigat na hininga si itay at parang hindi sila mapakali. Lumapit sa akin si inay at umupo sa gilid ko. "Gising ka na pala anak, dapat matulog ka pa. Mag a-alas tres pa lang ng madaling araw." Sabi nya at hinaplos
ALVINHINDI AKO makapaniwala sa sinabi ni dad sa akin. Imposible ang sinasabi nya. Tumingin ako sa salamin sa pinto kung saan nakikita ko sa loob ng silid ang isang lalaking nakaratay at may kung ano anong nakakabit na aparato at tubo sa bibig at katawan. Sya ang lalaking kalaguyo ni mommy at utak sa mga kaguluhan sa bayan ng San Agustin. Sya ang sinasabi ni dad na tunay kong ama. Tumingin ako kay daddy. "Dad, hindi totoo ang sinasabi mo. He's not my biological father." Bumuntong hininga si daddy. "I'm telling the truth son, he is your biological father. Bago naging kami ng mommy mo nobyo nya noon ang tunay mong ama, si Abel. Hindi sila nagkatuluyan dahil tutol ang kanilang mga magulang para sa kanilang dalawa. Pinagkasundo naman kami ng mga magulang namin ng mommy mo. Sa una hindi naging maganda ang pagsasama namin ng mommy mo. Lagi kaming nag aaway. Lagi kasi syang umaalis. Hanggang sa lumipas na mga buwan naging ok kami at nabuntis sya. Labis ang tuwa ko lalo na ng ipinanganak ka
AMIRAHUMUGOT AKO ng malalim na hininga ng makababa na kami ni Tonio ng sasakyan. Nadito kami sa harap ng restaurant kung saan magkikita at maguusap kami ni Alvin at Suzette. Nakikita ko na nga sila sa loob at tila masayang nag uusap. "Sure ka ba talaga acla? Kung hindi ka sure pwede namang hindi na lang tayo tumuloy." Nagaalalang tanong ni Tonio. Nag aalala kasi sya na baka magkagulo lang kaming tatlo lalo na dahil kasama si Suzette. Tumango ako sa kanya. "Tara na sa loob baka naiinip na sila. Kuya, pahintay na lang kami dito." Sabi ko sa bodyguard ko at driver. Tumango naman sila. Pumasok na kami ni Tonio sa loob ng restaurant. Binati kami ng guard at in-assist ng isang staff. Tinuro ko naman ang pwesto nila Alvin na pang apatan ang mesa. Lumapit na kami sa kanila. Natigilan naman sa paguusap ang dalawa at parehas na nawala ang ngiti. Si Alvin ay titig na titig pa sa akin na parang hindi makapaniwala na nakikita nya ako. Bahagya ng nanunumbalik ang katawan nya. Noong huling kita
AMIRA"KAMUSTA MGA anak? Anong balita sa check up?" Bungad ni inay sa amin ni Yñigo pagpasok pa lang namin ng mansion. Nasa sala sila ni itay kasama si lolo Arsenio habang nagtsatsaa. Mukhang may pinaguusapan sila bago kami dumating. Inalalayan naman akong maupo ni Yñigo sa sofa at tumabi sya sa akin. Nakangiting hinarap namin sila na nakatingin din sa amin at naghihintay ng sasabihin. "Kamusta? Nalaman na ba ang gender ng unang apo ko sa tuhod? Lalaki ba?" Nakangiting sunod sunod na tanong ni lolo Arsenio. Nagkatinginan pa kami ni Yñigo at nagngitian. Nilapag namin ang ultrasound sa lamesita sa harap nila. Gusto namin sila mismo ang makaalam. Nagtataka namang tiningnan nila ang mahabang papel na nakalapag sa lamesita. Si lolo Arsenio ang unang dumampot at in-adjust ang suot na salamin para makita ang nasa papel. Ilang sandali pa nya itong pinakatitigan. "Teka, bakit parang dalawa itong hugis patani na ito?" Tanong nya ng hindi inaalis ang tingin sa papel. "Dalawa? Bakit dalawa
AMIRANATATAWA AKO habang pinapanood si Yñigo na tinuturuan ni inay ng tamang pagsuot ng diaper kay baby Alonzo. Seryosong seryoso ang mukha nya at napapakunot noo pa. Napapakamot pa sya ng ulo dahil medyo may kalikutan na si baby Alonzo.Napangiwi naman ako ng medyo dumiin ang sipsip ni baby Ynna sa utong ko. Matapos kong padedehen si baby Alonzo ay sya naman. Kung noong una ay halos mangiyak ngiyak ako kapag nagpapadede sa kanilang kambal dahil masakit. Pero ngayon ay nasasanay na ako. Ang suhestiyon kasi ni doctora ay mas mainam kung magpapabreastfeed ako. Makakabuti yun sa kambal. Mas masustansya ang gatas ng ina kesa sa formula. "Ah ganun lang ho pala yun." Tumatangong sabi ni Yñigo. "Pero lagi mo ring titingnan ang diaper nila kung puno na o may dumi na. Hindi komportable ang baby kapag ganoon dahil naiirata sila kaya iiyak sila." Paliwanag ni inay. Dahil sa wala pa kaming alam ni Yñigo kung paano ang tamang pagaalaga ng baby ay matiyaga kaming tinuturuan ni inay at nila mana
YÑIGO"PAPA I WANT moby yung chocolate." Malambing na ungot ni Ynna ang limang taong gulang kong anak na babae habang tinuturo ang malaking pack ng paboritong tsitsirya sa estante. "Me too papa, pero yung caramel flavor ang gusto ko." Ungot din ni Alonzo ang limang taong gulang kong anak na lalaki na kambal ni Ynna na nakaturo din ang daliri. "Alright, pero tig isa lang kayo ha. Magagalit si mama." Sabi ko sa kanila at inabot ang tig isang flavor ng moby sa estante at nilagay sa cart. Tuwang tuwa naman ang dalawa. Napangiti ako. Kay sarap lang nilang tingnan na masaya sila. Nandito kami sa supermarket sa bayan at nag go-grocery. Dito muna kami pumunta bago sunduin si Amira sa hospital. Dapat ako lang susundo pero mapilit ang kambal na sumama kaya wala na akong nagawa. Isa nang ganap na nurse si Amira. At sa hospital sya ng San Agustin nagtatrabaho. Syempre suportado ko sya. Kinuha ko sa kamay ni Ynna ang tatlong pakete ng chocolate na dinampot nito. "No baby, may chocolate ka pa s
ALONZO"MA, MALAKI na ako." Natatawang sabi ko habang inaayos ni mama ang kwelyo ng polo uniform ko. "Kahit malaki ka na at tumanda ka baby pa rin kita. Kayo ng kambal mo at ni bunso." Sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi ko. Natawa na lang ako. 16 years old na ako pero baby pa rin ako kung ituring nya, kami ng mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko kung paano ako itrato ni mama, natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong mahal na mahal nya kami, sila ni papa. "Let's go na brother." Nilingon ko si Ynna na patakbong bumaba ng hagdan. "Ynna anak halika muna rito." Tawag ni mama sa kambal ko. "Yes ma?" Lumapit naman si Ynna kay mama. "Bakit naman ganyan kapula ang labi mo anak?" Ani mama na inayos din ang uniporme ni Ynna. "May pictorial kasi kami mamaya sa school ma. Isa ako sa mga model." Sabi ni Ynna. "Talaga ba? Baka naman may pinapagandahan ka na?"Nilingon namin si papa na pababa din ng hagdan. "Wala po pa. Sadyang maganda lang ako." Nakangusong sabi ni Ynna. Tumawa naman si
YAGOMABILIS AKONG tumakbo sa malaking gate kasunod ang aso kong si Pepito ng matanaw ko na ang batang anak ng magsasaka na paborito kong asarin. Nakakatawa ang suot nya. Neon green na dress. Akala mo naman bagay sa kanya eh ang negrita nya. Glow in the dark yarn? "Alicia Negrita!" Tawag ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang hila hila ang panungkit. Malamang manunungkit na naman sya ng bayabas sa bukid. "Alicia Negrita. Yuhoo!" Pakantang tawag ko pa sa kanya. Tinatahulan din sya ni Pepito. Pero di pa rin nya ako pinapansin. Alam kong naririnig nya ako di nya lang ako pinapansin. "Mangunguha ka ng bayabas no? Mukha ka talagang bayabas kaya ka umiitim eh. Pati damit mo kulay bayabas." Pang aasar ko sa kanya. Pero di pa rin nya ako pinapansin o kahit tingnan man lang. "Aba't! Isnabera ka na ha." Naiinis na sabi ko. Akala mo naman ang ganda ganda. Negrita na nga isnabera pa. Napangisi ako at tumingin kay Pepito na tumingin din sa akin. Parang n