ANB-18KIARAMALAKAS ang tibok ng kanyang dibdib sa biglaan at hindi inaasahang pagsulpot ni Gabby sa bahay ni Tristan. Nag-iisa s'ya sa bahay at hindi pa umuuwi si Tristan mula sa trabaho. Ngunit nanatili siyang kalmado. "So, kung gan'on bakit naririto ka? Hindi ka na dapat nagpunta rito," walang emosyong sabi niya.Bahagya itong natawa, "Obligasyon ko ang bantayan ka habang wala s'ya rito kaya narito ako. Please, hayaan mo na ako. Pangako, hindi naman ako manggugulo.""Hindi ko naman kailangan ng bantay. Kaya ko ang sarili ko kaya makakaalis ka na. Bumalik ka na lang kapag narito na si Tristan," At akmang tatalikuran niya ito."Kiara," tawag nito sa kanya ngunit hindi ito pinakinggan ni Kiara at ipinagpatuloy ang paghakbang. "May relasyon ba kayo ni Tristan?" biglang tanong ni Gabby na nakapagpahinto sa kanya. Matagal muna siyang nanatili sa pagkakatayo na hindi ito nililingon. "Pasensya na kung masyado yatang mausisa ako." "Bakit ako ang tinatanong mo? Akala ko ba nagta-trabaho
ANB-19DAHIL sa pagkaramdam ng pagkainip matapos ang halos mahigit isang linggong pananatili sa loob ng bahay. Minabuti ni Kiara na lumabas muna. Dalawang araw na ngayon at hindi pa rin umuuwi ng bahay si Tristan sa hindi niya malamang dahilan. Marahil ay may importanteng lakad ito. Mabuti na rin naman 'yon, dahil kahit paano ay walang gugulo sa kanya kahit pansamantala lang.Naghanda siya para maligo. At dahil wala naman sariling banyo sa kanyang masikip na silid ay kailangan pa niyang gamitin ang banyo na nasa malapit sa kusina. Kampante siya na nag-iisa naman sa bahay kaya nakatapis lang siya ng twalya ng lumabas mula roon. Wala sa hinagap niya na may isang tao pala na nagmamasid sa kanya mula sa pintuan ng komedor paglabas pa lamang niya ng banyo. "Beautiful! Hindi ka pa rin nagbabago, Kiara!" sabi ng tila paos na tinig mula sa kanyang likuran. Gulat na napalingon si Kiara sa may-ari ng tinig at mahigpit na hinawakan ang buhol ng twalya sa kanyang dibdib, habang ang isang kamay
ANB-20KIARAMASAKIT ang katawan niya kinabukasan nang magising. Idagdag pa ang pagkirot ng kanyang ulo. Nang maalala kung ano ang nangyari kagabi, bigla siyang napabalikwas nang bangon at mabilis na pinakiramdaman ang sarili bago inikot ang tingin sa kanyang paligid. Nangunot ang kanyang noo ng makitang wala siya sa kanyang silid, kundi sa silid na una nang ipinagamit ni Tristan sa kanya. Tsinek niya ang katawan sa ilalim ng kumot at nakitang maayos naman siya at walang ibang nararamdam maliban sa masasakit na katawan at bahagyang sakit ng ulo. 'What happened? Paanong narito ako? Sinong nagdala sa 'kin dito?' nanlaki ang mga mata niya nang maalala na tila may ipinaamoy pa sa kanya ang mapangahas na estrangherong lalaki kagabi. Nakaupo siya sa malaking kama habang nakasubsob ang mukha sa sariling palad at pilit na ina-alala ang nangyari kagabi. 'Sino ang taong 'yon? Paano akong nakarating sa silid na ito?' Habang nasa malalim na pag-iisip, biglang bumukas ang dahon ng pinto at in
ANB-21"ANO ba, bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" angal ni Kiara habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakayapos nito. Hindi niya mawari kung nasa tamang huwisyo pa ba ito, dahil para itong wala sa sarili. Amoy din niya ang alak na nagmumula rito. Pinilit niyang iiwas ang kanyang labi na kanina ay angkin nito. Ngunit sadyang malakas si Tristan at tila hindi niya magawang magapi. Nagsimulang makaramdam ng kilabot si Kiara sa kilos nito na tila sinasaniban. Malayo ito sa imahe ng lalaking una niyang nakilala na halos gawin lahat ang klase ng pagtitimpi kapag kaharap niya. "Oh, huwag ka na kasing pakipot. I know that you like it too. Why? Don't you trust me? Sino ba ang mas magaling sa 'min nang lalaking kasama mo? Hmm," Ani Tristan na muling hinuli ang kanyang mga labi at pilit na siniil ng halik."Umm," halos mauop si Kiara sa kakulangan ng hangin. Hindi tumigil ang kanyang kamao sa paghampas sa malapad na dibdib nito. Ngunit tila balewala iyon kay Tristan. Hindi n'ya nap
ANB-22Nagising si Kiara sa lamig na naramdaman. Masakit ang kanyang buong katawan at ulo. Pakiramdam niya ay gustong pumikit ng kanyang mga mata ngunit gising na gising ang kanyang diwa. Puting kisame ang nauna niyang namulatan at nang ibaling niya ang kanyang tingin sa paligid ay wala siyang ibang nakitang kasama n'ya. Akmang babangon s'ya nang may biglang humapit nang hawak sa kanyang palad. "Huwag ka munang bumangon. Kailangan mo pang mag pahinga," saad ng tinig na agad niyang nakilalang si Tristan.Nabaling ang tingin niya rito at nakita si Tristan na nasa gawing gilid ng kanyang kinahihigaan. Marahil ay nakaidlip ito roon o sadyang hindi lang niya napansin ito.Walang anumang salita na nagmula kay Kiara kundi biglang pagkamuhi mula sa kanyang mga mata at kasunod ay luha na pumatak na kusa sa kanyang mga pisngi. Mabilis at masuyong pinunasan ito ni Tristan at mahigpit na pinisil ang kanyang palad. Wala itong anumang salitang nasabi. Kasalukuyan siya noong nasa pribadong silid
ANB-23Mula sa isang madilim na eskinita ay may ilang mga kalalakihan na nagsilabas. May kanya-kanyang bitbit ang mga itong bakal na pamalo na may isang metro ang haba. Lahat ito ay patungo sa kanyang direksyon. At pagtingin niya sa kanyang side mirror ay nakita rin niya ang ilan pa na patungo naman sa likurang bahagi ng kanyang kotse. Nakaramdam siya nang hindi maganda sa nangyayari. Ang lalaking humarang sa gitna ng kalsada kanina na ang akala niya ay nagtatangkang mag suicide ay bigla na lamang nawala roon at hindi niya makita sa paligid. Tiim bagang na naglapat ng mariin ang kanyang mga labi at naglagablab sa galit ang kanyang mga mata. He's in an ambush! At nataon pa naman na wala siyang dalang armas ng oras na 'yon. Hindi rin siya sigurado kung kaninong mga tao ito. Ngunit isa lang ang kutob niya. Maaring pinadala ito ng kanyang mahigpit na katunggaling si Macoi. Marahil hindi nito matanggap na nasungkit niya muli ang mga parokyano nitong ninanais na maging investors. Matapos
ANB-24"Are you sure?" paniniyak ni Tristan mula sa kausap. Sandali itong nakinig sa kausap bago muling sumagot. "Sige, but make sure na tama at kumpleto lahat ng detalye kahit na ang kaliit-liitang detalye na ibibigay mo. Ayaw na ayaw ko na may makakaligtaan ka pa. Let's meet tomorrow. Okay, bye!" "Who is it?" curious na tanong ni Patrick. "It's Gabby!""'Yung tao mo? Mukhang importante yata ang pinag-uusapan n'yo. What is it all about?" "Wala naman! Hindi naman gaanong importante. Meron lang kasi akong isang taong pinasusundan." "And who is it again?" "Inabangan kasi ako kagabi nang mga hindi ko pa kilalang grupo habang pauwi ako.-" "What? Pero bakit kanina pa tayo nag uusap ni hindi mo man lang nabanggit sa akin? Ano? Kumusta ka naman? Wala ka ba naman naging tama?" nagulat na sambit ni Patrick. "Ano ba, wait lang! Ang dami mo naman kaagad nasabi. Saka hindi naman iyon gan'on ka-importante." "Anong hindi? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Eh, pa'no na lang kung napuruhan ka
ANB-25Matapos ang halos ilang araw na pagkukulong sa silid ni Kiara. Heto at maayos na naman siyang muli. Maaga siyang bumangon at nagtungo sa banyo para linisin ang kanyang sarili. Para sa kanya, tapos na ang pagmumukmok niya sa wala, na alam naman niyang walang magandang patutunguhan. Siguro nga kailangan na rin niyang sanayin ang sarili na matutong makipaglaro para maka-survive at makalaya. Isa lang ang tanging paraan niya. Ang pakisamahan si Tristan at ang mga gusto nito. Bakit nga ba hindi? Pasasaan ba at makakahanap din siya ng tyempo. Naligo, at nagsuot siya ng magandang damit. Nag-apply din siya nang may kakapalang make-up. Hindi naman s'ya dati ganito sa sarili. Sanay siya sa simpleng ayos lang. Ngunit ngayon parang gusto rin niyang baguhin ang sarili at ipakitang matatag pa rin siya anuman ang napagdadaanan at ano man siya ngayon. Ilang katok sa pinto ang narinig niya bago iyon bumukas. Iniluwa nito ang mayordoma na bakas sa mukha ang sandaling pagkagulat sa nakitang any