ANB-22Nagising si Kiara sa lamig na naramdaman. Masakit ang kanyang buong katawan at ulo. Pakiramdam niya ay gustong pumikit ng kanyang mga mata ngunit gising na gising ang kanyang diwa. Puting kisame ang nauna niyang namulatan at nang ibaling niya ang kanyang tingin sa paligid ay wala siyang ibang nakitang kasama n'ya. Akmang babangon s'ya nang may biglang humapit nang hawak sa kanyang palad. "Huwag ka munang bumangon. Kailangan mo pang mag pahinga," saad ng tinig na agad niyang nakilalang si Tristan.Nabaling ang tingin niya rito at nakita si Tristan na nasa gawing gilid ng kanyang kinahihigaan. Marahil ay nakaidlip ito roon o sadyang hindi lang niya napansin ito.Walang anumang salita na nagmula kay Kiara kundi biglang pagkamuhi mula sa kanyang mga mata at kasunod ay luha na pumatak na kusa sa kanyang mga pisngi. Mabilis at masuyong pinunasan ito ni Tristan at mahigpit na pinisil ang kanyang palad. Wala itong anumang salitang nasabi. Kasalukuyan siya noong nasa pribadong silid
ANB-23Mula sa isang madilim na eskinita ay may ilang mga kalalakihan na nagsilabas. May kanya-kanyang bitbit ang mga itong bakal na pamalo na may isang metro ang haba. Lahat ito ay patungo sa kanyang direksyon. At pagtingin niya sa kanyang side mirror ay nakita rin niya ang ilan pa na patungo naman sa likurang bahagi ng kanyang kotse. Nakaramdam siya nang hindi maganda sa nangyayari. Ang lalaking humarang sa gitna ng kalsada kanina na ang akala niya ay nagtatangkang mag suicide ay bigla na lamang nawala roon at hindi niya makita sa paligid. Tiim bagang na naglapat ng mariin ang kanyang mga labi at naglagablab sa galit ang kanyang mga mata. He's in an ambush! At nataon pa naman na wala siyang dalang armas ng oras na 'yon. Hindi rin siya sigurado kung kaninong mga tao ito. Ngunit isa lang ang kutob niya. Maaring pinadala ito ng kanyang mahigpit na katunggaling si Macoi. Marahil hindi nito matanggap na nasungkit niya muli ang mga parokyano nitong ninanais na maging investors. Matapos
ANB-24"Are you sure?" paniniyak ni Tristan mula sa kausap. Sandali itong nakinig sa kausap bago muling sumagot. "Sige, but make sure na tama at kumpleto lahat ng detalye kahit na ang kaliit-liitang detalye na ibibigay mo. Ayaw na ayaw ko na may makakaligtaan ka pa. Let's meet tomorrow. Okay, bye!" "Who is it?" curious na tanong ni Patrick. "It's Gabby!""'Yung tao mo? Mukhang importante yata ang pinag-uusapan n'yo. What is it all about?" "Wala naman! Hindi naman gaanong importante. Meron lang kasi akong isang taong pinasusundan." "And who is it again?" "Inabangan kasi ako kagabi nang mga hindi ko pa kilalang grupo habang pauwi ako.-" "What? Pero bakit kanina pa tayo nag uusap ni hindi mo man lang nabanggit sa akin? Ano? Kumusta ka naman? Wala ka ba naman naging tama?" nagulat na sambit ni Patrick. "Ano ba, wait lang! Ang dami mo naman kaagad nasabi. Saka hindi naman iyon gan'on ka-importante." "Anong hindi? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Eh, pa'no na lang kung napuruhan ka
ANB-25Matapos ang halos ilang araw na pagkukulong sa silid ni Kiara. Heto at maayos na naman siyang muli. Maaga siyang bumangon at nagtungo sa banyo para linisin ang kanyang sarili. Para sa kanya, tapos na ang pagmumukmok niya sa wala, na alam naman niyang walang magandang patutunguhan. Siguro nga kailangan na rin niyang sanayin ang sarili na matutong makipaglaro para maka-survive at makalaya. Isa lang ang tanging paraan niya. Ang pakisamahan si Tristan at ang mga gusto nito. Bakit nga ba hindi? Pasasaan ba at makakahanap din siya ng tyempo. Naligo, at nagsuot siya ng magandang damit. Nag-apply din siya nang may kakapalang make-up. Hindi naman s'ya dati ganito sa sarili. Sanay siya sa simpleng ayos lang. Ngunit ngayon parang gusto rin niyang baguhin ang sarili at ipakitang matatag pa rin siya anuman ang napagdadaanan at ano man siya ngayon. Ilang katok sa pinto ang narinig niya bago iyon bumukas. Iniluwa nito ang mayordoma na bakas sa mukha ang sandaling pagkagulat sa nakitang any
ANB-26"Mawalang galang na, ho. Pero ipinasasabi po ni boss na kailangan n'yo nang umuwi," sabi ng unang lalaki. "Ano? At sino ba kayo para utusan ako? Sinong boss ba ang tinutukoy n'yo? Si Tristan ba? P'wes sabihin n'yo sa kanya, uuwi ako kung kailan ko gusto at hindi n'ya ako pwedeng utusan," inis na sabi ni Kiara."Hindi naman po si boss Tristan ang nag utos sa 'min. Basta ang sabi po n'ya hapon na at kailangan n'yo nang bumalik sa bahay." Taas ang kilay na napakunot noo si Kiara. "Kung hindi si Tristan ang nag utos sa inyo, sino?" "Wait! Kanina pa ako naguguluhan, eh. Sino bang 'yang tinutukoy mong Tristan, Kiara?" naguguluhang singit naman ni Liam. "Pasensya na, Liam. Hindi ko pa pala nasabi sa 'yo. Hayaan mo sa susunod kapag may pagkakataon iku-k'wento ko rin sa 'yo." Baling ni Kiara sa lalaki. Matapos ay muling hinarap ang tatlong lalaki. "Kung hindi si Tristan ang nagpalapit sa inyo rito, sinong boss ang tinutukoy n'yo?" Hindi umimik ang mga ito at luminga sa likurang di
ANB-27Pagdating na pagdating pa lang sa bahay nina Kaira . Kaagad na siyang dumiretso sa silid at nagkulong. Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag sa kanya ni Gabby. Maging ang pagbati ng mayordoma sa kanya ay tila hindi niya narinig. Inihilata niya ang pagod na katawan sa kama at ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayan ang sarili at nakatulog. Hindi niya nagawang magpalit ng damit at magtanggal ng sapatos, maging magtanggal ng make up at kung ano-ano pa.. Hanggang sa nakaramdam siya na tila may nagmamasid sa kanya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat siya nang makita sa may bukana ng pintuan ang nakasandal na si Tristan. Kaagad na napabalikwas siya nang bangon. Maayos na inipit niya sa kanyang tainga ang ilang hibla ng kanyang buhok na nalaglag sa kanyang mukha."Kanina ka pa ba d'yan?" nagulat na tanong niya rito. Halata ang kapormalan at pagkadisgusto sa kanyang tinig. "Hindi naman! Mukhang napagod ka yata nang husto sa pamamasyal kanina. Ni hindi m
ANB-28"Bakit, may inaasahan ka pa ba na ibang pupunta rito?" pormal na tugon nito habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Hindi nito maiwasan na mapatitig sa nagulat na itsura ni Kiara.Hinamig ng dalaga ang sarili at napakunot ang noo pagkuwa'y mabilis at maayos na pinag aralan ito. Hindi rin nawala sa kanyang pang-amoy ang amoy na iyon na gamit mismo nang taong pumasok kagabi sa bahay. 'S'ya nga ba ito?' piping tanong niya sa sarili."Nanahimik ka yata bigla? Bakit, tama ba ako?" Untag nito sa kanya matapos ang ilang sandali nang pananahimik niya. Bumuntong hininga si Kiara at bahagyang umiling. "Wala naman! May naalala lang kasi ako. Anyway, don't mind it." At mabilis niyang iniiwas ang mga mata rito at kunwari ay inabala ang sarili sa pagmamasid sa paligid. Tumukhim ito at mas lumapit pa sa gawing likuran niya. "Pwede ba muna tayong mag usap bago ako umalis?" "Para saan pa? Kahit naman ano ang sabihin mo hindi rin naman ako pwedeng kumontra, di ba? Hangga't nandirito
ANB-29Natatamad na bumangon si Kiara para magtungo ng banyo at maglinis ng kanyang sarili. Alam niya na wala siyang ibang kasama ngayon sa bahay dahil kagabi pa umalis si Tristan para sa sinasabi nitong appointment at ilang araw itong wala sa bahay. Tanging ang mga kasama lamang sa bahay ang naroon. Kahit gustuhin man niyang lumabas at maglibang ay tila nawawalan na naman siya ng gana sa isiping naroon naman si Gabby para manmanan siya. Tiyak na di numero uno na naman ang kilos n'ya, bukod pa sa ayaw niyang makita ang presensya nito. Kalalabas lang niya nang makarinig siya ng mga katok sa pinto."Sino 'yan?" Patamad na tanong niya at naupo sa harapan ng salamin para mag blower ng buhok. "Ako 'to, iha," sagot ng mayordoma. "Nakahanda na ang almusal mo. Pwede ka nang bumaba para kumain." Dagdag nito na hindi naman nagtangkang magbukas ng pinto. "Sige po, manang. Susunod na. Salamat!" "Sige!" At narinig niya ang mga yabag nito palayo sa silid. Simpleng t-shirt at jeans lang ang is