ANB-28"Bakit, may inaasahan ka pa ba na ibang pupunta rito?" pormal na tugon nito habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Hindi nito maiwasan na mapatitig sa nagulat na itsura ni Kiara.Hinamig ng dalaga ang sarili at napakunot ang noo pagkuwa'y mabilis at maayos na pinag aralan ito. Hindi rin nawala sa kanyang pang-amoy ang amoy na iyon na gamit mismo nang taong pumasok kagabi sa bahay. 'S'ya nga ba ito?' piping tanong niya sa sarili."Nanahimik ka yata bigla? Bakit, tama ba ako?" Untag nito sa kanya matapos ang ilang sandali nang pananahimik niya. Bumuntong hininga si Kiara at bahagyang umiling. "Wala naman! May naalala lang kasi ako. Anyway, don't mind it." At mabilis niyang iniiwas ang mga mata rito at kunwari ay inabala ang sarili sa pagmamasid sa paligid. Tumukhim ito at mas lumapit pa sa gawing likuran niya. "Pwede ba muna tayong mag usap bago ako umalis?" "Para saan pa? Kahit naman ano ang sabihin mo hindi rin naman ako pwedeng kumontra, di ba? Hangga't nandirito
ANB-29Natatamad na bumangon si Kiara para magtungo ng banyo at maglinis ng kanyang sarili. Alam niya na wala siyang ibang kasama ngayon sa bahay dahil kagabi pa umalis si Tristan para sa sinasabi nitong appointment at ilang araw itong wala sa bahay. Tanging ang mga kasama lamang sa bahay ang naroon. Kahit gustuhin man niyang lumabas at maglibang ay tila nawawalan na naman siya ng gana sa isiping naroon naman si Gabby para manmanan siya. Tiyak na di numero uno na naman ang kilos n'ya, bukod pa sa ayaw niyang makita ang presensya nito. Kalalabas lang niya nang makarinig siya ng mga katok sa pinto."Sino 'yan?" Patamad na tanong niya at naupo sa harapan ng salamin para mag blower ng buhok. "Ako 'to, iha," sagot ng mayordoma. "Nakahanda na ang almusal mo. Pwede ka nang bumaba para kumain." Dagdag nito na hindi naman nagtangkang magbukas ng pinto. "Sige po, manang. Susunod na. Salamat!" "Sige!" At narinig niya ang mga yabag nito palayo sa silid. Simpleng t-shirt at jeans lang ang is
ANB-30Gulat na napabalikwas nang bangon si Kiara. At gan'on na lang ang gulat at pagtataka niya nang mapansin na nakahiga siya sa kama at maayos ang sarili. Hangos na hangos at pawisan ng butil butil ang buong katawan niya. Naroon at maliwanag pa rin ang paligid. "Oh, God! Nananaginip lang ba ako? Pero bakit parang totoong totoo?" Aniya at muling sinipat ang kanyang sarili. Pinakiramdaman niya kung may masakit sa kanya ngunit wala naman siyang naramdaman. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto. "Sino 'yan?" "Iha?" Napapitlag si Kiara at mabilis na lumapit sa pinto para buksan iyon. "Manang?" "Oh, ba't anong nangyari sa 'yo? Bakit ba parang takot na takot ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ng matanda matapos makita ang gulat na itsura ni Kiara.Napalunok siya at biglang natauhan. "Ah, wala naman po, manang. Ah, anong oras na po ba?" "Hapon na, alas tres na at kadarating lang namin galing namalengke. Ang sabi ni Gabby hindi ka raw bumaba para kumain? Baka magkasakit ka na
ANB-31"Ha?" tila nagulat pang sambit ng matanda. Bahagya rin itong natawa. "Tama ba ang narinig kong tanong mo, iha? Tinatanong mo sa 'kin kung may namatay rito?" ulit pang sabi ng matanda."Oho! Ganun na nga po!" tila nahiyang sambit ni Kiara.Mas lalong lumakas ang tawa ng matanda at tinitigan siya na may pagtataka. "Bakit mo naman naitanong bigla 'yan?" "Wala naman po! Curious lang po ako," "Kung iniisip mo na may multo rito, wala! Sa tagal ko ba naman dito at wala pa akong naranasan na ganyan kahit naman sina Sinia wala pa rin na-experience na ganyan." "Ah, hindi naman po sa gan'on. Medyo hindi lang po kasi ako kumportable sa feelings ko," "Bakit naman? Pwede mo naman ikwento sa akin kung may kakaiba kang nararamdaman para hindi ganyan na tinatakot mo ang sarili mo. Baka mamaya niyan makasama pa sa kalusugan mo. Pero kung iniisip mo na may namatay rito, isa lang ang maisasagot ko sa 'yo. Wala! Oo nga at namatay na pareho ang mga magulang ni Tristan pero hindi naman dito sa b
ANB-32"Bakit ngayon ka lang? Ginabi ka yata sa pamamasyal mo?" Pormal at malamig na sabi ng tinig pagpasok pa lamang ni Kiara ng bahay. Nakatalikod ang nagsalita habang naka pamulsa ang mga palad sa suot nitong pants."Bakit may masama ba sa ginawa ko? Hindi ba at okay naman na ang paglabas ko? Saka bakit narito ka na? Napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba one week bago ka pa makakabalik," matabang at matapang na sagot dito ni Kiara. Hindi n'ya alintana kung malamig man ang pagsalubong nito sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya ay alam niya na wala naman siyang nilabag sa mga bagay na gusto nito.Humakbang siya papasok at akmang didiretso na sana sa pag akyat sa kanyang silid nang muli itong nagsalita na nagpatigil sa kanya sa paghakbang. "Hindi ka ba muna magpapaliwanag kung bakit ka late ngayon? Dis oras na ng gabi, ah? Hindi ito ang uwi ng isang disenteng babae," anito na ikinainis ng dalaga.Naglapat ng mariin ang mga labi ni Kiara at bahagyang naikuyom niya ang kanyang kamao. Ini
ANB-33Matapos angkinin si Kiara, ay walang salitang nag ayos ng sarili niya si Tristan. Hindi rin niya tinangka na tingnan ang babae habang nagbibihis s'ya. Bago tuluyang lumabas sa silid. Tinangka ni Tristan na lapitan si Kiara ngunit nagsumiksik ito sa gilid ng headboard na tila takot sa kanya, habang yapos nito ang sarili at patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata. Akmang aabutin sana ni Tristan ang mukha ng dalaga, ngunit mabilis na iniwas nito iyon na nakapagpatigil kay Tristan. Napabuntong hininga ito at bagsak ang balikat na lumabas na lamang sa silid na tila gulong gulo.Naiwan si Kiara sa silid na walang kibo habang nakatulala sa kawalan at patuloy sa pagluha. Mariin niyang naipikit ang mga mata at pakiramdam ay pagod na pagod ang sarili. Hindi lang dahil sa ginawa ni Tristan sa kanya kundi sa sobrang sakit ng kalooban. Gusto niyang sisihin ang diyos sa pakiramdam na pinabayaan na siya nito, ngunit naroon pa rin ang isiping hindi siya dapat nawawalan ng pag asa. Kung nagawa
ANB-34Puting kisame ang nabungaran ni Kiara pagmulat ng kanyang mga mata. Medyo namamanhid din ang pakiramdam n'ya sa kanyang kaliwang braso kaya bahagya niya iyong iniagat at napansin doon ang nakatusok na karayom ng kanyang dextrose. Bahagya niyang inangat ang kanyang katawan at inilinga niya ang paningin sa paligid upang tingnan kung may ibang kasama siya, ngunit walang ibang tao na naroon. Inayos niya ang kanyang pagkakahiga nang bumukas naman ang pinto at nakangiting mukha ng nurse ang pumasok. "Good morning. Mabuti naman at gising ka na. Ang haba ng tulog mo. Siguro dahil sa mga gamot na naiturok sa 'yo." "Bakit po? Anong nangyari at narito ako?" takang tanong niya. "High fever dala ng over fatigue. Saka mukhang stress ka kaya bumagsak ang katawan mo." So far okay ka naman. Kailangan mo lang talaga na magpahinga muna ng wasto." "Sino ang nagdala sa 'kin dito?" "Si Mr. Mondragon. Ibinilin ka naman niya sa 'min at baka mamaya lang narito na rin 'yon," "Gusto ko nang lumaba
ANB-35Sabi nang hinto, ano ba? Hold up 'to!" muling ulit na sigaw ng lalaki nang hindi kaagad huminto sa pagmamaneho ang driver. Mabilis na nilapitan ng isa pang kasama nang mga ito ang driver at tinutukan kaya napilitan ito na ihinto at igilid ang sasakyan. Walang kabahayan sa paligid. Tanging ang malalagong tanim na mais at tubo ang naroon. Tila bibihira rin ang mga biyaherong dumaraan doon kapag gan'ong oras."Diyos ko! Anong nangyayari?" sabi ng isang matanda na nasa kabilang upuan kung saan katapat ito ni Kiara. Napalingon si Kiara sa kanyang likuran at nakita ang dalawang lalaki pa roon na nakatayo habang nakatutok ang mga baril sa mga pasahero."Walang sisigaw at tatawag ng pansin, kung hindi sama sama kayong mamatay dito sa loob," banta pa ng isa na hindi kalayuan kay Kiara. Napalunok ng sariling laway si Kiara. Hindi ma-proseso ng kanyang isip ang takbo ng mga pangyayari. Bigla siyang natulala sa lalaking palapit sa kanyang harapan habang may bitbit ito na baril. "Maawa