ANB-32"Bakit ngayon ka lang? Ginabi ka yata sa pamamasyal mo?" Pormal at malamig na sabi ng tinig pagpasok pa lamang ni Kiara ng bahay. Nakatalikod ang nagsalita habang naka pamulsa ang mga palad sa suot nitong pants."Bakit may masama ba sa ginawa ko? Hindi ba at okay naman na ang paglabas ko? Saka bakit narito ka na? Napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba one week bago ka pa makakabalik," matabang at matapang na sagot dito ni Kiara. Hindi n'ya alintana kung malamig man ang pagsalubong nito sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya ay alam niya na wala naman siyang nilabag sa mga bagay na gusto nito.Humakbang siya papasok at akmang didiretso na sana sa pag akyat sa kanyang silid nang muli itong nagsalita na nagpatigil sa kanya sa paghakbang. "Hindi ka ba muna magpapaliwanag kung bakit ka late ngayon? Dis oras na ng gabi, ah? Hindi ito ang uwi ng isang disenteng babae," anito na ikinainis ng dalaga.Naglapat ng mariin ang mga labi ni Kiara at bahagyang naikuyom niya ang kanyang kamao. Ini
ANB-33Matapos angkinin si Kiara, ay walang salitang nag ayos ng sarili niya si Tristan. Hindi rin niya tinangka na tingnan ang babae habang nagbibihis s'ya. Bago tuluyang lumabas sa silid. Tinangka ni Tristan na lapitan si Kiara ngunit nagsumiksik ito sa gilid ng headboard na tila takot sa kanya, habang yapos nito ang sarili at patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata. Akmang aabutin sana ni Tristan ang mukha ng dalaga, ngunit mabilis na iniwas nito iyon na nakapagpatigil kay Tristan. Napabuntong hininga ito at bagsak ang balikat na lumabas na lamang sa silid na tila gulong gulo.Naiwan si Kiara sa silid na walang kibo habang nakatulala sa kawalan at patuloy sa pagluha. Mariin niyang naipikit ang mga mata at pakiramdam ay pagod na pagod ang sarili. Hindi lang dahil sa ginawa ni Tristan sa kanya kundi sa sobrang sakit ng kalooban. Gusto niyang sisihin ang diyos sa pakiramdam na pinabayaan na siya nito, ngunit naroon pa rin ang isiping hindi siya dapat nawawalan ng pag asa. Kung nagawa
ANB-34Puting kisame ang nabungaran ni Kiara pagmulat ng kanyang mga mata. Medyo namamanhid din ang pakiramdam n'ya sa kanyang kaliwang braso kaya bahagya niya iyong iniagat at napansin doon ang nakatusok na karayom ng kanyang dextrose. Bahagya niyang inangat ang kanyang katawan at inilinga niya ang paningin sa paligid upang tingnan kung may ibang kasama siya, ngunit walang ibang tao na naroon. Inayos niya ang kanyang pagkakahiga nang bumukas naman ang pinto at nakangiting mukha ng nurse ang pumasok. "Good morning. Mabuti naman at gising ka na. Ang haba ng tulog mo. Siguro dahil sa mga gamot na naiturok sa 'yo." "Bakit po? Anong nangyari at narito ako?" takang tanong niya. "High fever dala ng over fatigue. Saka mukhang stress ka kaya bumagsak ang katawan mo." So far okay ka naman. Kailangan mo lang talaga na magpahinga muna ng wasto." "Sino ang nagdala sa 'kin dito?" "Si Mr. Mondragon. Ibinilin ka naman niya sa 'min at baka mamaya lang narito na rin 'yon," "Gusto ko nang lumaba
ANB-35Sabi nang hinto, ano ba? Hold up 'to!" muling ulit na sigaw ng lalaki nang hindi kaagad huminto sa pagmamaneho ang driver. Mabilis na nilapitan ng isa pang kasama nang mga ito ang driver at tinutukan kaya napilitan ito na ihinto at igilid ang sasakyan. Walang kabahayan sa paligid. Tanging ang malalagong tanim na mais at tubo ang naroon. Tila bibihira rin ang mga biyaherong dumaraan doon kapag gan'ong oras."Diyos ko! Anong nangyayari?" sabi ng isang matanda na nasa kabilang upuan kung saan katapat ito ni Kiara. Napalingon si Kiara sa kanyang likuran at nakita ang dalawang lalaki pa roon na nakatayo habang nakatutok ang mga baril sa mga pasahero."Walang sisigaw at tatawag ng pansin, kung hindi sama sama kayong mamatay dito sa loob," banta pa ng isa na hindi kalayuan kay Kiara. Napalunok ng sariling laway si Kiara. Hindi ma-proseso ng kanyang isip ang takbo ng mga pangyayari. Bigla siyang natulala sa lalaking palapit sa kanyang harapan habang may bitbit ito na baril. "Maawa
ANB-36Isang malaki at malawak na abandonadong building ang pinagdalahan nang mga ito sa kanila na tila ginawang tirahan na rin nang mga ito. May mga sariling kwarto ang mga ito at nagtatalaga lang ng bantay na relyebo nilang pinagpapalitan kada limang oras."Dito ka muna miss flawless habang inihahanda pa namin ang espesyal na show mamaya," sabi ng lalaking tila pinuno nang mga ito. Sinenyasan nito ang lalaking may hawak sa kanya na ipasok siya sa silid."S-Sandali, anong gagawin n'yo sa 'kin? Pakawalan n'yo na ako rito!" samo niya sa mga ito. "Ano ka ba naman, miss. Hindi mo ba kami gustong kasama muna? Eh, hindi ka naman namin sinaktan, ah? Ayan oh, wala ka nga kahit na anong galos, eh! Kaya magpasalamat ka pa rin na tinatrato ka namin ng maayos. Ingat na ingat na nga kami sa 'yo, eh, tapos aangal ka pa." Itinuro nito ang higaang kahoy na nasa gilid. "Maupo ka muna doon at matulog para makapaghinga ka, para naman mamaya may lakas ka. Huwag kang mag-alala at sigurado naman na magug
ANB-37Halos ayaw ihakbang ni Kiara ang kanyang mga paa paakyat sa entabladong iyon, ngunit pilit siyang itinutulak ng lalaki. Hindi na rin n'ya napigil ang kanyang mga luha at nag uunahang pumatak iyon habang kagat niya ang pang ibabang labi. Tila wala na talaga siyang magagawa sa naka ambang kapalaran niya ngayong gabi. At nagsimula na rin siyang magsisi kung bakit umalis pa sa lugar na itinuring na niyang impyerno kung ang kasasadlakan lang din naman pala niya ay mas impyerno pa sa inakala niya. "Ano ba! Sayaw na!" hiyaw ng isang nasa harapan mismo ng stage na nakapag pabalik sa huwisyo ni Kiara. Natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harapan ng mga ito habang mahigpit na yapos ang kanyang sarili at nanginginig. "Tumatakbo ang oras, ano ba? At kapag hindi mo pa sinimulan ako ang magsisimula niyan!" muli ay hiyaw ng isa pang katabi nito. Napapikit si Kiara at hindi malaman kung ano ang gagawin. "Sayaw! Giling! Hu, hu!" hiyawan nang mga naroon. "Alisin mo 'yan!" Sigaw ng isa n
ANB-38Napansin ni Kiara ang ilang pasa sa mukha ni Gabby. May bakas rin ito ng sugat sa gawi ng kilay nito. Hindi niya tuloy maiwasan na isipin kung pinahirapan rin ba ito nang mga hangal na taong iyon. Tipid na ngiti ang gumuhit sa labi ni Gabby habang nakatitig sa kanya. Pilit itong itinutulak ng lalaking nasa likuran nito para sumunod sa kanya sa itaas ng entablado. "Ano ba! Bilis-bilisan mo nga!" Inis na utos ng lalaki at sabay palo sa binti ni Gabby kaya napaangal ito sa sakit at paiklay na sumunod sa utos nito, hanggang sa tuluyan itong makalapit sa tabi ni Kiara. Muling umingay ang paligid sa pingkian ng mga baso at hiyawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. "Kiara, okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila kanina?" Tanong ni Gabby na halos pabulong na lang. Sa halip na sumagot ay iling lang ang naitugon ni Kiara. Nakita niya ang relief na bumalatay sa mukha nito. At sumilay ang isang tipid na ngiti."Mabuti naman! Akala ko kasi pinahirapan ka nila. Pasensya ka na. Akala ko
ANB-39Nagkamalay ang dalaga na nakabalik na sa silid na kung saan siya ikinukulong nang mga taong dumukot sa kanila. Kasunod niyon ay muling bumalik siya sa alaala kung saan huli niyang natatandaan. Napabaling tuloy ang kanyang tingin sa paligid at nakita ang lalaking nakatalikod habang nakaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nakahubad baro ito habang nakayuko at sapo ang ulo. "S-Sino ka?" nabiglang tanong ni Kiara. Napahigpit ang hawak niya sa kumot na nakatakip sa katawan niya. Saka lang niya natuunan ng pansin na salatin ang sarili sa ilalim ng kumot matapos na maramdaman ang pagkiskis ng tela sa kanyang katawan. Noon niya napansin na wala siyang ibang saplot sa katawan maliban sa kanyang underwear. "S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito? A-Anong nangyari?" halos tumindig ang balahibo niyang tanong dito. Tila hindi n'ya matanggap sa isip ang posibilidad na iyon. Aya. Mas lalong napasuksok ang kanyang katawan sa malaki at matigas na pader. Unti-unti nag angat ng ulo ang lalak